LOGINNAGNGINGITNGIT sa galit si Beatrice habang naglalakad palabas ng bahay ni Finn. hindi niya lubos akalain na ganung klaseng bagay ang sasalubong sa kaniya lalo pa at napakasaya niya kanina habang nakasakay siya ng eroplano at napagplanuhan na pa nga niya ang mga sasabihin niya kay Finn ngunit nasira ang lahat ng iyon nang makita niya ang babaeng kasama nito kasama ang dalawang bata na kamukhang-kamukha ni Finn, kaya sigurado nga siya na anak nito ang dalawang bata ngunit ang hindi niya lubos maintindihan ay kung paano nangyari iyon.
Naging madilim ang kanyang ekspresyon. Mukhang masisira pa yata ang plano niya kaht na hindi pa man ito nag-uumpisa. Nakakainis!
Ang isa pang napansin niya ay mukhang tuliro ang babae at parang hindi rin makapaniwala sa nangyari.Napansin niya rin ang mga bagahe na dala ng kasama nitong babae at sa porma ng mga ito ay parang kadarating lang din ng mga ito sa airport kasama niya. Hindi kaya tinaguan siya ng babae at nahuli siya ni Finn? Hindi siya sigurado kung ano ang nangyari kaya hindi niya rin masagot ang sarili niyang katanungan.
Ngunit ganun pa man ay galit siya dahil nabulilyaso na naman ang plano niya. Paano siya pakakasalan ni Finn kung may anak na ito sa iba? Pero kung one night stand lang naman ang namagitan sa mga ito ay wala siyang dapat ipangamba dahil tiyak na hindi ito mahal ni Finn. siya ang mahal ni Finn at hindi ang babaeng iyon. Kailangan niyang tiisin iyon, kailangan niyang palampasin at tanggapin ang dalawang bata para hindi sila magka-problema ni Finn. Hindi niya hahayaang mapunta sa wala ang lahat.
Ilang sandali pa ay sumakay na siya sa kotse niya dahil nagpasundo siya.
SAMANTALA, naiwan naman si Maxene sa may sofa na nakaupo pa rin at halos hindi niya alam kung tatayo na siya o ano. Hindi niya alam kung anong gagawin niya ng mga oras na iyon. Lalo at pinagbantaan siya nito na kung aalis siya ay hindi na niya makikita pang muli ang mga anak niya. Tiyak na magagawa nito ang sinabi nito hindi lang puro banta dahil sa palagay niya ay mayaman ito. Napakalaki ng bahay nito para tirhan nito mag-isa at ang babaeng kasama nito kanina ay tiyak na girlfriend nito at hindi pa nito asawa dahil umalis ito. Hindi ito doon nakatira at kahit papano ay gumaan ang loob niya dahil hindi siya nakasira ng pamilya ngunit tiyak na dahil sa mga anak niya ay magkakaroon ang mga ito ng hindi pagkakaunawaan.
Ngunit ganun pa man ay wala naman siyang magagawa doon dahil kung siya lang ang tatanungin ay wala siyang balak na sirain ang relasyon ng mga ito. Marunong naman siyang magparaya. Idagdag pa na alam niyang hindi ito papayag na ilayo ang dalawa sa piling nito kaya wala siyang pagpipilian kung ang makipag-usap dito tungkol sa custody ng dalawa. Kailangan niyang makipag-usap ng maayos at pumayag sa gusto nito para hindi lang nito ilayo sa kaniya ang dalawa.
Napabuntong-hininga siya. Ano na lang kaya ang magiging reaksyon nina Vena kapag nalaman nila na ang lalaking nakabuntis pala sa kaniya ay kaibigan ni Andrei? Napahilamos na lang siya sa kanyang mukha. Pakiramdam niya tuloy ay pagod na pagod siya. Naakaraming nangyari sa araw lang na iyon.
