Share

Chapter 6

Author: eleb_heart
last update publish date: 2026-07-21 10:14:28

NANGINGINIG ANG mga kamay at hindi mapakali ang mga paa ni Maxene habang nakaupo sila sa sala ng bahay ng lalaki. Hindi na siya nito hinayaan pa na makaalis kanina at talaga kinarga nito ang dalawa niyang anak at tumalikod mula sa kaniya. Wala na siyang nagawa pa kundi ang sundan na lang ito habang tumutulo ang luha.

Bago sila umalis sa airport ay may isang babae itong sinundo doon at sa mukha pa lang ng babae nang makita sila nito ay napuno na kaagad ng pagkamuhi ang mga mata dahilan para malaman niya kaagad kung sino ito sa buhay ng lalaki idagdag pa na hinalikan nito kanina ang lalaki sa labi.

Napakabilis ng pangyayari at ngayon ay nasa bahay na sila nito. Hindi ito nag-aksaya ng panahon at mabilis nitong isinakay ang dalawa niyang anak sa kotse nito kasama siya. Si Dorie ay nasa kabilang kotse dala nito ang kanilang mga bagahe. Sa totoo lang ay kanina pa siya na-aawkwardan sa paligid ngunit wala siyang magawa.

Ang kanyang mga anak ng mga oras na iyon ay nasa pangangalaga ni Dorie sa may second floor. Nanatili siyang nakayuko ngunit ramdam na ramdam niya ang matalim na mga titig ng dalawa sa kaniya hanggang sa tuluyan niyang narinig ang tinig ng lalaki. “Hindi ka ba talaga magsasalita?” may bahid ng inis na tanong nito sa kaniya na dahilan kung bakit napakuyom ang kanyang mga kamay.

Bakit ba parang ito pa ang may ganang magalit sa kaniya? Dahil ba itinago niya ang mga anak niya mula rito?

NAPABUNTONG-hininga naman si Finn at pagkatapos ay napahilot sa kanyang sentido. Hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa nalaman niya na may anak na pala siya at hindi lang isa kundi dalawa sila. Nang oras na makita niya ang mga ito at mahakawakan niya sa sarili niyang mga kamay ay wala siyang ibang naramdaman kundi ang kasiyahan. Masaya siya at hindi niya alam kung saan nanggagaling ang saya na iyon. Dahil ba hindi mawawala sa kaniya ang lahat?

Ilang sandali pa ay nilingon niya si Beatrice na hindi rin maipinta ang mukha. Alam niyang galit ito ngunit hindi iyon ang tamang oras para suyuin niya ito dahil marami silang dapat pag-usapan ng ina ng mga anak niya. Idagdag pa na kailangan na niyang tawagan ang abogado ng kanilang pamilya. Tiyak na hindi ito kaagad maniniwala kaya ipapa-DNA test niya ang dalawa kahit na sigurado siya na anak niya nga ang mga ito lalo pa at alam niya na noong gabing iyon ay wala talaga siyang ginamit na proteksyon.

Paniguradong hindi lang ito ang magugulat kundi pati na rin sigurado ang mga kaibigan niya. Hindi niya tuloy maiwasang hindi isipin kung alam ba nina Vena ang tungkol sa mga anak niya at kung alam ba ng mga ito na siya ang ama ng anak ng kaibigan nito. Gusto niya din itong tanungin tungkol dito dahil hindi pwedeng hindi.

“Pwede bang iwan mo muna kami?” suyo niya kay Beatrice. Alam niya na hindi sila makakapag-usap ng maayos kung naroon ito kaya kailangan niya muna itong paalisin.

Mas naging pangit pa naman ang mukha nito dahil sa sinabi niya at hindi nito itinago ang pagkadismaya nang magtama ang kanilang mga mata. “Ako pa talaga ang paalisin mo Finn? I needed an explanation too.” may halong hinanakit na sabi nito sa kaniya.

Alam niya na may karapatan din naman itong malaman ang totoo ngunit hindi naman siya naglihim dito dahil maging siya ay ngayon niya lang din naman nalaman ang totoo kaya wala din siyang kaalam-alam. Muli siyang humugot ng malalim na buntong-hininga. “Kailangan muna naming mag-usap. Kakausapin din kita mama—” hindi pa man niya natatapos ang kanyang sinasabi nang bigla na lang itong tumayo.

“Fine!” sigaw nito at tumalikod at naglakad palabas na hindi na lumilingon pa. Dahil dito ay mas lalo lang sumasakit ang ulo niya dahil napakarami niyang problema ngayon kahit na yung pinaka-problema niya ay na-solusyunan na.

