Share

Chapter 6 The Best friend's conspiracy

MJ point of view

Kinabukasan kaniya-kaniyang trabaho pa rin kami. Arisson went to Palawan for business. Ako naman ay nagsimula na rin bumalik sa pagta-trabaho.

I was about to leave my office after working all day, when the man beside me barged into my office and force me to take him out on a date.

"You know that I'm tired from working all day, right Brent?" Nakataas ang kilay na tanong ko dito habang patuloy sa pagmamaneho.

"Well, yeah. That's why I'm here because there are no other things are worth it than drinking coffee after working all day," sagot nito.

Magrereklamo pa sana ako pero na-realize ko na tama ang sinabi nito kaya umiling nalang ako at nagpatuloy sa pagmamaneho.

Papaliko na ako sa kanto ng paborito kong coffee shop, ng magsimula akong mag-menor dahil sa dalawang kotse na nakahinto sa gitna ng kalsada.

"Why did they have to park their car like that!?" Iritableng tanong ni Brent habang nakatingin sa dalawang kotse na naka-elevate sa gitna ng kalsada. Tama ito kahit sino ay magagalit lalo na kung nagmamadali. "Let's go to other place?" Suhestiyon ko dito dahil ito lang ang way para makarating sa coffee shop walang ibang pwedeng daanan. Hinintay ko ang isasagot nito at ng makita ko itong tumango ay saka ko iniatras ang kotse.

Nang makapag-maniyobra na ako ay papatakbuhin ko na sana ang kotse ko ng may dalawa uling kotse ang paparating at kagaya sa dalawang kotse sa likuran namin ay nag-park din ito ng naka-elevate kaya naharangan ang daraanan namin.

"Bvll shit!" Mura ni Brent dahil sa inis.

"Hindi maganda ang kutob ko dito," wika ko habang tinitignan ang mga kalalakihan na kasalukuyang lumalabas sa dalawang kotse. "Tch!" Tanging tugon ni Brent, tinignan ko ito at napailing nalang ng makita ang malaking ngisi nito.

Hindi muna kami bumaba sa sasakyan, hinintay muna namin ang mga ito na makalapit sa pinto ng kotse ko. Naglakad ang dalawang lalaki sa magkabilang pinto ng kotse ko habang may dalang baseball bat, "that's dirty," wika ko na ang tinutukoy ay ang mga gamit na hawak ng mga ito. "Difinitely dirty," sang-ayon naman nito.

Matiyaga kaming naghintay sa gagawin ng mga lalaki at ng i-angat na ng mga ito ang baseball bat na dala at handa ng basagin ang salamin ng kotse ko ay sabay naming binuksan ng malakas ni Brent ang pinto causing them to stamble.

Lumabas ako sa sasakyan at kaagad na lumuhod sa tabi ng bumagsak na lalaki at walang pasabi itong sinuntok sa panga, "uhg!" d***g nito at biglang nawalan ng malay.

Nagulat ang mga kasamahan ng dalawang lalaki sa nakita at nagtatakang nagpabalik-balik ang tingin sa amin ni Brent. Siguro ay hindi ng mga ito alam na may kasama ako, thank god at heavily tinted ang kotse ko.

Pagkatapos kaming tignan ng mga kalalakihan ay naglakad na ang mga ito palapit sa gawi namin, pero napansin ko na ang isa sa mga ito ay pumasok sa kotse.

"Dito!" Sigaw ng isa sa mga lalaki, napatingin ako dito at bahagya akong nagulat ng makita na halos nasa tabi ko na ito at handa na akong suntukin, hindi nga nagtagal ay nagpakawala ito ng suntok na mabilis kong iniwasan pero may dumaplis pa rin sa mukha ko. Hindi ko ininda ang sakit non kahit na ramdam ko ang pamamanhid nito, ginamit ko ang pagkakalapit nito sa akin bilang pagkakataon para tuhurin ito sa sikmura ng malakas. Bumagsak ito sa sahig at namilipit sa sakit, pinagsisipa ko pa ito hanggang sa mawalan ito ng malay.