KANINA pa nakatayo sa tapat ng shower si Finn ngunit parang hindi pa rin niya maramdaman ang lamig ng tubig na tumatama sa kanyang katawan. Habang nakapikit siya ay hindi maalis sa kanyang isip ang mukha ng babaeng iyon kung saan ay parang bumalik sa kaniya ang lahat noong gabing iyon. Bigla tuloy siyang napapikit at hindi niya inaasahang nagbalik ang kanyang isip noong gabing iyon.
[FLASHBACK]
Ilang oras pa siyang nanatili si bar at uminom pa ng ilang basong alak. Hindi naman siya lasing kundi sakto lang. Alam pa niya ang ginagawa niya. Kanina pa siya iniwan ni Andrei kasama ang babaeng bigla na lang lumapit dito. Muli siyang napailing nang maalala niya ang nangyari. Sa isang hindi inaasahang pagkakataon ay bigla na lang may lumapit kay Andrei at tahasan nitong sinabi na gusto nito ang kaibigan niya.
Sa totoo lang ay hindi siya makapaniwala, akala niya ay nagbibiro lang ito ngunit hindi dahil seryoso pala ito. Dahil doon ay nagmamadaling umalis si Andrei na kaagad namang sinundan ng babae at naiwan siya. Pinulot niya ang kanyang baso at inisang lagok ang laman nito bago tuluyang tumayo at lumabas na ng bar. Wala na siyang ibang pupuntahan pa kaya uuwi na lang siya.
Malapit na siya sa kanyang kotse nang bigla na lang may humawak sa kamay niya. Nang lingunin niya ito ay nakita niya ang isang babae na halos matumba na marahil sa labis na kalasingan. Nang titigan niya ang mukha nito ay ito ang babaeng nakita niya kanina sa gitna ng dance floor na sayaw ng sayaw. Bagamat namumula ang mukha nito dahil sa alak ay hindi niya maiwasang hindi mapalunok dahil napakaganda nito.
Hindi pa man niya naibubuka ang kanyang bibig nang magsalita ito. “Take me with you, please…” mahina ngunit umabot sa kanyang pandinig na saad nito at para bang nagmamakaawa ito.
Bahagya siyang nagulat. Parang naulit lang ang eksena kanina ngunit sa halip na kay Andrei ay sa kaniya naman. “Miss I’m sorry but—” hindi pa man niya natatapos ang kanyang sasabihin nang bigla na lang siya nitong niyakap.
“Please… take me with you… I’m begging…” pakiusap nito at bigla na lang umiyak habang yakap-yakap siya.
Magkahalong gulat at hindi maipaliwanag na damdamin ang umahon sa dibdib niya. Sa ilang taon ay ilang babae na ang sumubok na akitin siya ngunit ni isa ay walang nagtagumpay. Ngunit ang babaeng nakayakap sa kaniya ay hindi niya ito maitaboy o ni maitulak man lang. Ilang sandali pa ay hinawakan niya ang magkabila nitong balikat at inilayo sa kaniya.
Bubuka na sana ang kanyang bibig upang magsalita nang mapatitig siya sa mga mata nitong may bahid ng luha. She looked devastated. Hindi niya alam ngunit bigla na lang siyang nakaramdam na para bang pinipiga ang puso niya at hindi niya maiwasang magalit sa taong dahilan kung bakit ito lumuluha. Sa huli ay napatingala na lang siya sa kalangitan at napalunok. Kapag inuwi niya ang babaeng ito ay tiyak na hindi niya mapipigilan ang sarili niya.
Sa huli ay isinakay niya ito sa kanyang kotse at nag-check in sa pinakamalapit na hotel. Wala siyang balak sa babae lalo pa at lasing na lasing ito. Ang plano niya lang ay iwan ito doon hanggang sa magising ito. Babayaran niya lang ang room nito at aalis din siya. Ngunit nang maihiga niya ito sa kama at akmang kukumutan na sana ay bigla na lang siya nitong hinila. Akala niya ay tulog ito ngunit bigla na lang itong nagmulat ng mga mata at sa isang iglap ay bigla na lang siya nitong hinalikan sa kanyang labi at ikinawit ang mga braso sa leeg niya.
