Sa pagdating ng hapon, sa isang room ng Private Hospital ay naroon sina Rogelyn at Sarah saka si Rose.
“Ma, alis po muna ako dahil ipapasyal po ako ni Ma'am Sarah sa kanilang bahay para ipakilala ako sa kanilang anak bilang personal assistant.” Ang sabi ni Rogelyn sabay halik sa noo ni Rose.
“Rose, alis muna kami ng iyong anak. Ipapahatid ko sya dito mamaya pagtapos ko syang ipakilala sa anak ko.” Ang sabi ni Sarah habang nakangiti at nakatingin kay Rose.
At silang dalawa ay pumunta sa parking area ng private hospital at si Rogelyn ay nagulat at namangha sa kanyang nakita sapagkat si Sarah ay lumapit sa isang sikat at mamahalin na kotse.
“Tara na.” Ang sabi ni Sarah sabay pasok sa kanyang kotse at si Rogelyn ay sumunod sa kanya.
“Wag kang kabahan o mahiya sa akin dahil magkaibigan kami ng Mama mo since bata pa kami kaya just be yourself.” Ang sabi ni Sarah habang nakangiti kay Rogelyn at nag dri-drive papunta sa kanyang bahay.
Sa kanilang pagdating sa bahay ay nakita ni Rogelyn ang malaking bahay na parang isang mansion.
“Wow, ang laki at ganda ng bahay po ninyo.” Ang sabi ni Rogelyn habang namamangha sa kanyang nakikita.
Sa pagbaba nila ng sasakyan ay sinalubong sila ng mga butler sabay bati ng “Good Afternoon Ma'am Sarah.”
Nagulat at namangha na naman si Rogelyn sa kanyang nakita.
“Tara sundan mo ako.”
“Opo.”
At nagsimulang maglakad papasok ng bahay si Sarah habang sumusunod sa kanya si Rogelyn.
Sila ay pumasok sa isang kwarto at may narinig silang isang binata na sumisigaw ng “Wala ka bang utak!? Ayaw ko nga na magsuot ng salamin eh.”
At biglang inihagis ng binata ang lahat ng mga mamahaling salamin sa sahig at itong lahat ay nabasag.
Nagulat si Rogelyn sa kanyang nakita at narinig ngunit si Sarah ay ngumiti sabay sabi ng “Pag-pasensyahan mo na ang anak ko kung magagalitin at mainitin ang ulo.”
Lumapit si Sarah sa binata at ito'y niyakap saka iniharap kay Rogelyn sabay sabi ng “Sya ang anak kong lalaki.”
Nagulat at nanlaki ang mga mata ni Rogelyn sa kanyang nakita sapagkat ang binatang nakita nya ay si Sean na gumahasa sa kanya sa Hotel Room ng Victory Building.
“IKAW!?” Ang sabay na gulat at sigaw nina Rogelyn at Sean sa isat-isa.
Nagulat si Sarah sa kanyang narinig sabay tanong ng “Magkakilala kayo?”
“Hindi po.” Ang tugon ni Rogelyn sabay tingin sa sahig.
“Siguro… Kaso nagkita na kami kahapon sa isang hotel room ng Victory Building.” Ang sabi ni Sean sabay lapit kay Rogelyn at tinitigan ito.
“Masyado ka namang malapit sa kanya anak ko.”
“Gusto ko kasing magpakilala sa kanya para malaman nya kung sino ako.”
Nagsimulang kabahan si Rogelyn sa sitwasyon ngunit si Sean naman ay natutuwa sa sitwasyon.
“Ako nga pala si Sean Parayaoan.” Sabay abot ng kanyang kanang kamay.
“Rogelyn Samera.” Habang nakipag-shakehands.
“Sya ang magiging bago mong Personal Assistant.”
Nagsimulang tumawa si Sean sa kanyang narinig sabay sabi ng “Hahaha… Karma is Real.”
Nagsimulang makaramdam si Rogelyn ng kaba at takot sa kanyang narinig kay Sean.
“Sean, Wag kang maging bully sa kanya.”