Napasandal na lang siya sa kanyang kinauupuan at napahilot sa kanyang sentido. Sumasakit na ang ulo niya at pakiramdam niya ay doon pa lang umi-epekto ang alak na ininom niya sa kasal kanina. Ilang sandali pa ay tumayo na rin siya at nilingon ang babaeng nasa harap niya na nakayuko pa rin at mukhang guilty sa ginawa nito. “Kung ayaw mong makipag-usap sa akin ngayon, fine. Pero mamayang gabi, I want all your excuses sa pagtatago sa akin sa mga anak ko.” sabi niya at humakbang na ngunit muli siyang tumigil. “And also, kung tatangkain mong itakas na naman ang dalawa, sinisiguro ko na kapag nahuli kita ay hinding-hindi mo na sila makikita pa.” banta niya rito at tuluyan nang umalis sa harap nito. Kailangan niya munang magpahinga at ibabad ang sarili niya sa malamig na tubig upang magising ang bawat ugat sa katawan niya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • One Night Mistake: THE BILLIONAIRE TWINS   Chapter 16

    HINDI ALAM NI Maxene kung ilang oras nang dilat ang kanyang mga mata ngunit hindi siya makatulog. Nakailang ikot na rin siya sa kanyang higaan ngunit kahit na anong pilit niya sa sarili niya na matulog ay hindi ito nakikinig sa kaniya. Paano ba naman siya makakatulog ay anong oras na ngunit hindi pa rin umuuwi si Finn at hindi niya mapigilang isipin kung nasaan ito kahit na alam niyang wala siyang karapatan ngunit sadyang hindi niya lang talaga mapigilan ang kanyang sarili.Ilang sandali pa ay nasabunutan na lang niya ang kanyang sarili. “Bakit mo ba kasi siya iniisip ha?” pagalit niya sa kanyang sarili at pagkatapos ay marahang sinampal-sampal ang kanyang pisngi. “Gumising ka nga Maxene! Hindi ka pa natutulog pero nananaginip ka na yata!” dagdag pa niya na parang isang baliw habang kinakausap ang sarili.Paano nga kasi ang gagawin niya kung kahit na ayaw niyang isipin ito ay naiisip niya ito. Nasaan kaya ito? Hindi kaya nagkita sila ng girlfriend nito at— umiling-iling siya at pilit

  • One Night Mistake: THE BILLIONAIRE TWINS   Chapter 15

    HINDI NAMAMALAYAN ni Finn ang oras at nang tingnan niya ang kanyang suot na relo ay alas sais na pala ng gabi. Nang tumingin siya sa labas ng bintana ay nakita nga niya na madilim na pala sa labas. Napahilot siya sa kanyang sentido, sa dami ng iniisip niya at ginagawa ay masyado na siyang nalibang doon.Ilang sandali pa nga ay pinag-isipan niya pa kung uuwi na muna siya o didiretso na kay Beatrice. Pakiramdam niya ay gusto na niya kaagad umuwi lalo pa at may uuwian siyang mga anak niya. Kapag kinakarga niya ang mga ito ay nagiging masaya ang loob niya. Alam niya na masaya din ang mga ito katulad niya kaya ganun din siya.Pero dahil kakain lang naman sila ni Beatrice ay nagpasya na lang siya na doon na muna dumiretso. Mamaya na lang siya uuwi at didiretso na lang siya sa mga ito mamaya at siisguruhin niya na hindi siya magtatagal doon. Tumayo na siya mula sa kanyang upuan at isininop sandali ang mga papeles na nasa ibabaw ng kanyang mesa at pagkatapos ay tuluyan nang dinampot ang kanya

  • One Night Mistake: THE BILLIONAIRE TWINS   Chapter 14

    NAHILA SIYA MULA sa kanyang pag-iisip nang muli na namang may kumatok sa kanyang opisina. Bago pa man siya makapagsalita ay bigla na lang bumukas ang pinto at eksaktong nagmulat siya ng kanyang mga mata. Nakita niya si Beatrice na pumasok mula sa pinto. Natigilan siya sandali nang makita ito. Oo nga pala, dumating na ito. Para niyang nakalimutan bigla ang existence nito dahil kay Maxene.Agad na nalukot ang mukha ni Beatrice nang makita niya ang malamig na mga mata ni Finn na tumingin sa kaniya. Kagabi pa siya naghihintay ng tawag nito o kahit na isang text man lang para i-update sana siya kahit na hindi na siya suyuin nito ngunit wala siyang nahintay. Sobrang sama ng loob niya kaya naghintay pa siya ng maghapon ngunit wala talaga itong paramdam at dahil doon ay nagkusa na siyang pumunta sa opisina nito para siya na ang makipag-usap dahil mukhang wala itong planong kausapin siya.Ibinaba niya ang kanyang pride dahil gusto niya na hindi masira ang lahat ng pinagpaguran niya kahit na an

