Share

Chapter 7

last update Last Updated: 2025-07-28 16:26:35

NAGING isang normal na araw ang nangyari kinabukasan. Trabaho, kwentuhan kasama ang aking mga katrabaho habang nagtatawanan. Tinanong ako ng mga ito kung magaling na ba ako ng paulit-ulit at puno ng pag-aalala. Napangiti na lang ako. Kahit papano ay may mga tao pa ring concern sa akin kaya lang habang kumakain kami ng tanghalian sa cafeteria ay bigla na lang akong tinanong ni Astrid bigla.

“Uy, diba kahapon ang anniversary niyo ni Philip?” tanong niya sa akin nang mapagtanto nito kung anong petsa na ngayon at hindi ko inaasahan na matatandaan niya pala kung kailan ang anniversary namin ni Philip.

Napabuntong hininga na lang ako pagkalipas ng ilang sandali at hindi umumik. Sumubo muna ako ng pagkain bago pa ako mawalan ng gana. Hindi naman sa na-offend ako dahil sa pagtatanong niya sa akin kundi dahil naalala ko na naman ang ginawa niya sa akin.

Napansin naman kaagad nila na medyo off ang naging reaksyon ko kaya nag-aalala ang mga itong tumingin sa akin. “Okay ka lang ba? May nangyari ba? Sabihin mo sa amin, huwag kang mahiyang magkwento.” sabi ni Astrid ulit sa akin.

“Oo nga naman Freya. Para namang hindi tayo magkakaibigan.” segunda naman ni Sharmaine.

Ibinaba ko ang tinidor at uminom ng tubig. Paano ko ba sasabihin sa kanila? Paano ko ba uumpisahan ang pagkwekwento sa nangyari? “Well, ano kasi…” napalunok ako. Siguro naman ay hindi nila ako huhusgahan kapag naikwento ko sa kanila ang lahat ng nangyari hindi ba?

“Ang totoo niyan, noong bago ang anniversary namin ay nagpunta ako sa bahay niya para sana sorpresahin siya.” agad na nag-init ang aking mga pisngi at para maibsan ang aking kahihiyan ay yumuko na lang ako bago magpatuloy. “Balak ko na sanang isuko sa kaniya ang bataan dahil matagal naman na kami, hindi ba at iyon naman ang palagi niyong sinasabi na sa relasyon ay kasama talaga iyon?” 

Tahimik lang ang mga itong nakikinig, hinihintay ang mga susunod pang sasabihin ko. “Kaya lang pagdating ko doon ay nagulat ako dahil, dahil may katalik siyang ibang babae.” napakagat ang labi ko. Sariwa pa sa aking isip ang naabutan kong eksena sa bahay ni Philip. 

“Ano?!” malakas na sigaw ni Astrid. Ang ibang nasa loob ng cafeteria ay napalingon na sa gawi nila kaya bigla niyang tinakpan ang bibig nito.

“Hinaan mo naman yang bibig mo.” saway ko kaagad sa kaniya. Syempre nakakahiya ano.

Ang mga mata ni Astrid ay naging malamig at puno ng galit. Maging si Sharmaine ay ganun din ang naging reaksyon. “Napaka-gag0 naman ng lalaking iyon! Anong karapatan niya na lokohin ka huh?” inis na inis na usal ni Astrid.

Ilang sandali pa ay hinawakan naman ni Sharmaine ang kamay ko at marahang pinisil. “Huwag mo ng intindihin pa ang lalaking iyon. Hindi mo siya deserve kaya ang mas mainam ay kalimutan mo na lang siya, may darating pa na mas higit sa kaniya.” 

“Oo nga.” segunda naman ni Astrid.

Hindi na lang ako umimik sa halip ay marahang tumango. Hindi ko na nagawa pang sabihin sa mga ito ang sumunod pa na nangyari, na naglasing ako at pagkatapos ay basta na lang sumama sa isang estranghero at ibinigay ang sarili ko rito. Baka mas mawindang pa sila kapag sinabi ko iyon. Lalo pa at alam nila kung paano ko ingatan ang sarili ko tyaka kasi ay sa kanila ako humihingi ng advice.

“Hays, sabi ko na e. Unang kita ko pa lang talaga sa kaniya ay iba na ang pakiramdam ko.” sabi pa ni Astrid ulit.