“Hoy, babae binu-bully ba kita!?”
“Hindi po.”
Nagkamot si Sarah ng kanyang ulo sabay sabi ng “Pakilinis yung mga binasag ng anak ko na salamin saka dalhan kami dito ng bagong salamin na may white steel.”
“Yes Ma'am.” Ang sabi ng isa sa mga butler nila na naroon.
“Ma, ayaw kong magsuot ng salamin.”
“Anak ko, kailangan mong magsuot nun kasi halatado yung Black Eye mo sa mata.”
“Oo nga eh… MAHIYA NAMAN ANG NAG BLACK EYE SA AKIN!”
Nakaramdam ng hiya at kaba si Rogelyn sa kanyang narinig kay Sean.
“Sean, Wag kang sumisigaw.”
“Ma, anong gagawin ninyo kung yung taong nag black eye sa akin ay nahanap natin?”
“Syempre, ipapakulong ko sya at sisiguraduhin kong mabubulok sya sa kulungan.”
“Kahit ako mismo ang rason kaya nagkaroon ako ng Black Eye.”
“Syempre naman, tama ka man o mali… Ang gagawin ko ay ipagtanggol ka at protektahan ka dahil anak kita.”
Muling tumawa si Sean at nagsalita ng “Hoy! Babae, narinig mo yun?”
“Opo.” Ang tugon ni Rogelyn habang nakararamdam ng kaba at takot.
“Sino ba ang gumawa sa iyo nito para mapakulong ko na at maparusahan ko.”
“Hindi nyo na kailangan gawin yun, Ma. Sapagkat ako na ang bahalang magpahirap sa taong yun.”
Nagsimulang pagpawisan si Rogelyn sa kaba at takot na kanyang nararamdaman.
Dumating ang isa sa kanilang mga butler na may dalang salamin.
“Sean, isuot mo ito para matakpan ang Black Eye mo.”
“Ma, ayaw ko nga magsuot ng salamin.”
Napansin at nakita ni Sarah na si Rogelyn ay pinag-papawisan ng sobra at makikita sa kanyang mukha na sya ay kabado.
“Ok ka lang ba, Rogelyn?” Ang tanong ni Sarah na may pag-aalala.
“Opo. Pwede na po ba akong bumalik kay Mama?”
“Sige, ipapahatid kita sa isa sa mga butler namin.”
“Ma, hindi na kailangan. Ako na ang bahala.”
Si Sarah at lahat ng butler na naroon ay nagulat sa kanilang narinig ngunit nakaramdam ng kaba at takot si Rogelyn sa kanyang narinig kay Sean.
“Sige… Rogelyn, ang maghahatid sa iyo ay ang anak ko.”
Tumingin si Rogelyn kay Sarah na parang nag mamakaawang tuta na tumatanggi ngunit hindi makapagsalita.
“Hoy! Babae, sundan mo ako.” Ang sabi ni Sean habang mapang-asar na nakatingin kay Rogelyn.
Walang nagawa ang babae kundi sumunod sa lalaki.
Sinundan ni Rogelyn si Sean papunta sa isang sikat at mamahaling sasakyan na kulay Red at silang dalawa ay pumasok roon.
“Ito oh, yung susi mo na itinapon mo sa harden. Hinanap ko sa pag-alis mo.” Sabay abot ng susi na may number 6.
Nagulat at nagtaka si Rogelyn sa kanyang nakita at narinig kay Sean.
“Bakit?”
“Anong bakit? Ganyan ka ba sumagot kung may binabalik sa iyong gamit mo?”
“Sorry, I mean… Thank you.” Sabay kuha ng susi na may number 6.
“Saan kita ihahatid?”
“Po?”
“Anong po? Walang lugar na po. Tinatanong kita kung saan kita ihahatid.”
“Ahhmmm… Pwede po bang ihatid mo ako sa Victory Building dahil kukunin ko ang lahat ng gamit ko na nasa hotel room ko.”
“Sige, walang problema.”
