Share

One Night Of Seduction   by: R. T. Aguillon
One Night Of Seduction by: R. T. Aguillon
Author: R. T. AGUILLON

CHAPTER 1

last update Huling Na-update: 2022-12-27 09:48:09

"Trisha! nasaan ka ba?" tawag ni aleng Fiona sa anak.

"Nay andito lang po sa kuwarto! Bakit po?" sagot naman ni Trisha sa ina.

"Aalis na ako, isara mo na itong pinto!" paalam ni aleng Fiona. Aalis na kasi ito para mag trabaho. Isang GRO kasi si aleng Fiona sa isang bar malapit sa kanila. Ito na ang hanap-buhay niya magmula ng mapadpad siya sa Maynila.

"Sige po inay! Ako na po bahala. Mag-iingat ho kayo!" magalang na sagot naman ni Fiona. Mabait naman ang kaniyang ina at hindi siya pinababayaan nito.

Si Trisha ay labing-walong taong gulang pa lamang at nag pipilit makapag tapos ng pag-aaral kahit sa Tesda lamang. Balak niya kasi mag abroad dahil pangarap niya ring iahon ang ina sa kahirapan. Nag iisang anak lang din kasi siya na ipinagpasalamat niya kasi siya pa nga lang ay hirap na ang kaniyang ina.

Alam niya kung ano ang trabaho ng ina pero hindi niya ito ikinakahiya. Dahil kahit papaano ay hindi siya pinababayaan nito.

Sa gabi ay wala ang kaniyang ina at sa umaga naman ay maghapon itong tulog para makabawi sa puyat at pagod sa magdamag. Bilang ganti naman ni Trisha ay siya na lahat ang gumagawa ng lahat ng gawaing bahay para hindi na ito isipin pa ng kaniyang ina. Bago siya umalis para pumasok sa paaralan ay sinisiguro niyang malinis na ang bahay at may kakainin ang kaniyang ina sa pag gising nito. Kaya naman mahal na mahal din siya ng kaniyang ina dahil responsable siyang anak.

Si Trisha ay kilala sa kanilang lugar na mabait. Napakaganda rin nito kahit kayumanggi ang kulay ay napakaganda ng mukha ni Trisha. Nakakahawig niya ang actress na si Lovi Poe, hindi nakakasawang tingnan ang ganda niya kaya naman maraming sumusubok na manligaw ngunit deadma lang sila lahat kay Trisha, dahil may pangarap pa siya, yun ang lagi niyang sagot sa mga gustong manligaw sa kaniya. Napakatangkad din ni Trisha, sa taas na 5'8 ay talaga namang pang model ang datingan. Kaya marami talagang nahuhumaling sa kaniya. Ngunit ang sagot niya sa lahat ng manliligaw ay "NO!"

Wala namang magawa ang mga kalalakihan kundi tingnan na lamang siya mula sa malayo at ang iba pinili na lamang maging kaibigan ni Trisha. Mababait naman sila lahat kaya walang anumang naging problema si Trisha sa mga manliligaw.

Pagkaalis ng ina ni Trisha ay isinara na niya ng mabuti ang mga pinto at lahat ng bintana. Sinisigurado niyang nakasara ito ng mabuti dahil mahirap na nag-iisa lang siya kaya lagi siyang pasiguro sa sarili, marami pa naman mga masasamang tao ngayon sa paligid. Kaya para mas sigurado ay may katabi din siya palagingg baseball bat at kutsilyo. Mahirap na na maisahan ng masasamang loob.

Nang masiguro na ayos na ang lahat ay pumasok na siya sa kuwarto upang makapag pahinga na. Marami-rami rin siyang ginawa sa maghapon. Naglaba, naglinis at nagluto. Pagkatapos naman ng mga gawaing bahay ay nag-aral naman siya ng mga aralin niya dahil may exam sila kinabukasan kaya naman nakaramdam talaga siya ng sobrang pagod. Pag dikit pa lamang ng likod ay nakatulog kaagad si Trisha.

"Teka sino po ba kayo? Huwag po! Parang awa niyo na!" pagmamakaawa ni Trisha sa lalaki na nasa kaniyang harapan.