“Ikaw lang ba? Ako nga minsan ay nakita ko siya sa mall may kasamang iba at—” natigilan ito at tumingin sa akin pagkatapos ay tinakpan ang bibig. Puno ng pagkabigla. “Pasensya ka na Freya, hindi ko sinabi sayo kasi, kasi alam kong mahal na mahal mo siya at isa pa ay natatakot ako na baka isipin mo na sinisiraan ko lang siya.” paliwanag nito habang puno ng paghingi ng paumanhin ang mga mata nito.

Mahina ko na lang siyang nginitian. Baka nga, baka nga kapag sinabi nito noon iyon sa akin at hindi ko pa nahuhuli si Philip ay baka sumama nga lang talaga ang loob ko sa kaniya.

“Pero hayaan mo na yun, ang mahalaga ay wala na kayo at nahuli mo na ang tunay niyang pag-uugali. Mas mainam din iyon na ngayon mo na siya nahuli kaysa kapag kasal na kayo mas mahirap yun.” muli pa nitong sabi sa kaniya na ikinatango ko na lang.

Ilang sandali pa kaming nag kwentuhang tatlo bago tuluyang bumalik sa aming opisina at itinuloy ang aming mga trabaho. Mabilis na lumipas ang oras at halos alas singko y medya na nang lumabas kami ng kumpanya. Magkakasama kaming tatlo dahil ang sabi nilang dalawa ay kailangan daw naming mag-celebrate dahil sa pagiging single ko ulit at ililibre daw nila ako.

Masaya kaming naglalakad palabas nang mapatigil na lang bigla si Astrid. Puno ng pagtataka kung bakit ay sinundan ko ng tingin ang tinitingnan niya at doon ko nakita si Philip na nakasandal sa kotse nito na nasa harapan ng kumpanya at malamang sa malamang ay hinihintay niya ako.

Walang salitang binitawan si Astrid at mabilis na naglakad patungo sa direksyon nito na kaagad naman siyang napansin ni Philip kasunod nito ay ang pagsampal nito rito na hindi ko lang ikinagulat kundi maging ang mga taong nasa harapan ng kumpanya.

“Deserve, kulang pa yan. Isa pa dapat!” masayang bulong ni Sharmaine na nakatayo sa tabi ko.

“What the hell is your problem?” narinig kong tanong ni Philip kay Astrid ng makabawi ito. Ang mga mata nito ay nag-aapoy habang nakahawak sa pisngi nito. 

Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras kaya agad kong inihakbang ang aking mga paa at lumapit na sa kanila.

“Tinatanong mo pa talaga? Ang lakas naman ng loob mo para magpakita pa rito pagkatapos ng ginawa mo sa kaibigan ko!” nakakuyom ang mga kamay na sigaw ni Astrid. Mukhang galit na galit talaga ito.

“Astrid, tama na yan.” sabi ko at hinawakan na ang kamay niya at akmang hihilahin na sana ito paalis doon ngunit pinigilan niya ako.

“Hindi Freya, kailangan ipamukha sa lalaking ito ang ginawa niya.” 

Biglang tumingin si Philip sa akin na nasa likod ni Astrid. Ang mga mata nito ay naging mas malambot maging ang ekspresyon  nito. Mabilis nitong binuksan ang kotse at inilabas ang isang bungkos ng kulay puting rosas at pagkatapos ay isang mahinang ngiti ang ipinaskil nito sa labi bago humakbang upang lumapit sa akin ngunit nanatili si Astrid sa harap ko at pilit itong hinaharangan.

Sinubukan niyang lumusot ngunit hindi talaga siya pinalusot ni Astrid. “Ano ba? Bakit ba nakikialam ka?” inis na tanong na nito kay Astrid pagkalipas ng ilang sandali.

“Ano rin bang pake mo huh? Ano bang ginagawa mo rito? Sa tingin mo ba ay pag binigyan mo siya ng bulaklak ay mapapatawad at makakalimutan na niya ang ginawa mo huh?” tuloy-tuloy na tanong ni Astrid dito.

“Bakit ba mas magaling ka pa? Ikaw ba si Freya?”