Pagkatapos mawalan ng malay ng lalaking sinipa ko ay iniwan ko na ito para tulungan ang kaibigan ko na ngayon ay may tatlong lalaki ng nakapalibot. Kaagad akong napangisi dahil siguradong nagbubunyi na ngayon ang loko, "Brent!" I called him in a sing-song voice at itinuro ang mga lalaki na nasa malapit lang dito.

Pinukol ako nito ng masamang tingin bago umakto na parang nasusuka. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na mapahalakhak habang aliw na aliw ko itong pinapanood, tuluyan ko ng nakalimutan na tulungan ito at tuluyan ko na rin nakalimutan na nasa gitna pala kami ng laban kaya naman hindi ko napansin na mayroon na palang papalapit sa akin.

Isang malakas na suntok ang naramdaman ko sa aking tagiliran. "Ugh!" d***g ko. Napaluhod ako at magkakasunod na napaubo habang hawak ang tagiliran na nasaktan.

"Shit! Joana Mei!" Sigaw ni Brent at nagtaka ako kung bakit mabilis itong tumakbo papunta sa akin. Saka ko lang na-realize ang dahilan ng may magsalita sa tabi ko, "huwag kang tumingin sa iba."

Bumaling ako sa nagsalita pero malakas na sampal ang isinalubong nito sa'kin. PAK! Kaagad kong nalasahan ang dugo sa bibig ko, ibayong galit ang naramdaman ko kaya naman inipon ko ang dugo sa bibig ko at dinura sa mukha nito.

Pansamantalang nawala ang atensiyon nito sa'kin dahil sa ginawa ko kaya naman sinamantala ko ang pagkakataon na mayroon ako para dakutin ang batok nito at iumpog sa semento ang ulo nito.

"Tarantado!" Mura ko habang pinapanood ang tumulong dugo mula sa ulo nito.

Nilapitan ako ni Brent at hinawakan ang braso at mukha ko para i-check kung okay lang ako. Tumango ako tumingin sa paligid na wala ng nakatayo maliban sa aming dalawa.

Vroom......vroom.........screetch......

Napatingin ako sa sasakyan na umugong at mabilis na sumibat.

"Sino ang gagawa nito!?" Nakakuyom ang kamao wika ko.

Third person point of view

Kinuhanan ng lalaki ng larawan si Joana Mei at Brent habang magkalapit ang mga ito sa isa't-isa, and with the use of right angle mukha ang mga itong naghahalikan. Nasiyahan ang lalaki sa nakuha niyang larawan kaya naman sinend niya kaagad ito sa kaniyang amo.

Nakangiwing pinanood niya ang isa sa mga kasamahan niya na nakahiga na ngayon sa sahig habang walang malay at punong-puno ng dugo ang ulo.

Binaling niya ang tingin niya sa iba pang natira. "Pvtang Ina!" Hindi makapaniwalang mura niya ng makitang isa nalang sa mga kasamahan niya ang nakatayo habang maayos pa ang dalawa pero ang babaeng iniutos sa kaniya ng amo niya ay puno na ngayon ng galos sa mga braso at mukha.

Nagmamadaling binuhay niya ang kotse at handa na sanang umalis ng biglang tumunog ang cellphone niya, it is a conference call kasi dalawang pangalan kaagad ang rumihistro dito. Si Brenda at Lauren.

Nanginginig na sinagot niya ang tawag, "h-hello p-po m-ma'am?"

"Umalis ka na diyan ngayon na!" Utos ni Brenda, napatanga muna siya at binalingan ang kasamahan, "pa-paano po ang mga kasamahan ko?" tanong niya na may bahid ng pag-aalala ang boses.

"Pvnyeta! kung gusto mo pang mabuhay ay umalis ka na diyan. Tonto!"

Magkakasunod siyang napalunok at sa kagustuhang hindi magaya sa sinapit ng mga kasamahan ay pikit-matang niyang iniwan ang mga ito.

____

Meanwhile..........

"Why didn't you told me na may kasama pala ang lintik na babaeng 'yon? And worst they both know martial arts. Do you know that I lost five of my men now? At ang natira nalang sa'kin ay isang mahina at walang utak!" Galit na singhal ni Lauren sa kaibigan niyang si Brenda.

