Share

One Night, Forever Mine
One Night, Forever Mine
Penulis: Neko Kuroha

Prolugue

Penulis: Neko Kuroha
last update Tanggal publikasi: 2026-03-31 22:40:36

Marahang binuksan ni Luna ang pinto habang humihikab. Hindi planado ang pag-uwi niya nang maaga—gusto pa sana niyang magpalipas ng oras sa trabaho para iwasan ang katahimikan ng condo nila ni Mark, pero dahil sa biglaang ulan at kanseladong meeting, napilitan siyang umuwi.

She’s really tired like hell!

“Mark?” tawag niya habang inaalis ang sapatos, ngunit walang sumagot.

Napakunot ang noo niya. Tahimik ang buong unit—na nagbigay ng munting kaba sa kaniyang dibdib.

“Mark, andito na ako,” dagdag niya, pero lalo lang lumalim ang katahimikan.

Hanggang sa may narinig siya. Isang mahinang ungol. Isang halakhak na hindi pamilyar sa kaniyang pandinig.

Nanlamig ang buong katawan niya.

“Mark…?” mas mahina na ngayon ang boses niya habang papalapit sa kwarto.

Dahan-dahan niyang itinulak ang pinto—at lantaran niyang nakita ang dalawang bulto sa ibabaw ng kaniyang kama.

Si Mark, na walang saplot, at nakaibabaw sa babaeng ngayon lamang niya nakita.

“Luna—” gulat na sabi ni Mark habang nagmamadaling bumangon. Ang kasama nitong babae ay hindi magkamayaw sa pagtakip ng kumot sa hubad nitong katawan.

Hindi agad nakagalaw si Luna. Nakatayo lang siya sa pintuan, nakatitig sa lalaking pinanghawakan niya sa loob ng apat na taon...

“Mali ang iniisip mo,” mabilis na bwelta ni Mark habang nagmamadaling magbihis.

Pagak na natawa si Luna—isang tunog na kahit siya, hindi niya nakilala.

“Talaga?” nanginginig niyang sagot. “Kasi mukhang malinaw naman sa’kin ang nakikita ko.”

“Please, makinig ka—”

“Don’t,” putol niya, itinaas ang kamay sa harapan nito. “Huwag kang lalapit.”

“Luna, nagkamali lang ako. It didn’t mean anything.”

Napailing siya, pilit pinipigilan ang luha. “Mas okay ba ‘yon? Na wala lang sa’yo?”

Tahimik si Mark, at iyon ang pinakamasakit.

“Four years, Mark…” mahina niyang sabi. “Apat na taon… tapos ‘wala lang’?”

“Hindi mo kasi ako naiintindihan,” sagot nito, bahagyang napataas ang boses. “You’ve been distant—lagi kang pagod, lagi kang wala—”

“Ah,” natawa siya ulit, mas mapait. “Kasalanan ko pa?”

“Hindi ko sinasabi na—”

“Pero ‘yon ang ibig mong sabihin!” pagputol niya sa sinasabi nito.

Huminga siya nang malalim, pero hindi iyon naging sapat para pigilan ang sakit na nararamdaman niya.

“Alam mo kung ano ang mas nakakatawa?” dagdag niya. “Pinaplano ko na yung kasal natin.”

Napatingin si Mark sa kanya, pero wala na siyang pakialam.

“Pinipilit kong paniwalaan na kahit pagod ako, kahit nawawala na ako… okay lang. Kasi ikaw ‘yan.”

Saglit siyang napahinto, saka dahan-dahang tumango. “Pero mukhang ako lang pala ang naniniwala.”

“Luna…” mahinang sambit ni Mark

That's it! Hindi na kayang titigan ni Luna ang pagmumukha ng lalaking nanloko sa kaniya.

Tinalikuran niya ito. There’s no point of arguing with him.

“Where are you going?” natatarantang tanong nito.

Huminto siya saglit, pero hindi lumingon. “Kahit saan,” sagot niya. “Basta hindi dito.”

“Luna, please—pag-usapan natin ‘to—”

“Wala na tayong pag-uusapan,” putol niya, at tuluyan na siyang lumabas ng kwarto.

How funny. It's her place. Pero siya talaga itong aalis.

Sa labas, bumubuhos ang ulan, at doon siya tuluyang bumigay. Hindi siya sumigaw. Hindi siya nagwala. Pero habang naglalakad siya nang walang direksyon, pakiramdam niya unti-unting may napuputol sa loob niya.

“Ayoko na,” bulong niya sa sarili, nanginginig ang boses. “Kahit isang gabi lang… ayoko na maramdaman ‘to.”

Hindi niya alam kung saan siya pupunta hanggang sa mapadpad siya sa isang bar—isang lugar na hindi niya naman talaga pinupuntahan.

Umupo siya sa sulok, agad nag-order.

“Another one,” sabi niya sa bartender matapos ubusin ang unang baso.

Tiningnan siya nito. “Sigurado ka, miss?”

