Nagpakawala siya ng malalim na paghinga, matapos niyang ma-win back ang customer na nag-complaint. Mas nastri-stress pa siya sa complaint kaysa sa sangkaterbang daily task niya.
Nagkataon na kararating niya lamang sa branch ay complaint agad ang sumalubong sa kanya. Hindi niya rin ma-blame ang manager-on-duty na hindi agad na-attend ang nag-complaint dahil nasa stock receiving area pa. Kaya kahit bitbit niya pa ang mga gamit ay hinarap niya na agad ang customer at ni-resolve ang complaint nito.
Napatitig siya sa kanyang laptop. Kahit dalawang araw na ang lumipas mula nung narinig niya ang pinag-uusapan ng kanyang boss at kaibigan nito ay sumasagi pa rin sa isip niya iyon, lalo na kapag nagkakaroon ng slack time ang kanyang diwa.
Two years ago nang nag-take over sa kompanya ang binata niyang boss na si Miguel at mula nung araw na iyon ay kabilang na siya sa secret fans club nito. Hanggang sa isang araw ay na-realize niya na hindi isang simpleng paghanga lamang ang nararamdaman niya sa binatang amo, kung hindi natutuhan niya na itong mahalin.
Ideal man niya si Miguel, kaya gayun na lamang siya ka-inspire na makita ito o magpakitang gilas pa lalo sa trabaho. Bukod sa napaka-firm, objective at rational nito bilang Boss ay napaka-gentleman nito. Ramdam nila bilang empleyado na pinahahalagahan sila mismo nito.
At isa nga siya sa humahanga rito. Bukod sa pagiging butihing Boss at leader nito, kagandahan ng asal at down to earth sa kabila ng pagiging bilyonaryo, ay napakagwapo at hot din nito.
Inaamin naman niya sa sarili na kailanman ay malabo siyang mapapansin nito. At ilang beses niya na rin nakita ang model nitong girlfriend na si Pebbles. Parehong anak ng mga bilyonaryo ang dalawa kaya ni minsan ay hindi pumasok sa isip niya na magkakagusto man lang ang boss niya sa kanya.
Hindi naman sa masyado siyang confident sa kanyang sarili, pero kung ganda at katawan lang naman ang pag-uusapan ay kayang-kaya niyang tapatan ang girlfriend nito, isa nga lang siyang empleyado at mahirap na probinsyana.
Pero hindi niya maitatanggi na naging palaisipan sa kanya ang naging asal ng kaibigan nito sa kanyang Boss. Masyado siyang naging feelingera kaya nasaktan tuloy siya ng husto sa pagbibigay diin nito na isa lamang siyang empleyado, kahit simula pa lamang ay tanggap niya na hanggang pangarap niya lang ito.
“Madam,” tawag ng manager-on-duty na pumukaw sa kanya mula sa kawalan.
“May complaint po sa VIP Room number 2. Kinausap ko na po, pero ang gusto niya raw na makausap iyong babae na nakausap umano sa nag-complaint na customer kanina. Ikaw yata talaga ang gusto, Madam,” paliwanag ng MOD.
Napasimangot ang dalaga sa narinig na ikinangiti na lamang ng kanyang MOD.
“Tapusin mo na iyong dapat mong tapusin. Ako na bahala doon,” wika niya saka patamad na tumayo.
Humugot muna ng malalim na paghinga si Marga bago kumatok sa VIP room na tinutukoy ng kanyang MOD.
“Come in,” sagot mula sa kabilang bahagi ng pinto.
Inihanda na ni Marga ang kanyang customer service smile bago tuluyang binuksan ang pinto. Subalit, biglang naglaho ang mga ngiti niyang iyon, nang pagpasok niya ay nagtama agad ang mga mata nila ng lalaking ayaw na ayaw niyang makitang muli.
“I didn't expect to run with you here, Baby,” bungad sa kanya ni Xander saka siya kinindatan.
Labas na labas ang mapuputi at pantay na pantay nitong mga ngipin habang nakatitig sa kanya ng malagkit. Sa simpleng suot nitong plain navy blue polo shirt ay mas lalo lumantad ang kakisigan ng pilyong binata.