All her life na may trinabaho siya ay hindi siya pumalya tanging dito lang at ngayon lang kaya naman labis ang pagngingitngit niya sa galit. Isang kahihiyan para sa kaniya na natalo siya, kaya naman isang ideya ang pumasok sa isip niya para makaganti sa babaeng nagparamdam sa kaniya ng unang pagkatalo.

"How the hell can I know? I was as shock as you are!" Singhal din pabalik ng kaibigan niya.

"May sinend na picture sa'yo yung tauhan ko kanina, hindi ba?" Tanong niya sa kaibigan tumango ito at pinakita ang larawan ng dalawang tao. Napangisi siya dahil saktong-sakto ang larawan nito sa plano niya. "We can use that picture para magalit si Arisson sa babaeng iyon."

"Ooh I like that," Ngumisi din ito sa kaniya at nagsimulang magkatikot sa cellphone.

After 10 minutes ay tumunog ng magkakasunod ang notification ng cellphone niya. Binuksan niya iyon at kaagad siyang napahalakhak ng makita ang nilalaman niyon.

"Bilib na talaga ako sa'yo friend, now let's see kung ano ang gagawin niya at ng pamilya niya ngayon."

_____

Sa opisina ni Arisson......

"Our sales for the month of July 2023 reduces to 50%, na ngayon lang nangyari sa'tin sa loob ng limang dekada since our business established. What the hell happened!?"

Hindi niya gustong magalit pero ang pagbagsak ng sales ng negosyo nila to 50% ay malaking bagay, kumbaga ay nasa bottom na ito at konting tulak nalang ay babagsak na sila at yun ang iniiwasan niyang mangyari dahil malaki ang expectation sa kaniya ng mga magulang niya, isang bagay na ayaw niyang ibagsak.

"Our status is very crucial at this po-"

Hindi niya natapos ang pagsasalita ng magkakasunod na tumunog ang cellphone ng lahat ng nasa meeting room. Pinukol niya ng nakamamatay na tingin ang mga miyembro ng board niya.

"Didn't I tell all of you to silent your phone, kapag oras ng meeting!?"

Hindi alam ng mga board member niya kung ano ang gagawin, namumutla din ang mga ito at tumingin sa kaniya ng may awa at pakikisimpatya.

Kumunot ang noo niya sa reaksiyon ng mga ito kaya naman naglakad siya papunta sa table niya kung saan iniwan niya ang cellphone niya at sa labas palang ng phone niya pag-ilaw ng screen nito ay alam na niya ang dahilan kung bakit ganoon nalang ang tingin na ipinupukol sa kaniya ng mga board of directors.

Napahawak siya ng mahigpit sa cellphone niya at dahan-dahang binuksan ito. Hindi niya maiwasan na panginigan ng katawan habang binabasa ang headline ng balita na natanggap.

"News today! Pamosong tagapagmana ng Bueno-Dela Constancia Chain of Restaurants and Hotels, a certified bar enthusiast, Maria Joana Mei Bueno Dela Constancia-Ilustrisimo, caught in the act cheating on her husband Arisson Brando Concepcion Ilustrisimo. Arisson Ilustrisimo is also an heir to Ilustrisimo Chain of Restaurants and Hotels." Malalim ang paghinga niya sa bawat salitang nakikita niya sa balita.

Akala niya ay yun na ang bagay na ikagagalit niya pero ng makita ang kasunod niyon ay mas lalo siyang nanginig sa galit. It was his wife and some random guy kissing in the streets. Nagdidilim ang paningin na binasa niya ang nakasulat sa ibaba ng larawan.

"News today! Kamakailan lang ay napabalita ang biglaang pagpapakasal ng dalawa tagapagmana ng malalaking kompaniya, kaya maraming ang haka-haka na baka kinasal lang ang dalawa para mas palaguin ang negosyo nila at wala talagang pagmamahal sa pagitan nila kaya nagawang magloko ni Maria Joana Mei. Walang nakakakilala sa lalaking kasama nito pero marami ang nakapagsabi na lagi itong magkasama sa bar ng business man na si Connor Sullivan."

Pagkatapos niyang basahin ang balita ay tumunog ang cellphone niya. It was his mother."