Hindi napigilang magtaas ni Luna ng kilay. “Mukha ba akong manloloko? Hindi ako manloloko! Siya ang nanloko sa akin!”

Tuloy ay napakamot ang bartender sa ulo nito.

“Siraulo ‘yon! Buti na lang hindi pa kami kasal!”

“A-Ah, sige. Bibigyan pa kita ng isa,” sambit ng bartender na mukhang naguguluhan na sa kaniya.

“Make it strong.” Sunod-sunod ang inom niya, parang sinusubukang lunurin ang sakit na ayaw siyang pakawalan.

“Hindi ka mukhang sanay dito,” biglang sabi ng isang boses sa tabi niya.

Napatingin siya. Isang lalaki ang nakaupo roon—kalmado, maayos ang pananamit na mukhang galing pa sa business meeting, at may presensyang hindi niya maipaliwanag.

She arched her brow. “At ikaw? Mukha ka bang sanay?”

Bahagyang ngumiti ang lalaki. “I come here when I need to forget.”

Napatawa si Luna nang mahina. “Same.”

“I’m Adrian,” sabi nito.

“Luna,” sagot niya.

Tahimik sila sandali, iyong hindi awkward—parang parehong pagod lang.

“Bad breakup?” diretsong tanong nito.

Napatawa siya nang mapait. “Engaged ako,” sagot niya.

Saglit na natahimik ang lalaki bago sumagot.

“Was.”

Napatingin siya dito, saka dahan-dahang tumango. “Was,” ulit niya sa mahinang boses.

“Then don’t think about it tonight,” sabi ni Adrian, mababa ang boses. “Just forget.”

Napalunok si Luna. Delikado ang alok na iyon, at alam niya iyon.

Hindi siya ganitong klase ng tao. Hindi siya yung basta-basta papasok sa ganito. Pero pagod na siya—pagod na siyang maging tama, pagod na siyang masaktan.

“Just tonight,” sabi niya sa wakas. “Walang bukas.”

Tinitigan siya ni Adrian. “Sigurado ka?” tanong nito. “Kasi hindi ako sanay sa kalahati lang.”

Napakurap siya, bahagyang natawa. “Don’t worry,” sagot niya. “Kaya kong panindigan.”

“Alright,” sagot nito, bahagyang ngumiti. “Your rules.”

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • One Night, Forever Mine   Chapter 52

    Hindi na ganoon ka-normal ang mga sumunod na araw. Hindi man halata, pero pareho pa rin silang pumapasok, nagtatrabaho, nakikipag-usap ng maayos. Ngunit hindi nila maikaila na mas nadagdagan lamang ang mga haka-haka patungkol sa kanila.Mas maraming tingin na tumatagal ng kaunti, mas maraming usapan na biglang napuputol kapag dumadaan siya sa hallway. Minsan, may naririnig siyang mahihinang bulong na hindi niya na kailangang intindihin para malaman kung tungkol saan. Isang beses, habang dumadaan siya sa hallway, may dalawang empleyado na biglang tumahimik. “Sila na ba talaga?” mahinang bulong ng isa, sapat lang para marinig niya. Hindi siya lumingon. Dumiretso lang siya, parang wala siyang narinig. Mas madali kung ganun. Bandang hapon, nasa pantry siya kasama si Jenna, hawak ang kape, pilit sinasabay ang sarili sa normal na usapan. “—tapos sabi niya hindi raw niya nakita yung e-mail,” kwento ni Jenna, mas mababa ang boses kaysa dati. “As in, hindi raw talaga.” Napatawa si Luna n

  • One Night, Forever Mine   Chapter 51

    Maagang nagising si Luna kahit kulang sa tulog. Ilang segundo siyang nakahiga, nakatingin sa kisame, tapos napapikit ulit na parang umaasang makakatulog pa siya—pero wala rin. Bumabalik lang sa kanya ang nangyari kagabi. The way Adrian held her... it was really something. Hindi naman malabong mangyari iyon. Lalo na’t sa iisang bahay sila nakatira. Pero ramdam niyang walang anumang nararamdaman para sa kanya si Adrian. It was all purely business for him. Given how strategic he is, Luna doubted that. Napabuntong-hininga siya, saka napilitang bumangon at umupo. May pasok pa siya sa araw na iyon. Paglabas niya ng kwarto, may naamoy agad siya—pritong itlog at tinapay. Napahinto siya sandali bago sumilip sa kusina, at doon niya naabutan si Adrian sa harap ng stove, naka-roll up ang mga manggas nito habang hawak ang spatula. Napalingon ito nang maramdaman siya. “Gising ka na.” Tumango si Luna. “Yeah. N-Nagluluto ka?” “Once in a while,” kaswal na sagot nito. Napangiti si Luna. “Hindi

