MasukHindi naging madali ang umaga para kay Luna. Halos wala siyang tulog, at kahit ilang beses niyang sinubukang kumbinsihin ang sarili na tapos na ang lahat, paulit-ulit pa ring bumabalik sa isip niya ang nangyari kagabi—ang bar, ang alak, at ang lalaking pinili niyang hindi na sana makita ulit.
“You’re fine,” mahina niyang bulong sa sarili habang nakatingin sa salamin, inaayos ang buhok niya. “One night lang ‘yon. Move on.” Ngunit kahit anong pilit niyang maging kalmado, may kung anong hindi mapakali sa loob niya. Pagdating niya sa opisina, sinalubong siya ng ingay ng mga katrabaho niya na tila may inaabangan. “Good morning, Luna,” bati ng isa habang naglalakad siya papasok. “Ang aga mo ah.” “May kailangan lang tapusin,” sagot niya at pilit ngumiti. “Alam mo ba?” dagdag nito at bahagyang bumaba ang boses. “Darating daw ngayon yung bagong CEO.” Napahinto si Luna. “CEO?” “Oo,” sagot nito, halatang excited. “Biglaan daw. Hindi pa nga kilala ng karamihan eh, pero sabi nila, sobrang galing at… intimidating.” Napalunok si Luna kahit hindi niya alam kung bakit. “May meeting daw mamaya. Required lahat,” dagdag pa ng katrabaho niya. Tumango lang siya. “Okay.” Ngunit habang lumilipas ang oras, lalong lumalakas ang kaba niya—isang kaba na wala namang malinaw na dahilan. Hanggang sa dumating ang oras ng meeting. Punong-puno ang conference room ng mga empleyado, at halos lahat ay nag-uusap tungkol sa bagong CEO. Tahimik lang si Luna sa gilid, hawak ang notebook niya, pilit inuuna ang trabaho kaysa sa kung anong nararamdaman niya. “Excited ka?” bulong ng katabi niya. “Not really,” maikli niyang sagot. Ngunit bago pa siya makapag-isip pa ay bumukas na ang pinto. At sa isang iglap, parang huminto ang mundo niya. Pumasok ang isang lalaki—matangkad, mestizo, at may presensyang agad pumuno sa buong silid. Nanlaki ang mata ni Luna habang nakatitig dito. “Impossible…” mahina niyang bulong. Siya iyon. Walang duda. Si Adrian. “Good morning,” sabi nito, malamig ngunit malinaw ang boses, sapat para patahimikin ang buong opisina. “I’ll keep this short. I’m Adrian Vale. From today onwards, I’ll be taking over as CEO.” Parang nawalan ng hangin si Luna. CEO? Siya? Ang lalaking kasama niya kagabi… ang lalaking akala niya ay isang estranghero lang… siya pala ang pinakamakapangyarihang tao sa kompanyang pinagtatrabahuhan niya. Habang nagpapatuloy ang meeting, wala nang narinig si Luna. Nakatingin lang siya kay Adrian, pilit pinoproseso ang lahat. Ngunit parang naramdaman nito ang tingin niya, dahil sa kalagitnaan ng meeting— “Ms. Reyes,” tawag nito. Napapitlag si Luna at agad na napatingin sa kanya. Lahat ng mata sa kwarto ay napunta sa kanya. “Y-Yes, Sir?” sagot niya, pilit kinakalma ang boses kahit ramdam niya ang kaba. “Your report,” sabi ni Adrian. “You submitted it last week, correct?” Napalunok siya. “Yes, Sir.” “Good,” sagot nito. “I want you to walk us through it.” Nanlaki ang mata ni Luna. “Right now?” “Is there a problem?” balik nito, bahagyang tinaas ang kilay. “N-No, Sir,” mabilis niyang sagot. “I’ll do it.” Tumayo siya at naglakad papunta sa harap, pilit kinokontrol ang sarili. Sa bawat hakbang niya, ramdam niya ang bigat ng mga tingin ng mga tao—at higit sa lahat, ang presensya ni Adrian. “Start,” utos nito. Huminga siya nang malalim at nagsimulang magsalita. Sa bawat salita, pilit niyang tinatanggal sa isip ang nangyari kagabi. Focus, ulit niya sa sarili. Trabaho lang ‘to. Ngunit sa bawat pagkakataon na mapapatingin siya kay Adrian, parang bumabalik ang lahat—ang boses nito, ang titig nito, ang gabing pilit niyang kinakalimutan. “Enough.” Napahinto siya at napatingin kay Adrian. Nanikip ang dibdib niya, mukhang nagkamali yata siya. Ngunit sa halip na punahin ay bahagyang tumango ang lalaki. “It’s good,” sabi