LOGINMarga shakes her head unbelievably, staring at him with annoyance. “Ayoko lang maging masaya ang mga tsismosa, Mr. Xander,” depensa niya saka ikinibit ang mga balikat.
Lalo pang lumapad ang pilyong ngiti sa labi ni Xander habang humahakbang palapit sa kanya.
“Ano ba’ng complaint mo ha?” naiinis niyang kastigo rito.
“You know what I want, Baby,” maagap nitong sagot.
Nagdikit ang mga kilay ng dalaga saka pilit na inaalala ang tinutukoy nito habang nakikipagsukatan ng tingin sa pilyong binata.
“How about tonight? Would you like me to warm your bed?” he asked seductively.
Halos mailuwa ni Marga ang kanyang mga mata sa di inaasahan na maririnig mula rito. She was dumbfounded. Napatingala siya rito nang tuluyan itong makalapit sa kanya.
"No matter which angle I look at you, you're still very beautiful, baby," humahanga nitong sabi at bahagyang yumuko upang magpantay ang kanilang mga paningin.
“Excuse me? Naglolokohan ba tayo rito?” seryoso niyang tanong.
Hindi niya alam kung saan o paano niya ilulugar ang sarili sa lalaking ito. Hindi pa rin siya pwede magpadalos-dalos na pakitunguhan ito ng bastos.
“I’m not, Marga. I’m f*cking serious,” he answered firmly.
Halos hindi niya magawang ikurap ang mga mata sa sobrang gulat niya na makita sa lalaki ang sinseridad nito sa sinasabi. “I’m not interested in you, Mr. Xander. You’re not even my type,” she said out of her cognizance.
Bahagyang tumaas ang isang kilay ni Xander saka ito nagpakawala ng malakas na pagtawa. Habang ang dalaga naman ay lihim na pinapagalitan ang sarili sa kabalbalan ng kanyang bunganga.
Garette, kaibigan pa rin siya ng boss mo…
Marahang hinamig ni Marga ang kanyang sarili at inihanda ang diwa sa magiging bwelta ng preskong lalaki sa sinabi niya rito.
Napalunok siya nang biglang natigil ito sa pagtawa saka inilapit muli ang mukha nito sa kanya. Halos mapigil niya rin ang kanyang paghinga nang makitang naging seryoso ang gwapong mukha nito.
“Tell me, Marga, why?” he said and paused to swallow. "What does Miguel have that I don't? Have you already slept with him?" he added.
Nanlaki ang kanyang mga mata sa narinig at gayun na lamang ang pang-iinit ng dulo ng kanyang tainga sa sobrang inis rito.
Kapagkuwan ay buong lakas niya itong naitulak palayo sa kanya ngunit hindi iyon sapat para mailayo nga ito mula sa kanya.
“Baka nakakalimutan mong nasa Pilipinas ka! Huwag mo nga ako itulad sa mga babae na nakasalamuha mo sa kung saang panig ka ng mundo nanggaling!” singhal niya rito.
Napansin naman ng dalaga ang pag rehistro ng gulat at pagtataka sa gwapong mukha ng binata. Mariin lamang itong napatitig sa kanya.
“Hindi ba kita makausap ng matino? Wala ka bang ibang babaeng pwedeng pag-tripan o mahanap na pwede mong ikama?” sunod-sunod niyang sumbat rito.
Alam niya ang rights niya, hindi lang bilang isang empleyado ngunit pati bilang isang babae na binabastos ng ganito. Kaya hindi siya natatakot na sumbatan ito ngayon.
“Hindi porke’t kaibigan ka ng boss ko ay pwede mo na akong bastusin ng ganito, Mr. Xander. Kung kabastusan lang man din ang sadya mo sa’kin, sinasayang mo ang oras ko!” dagdag niya.
Gustong-gusto niya ng mag-walk out mula rito, ngunit hindi niya alam kung bakit parang may mga kamay na pumipigil sa kanyang mga paa. Halos hinihingal siya sa mga nasabi niya.
Kitang-kita niya ang pagtaas-baba ng adams apple nito. Pakiwari ng dalaga na-realize nito ang mga sinabi niya.
"If that's how you feel, I'm not being disrespectful to you. I like you a lot, Marga," he said softly.
Nasa mga mata nito ang pagsusumamo. Napalunok naman ng sunod-sunod ang dalaga. Gusto niyang marinig ang salitang “sorry” mula rito, pero ewan niya kung bakit tila naging sapat sa kanya ang sinabi nito.
"Would you give me a chance to correct the impression you had of me through my actions?" he asked genuinely.
Hindi alam ni Marga kung bakit bigla-bigla’y bumilis ang pagtibok ng kanyang puso. Wala siyang maapuhap na salita para isagot sa nagsusumamong binata. Ilang segundo sila nagkatitigan bago muling humakbang palapit sa kanya si Xander.