Nilingon ako ni Astrid. “Sige, si Freya lang ang makakasagot kung mapapatawad ka ba niya o hindi.” sabi nito at umalis sa harap ko ng tuluyan.

Humakbang si Philip at nakangiting inabot sa akin ang bulaklak. Kung noon niya sa akin ito ginawa ay baka mamatay matay na ako sa kilig pero ngayon? Wala akong maramdaman. Blangko lang akong nakatitig sa hawak niyang bulaklak bago sinalubong ang kanyang mga mata. “Hindi pa ba malinaw sayo ang lahat Philip? Tapos na tayo.” sabi ko sa kaniya at pagkatapos ay hinila na si AStrid paalis doon.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Elt FedericoGadayan
nakaka sura ayang lola ni Dalton at saka si Via nabyan ah .. sana di lang mag ka amnesia si Dalton... saba tulongan ni kian si Freya mag tago...
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • One Night Stand With My Domineering Billionaire Boss   BOOK 3

    LUSTFUL NIGHTS WITH MY SECRETARYANGELO ANGELLINI STORYAng sekretarya niya sa loob ng dalawang taon ay biglang nagpasa ng resignation letter isang hapon.“I have been your secretary for two years now, can you do me a favor as a parting gift?” tanong nito sa kaniya.Napakunot ang noo niya. “What is it?” curious na tanong niya rito.“Sleep with me just tonight.” matapang na sagot nito na ikinagulat niya.Sa ilang taong lumipas, akala niya ay hindi na magagamot pa ang sugatang puso niya— not until her secretary made a deal with him.Ang isang gabi na usapan nila ay hindi natupad dahil siya mismo ang nag-propose ng kasunduan dito. “I’ll sleep with you without counting.” deklara niya na ikinagulat nito.Relasyong secretary at boss kapag may nakakakita pero kapag walang matang nakatingin ay bed partners sila. Saan hahantong ang relasyon nila? Pagsasawa o realisasyon na hindi na lang pala dahil sa tawag ng laman ang nararamdaman nila?

  • One Night Stand With My Domineering Billionaire Boss   Epilogue

    NAPAKALAKAS ng tibok ng puso ko habang nakatayo sa harap ng nakasarang pinto. Ilang sandali pa ay dahan-dahan na itong bumukas. Tumingala ko, sa dulo ng nakalatag na red carpet ay nakatayo ang taong pinakamamahal ko.Nagsimulang tumugtog ang isang musika tanda na magsisimula na akong maglakad papasok sa loob ng simbahan. Nang mga oras na iyon ay hindi ko na napigilan pa ang halo-halong emosyon na nararamdaman ko.Pinangarap kong ikasal sa taong mahal ko, natupad iyon pero may isang hindi natupad sa espesyal na araw ito, iyon ay ang ilakad ako ni Daddy sa altar. Hindi ko namalayan na nangingilid na pala ang aking luha. Ito ang pinaka-masayang araw ng buhay ko pero hindi ko akalain na kasabay nito ay makakaramdam ako ng lungkot.Ang mga tao na nasa loob para saksihan ang pag-iisang dibdib namin ni Eros ay nakatingin sa akin na punong-puno ng admirasyon at paghanga. Hindi nagtagal ay tuluyan na akong tumigil sa harap ni Eros na noong mga oras na iyon ay namumula na ang mga mata habang nak

  • One Night Stand With My Domineering Billionaire Boss   Book2- Chapter 41

    “I’m so sorry…” puno ng pagsisising sabi niya. Nang marinig ko ang kanyang tinig ay mas lumalo lang ang pagragasa ng aking emosyon. Sobra. Napakagat-labi ako. I missed him so much, kahit na ilang araw pa lang kaming hindi nagkita.His voice, his touch, everything about him. Pero ano itong ginagawa niya sa akin? It’s like a punishment.Handa na akong umalis, handa na akong lumayo ng walang pag-aalinlangan, na hindi na iniisip pang lumingon pero bakit? Bakit niya ginagawa sa akin ito?“I… I didn’t mean to hurt you. Gulong-gulo ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil hindi ko inaasahan na mangyayari at makakabuo tayo.”“Please, would you give me another chance Mikaela?” tanong niya sa akin at sa pagkakataong iyon ay biglang may sumabog sa itaas ng kalangitan, it was a firework.Hindi ako makapaniwala sa aking nakikita, hindi ko ito lubos na inaasahan. Kasunod ng fireworks ay ang paglitaw ng tila mga drone sa kalangitan at halos mahilam ang aking mga mata nang mabasa ko ang nakasul