Ilang minuto niyang pinigil ang sarili niya ngunit hindi niya rin napigilan na humantong sa mainit na pagniniig sa pagitan nila. Ngunit paggising niya ay wala na ito sa tabi at ang tanging naiwan na lamang ay ang pulang mantsa sa bedsheet na tanda ng pag-iisa ng katawan nila.
…
HINDI ALAM NI Maxene kung ilang oras nang dilat ang kanyang mga mata ngunit hindi siya makatulog. Nakailang ikot na rin siya sa kanyang higaan ngunit kahit na anong pilit niya sa sarili niya na matulog ay hindi ito nakikinig sa kaniya. Paano ba naman siya makakatulog ay anong oras na ngunit hindi pa rin umuuwi si Finn at hindi niya mapigilang isipin kung nasaan ito kahit na alam niyang wala siyang karapatan ngunit sadyang hindi niya lang talaga mapigilan ang kanyang sarili.Ilang sandali pa ay nasabunutan na lang niya ang kanyang sarili. “Bakit mo ba kasi siya iniisip ha?” pagalit niya sa kanyang sarili at pagkatapos ay marahang sinampal-sampal ang kanyang pisngi. “Gumising ka nga Maxene! Hindi ka pa natutulog pero nananaginip ka na yata!” dagdag pa niya na parang isang baliw habang kinakausap ang sarili.Paano nga kasi ang gagawin niya kung kahit na ayaw niyang isipin ito ay naiisip niya ito. Nasaan kaya ito? Hindi kaya nagkita sila ng girlfriend nito at— umiling-iling siya at pilit
HINDI NAMAMALAYAN ni Finn ang oras at nang tingnan niya ang kanyang suot na relo ay alas sais na pala ng gabi. Nang tumingin siya sa labas ng bintana ay nakita nga niya na madilim na pala sa labas. Napahilot siya sa kanyang sentido, sa dami ng iniisip niya at ginagawa ay masyado na siyang nalibang doon.Ilang sandali pa nga ay pinag-isipan niya pa kung uuwi na muna siya o didiretso na kay Beatrice. Pakiramdam niya ay gusto na niya kaagad umuwi lalo pa at may uuwian siyang mga anak niya. Kapag kinakarga niya ang mga ito ay nagiging masaya ang loob niya. Alam niya na masaya din ang mga ito katulad niya kaya ganun din siya.Pero dahil kakain lang naman sila ni Beatrice ay nagpasya na lang siya na doon na muna dumiretso. Mamaya na lang siya uuwi at didiretso na lang siya sa mga ito mamaya at siisguruhin niya na hindi siya magtatagal doon. Tumayo na siya mula sa kanyang upuan at isininop sandali ang mga papeles na nasa ibabaw ng kanyang mesa at pagkatapos ay tuluyan nang dinampot ang kanya
NAHILA SIYA MULA sa kanyang pag-iisip nang muli na namang may kumatok sa kanyang opisina. Bago pa man siya makapagsalita ay bigla na lang bumukas ang pinto at eksaktong nagmulat siya ng kanyang mga mata. Nakita niya si Beatrice na pumasok mula sa pinto. Natigilan siya sandali nang makita ito. Oo nga pala, dumating na ito. Para niyang nakalimutan bigla ang existence nito dahil kay Maxene.Agad na nalukot ang mukha ni Beatrice nang makita niya ang malamig na mga mata ni Finn na tumingin sa kaniya. Kagabi pa siya naghihintay ng tawag nito o kahit na isang text man lang para i-update sana siya kahit na hindi na siya suyuin nito ngunit wala siyang nahintay. Sobrang sama ng loob niya kaya naghintay pa siya ng maghapon ngunit wala talaga itong paramdam at dahil doon ay nagkusa na siyang pumunta sa opisina nito para siya na ang makipag-usap dahil mukhang wala itong planong kausapin siya.Ibinaba niya ang kanyang pride dahil gusto niya na hindi masira ang lahat ng pinagpaguran niya kahit na an