Kusa naman siyang napaatras nang pilit na kinukuha ng binata ang natitirang distansya sa pagitan nila. Tulad nang naging eksena nila sa pantry room noong lunes ay muli na naman siya nakulong sa pagitan ng katawan nito at sa pagkakataong ito ay sa hamba ng pinto.
"Do you like my best friend so much that you can't give me a chance? How about just dinner tonight? I want you to get to know me first, Marga, before you tell me that you're not interested in me," he said softly but firmly.
Abot-abot ang kanyang paghinga sa narinig. Lihim siyang napamura sa kanyang sarili nang matanto kung ano ang naging pagkakamali niya at kinukulit siya nito ngayon.
Sh*t! Naapakan ko ba ang ego ng lalaking ‘to? Mukhang nagkamali ka sa pagkakataong ito Garette!
Ngunit biglang nangunot ang kanyang noo nang umalingawngaw sa kanyang diwa ang unang sinabi nito.
“Ba-Ba’t ba paulit-ulit mong sinasabi na may gusto ako sa boss ko?” halos nauutal niyang sumbat rito.
Maging ang kanyang ulo ay mariin niyang naidikit sa hamba ng pinto nang itukod nito ang dalawang braso sa magkabilang gilid niya at muli nitong inilapat ang tungki ng ilong sa kanya.
Lihim niyang naikagat ang kanyang pang-ibabang labi sa muling paglalapit ng kanilang mga mukha. At ramdam niya ang pagtayo ng mga balahibo sa kanyang batok nang humaplos sa kanyang balat ang mainit nitong paghinga.
“Your gaze reveals the depth of your admiration for my best friend, Marga,” he almost whispered, his gaze fixed intensely upon her.
Hindi niya magawang ikurap ang kanyang mga mata. Hind niya lubos mapaniwalaan ang narinig mula rito. Nabuhay ang pagkabahala niya sa kanyang dibdib.
Alam din ba ni Boss na may gusto ako sa kanya? Sh*t!
“La-Lahat naman kami humahanga sa Boss namin, Mr. Xander, mapababae o lalaki man. Hindi mo iyon maaalis sa’min,” mariin niyang depensa.
Xander squinted his eyes for a few seconds. He cocked his head slightly, as though he was planning to kiss her at any moment.
"I won't buy that reason of yours, Marga. My instincts tell me that what you feel for Miguel is more than just admiration," giit nito sa mahinang boses.
Napalunok si Marga sa narinig. Hindi niya pwede aminin sa lalaki ang totoo.
“Paano ko mapapatunayan sa’yo na mali iyang instincts-instincts na sinasabi mo?” hamon niya rito.
Nahigit niya ang kanyang paghinga ng lalong inilapit ni Xander ang mukha nito sa kanyang pisngi. Halos nanigas siya sa kanyang kinatatayuan dahil sa kakaibang sensasyong dulot ng pagdampi ng pisngi nito sa kanyang ilong at paghaplos ng hininga nito sa kanyang labi.
“Come on dates with me,” he whispered.
Hope you enjoy reading so far mga baby! Don't forget to follow me po, and leave your comment! Thank you!
“This recipe is Indo-Chinese, Marga — and best served with alcohol,” he said cheerfully. Her mouth fell open in disbelief. Gusto niyang mag-violent reaction sa isang salitang nabanggit nito. She had just decided to enjoy the meal and forget the emotional chaos he caused earlier — but that single word made her mind spin again. ‘Alcohol?! Kapag may alak, may balak!’ sigaw ng nagwawala niyang isip. She was about to speak when Miguel raised his hand slightly, silencing her with a knowing grin. “Of course, you’re not allowed to drink alcohol, Marga,” he teased, amusement glinting in his eyes. “I’ll be giving you the Armand de Brignac Ace of Spades Brut Champagne instead — just to complement the food.” She swallowed hard, lips parting but no words came out. She simply sat there, stunned, watching as Miguel moved with easy confidence around the kitchen. Moments later, the rich aroma of sautéed spices and marinated chicken filled the air, wrapping the space in warmth and something
Nagkatinginan sila ni Miguel, kapwa nagulat sa pareho nilang reaksyon. Ngunit agad na napansin ni Marga ang biglang pagdilim ng gwapong mukha ng amo sa kabila ng gulat na reaksyon nito. Hindi niya rin maipaliwanag kung bakit bigla siyang nakaramdam ng kaba. Sa alertong kilos ng bodyguard ni Miguel, tila malinaw na hindi basta simpleng insidente ang pag-ikot ng dalawang drone sa paligid ng villa. Mula nang makabalik siya sa Davao, hindi na niya napansin si Jay na nakasunod sa kanya. At hindi na rin sila ulit nagkausap pa ni Zhavie. Pero posible kayang nagkataon lang na may nag-e-explore ng drone sa area? Pagkakaalam niya, hindi basta-basta nakakalipad ang drone sa loob ng siyudad nang walang kaukulang permit. O baka naman… may nakasubaybay pa rin sa kanya — at may permiso pa para gawin iyon? Nayakap niya ang sarili habang unti-unting naglalakbay ang isip sa kung anu-anong posibilidad, ramdam ang malamig na simoy ng hangin na tila may dalang babala. While Miguel’s expression tu