  • One Night Mistake: THE BILLIONAIRE TWINS   Chapter 13

    ALAS KWATRO na nang hapon nang may kumatok sa pinto ng opisina ni Finn. Sa dami ng kanyang ginagawa at ng kanyang iniisip ay hindi niya namamalayan ang pagdaan ng oras. Napahilot na lang siya bigla sa kanyang sentido. “Pasok.” sabi niya sa tamad na tamad na paraan.Nang magtaas siya ng kanyang ulo ay doon niya nakita na pumasok ang abogado niya. Oo nga pala. Nakalimutan niya na sinabi niya rito na mag-usap silang dalawa dahil hindi na niya kailangan pang maghabol. Ang tanging kailangan niya na lang na mapatunayan ay kung totoo ngang mga anak niya ang dalawa pero syempre, kahit na sigurado siya na anak niya na nga ang mga ito ay alam niya na hindi pa rin basta-basta maniniwala ang abogado.“Glad you're finally here attorney.” sabi niya at pagkatapos ay itinuro ang upuan sa harapan niya. “Please have a seat.”Ilang sandali pa ay umupo nga ito sa harap niya at pagkatapos ay tumingin sa kaniya. “So what is this all about Finn?” tanong nito kaagad sa kaniya. Nang sabihin niya kasi rito na

  • One Night Mistake: THE BILLIONAIRE TWINS   Chapter 12

    “So ang ibig mong sabihin kaya ka nagmamadaling umalis kahapon ay dahil sa nakita mo siya ulit pagkatapos ng ilang taon?” hindi makapaniwalang tanong sa kaniya ni Sam.Tumango naman siya. “Hindi ko talaga inaasahan na makikita ko siya doon. Isa pa, syempre gulat na gulat ako at takot na takot dahil nga may anak kami. Ang dami kong what ifs tapos natagpuan ko na lang yung sarili ko na tumatakbo palayo sa kaniya kahit na hindi ko pa man kayo nakaka-bonding ng matagal dahil halos kararating-rating ko lang kahapon diba tapos nakita ko siya…” sabi niya at napakagat-labi na lang.“Tapos, tapos anong nangyari? Paano kayo ulit nagkita? Hindi naman umalis si Finn kahapon ah.” sabi naman ni Vena na halos pipikit-pikit pa at napahikab pa.Hindi niya nga tuloy maiwasang hindi makonsensya lalo pa at katatapos lang ng kasal nito kahapon tiyak na dapat ay nagpapahinga pa ito dahil alam niya na pagod ito marahil sa nakakapagod na gabi sa piling ng asawa nito. Muli siyang napahugot ng mahabang bunton

  • One Night Mistake: THE BILLIONAIRE TWINS   Chapter 11

    “ANONG sabi mo? Totoo ba ito Maxene?” gulat na gulat na tanong ni Vena sa kaniya. Alas-diyes na nang umaga nang magising si Maxene. Wala na ang lalaki sa bahay nito dahil pumasok na raw ito sa opisina at ang mga anak niya naman ay ipinasyal ni Dorie na utos din ng lalaki. Sinabi lang sa kaniya iyon ng kasambahay na pinagtanungan niya.Dahil doon ay wala na siyang naisip pa na gawin kundi ang kontakin si Vena at sinabi sa kaniya na pupuntahan niya ito kaya ngayon ay naroon siya sa bahay nila ni Andrei. Napayuko na lang siya at hindi nagsalita. “Bakit mo itinago ang totoo sa kaniya? Tyaka, sa dami ng lalaki si Finn pa talaga? Kailangan ka niyang panagutan!” gigil na sabi nito at hindi niya maiwasang matawa sa reaksyon nito. Akala niya pa naman ay pagagalitan siya nito ngunit mas nagalit pa ito sa lalaking iyon.Hindi niya namalayan na napatingin na pala ito sa kaniya. “Ano namang nginingiti mo diyan? May nakakatawa ba?” inis na sabi nito na dahilan para mag-angat siya ng kanyang ulo a

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status