  • One Night Stand With My Domineering Billionaire Boss   Book2- Chapter 40

    “Pwede bang sumama ka muna sa akin?” tanong sa akin ni Angelo. Nasa bahay na naman siya. Ngayong gabi na ang flight ko patungo sa California. Doon ko napili munang manatili, doon ko planong magsimula ulit.“Saan tayo pupunta?” tanong ko sa kaniya. “Ilang oras na lang ay flight ko na.” sabi ko sa kaniya kung saan ay sumulyap pa ako sa aking kamay dahil naroon ang aking relo.Bahagya naman siyang ngumiti sa akin. “Just want to be with you before you go…” sabi niya sa akin habang nakatitig sa aking mga mata. There was something in his eyes, pain is it?Pero dahil hindi naman ako ganun kagaling para magbasa ng emosyon ng mga tao ay hindi ko alam kung ano ito. Hindi ko alam kung ano ang emosyong nakapaloob sa mga mata niya ng mga oras na iyon.Ilang sandali akong natahimik. Iniisip kung sasama ba ako sa kaniya o hindi, tinatantiya ko kasi ang oras ng flight ko dahil baka mahuli ako. Pero sa huli ay wala akong nagawa kundi ang mapabuntong hininga na lang. Matagal-tagal din kaming hindi magki

  • One Night Stand With My Domineering Billionaire Boss   Book2- Chapter 39

    ISANG malakas na sampal ang dumapo sa aking pisngi pagkauwi ko ng bahay. Kagigising ko pa lang ay tinawagan na ako ng aking ina at bukod pa doon ay napakarami na nilang missed call bago ko pa ito masagot dahil tulog na tulog ako at ngayon ay ito nga ang eksena pagdating ko. Nasa pinto pa lang ako ay agad na niya akong sinalubong.Ang kanyang mga mata ay namumula dahil sa pag-iyak at sa galit. “Hindi kita pinalaki para maging ganito Eros! Paano mo naatim na saktan ang dalawang babaeng nagmamahal sayo?” napapahikbing tanong niya sa akin.Bigla akong napayuko. Hindi ko alam kung paano ko siya titingnan sa kanyang mga mata dahil alam kong punong-puno iyon ng pagkadismaya. “Eros, why?” halos napapaos ng tanong niya sa akin.Wala akong alam na isagot. Napakuyom lang ako ng aking mga kamay. “Why?!” muli nyang tanong sa akin at sa pagkakataong ito ay pauulit-ulit na niyang pinagsusuntok ako sa aking dibdib. Hindi ko iyon ininda.Ilang sandali pa ay hinawakan na siya ni Daddy at inilayo sa aki

  • One Night Stand With My Domineering Billionaire Boss   Book2- Chapter 38

    BUMAGSAK ang mga balikat ni Angelo sa kanyang narinig. Hindi niya inaasahan na iyon ang magiging sagot sa kaniya ni Mikaela pero anong magagawa niya? Alam niya sa sarili niya na hindi kayang madiktahan ang puso kahit na ano pa ang gawin niya kaya sa huli ay tumango siya.“I’m sorry…” paghingi niya ng paumanhin.“You don’t have to be sorry, Angelo. Wala kang kasalanan.” sabi naman nito kaagad sa kaniya.Ilang segundong katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa. Bumalik siya sa kanyang kinauupuan. “Anong plano mo ngayon?” tanong niya rito. Kahit na tinanggihan siya nito ay gusto niya pa ring alamin kung ano ang magiging plano nito. Gusto niya pa ring masiguro na magiging maayos ito.Bumuntong hininga muna ito at pagkatapos ay sumagot. “Plano kong pumunta sa ibang bansa para doon na muna tumira.” sagot nito sa kaniya na ikinatango-tango niya lang naman.“Mukhang buo na talaga ang loob mo.” sabi niyang muli.Ngumiti naman ito ng malungkot at pagkatapos ay nagkibit balikat. “Wala akong

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status