“Ikaw iyong nag-complaint?” taas-kilay niyang tanong sabay turo ng kanyang hintuturo.
Marahan itong tumango saka tumayo sa kinauupuan. Napalunok si Marga, hindi niya inaasahan na makikita pa itong muli.
“Legit ba iyang complaint mo o puro kalokohan na naman?” tamad niyang turan bago ikinibit ang balikat.
Humari ang malakas na tawa ni Xander sa good for five na VIP room. Marga rolled her eyes in annoyance.
Mukhang sasayangin na naman ng bwesit na ‘to ang oras ko…
"Didn't you not even miss me, baby?"
pilyo nitong tanong nang iilang hakbang na lamang ang namamagitan sa kanilang dalawa.Nangunot ang kanyang noo sa narinig at nakipagsukatan ng tingin sa pilyong binata. Nakikita niya sa mga mata nito na marami itong baon na kalokohan.
Napapitlag siya nang may tumikhim sa paligid kaya agad siyang napatingin sa pinanggalingan ng boses. Sunod-sunod ang naging paglunok niya nang matantong may dalawa pa pala itong kasama, na nasa kaliwang bahagi niya na kakatayo lamang.
“We will wait for you in your office, Xan,” sabi ng lalaki na may hawak-hawak na laptop, at kahit nasa early 50’s na ang tindig ay mababakas pa rin ang ma-awtoridad nitong aura.
Habang ang katabi naman nitong lalaki na tila nasa late 30’s ay nakangiti lamang na nakatingin sa direksyon ng loko-lokong binata.
Nahagip ng sulok ng mga mata niya ang pagtango ni Xander, kaya lumapad ang mga ngiti sa labi ng dalawang lalaki, na pawang naka-office attire, saka makapanabay napatingin sa kanyang gawi ang mga ito at nginitian siya.
“Excuse us, Ma’am Marga,” pormal na paalam ng nasa 50’s na lalaki.
Kusang napayuko ang dalaga saka nginitian ang dalawa bilang pagpapahiwatig ng paggalang niya sa mga ito. Humakbang pa siya paatras pakanan upang ibigay ang daan sa dalawa palabas ng VIP room.
Kapagkuwan ay napaigtad ang kanyang katawan ng mapansin ang lalaking nakatayo sa kanang bahagi niya. Napakurap siya nang mapagsino ang nakangiting lalaki.
Ba’t ba hindi ko lang man napansin na may ibang tao sa silid na ‘to bukod sa bwesit na lalaking ito?!
"You can go out now, Langga. I'll take care of things here; I know this mischievous one," kaswal niyang instruction sa nakatayong crew na mataman lamang nakamasid sa kanya.
Masayang ngiti ang gumuhit sa labi ng crew, saka yumukod sa kanya at sa tumatawang si Xander.
“I’m with my Baby now, Kheil, so I’m in good hands,” sabi pa ni Xander sa crew.
Nakabusangot ang kanyang mukha napaharap sa tumatawa pa ring binata.
“Huwag mo ng pansinin pa ang sinasabi ng lalaki na iyan, Kheil, kaya lumabas ka na,” mariin niyang utos sa naiilang na crew.
Pinilit na maitago ang inis niya sa preskong lalaki. Ayaw niyang ma-misinterpret ng kanyang subordinate ang sinabi ni Xander at maging pulutan na naman siya ng usapan ng mga katrabaho.
Naging mabilis naman ang hakbang ng crew palabas ng silid, matapos itong nakapagpaalam ng maayos kay Xander.
"Ow, I didn't expect that you wanted to have me all to yourself, baby," he said teasingly, with a charming twinkle in his eyes and a mischievous grin on his thin lips.
Hi, GN Readers! Thank you for reading and adding it in your library! Hope you enjoy the previous chapters. Leave me a review if you enjoyed the story so far. And, hope you guys follow me.