Nagsimulang start ni Sean ang kanyang sasakyan at mag drive papunta sa Victory Building kasama si Rogelyn.
Sa pagdating ng Jan,4…Sa bahay na inu-upahan ni Vlad ay naroon si Cyrell.Silang dalawa ay magkatabing natutulog sa iisang higaan.Tumunog ang alarm ni Vlad at kanyang pinatay ito.Kanyang tinignan ang oras at kanyang nakita na 6:30 AM na ng umaga.At kanyang hinawakan si Cyrell sa katawan saka sya nagsalita.“Cyrell, My Princess… Gising na po.”Nagising si Cyrell sa ginawa ni Vlad sa kanya at sya'y ngumiti saka nagsalita.“Good Morning, Vlad… My Prince.”At silang dalawa ay naghalikan sa isat-isa.Bumangon si Vlad sa higaan at sya'y nagsalita.“Simula nung Jan,1… Matagal ko na itong nasa isip…”Nagtataka si Cyrell sa kanyang naririnig kay Vlad at sya'y hindi sumasagot.“Gusto kong kausapin sina Rogelyn at Sean ukol sa kasal ngayong Jan,7…”Nagulat at nanlaki ang mga mata ni Cyrell sa kanyang nalaman at sya'y nagtanong.“Anong sasabihin mo sa kanila?”Huminga ng malalim si Vlad at sya'y sumagot.“Sasabihin ko kay Sean at Rogelyn na itigil ang kasal.”Hindi sumagot si Cyrell sa kanyan
Sa pagdating ng Jan,3…Sa isang kwarto sa bahay ng Ferrer Family.“Hhmmm…”Ang sabi ni Faith ng sya'y magising sa kanyang kwarto.Kanyang tinignan ang oras at kanyang nakita na 6:00 AM na ng umaga.Sya'y bumangon sa kanyang higaan.Saka sya lumabas sa kanyang kwarto at nagtungo sa kwarto ni Carl.Sa kanyang pagpasok sa loob.Kanyang nakita na natutulog pa rin ng mahimbing si Carl.Sya'y lumapit kay Carl at sya'y kumuha ng isang unan na naroon.“Titooo Caarrrllll… Gising na po…”Ang sabi ni Faith habang hinahampas ng unan si Carl.Nagising si Carl sa ginagawa ni Faith sa kanya.Sya'y ngumiti at kinuha ang unan saka sya nagsalita.“Good Morning, Pamangkin ko.”“Good Morning, Tito Carl.”At muling pumikit si Carl upang matulog.Na inis si Faith sa kanyang nakita at sya'y tumalon patungo kay Carl.“Aray!”Ang sigaw ni Carl ng si Faith ay nasa kanyang tyan.“Ito na, gigising at babangon na…”Ang sabi ni Carl habang ina-alis si Faith sa kanyang tiyan.Bumangon si Carl sa kanyang higaan at k
Sa pagdating ng Jan,2…Sa loob ng bahay ng Parayaoan Family ay naroon sina Sarah at Ryan.“Hindi ba natin ititigil ang kasal nila Sean at Cyrell?”Ang pag-aalalang tanong ni Sarah habang naka-upo sa isang sofa na naroon.Huminga ng malalim si Ryan at kanyang hinawakan sa kamay ang kanyang asawa saka sya sumagot.“Hayaan natin mag desisyon sina Sean at Cyrell sa magiging kasal nila.”Nagsimulang umiyak si Sarah at sya'y nagsalita.“Kaso… Ikaw at si Caleb ang gumawa ng kanilang Contract Relationship, kaya… May KARAPATAN kang itigil ang kasal.”Muling huminga ng malalim si Ryan at sya'y nagsalita.“Oo, may karapatan akong itigil ang kasal. Kaso, sina Sean at Cyrell ang dapat mag desisyon kung ititigil nila ang kasal o hindi.”“Paano nila ititigil ang kasal, kung… Natatakot si Sean sa iyo, at natatakot rin si Cyrell sa kanyang mga magulang…”“Maging matapang sila na sawayin ang Contract Relationship na ginawa para sa kanila… At manindigan sila sa desisyon na kanilang gagawin.”Patuloy pa