“What the f*ck are you saying, Marga?!” Miguel burst out, his voice a mix of shock and disbelief. His brows furrowed as a crooked smile tugged at the corner of his lips — half amused, half exasperated. The sudden flare in his tone shattered the tension, replacing it with a strange mix of humor and frustration that only he could pull off. Napakurap ng sunod-sunod ang dalaga saka mariing napalunok. Ang matinding kaba at takot na kanina lamang na lumulukob sa kanyang dibdib ay napalitan ng kalituhan at pagkabahala. 'Hala! Naging OA ka lang ba, Garette?!' naiinis niyang tanong sa sarili. Naisuklay ni Miguel ang isang kamay. Bumakas sa gwapong mukha nito ang kung anong emosyon ang pinipigilan na ipakita. "Hi-hindi ba ganun, Boss?" garalgal ang boses niya. Napahawak siya sa tabletop na gawa sa marble kaya kahit paano ay nahamig niya ang sarili dahil sa lamig na dulot niyon. “What made you think I’d let Pebbles decide for my company — especially when it comes to my employees, Marga
“To give you a glimpse of our relationship, Marga…” Miguel began, his voice low, almost hesitant. “This is the first time that Pebbles has ever acted that way around another woman.” He paused, eyes soft yet troubled, as if weighing each word before letting it slip from his lips. “Even I’m still trying to figure out how to handle it,” he added quietly. Each word dripped with sincerity — the kind that made the air between them heavy, almost fragile. Napahigpit lalo ang hawak niya sa sandok — tila iyon na lang ang pinaghuhugutan niya ng lakas habang pilit pinapakalma ang sarili. Ramdam niya ang bahagyang panginginig ng kanyang mga daliri, kasabay ng sunod-sunod na paglunok na parang gusto niyang lunurin ang sariling inis at pagkalito. Lihim niyang pinagalitan ang sarili. Ano ba’ng iniisip ko? Hindi niya kayang itanggi — may ibang kahulugan na ang lahat. Ang dahilan kung bakit siya pinapunta ni Miguel sa villa, maging ang mga titig at ngiti ng amo, ay tila nagbago na ng anyo sa kan
"This place may not have the same charm as the one Xander showed you..." Napasinghap siya at mabilis na tinakpan ang bibig gamit ang dalawang palad, para bang kaya niyang pigilan ang kabog ng dibdib na biglang sumabog sa loob niya nang muling umalingawngaw sa isip niya ang mga sinabi ng amo. “Shit! Ang tinutukoy ba ni Boss… ay ‘yung pagpunta namin ni Xander sa burol?!” Napakurap siya, nanlaki ang mga mata. Pakiramdam niya, bigla siyang nilamon ng kaba at konsensya. "Sinabi kaya ni Xander?!" gulong-gulo niyang tanong sa sarili. Napakagat siya sa pang-ibabang labi, sabay sapo sa noo na para bang doon niya mababawi ang linaw ng isip. Pero bago pa siya tuluyang lamunin ng pagkalito, awtomatiko siyang napatalikod nang mapansin ang bahagyang pagpihit ni Miguel sa kanyang direksyon. Agad siyang nagpakawala ng malalim na paghinga, tila ba nakalutang matapos ang isang mahabang pagsisid sa ilalim ng tubig. Ramdam niya pa rin ang kabog ng dibdib, mabigat, pero unti-unting humuhupa kasa
Natigalgal ang dalaga sa bigat ng tanong ng amo. Para bang nanlamig ang kanyang mga daliri at nanuyo ang lalamunan niya. Wala siyang agad na maapuhap na salita upang maibalik ang sagot, tila naipit sa pagitan ng kaba at pagkagulat. Halos hindi niya magawang ikurap ang mga mata; gusto man niyang umiwas sa matalim na titig ni Miguel ay tila ba nakagapos siya roon. Paano niya sasagutin ang tanong na iyon? Alam naman niyang darating ang sandaling haharapin niya ito—lalo na matapos ang lahat ng nangyari noong nasa Zamboanga sila. At ngayong narito na, pakiramdam niya’y wala siyang matatakbuhan kundi ang bigat ng sariling damdamin. Lalo na’t bakas sa mga mata ni Miguel ang hayagang paghihintay ng kasagutan, tila ba bawat segundo ng pananahimik niya’y lalo lamang nagpapatindi sa katanungang nakabitin sa pagitan nila. Sasabihin na ba niya rito ang totoo—na nakikipaghalikan na siya sa matalik nitong kaibigan kahit wala pa namang malinaw na relasyon? Na para kay Xander ay tila opisyal