nito. “Improve the data projections, but overall—acceptable.” Napakurap si Luna. “Thank you, Sir,” sagot niya, halos hindi makapaniwala. “Sit down,” dagdag nito. Bumalik siya sa upuan, ramdam pa rin ang bilis ng tibok ng puso niya. Matapos ang meeting, isa-isa nang lumabas ang mga tao. “Grabe, ang gwapo ng CEO,” bulong ng isa. “Oo nga, pero nakakatakot,” sagot ng isa pa. Tahimik lang si Luna. Hindi niya alam kung anong mas matimbang—ang shock o ang katotohanang boss niya ang lalaking umangkin sa kaniya kagabi. “Ms. Reyes.” Nanigas siya mula sa kinatatayuan. Dahan-dahan siyang napalingon. Nakatayo si Adrian sa likod niya. At mag-isa na lang sila sa loob ng conference room. “Yes, Sir?” aniya. Lumapit ito. Isang hakbang. Dalawa. Hanggang sa huminto ito sa harap niya—maliit na maliit ang distansya sa pagitan nila. “So,” mababa nitong sabi, nakatingin diretso sa kanya, “walang bukas, huh?” Nanlaki ang mata ni Luna. “Sir, I—” sisimulan sana niya, pero agad siyang napahinto. “Relax,” putol nito, bahagyang ngumiti. “I’m not here to embarrass you.” Napahigpit ang hawak niya sa notebook. “Then what do you want?” tanong niya, hindi na maitago ang tensyon sa boses niya. Saglit siyang tinitigan ni Adrian, matagal, parang sinusukat ang reaksyon niya. “At first, I was willing to forget,” sabi nito. .Napalunok si Luna. “But now…” dagdag nito sa mas mababang boses, “that might be a problem.” “Why?” halos pabulong niyang tanong. Bahagyang yumuko si Adrian, inilapit ang mukha sa kanya, sapat para maramdaman niya ang init ng hininga nito. “Because,” mabagal nitong sabi, “you work for me.”Hindi na ganoon ka-normal ang mga sumunod na araw. Hindi man halata, pero pareho pa rin silang pumapasok, nagtatrabaho, nakikipag-usap ng maayos. Ngunit hindi nila maikaila na mas nadagdagan lamang ang mga haka-haka patungkol sa kanila.Mas maraming tingin na tumatagal ng kaunti, mas maraming usapan na biglang napuputol kapag dumadaan siya sa hallway. Minsan, may naririnig siyang mahihinang bulong na hindi niya na kailangang intindihin para malaman kung tungkol saan. Isang beses, habang dumadaan siya sa hallway, may dalawang empleyado na biglang tumahimik. “Sila na ba talaga?” mahinang bulong ng isa, sapat lang para marinig niya. Hindi siya lumingon. Dumiretso lang siya, parang wala siyang narinig. Mas madali kung ganun. Bandang hapon, nasa pantry siya kasama si Jenna, hawak ang kape, pilit sinasabay ang sarili sa normal na usapan. “—tapos sabi niya hindi raw niya nakita yung e-mail,” kwento ni Jenna, mas mababa ang boses kaysa dati. “As in, hindi raw talaga.” Napatawa si Luna n
Maagang nagising si Luna kahit kulang sa tulog. Ilang segundo siyang nakahiga, nakatingin sa kisame, tapos napapikit ulit na parang umaasang makakatulog pa siya—pero wala rin. Bumabalik lang sa kanya ang nangyari kagabi. The way Adrian held her... it was really something. Hindi naman malabong mangyari iyon. Lalo na’t sa iisang bahay sila nakatira. Pero ramdam niyang walang anumang nararamdaman para sa kanya si Adrian. It was all purely business for him. Given how strategic he is, Luna doubted that. Napabuntong-hininga siya, saka napilitang bumangon at umupo. May pasok pa siya sa araw na iyon. Paglabas niya ng kwarto, may naamoy agad siya—pritong itlog at tinapay. Napahinto siya sandali bago sumilip sa kusina, at doon niya naabutan si Adrian sa harap ng stove, naka-roll up ang mga manggas nito habang hawak ang spatula. Napalingon ito nang maramdaman siya. “Gising ka na.” Tumango si Luna. “Yeah. N-Nagluluto ka?” “Once in a while,” kaswal na sagot nito. Napangiti si Luna. “Hindi