"Mom!" bungad niya dito matapos niyang sagutin ang tawag nito.

"What the hell is the meaning of this news Arisson Brando!?" Galit na sigaw ng Mommy niya.

"I don't know Mom, wala ako sa bahay. Nandito ako sa palawan," sagot niya dito. Dinig niya ang pagpalatak ng Mommy niya, "kasiraan ito sa pamilya natin Arisson so do something!" Tumango-tango siya kahit hindi nito iyon nakikita, "I will, Mom," sagot niya dito at hinintay na patayin na nito ang tawag.

"I'm so disappointed in you Arisson," Mariin siyang napapikit ng marinig ang salitang hindi niya gustong marinig mula sa kaninoman lalong-lalo na sa mga magulat.

At nung dumilat siya ay puno na ng galit ang kaniyang mga mata. Hinanap niya ang numero ng isa sa mga tauhan niya, "find her!" yun lang ang sinabi niya at tuluyan ng lumabas ng kwarto.

____

MJ point of view

Sa hospital.....

"Are you okay, sis?" Tanong ni Brent habang matamang nakatitig sa'kin.

Kanina, right after we finish fighting with those guy ay dinala ako ni Brent sa hospital para daw magamot ang mga sugat ko.

"I'm fine, sis." Simpleng sagot ko para hindi na ito masyadong mag-alala.

"Mabuti nalang talaga at sabay tayong nag-aral ng taekwondo, baka kung nagkataon na hindi ay deads na ang beauty ko." Tumango ako sa sinabi nito at tinapik ko ang balikat nito. Sa ganoong tagpo kami inabutan ng mga magulang ko.

PAK! Sampal ang sinalubong sa'kin ni Mommy pagkarating niya sa tabi ko. Natigilan ako at hindi makapaniwalang tinignan ko ito. This is the first time na pinagbuhatan ako ng kamay ng Mommy ko. Inihagis nito ang cellphone sa tabi ko, kaagad kong tinignan iyon at nanlaki ang mga matang tinitigan ko si Brent na ngayon ay nakatingin na din sa cellphone nito habang namumutla.

"Nakita mo ba kung gaano kalaking gulo ang ginawa mo? Isang malaking kahihiyan sa pamilya natin ito Joana Mei!"

"Tita, it wasn't like that!" Giit ni Brent pero maging ito ay hindi rin nakaligtas kay Mommy. "Ikaw!" Dinuro nito si Brent and what she said next pains me. "Masamang impluwensiya ka sa anak ko. Alam mong may asawa na siyang tao!"

"Mom, w-will you listen p-please?" my voice broke at doon lang tumingin sa'kin si Mommy pero ang mga mata nito ay puno ng disappointment.

"It wasn't Brent's fault, we were not kissing." Paliwanang ko pero umiling-iling lang ito.

"Not kissing? Then what the hell is that!?" Galit na tanong ni Mommy at muling itinuro ang cellphone na may larawan namin ni Brent. Sa larawan ay mukha kaming naghahalikan pero hindi dahil ito yung time na chineck ni Brent kung okay lang ako after kong makatanggap ng maraming suntok.

"I'm gay Tita, so I won't kiss your daughter. Nakaka-disappoint na hindi mo kayang pakinggan ang sarili mong anak."

Nakita ko na natauhan si Mommy sa sinabi ni Brent, tumingin ito sa akin pero panandalian lang dahil tumalikod ito at tuluyang kaming iniwan.

"I'm sorry Brent, pati ikaw nadamay," wika ko.

Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko dahil sa sakit na nararamdaman ko, walang-wala ang sakit ng katawan ko sa sakit na pinaramdam sa'kin ni Mommy.

"Hey! Huwag kang umiyak," wika ni Brent at niyakap ako para patahanin.

"Tangina! Amo ang inig sabihin nito?"

Sabay kaming napatingin lahat sa nagdidilim na anyo ng lalaking pumasok sa aking silid.

Comments (6)
goodnovel comment avatar
Leetom Sol
maganda. kaso Kawawa nnman ang bigas.
goodnovel comment avatar
Xim Ace
Unluck plss
goodnovel comment avatar
Nan
Maganda Ang kwentong ito
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status