"Huwag kang matakot! Ililigtas kita! ililigtas kita! Ilalayo kita sa nanay mo!" wika naman ng lalaki na hindi niya maaninag masyado ang mukha dahil sa madilim na paligid.

Hindi niya rin alam kung nasaan siya basta ang alam niya natatakot siya. Pero nang marinig niya ang boses ng lalaki ay tila ba hinipo ang kaniyang puso at nawala ang pagkatakot niya.

"Ano po ang ibig niyong sabihin? Bakit niyo ako ililigtas sa aking ina? Mabait po ang aking ina at mahal na mahal niya ako," sagot naman ni Trisha na gulong-gulo sa mga sinabi ng lalaki.

"Malalaman mo rin ang aking ibig sabihin. Basta darating ako sa oras na kailangan mo ako. Ililigtas kita mahal ko! Paalam!" Bigla na lamang nawala ang lalaki at naiwang naguguluhan si Trisha.

"Teka sandali! Sandali!" sigaw niya ngunit bigla siyang nagising nang talunan siya ng pusa sa kaniyang tiyan.

"Ah! Panaginip lang pala, salamat Muning ginising mo'ko," anito ng makita ang pusa na nasa tabi niya.

Ano kayang ibig sabihin ng panaginip ko?

At sino iyong lalaki na iyon? Bakit niya ako ililigtas sa inay? Eh hindi naman ako inaano ni nanay. Mahal na mahal nga ako nito?" naguguluhang wika pa ni Trisha na animo may kausap.

"Hmm, panaginip lang iyon. Wala naman sigurong ibig sabihin iyon. Eh ayos na ayos naman ang lagay ko dito. Hindi naman siguro ako ipapahamak ni inay," wika pa nito at saka bumalik na sa pag tulog.

Kinabukasan ay maagang gumising si Trisha dahil darating na ang kaniyang ina. Kailangan niya makapagluto ng almusal para makakain ito bago matulog.

Agad inasikaso ni Trisha ang mga gagawin niya sa umagang iyon. Inuna niya ang pag luto. Nakakakita siya ng Itlog at ham sa refrigerator kaya iyon na ang kaniyang niluto at saka siya nag saing. Habang inaantay niyang maluto ang sinaing ay nag walis walis muna siya sa loob ng bahay.

Tamang-tama naman ng matapos siya ng mga ginagawa ay dumating na ang kaniyang ina.

"Inay tamang-tama ho, kumain muna kayo bago kayo matulog. Nakapag luto na po ako," aya niya sa ina.

"Ay salamat naman anak. Sige kakain ako ng madali at ako'y antok na antok na Marami kasing customers kagabi kaya halos wala kaming pahinga," anito sabay upo sa harap ng mesa. "Halika na anak sabayan mo na ako sa pag kain," alok nito kay Trisha na abala pa rin sa pag aayos ng mga gamit sa skwela.

"Sige po inay!" sagot naman nito at saka lumapit sa mesa at nag sandok ng kanin at ulam.

"Ano Trisha, kumusta naman ang pag-aaral mo anak?" tanong nito sabay uubo-ubo.

"Ayos naman po inay. Exam nga po namin ngayon kaya inagahan ko po talaga ang pag gising para makapunta ako ng maaga sa school at para makapag review pa ulit bago mag simula ang exam," sagot naman ni Trisha.

"Mabuti naman kung ganoon anak, napakaresponsable mo talaga. Napakasuwerte ko sa iyo anak," nakangiting wika ni aleng Fiona sa anak.

Paubo-ubo naman si aleng Fiona habang kumakain kaya napansin ito ni Trisha at nahmbahala sa kalagayan ng ina.

"Inay, ayos lang po kayo? Masama po ba ang pakiramdam niyo?" tanong ni Trisha sa ina.

"Ok lang ako anak. Medyo masama lang talaga ang pakiramdam ko. Sige anak ha, akyat na ako sa kuwarto para makapag pahinga na ako." Sabay tayo na sabi ni aleng Fiona. Dirediretso ito papasok sa kuwarto na animo'y hinang-hina ang katawan.