Luna took a deep breath as she do the dishes at the sink. Pilit man niyang pinakakalma ang sarili ay hindi niya magawa. At paano siya kakalma? Kung nasa likuran lamang niya si Adrian? Para itong nanunuod ng palabas sa T.V. kung makatitig sa kanya. Hindi pa rin ito umaalis sa kinauupuan nito. Paminsan-minsan ay magse-cellphone ito. At mas mahaba pa ang panahon nitong panuorin siyang maghugas ng pinggan. “Hindi ka pa matutulog?” tanong ni Luna ng hindi lumilingon. Kailangan may mapag-usapan man lang sila! Kahit malakas ang lagaslas ng tubig mula sa gripo ay parang mababaliw naman siya sa sobrang tahimik. Mukhang hindi talaga siya masasanay sa tahimik na mundo ni Adrian.“Mamaya na,” kaswal na sagot nito saka muling nagpipindot sa cellphone. Hindi na malaman ni Luna kung pang-ilang buntong-hininga na niya iyon. Konti lang ang hugasan niya, pero pakiwari niya ay sobrang tagal na niya sa harap ng lababo. “Pwede naman bukas mo na lang ‘yan gawin.” Umiling si Luna habang panay ang ku
Tahimik lang ang kusina pagkatapos nilang kumain. Naiwan pa sa mesa yung ilang pinagkainan nila, pero wala namang nagmamadaling magligpit. Si Luna, nakasandal sa upuan, hinihimas ang leeg niya na parang pagod pa rin mula sa trabaho, habang si Adrian naman ay nakatingin lang sa mesa, paikot-ikot ang daliri sa baso nito. “Ang tahimik,” pasaring ni Luna. Napatingin sa kanya si Adrian. “Ikaw nga ang tahimik.” She arched her brow. “Ha? Ako pa ang tahimik?” Bahagyang napangiti si Adrian. “Usually mas maingay ka.” “Depende,” sagot niya. “Kung may kausap.” “Wala ka bang kausap ngayon?” “Meron naman, ah.” Hindi agad sumagot si Adrian. “Busy ka lang siguro,” dagdag ni Luna, sabay iwas ng tingin. “Hindi...”Napatingin ulit si Luna sa lalaki. At pinagsisihan niya iyon dahil titig na titig ito sa kanya.Biglang bumilis ang pagtahip ng kanyang dibdib. “Hindi ako busy,” dagdag ni Adrian na mas nililinaw ang ibig nitong sabihin. Napabuntong-hininga si Luna at tumayo. Kaysa naman manatili
Gabi na ng makauwi si Luna. Pagpasok pa lang niya ng bahay ay sinalubong siya ng katahimikan agad—walang TV, walang music, tipong naririnig pa niya ang sarili niyang mga yabag. Inilapag niya ang kanyang handabag sa single couch at hinubad ang sapatos. She felt more relaxed by letting her feet touching the carpeted floor. Dumiretso siya sa kusina para kumuha ng tubig. Pagbukas niya ng ref, saka niya napansin na may ilaw sa dining area. Hindi niya iyon napansin kanina. Nandoon si Adrian, nakasandal sa upuan habang may hawak na baso ng malamig na tubig, nakataas ang manggas ng polo nito at medyo gusot na, parang kakauwi lang din. “Akala ko tulog ka na,” sabi ni Luna habang umiinom ng tubig. Napatingin si Adrian sa kanya. “Kadarating ko lang.” “Ah,” sagot niya at marahang tumango. “Same.” Isinara niya ang ref at lumapit sa dining table. Tumayo lang siya roon—nakahawak lang sa sandalan ng upuan, parang nag-iisip kung aakyat na ba siya o hindi. “Kumain ka na?” tanong niya. Umiling s
Hindi agad nakapag-focus si Luna sa trabaho. Nakabukas ang laptop niya, may email na napapangalahati pa lang niyang nabasa, pero ilang minuto na siyang nakatitig lang sa screen. May nag-uusap sa likod niya, may tumatawa sa kabilang desk, may sunod-sunod na tunog ng mga keyboard—isang normal na ingay ng umaga, pero parang hindi siya makasabay. Napabuga siya ng hangin at hinilot sandali ang sentido niya bago muling tumingin sa screen. “Luna.” Napalingon siya. Nakatayo si Jenna sa gilid ng desk niya, may hawak na naman itong kape. “Kanina ka pa diyan,” sabi nito. “Okay ka lang?” “Hmm? Oo,” sagot niya, saka bahagyang ngumiti. “Nag-iisip lang.” “Work?” tanong ni Jenna. Saglit siyang tumingin sa screen. “Oo… ganun na nga...” Tumingin si Jenna sa glass office ni Adrian, saka bumalik sa kanya. “Sure?” Napailing si Luna. “Ano ba, Jenna?” Napangiti si Jenna. “Sige na nga,” sabi nito bago tuluyang bumalik sa desk nito.Ilang minuto pa ang lumipas bago tumayo si Luna. Kinuha niya yung







