Inicio / Romance / One Night Stand With My Domineering Billionaire Boss / Chapter 47- Aren’t you interested in me anymore?

Compartir

Chapter 47- Aren’t you interested in me anymore?

last update Última actualización: 2025-08-20 17:23:53

HINDI ko alam kung gaano ako katagal na naligo pero talagang nagbabad ako. Paglabas ko ng banyo ay halos padilim na. Nagbihis lang ako ng pantulog ko at pagkatapos ay tumanaw ako sa labas ng bintana. Pinanood ko ang mga sasakyan sa baba at ang mga taong naglalakad sa labas.

Gustuhin ko mang lumabas ngayon ay parang hindi ko pa feel. Bukas na lang siguro ng gabi kung walang meeting ang aking boss. Sayang naman ang pagkakataon kung hindi ko susulitin hindi ba? Pero ang malaking tanong ngayon kung kaya ko nga bang maglakad lakad ng mag-isa?

Napa buntong hininga na lang ako ng wala sa oras at sa halip ay umalis na ako doon para mahiga na sa kama. Kinuha ko ang cellphone ko at nireplayan ang ilang message sa akin ni Astrid at Sharmaine. Tinatanong lang naman nila kung magaling na ako at mabilis ko naman silang sinagot ng oo magaling na ako.

Nag-scroll scroll lang din muna ako sa aking social media accounts hanggang sa magsawa na rin ako. Ibinaba ko ang aking cellphone sa tabi ko at pagkata
Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App
Capítulo bloqueado

Último capítulo

  • One Night Stand With My Domineering Billionaire Boss   BOOK 3

    LUSTFUL NIGHTS WITH MY SECRETARYANGELO ANGELLINI STORYAng sekretarya niya sa loob ng dalawang taon ay biglang nagpasa ng resignation letter isang hapon.“I have been your secretary for two years now, can you do me a favor as a parting gift?” tanong nito sa kaniya.Napakunot ang noo niya. “What is it?” curious na tanong niya rito.“Sleep with me just tonight.” matapang na sagot nito na ikinagulat niya.Sa ilang taong lumipas, akala niya ay hindi na magagamot pa ang sugatang puso niya— not until her secretary made a deal with him.Ang isang gabi na usapan nila ay hindi natupad dahil siya mismo ang nag-propose ng kasunduan dito. “I’ll sleep with you without counting.” deklara niya na ikinagulat nito.Relasyong secretary at boss kapag may nakakakita pero kapag walang matang nakatingin ay bed partners sila. Saan hahantong ang relasyon nila? Pagsasawa o realisasyon na hindi na lang pala dahil sa tawag ng laman ang nararamdaman nila?

  • One Night Stand With My Domineering Billionaire Boss   Epilogue

    NAPAKALAKAS ng tibok ng puso ko habang nakatayo sa harap ng nakasarang pinto. Ilang sandali pa ay dahan-dahan na itong bumukas. Tumingala ko, sa dulo ng nakalatag na red carpet ay nakatayo ang taong pinakamamahal ko.Nagsimulang tumugtog ang isang musika tanda na magsisimula na akong maglakad papasok sa loob ng simbahan. Nang mga oras na iyon ay hindi ko na napigilan pa ang halo-halong emosyon na nararamdaman ko.Pinangarap kong ikasal sa taong mahal ko, natupad iyon pero may isang hindi natupad sa espesyal na araw ito, iyon ay ang ilakad ako ni Daddy sa altar. Hindi ko namalayan na nangingilid na pala ang aking luha. Ito ang pinaka-masayang araw ng buhay ko pero hindi ko akalain na kasabay nito ay makakaramdam ako ng lungkot.Ang mga tao na nasa loob para saksihan ang pag-iisang dibdib namin ni Eros ay nakatingin sa akin na punong-puno ng admirasyon at paghanga. Hindi nagtagal ay tuluyan na akong tumigil sa harap ni Eros na noong mga oras na iyon ay namumula na ang mga mata habang nak