"Sige po inay, ako na po bahala dito. magpahinga na po kayo," sagot naman ni Trisha.

Nag aalala talaga siya sa kalagayan ng ina dahil napansin niyang nanghihina ito. Hindi niya tuloy maiwasang isipin ang napanaginipan niya kagabi tungkol dito.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • One Night Of Seduction by: R. T. Aguillon    Kabanata 48

    "Luke, pwd ba dito na ako sa condo mo tumira? I want to be with you everyday eh!" malanding ani Patricia. Sumama ito kay Luke umuwi sa condo galing sa opisina. Ayaw kasi umuwi ni Luke sa hacienda dahil naaalala niya lang sa lahat ng sulok ang magaganda at masasaya nilang nakaraan ni Trisha."Come on Patricia! You have your own house! Hindi porke't nakipagkasundo ako sa iyo na maging tayo ay papayag na ako na pumasok ka na ng tuluyan sa buhay ko!" tila aburidong ani Luke habang hinuhubad ang Amerikana."Luke, ano ba naman? Kailan mo ba ako tatanggapin ng buong-buo sa buhay mo? Ano pa bang kulang? Bakit ba hindi mo ako kayang mahalin ng buo? Come on! Tell me! Si Trisha pa rin ba? Huh? Si Trisha pa rin ba?" tila maiiyak na saad ni Patricia. Sobrang sama na ng loob niya sa coldness na pinaparamdam ni Luke. Oo! Pumayag ito na maging sila pero parang wala ding nangyayari dahil nananatili pa ring malamig ang pakikitungo nito sa kaniya at ramdam niya na wala talagang pag ibig para sa kaniya s

  • One Night Of Seduction by: R. T. Aguillon    CHAPTER 47

    Excited na bumangon si Trisha kinaumagahan. First day niya kasi sa kaniyang trabaho."Thanks God! This is the day na mag babago ang lahat sa buhay ko!" nakangiting saad ni Trisha saka ito pakanta-kantang tumungo sa banyo upang maligo.Matapos maligo ay lumabas na siya at naamoy niya nga ang napakabangong amoy ng niluluto mula sa kusina. Kaya naman pumunta siya doon dahil tiyak na ang nanay niya ang nag luluto Hindi nga siya nag kamali ng abutan niya ang kaniyang nanay na nag hahalo ng sinangag.Niyakap niya ito mula sa likod na ikinagulat naman nito."Ay palakang bukid!" sigaw nito dahil sa pag kagulat sa biglang pag yakap ni Trisha. "Anak! Ano ka ba naman anak! Papatayin mo naman ako sa gulat! Aba'y muntik ko nang maitapon ang niluluto kong bata ka!" tila galit na saad ni Aleng Fiona. Tumawa naman ng tumawa si Trisha."Kayo naman inay! Nag lalambing lang eh! Good morning 'nay!" nakangiting sabi ni Trisha saka niyakap at hinalikan ang ina.Napapailing na lamang si Aleng Fiona."Ano p

  • One Night Of Seduction by: R. T. Aguillon    CHAPTER 46

    "Agad-agad tinanggap mo si Trisha, Khalix?" hindi makapaniwalang tanong ni Angela kay Khalix ng makaalis si Trisha."Yes! And what is your problem with that Angela?" sagot naman ni Khalix na tila ba walang pakialam sa kausap habang nag pipirma sa mga papeles na na tambak na sa lamesa niya."Ganoon ka na pala kabilis mag hired ng mga applicants ngayon? Nakakakapag taka lang dahil dati-rati naman ay halos umiyak lahat ng mga applicants bago sila matanggap dito?" hindi pa rin makapaniwalang tanong ni Angela."She is qualified at nasa kaniya na lahat ang hinahanap ko sa isang personal secretary. Take note! My secretary!" sagot naman ni Khalix na binigyang diin pa ang pag sasabi ng "my secretary. "And it's not your business! Personal secretary ko iyon at nasa akin ang lahat ng rights na mag hired ng isang aplikante ayun sa gusto ko, Angela!" dagdag pa nito."Alright! Alright! Your personal secretary na kung personal secretary mo, but my point is bakit parang ang bilis-bilis naman ata! Kas