  • One Night, Forever Mine   Chapter 50

    Luna took a deep breath as she do the dishes at the sink. Pilit man niyang pinakakalma ang sarili ay hindi niya magawa. At paano siya kakalma? Kung nasa likuran lamang niya si Adrian? Para itong nanunuod ng palabas sa T.V. kung makatitig sa kanya. Hindi pa rin ito umaalis sa kinauupuan nito. Paminsan-minsan ay magse-cellphone ito. At mas mahaba pa ang panahon nitong panuorin siyang maghugas ng pinggan. “Hindi ka pa matutulog?” tanong ni Luna ng hindi lumilingon. Kailangan may mapag-usapan man lang sila! Kahit malakas ang lagaslas ng tubig mula sa gripo ay parang mababaliw naman siya sa sobrang tahimik. Mukhang hindi talaga siya masasanay sa tahimik na mundo ni Adrian.“Mamaya na,” kaswal na sagot nito saka muling nagpipindot sa cellphone. Hindi na malaman ni Luna kung pang-ilang buntong-hininga na niya iyon. Konti lang ang hugasan niya, pero pakiwari niya ay sobrang tagal na niya sa harap ng lababo. “Pwede naman bukas mo na lang ‘yan gawin.” Umiling si Luna habang panay ang ku

  • One Night, Forever Mine   Chapter 49

    Tahimik lang ang kusina pagkatapos nilang kumain. Naiwan pa sa mesa yung ilang pinagkainan nila, pero wala namang nagmamadaling magligpit. Si Luna, nakasandal sa upuan, hinihimas ang leeg niya na parang pagod pa rin mula sa trabaho, habang si Adrian naman ay nakatingin lang sa mesa, paikot-ikot ang daliri sa baso nito. “Ang tahimik,” pasaring ni Luna. Napatingin sa kanya si Adrian. “Ikaw nga ang tahimik.” She arched her brow. “Ha? Ako pa ang tahimik?” Bahagyang napangiti si Adrian. “Usually mas maingay ka.” “Depende,” sagot niya. “Kung may kausap.” “Wala ka bang kausap ngayon?” “Meron naman, ah.” Hindi agad sumagot si Adrian. “Busy ka lang siguro,” dagdag ni Luna, sabay iwas ng tingin. “Hindi...”Napatingin ulit si Luna sa lalaki. At pinagsisihan niya iyon dahil titig na titig ito sa kanya.Biglang bumilis ang pagtahip ng kanyang dibdib. “Hindi ako busy,” dagdag ni Adrian na mas nililinaw ang ibig nitong sabihin. Napabuntong-hininga si Luna at tumayo. Kaysa naman manatili

  • One Night, Forever Mine   Chapter 48

    Gabi na ng makauwi si Luna. Pagpasok pa lang niya ng bahay ay sinalubong siya ng katahimikan agad—walang TV, walang music, tipong naririnig pa niya ang sarili niyang mga yabag. Inilapag niya ang kanyang handabag sa single couch at hinubad ang sapatos. She felt more relaxed by letting her feet touching the carpeted floor. Dumiretso siya sa kusina para kumuha ng tubig. Pagbukas niya ng ref, saka niya napansin na may ilaw sa dining area. Hindi niya iyon napansin kanina. Nandoon si Adrian, nakasandal sa upuan habang may hawak na baso ng malamig na tubig, nakataas ang manggas ng polo nito at medyo gusot na, parang kakauwi lang din. “Akala ko tulog ka na,” sabi ni Luna habang umiinom ng tubig. Napatingin si Adrian sa kanya. “Kadarating ko lang.” “Ah,” sagot niya at marahang tumango. “Same.” Isinara niya ang ref at lumapit sa dining table. Tumayo lang siya roon—nakahawak lang sa sandalan ng upuan, parang nag-iisip kung aakyat na ba siya o hindi. “Kumain ka na?” tanong niya. Umiling s

  • One Night, Forever Mine   Chapter 47

    Hindi agad nakapag-focus si Luna sa trabaho. Nakabukas ang laptop niya, may email na napapangalahati pa lang niyang nabasa, pero ilang minuto na siyang nakatitig lang sa screen. May nag-uusap sa likod niya, may tumatawa sa kabilang desk, may sunod-sunod na tunog ng mga keyboard—isang normal na ingay ng umaga, pero parang hindi siya makasabay. Napabuga siya ng hangin at hinilot sandali ang sentido niya bago muling tumingin sa screen. “Luna.” Napalingon siya. Nakatayo si Jenna sa gilid ng desk niya, may hawak na naman itong kape. “Kanina ka pa diyan,” sabi nito. “Okay ka lang?” “Hmm? Oo,” sagot niya, saka bahagyang ngumiti. “Nag-iisip lang.” “Work?” tanong ni Jenna. Saglit siyang tumingin sa screen. “Oo… ganun na nga...” Tumingin si Jenna sa glass office ni Adrian, saka bumalik sa kanya. “Sure?” Napailing si Luna. “Ano ba, Jenna?” Napangiti si Jenna. “Sige na nga,” sabi nito bago tuluyang bumalik sa desk nito.Ilang minuto pa ang lumipas bago tumayo si Luna. Kinuha niya yung

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status