  • One Night Stand With My Domineering Billionaire Boss   Book2- Chapter 41

    “I’m so sorry…” puno ng pagsisising sabi niya. Nang marinig ko ang kanyang tinig ay mas lumalo lang ang pagragasa ng aking emosyon. Sobra. Napakagat-labi ako. I missed him so much, kahit na ilang araw pa lang kaming hindi nagkita.His voice, his touch, everything about him. Pero ano itong ginagawa niya sa akin? It’s like a punishment.Handa na akong umalis, handa na akong lumayo ng walang pag-aalinlangan, na hindi na iniisip pang lumingon pero bakit? Bakit niya ginagawa sa akin ito?“I… I didn’t mean to hurt you. Gulong-gulo ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil hindi ko inaasahan na mangyayari at makakabuo tayo.”“Please, would you give me another chance Mikaela?” tanong niya sa akin at sa pagkakataong iyon ay biglang may sumabog sa itaas ng kalangitan, it was a firework.Hindi ako makapaniwala sa aking nakikita, hindi ko ito lubos na inaasahan. Kasunod ng fireworks ay ang paglitaw ng tila mga drone sa kalangitan at halos mahilam ang aking mga mata nang mabasa ko ang nakasul

  • One Night Stand With My Domineering Billionaire Boss   Book2- Chapter 40

    “Pwede bang sumama ka muna sa akin?” tanong sa akin ni Angelo. Nasa bahay na naman siya. Ngayong gabi na ang flight ko patungo sa California. Doon ko napili munang manatili, doon ko planong magsimula ulit.“Saan tayo pupunta?” tanong ko sa kaniya. “Ilang oras na lang ay flight ko na.” sabi ko sa kaniya kung saan ay sumulyap pa ako sa aking kamay dahil naroon ang aking relo.Bahagya naman siyang ngumiti sa akin. “Just want to be with you before you go…” sabi niya sa akin habang nakatitig sa aking mga mata. There was something in his eyes, pain is it?Pero dahil hindi naman ako ganun kagaling para magbasa ng emosyon ng mga tao ay hindi ko alam kung ano ito. Hindi ko alam kung ano ang emosyong nakapaloob sa mga mata niya ng mga oras na iyon.Ilang sandali akong natahimik. Iniisip kung sasama ba ako sa kaniya o hindi, tinatantiya ko kasi ang oras ng flight ko dahil baka mahuli ako. Pero sa huli ay wala akong nagawa kundi ang mapabuntong hininga na lang. Matagal-tagal din kaming hindi magki

  • One Night Stand With My Domineering Billionaire Boss   Book2- Chapter 39

    ISANG malakas na sampal ang dumapo sa aking pisngi pagkauwi ko ng bahay. Kagigising ko pa lang ay tinawagan na ako ng aking ina at bukod pa doon ay napakarami na nilang missed call bago ko pa ito masagot dahil tulog na tulog ako at ngayon ay ito nga ang eksena pagdating ko. Nasa pinto pa lang ako ay agad na niya akong sinalubong.Ang kanyang mga mata ay namumula dahil sa pag-iyak at sa galit. “Hindi kita pinalaki para maging ganito Eros! Paano mo naatim na saktan ang dalawang babaeng nagmamahal sayo?” napapahikbing tanong niya sa akin.Bigla akong napayuko. Hindi ko alam kung paano ko siya titingnan sa kanyang mga mata dahil alam kong punong-puno iyon ng pagkadismaya. “Eros, why?” halos napapaos ng tanong niya sa akin.Wala akong alam na isagot. Napakuyom lang ako ng aking mga kamay. “Why?!” muli nyang tanong sa akin at sa pagkakataong ito ay pauulit-ulit na niyang pinagsusuntok ako sa aking dibdib. Hindi ko iyon ininda.Ilang sandali pa ay hinawakan na siya ni Daddy at inilayo sa aki

  • One Night Stand With My Domineering Billionaire Boss   Book2- Chapter 38

    BUMAGSAK ang mga balikat ni Angelo sa kanyang narinig. Hindi niya inaasahan na iyon ang magiging sagot sa kaniya ni Mikaela pero anong magagawa niya? Alam niya sa sarili niya na hindi kayang madiktahan ang puso kahit na ano pa ang gawin niya kaya sa huli ay tumango siya.“I’m sorry…” paghingi niya ng paumanhin.“You don’t have to be sorry, Angelo. Wala kang kasalanan.” sabi naman nito kaagad sa kaniya.Ilang segundong katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa. Bumalik siya sa kanyang kinauupuan. “Anong plano mo ngayon?” tanong niya rito. Kahit na tinanggihan siya nito ay gusto niya pa ring alamin kung ano ang magiging plano nito. Gusto niya pa ring masiguro na magiging maayos ito.Bumuntong hininga muna ito at pagkatapos ay sumagot. “Plano kong pumunta sa ibang bansa para doon na muna tumira.” sagot nito sa kaniya na ikinatango-tango niya lang naman.“Mukhang buo na talaga ang loob mo.” sabi niyang muli.Ngumiti naman ito ng malungkot at pagkatapos ay nagkibit balikat. “Wala akong

Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status