Sina Rogelyn, Sean, Cyrell at Vlad saka si Carl ay bumalik sa rooftop ng bahay ng Parayaoan Family.Inilapag ni Sean ang regalo sa isang lamesa na naroon.“Wait, bago natin iyan buksan… May gusto akong sabihin.”Ang pag-aalala na sabi ni Cyrell.Silang apat ay tumingin kay Cyrell.Tumingin si Cyrell kay Carl at sya'y nagsalita.“Alam kong 1st Best-Friend ka ni Sean, ngunit… Baka wala kang alam sa tunay na nangyayari sa aming apat.”Huminga ng malalim si Vlad at sya'y nagsalita.“Sang-ayon ako kay Cyrell, kaya… Mas maganda kung kaming apat lang ang nandito sa rooftop.”Napakamot ng ulo si Carl sa kanyang mga narinig at sya'y sumagot.“Well, to tell you the truth… I know everything.”Inakbayan ni Sean si Carl at sya'y nagsalita.“Sang-ayon ako sa sinabi ng aking brother…”Huminga ng malalim si Rogelyn at sya'y nagsalita.“Lahat ng nangyayari sa buhay ni Sean ay kanyang sinasabi kay Carl.”Nagulat at hindi makapaniwala si Cyrell sa kanyang nalaman at sya'y nagsalita sa kanyang sarili.“A
Sa pagdating ng Jan,1…Sa labas ng Gate ng Parayaoan Family ay may isang binata ang naroon na nakatayo.“Wow, his house is big.”Ang sabi ng binata sa kanyang sarili habang namamangha sa kanyang nakikita.Kanyang pinindot ang doorbell ng Gate.May isang butler ang lumapit sa kanya.“Hello, is Sean in the house?”Ang naka-ngiting kabado na tanong ng binata.Sya'y tinignan ng butler at hindi ito sumagot.“He is rude for being a butler.”Ang sabi ng binata sa kanyang sarili.Huminga ng malalim ang binata at sya'y muling nagsalita.“I have an important gift for Sean Parayaoan, it came from Ivy Ogaya.”Tumungo ang butler at ito'y umalis sa harapan ng binata.Ang butler ay pumasok sa loob ng bahay ng Parayaoan Family.Sa kanyang pagpasok sa loob ay kanyang nakita sina Fatima, Faith, Gloria, Sarah at Ryan na kumakain sa kusina.Ang butler ay nagtungo sa kwarto ni Sean at ito'y kumatok sa pintuan saka sya nagsalita.“Sir Sean…”Walang sumagot sa butler kaya sya'y nagtungo sa itaas ng rooftop
Sa isang Pavilion na nasa labas ng bahay ng Parayaoan Family ay naroon sina Rogelyn, Cyrell at Fatima saka si Faith.Silang apat ay kumakain ng mga pagkain na naroon habang may mga nakatayo na mga butlers at waitress sa paligid.At sila ay nakatingin sa mga naglalaro ng basketball.“Ahm… By the way… Sino po pala kayo…?”Ang nahihiyang tanong ni Cyrell habang nakatingin kay Fatima.“Oo nga pala, hindi pa ako nagpakilala sa iyo simula kanina…”Ang naka-ngiting sagot ni Fatima.Ngumiti lang si Cyrell sa sinabi ni Fatima.“Ako si Fatima Ferrer, ang ate ni Carl Ferrer…”Ang sabi ni Fatima at kanyang itinuro ang kanyang anak saka sya muling nagsalita.“Sya ang aking anak, si Faith Ferrer.”“Ako naman po si Cyrell Mendoza.”Ang tugon ni Cyrell habang itinuturo ang kanyang sarili.Nakipag-shakehands si Fatima kay Cyrell at ito'y nakita ni Faith saka sya nagsalita.“Hello po, ate Cyrell.”Ngumiti si Cyrell sa kanyang narinig at sya'y nakipag-shakehands saka sya nagsalita.“Hello rin, Faith.”S