  • One Night Of Seduction by: R. T. Aguillon    CHAPTER 45

    Dumiretso si Trisha sa isang malaking kumpanya na kilalang-kilala hindi lamang sa kanilang lugar kundi pati na rin sa buong Pilipinas, ang kumpanya ng mgay Montecalvo na isa rin sa pinaka mayaman sa kanilang lugar at kakumpetensya sa negosyo ng pamilya ni Luke.Hindi pa man niya kabisado ang lahat ng miyembro ng pamilya ng mga Montecalvo ay nag lakas loob na siyang mag apply sa kumpanya ng mga ito bilang isang executive secretary."Good morning kuya! Mag aapply po sana ako kasi nabasa ko sa labas na hiring po pala sila!" bati ni Trisha sa security guard na tila inaantok pa.Tila naman nagulat pa ang guwardiya sa biglang pag sulpot at pag sasalita ni Trisha."Go-good morning miss! Sige, tumuloy ka na lamang doon sa loob. Mag tanong ka doon sa magandang dalaga na nakaupo sa may gilid!" nakangiting saad ng guard."Sige po! Thank you!" nakangiti namang sagot ni Trisha saka dumiretso na sa loob at lumapit sa babaeng itinuro ng guwardiya. "Good morning miss! Dito ako itinuro ni manong guard,

  • One Night Of Seduction by: R. T. Aguillon    CHAPTER 44

    Sobrang na depress si Trisha dahil sa pag hihiwalay nila ni Luke. Halos ayaw niya nang mabuhay dahil sa sakit na nararamdaman niya."Anak, please naman! Ayokong nakikita kang ganiyan! Huwag mong hahayaan na masira ang buhay mo dahil sa walang kwentang lalaki na iyon! Hindi ka niya deserve anak! Maganda ka! Matalino! Marami ka pang makikilala! Bumangon ka anak!" nakikiusap na saad ni Aleng Fiona. Awang-awa na kasi siya sa kay Trisha dahil halos mula ng umuwi ito sa kaniya ay palagi lamang itong nag kukulong sa kuwarto at iyak lamang ng iyak! Halos parang namatay na ito dahil sa nangyari sa kanila ni Luke. Ngayon nga ay nakadapa lamang ito sa kama na tila ba wala nang balak pang tumayo. Kung pwede nga lang siguro na huwag na itong huminga ay ginawa na nito. Kaya naman habag na habag si Aleng Fiona sa kaniyang nag iisang anak."Inay, hindi ko alam kung paano ako mag sisimula ulit! Durog na durog ako inay!" ani Trisha na muli na namang nag uunahan ang mga luha sa pag patak mula sa mga ma

  • One Night Of Seduction by: R. T. Aguillon    CHAPTER 43

    Araw-gabi na lamang ay laman ng bar si Luke. Masyado kasi siyang nasaktan sa ginawa sa kaniya ni Trisha. Feeling niya ay wala nang kwenta ang buhay niya.Palagi naman nakasubaybay si Patricia sa lahat ng ginagawa ni Luke. Oo, naaawa siya dito pero iyon din naman kasi ang gusto niya. Ang malugmok ito at saka siya papasok para mahulog ito sa kaniya. At ito na ang tamang pag kakataon upang isakatuparan niya ang kaniyang plano.Habang lasing si Luke isang gabi sa bar ay nag hihintay naman ng tamang timing si Patricia upang malapitan ito. Nang mahalata niya na medyo lasing na ito ay saka siya nag pasiyang lumapit."Luke, tama na! Hindi makakatulong sa iyo ang mga ginagawa mo!" ani Patricia nang makalapit siya kay Luke."Huwag mo akong pakialaman Patricia! Buhay ko ito at wala kang pakialam kung anong gagawin ko! Just stay away from me!" tila galit na saad ni Luke.Ngunit hindi susuko si Patricia kahit anong gawin na pag tataboy ni Luke sa kaniya."Luke, nabalitaan ko ang nangyari sa inyo n

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status