ALAS KWATRO na nang hapon nang may kumatok sa pinto ng opisina ni Finn. Sa dami ng kanyang ginagawa at ng kanyang iniisip ay hindi niya namamalayan ang pagdaan ng oras. Napahilot na lang siya bigla sa kanyang sentido. “Pasok.” sabi niya sa tamad na tamad na paraan.Nang magtaas siya ng kanyang ulo ay doon niya nakita na pumasok ang abogado niya. Oo nga pala. Nakalimutan niya na sinabi niya rito na mag-usap silang dalawa dahil hindi na niya kailangan pang maghabol. Ang tanging kailangan niya na lang na mapatunayan ay kung totoo ngang mga anak niya ang dalawa pero syempre, kahit na sigurado siya na anak niya na nga ang mga ito ay alam niya na hindi pa rin basta-basta maniniwala ang abogado.“Glad you're finally here attorney.” sabi niya at pagkatapos ay itinuro ang upuan sa harapan niya. “Please have a seat.”Ilang sandali pa ay umupo nga ito sa harap niya at pagkatapos ay tumingin sa kaniya. “So what is this all about Finn?” tanong nito kaagad sa kaniya. Nang sabihin niya kasi rito na
“So ang ibig mong sabihin kaya ka nagmamadaling umalis kahapon ay dahil sa nakita mo siya ulit pagkatapos ng ilang taon?” hindi makapaniwalang tanong sa kaniya ni Sam.Tumango naman siya. “Hindi ko talaga inaasahan na makikita ko siya doon. Isa pa, syempre gulat na gulat ako at takot na takot dahil nga may anak kami. Ang dami kong what ifs tapos natagpuan ko na lang yung sarili ko na tumatakbo palayo sa kaniya kahit na hindi ko pa man kayo nakaka-bonding ng matagal dahil halos kararating-rating ko lang kahapon diba tapos nakita ko siya…” sabi niya at napakagat-labi na lang.“Tapos, tapos anong nangyari? Paano kayo ulit nagkita? Hindi naman umalis si Finn kahapon ah.” sabi naman ni Vena na halos pipikit-pikit pa at napahikab pa.Hindi niya nga tuloy maiwasang hindi makonsensya lalo pa at katatapos lang ng kasal nito kahapon tiyak na dapat ay nagpapahinga pa ito dahil alam niya na pagod ito marahil sa nakakapagod na gabi sa piling ng asawa nito. Muli siyang napahugot ng mahabang bunton
“ANONG sabi mo? Totoo ba ito Maxene?” gulat na gulat na tanong ni Vena sa kaniya. Alas-diyes na nang umaga nang magising si Maxene. Wala na ang lalaki sa bahay nito dahil pumasok na raw ito sa opisina at ang mga anak niya naman ay ipinasyal ni Dorie na utos din ng lalaki. Sinabi lang sa kaniya iyon ng kasambahay na pinagtanungan niya.Dahil doon ay wala na siyang naisip pa na gawin kundi ang kontakin si Vena at sinabi sa kaniya na pupuntahan niya ito kaya ngayon ay naroon siya sa bahay nila ni Andrei. Napayuko na lang siya at hindi nagsalita. “Bakit mo itinago ang totoo sa kaniya? Tyaka, sa dami ng lalaki si Finn pa talaga? Kailangan ka niyang panagutan!” gigil na sabi nito at hindi niya maiwasang matawa sa reaksyon nito. Akala niya pa naman ay pagagalitan siya nito ngunit mas nagalit pa ito sa lalaking iyon.Hindi niya namalayan na napatingin na pala ito sa kaniya. “Ano namang nginingiti mo diyan? May nakakatawa ba?” inis na sabi nito na dahilan para mag-angat siya ng kanyang ulo a