Napapitlag sa gulat ang dalaga at natigil sa paghakbang nang maramdaman ang kamay na tumapik sa kanyang kanang balikat. "I'm sorry, Miss, kung nagulat kita," bungad sa kanya ng lalaki nang magtama ang kanilang paningin. Bahagyang nangunot ang kanyang noo dahil pakiramdam niya nakasalamuha na ito noon, hindi nga lang niya maalala. "Yes?" Takang-tanong niya rito. "Gusto ko lang sanang itanong kung saan banda ang Purok 16," anito sa mahinahong tinig, kasabay ng pag-angat ng isa nitong kilay na tila nahihiwagaan. "Parang malalim ang iniisip mo kanina kaya hindi mo ako narinig," dagdag pa nito habang bahagyang napapailing at may kunot ang noo—halatang nag-aalalang baka nakasagasa ng damdamin. "Pasensya na kung nagulat ka sa pagtapik ko," pahabol pa nito sa malumanay at paumanhing tinig, sabay ng alanganing ngiti at bahagyang pagyuko bilang tanda ng paggalang. "Ahhh!" Tanging salita na lumabas sa kanyang bibig habang pilit na iginuguhit ang ngiti sa labi. Hindi niya maikakai
Pabagsak na napaupo si Jhadie saka malalim na buntong-hininga ang pinakawalan. Halatang pagod na pagod ang mukha nito, at bahagyang napapikit habang pinapawi ang tensyon. "Salamat naman at natapos din tayo sa isang 'to!" aniya sa inis-halakhak na tono, kasabay ng pag-ikot ng mga mata at pilit na ngiting may halong pagod. Naipikit ni Marga ang mga mata at lihim na nagpapasalamat sa maykapal na natapos din ang malaking unos na kinaharap nila for almost three days. Tatlong araw pa lamang mula nang magbukas ang kanilang branch ay agad silang nakatanggap ng reklamo mula sa isang customer kaugnay ng umano’y food poisoning. Ayon sa reklamo, nakaranas daw ng matinding pananakit ng tiyan at pagsusuka ang customer ilang oras matapos kumain ng pagkaing binili sa kanilang restaurant. Bilang patunay, nagpakita rin ang customer ng medical laboratory result na nagpapakita ng findings na posibleng may kaugnayan sa kinonsumo nitong pagkain. Dahil dito, nag-demand ang customer ng danyos bilang
"Magz, be honest with me—have you really never been attracted to my cousin?" Zhavie asked with keen interest, her eyes twinkling with hope and uncontainable enthusiasm. Nanlaki ang mga mata ni Marga sa tanong ng kaibigan—hindi niya inaasahan iyon, ni kaunti. Parang biglang tumigil ang paligid sa ilang segundong katahimikan. Dagli’y binalot ng kaba ang kanyang dibdib, ramdam niya ang bahagyang paninikip nito. Ngunit kahit pa nanginginig ang kanyang loob, sinubukan pa rin niyang panatilihin ang mahinahong anyo. Huminga siya nang malalim, pilit na pinapakalma ang sariling hindi makahanap ng tamang sagot at mapansin ng kaibigan. “Your gaze reveals the depth of your admiration for my best friend, Marga,” Napabalikwas siya sa kinauupuan nang magunita ang tila naging litanyang iyon mula kay Xander na nanirahan na sa kanyang isipan. “Naku, Magz! Huwag mo bigyan ng ibang ibig sabihin 'yung tanong ko,” ani Zhavie na tila natataranta, habang paulit-ulit na winasiwas sa hangin ang dalawang
Saka naramdaman ni Marga ang pagkalma ng kanyang dibdib nang tuluyan na ngang nawala sa paningin ang sinakyan ng amo. Sa dami ng naging ganap hindi niya alam kung saan siya magsisimula para maitindihan ang nangyari.“My poor cousin…” Zhavie murmured, her gaze following Miguel and Pebbles as they disappeared from view.There was a mix of pity and sarcasm in her voice—like she couldn’t decide whether to feel sorry for him or shake her head at his mess.With a slight shake of her head and a faint smirk tugging at her lips, she added under her breath,“He really knows how to pick his battles. Kahit harap-harapan na pinapakita sa kanya ng bruha ang totoong ugali nito ay wala lang din sa kanya,"“Are you really staying here, babe?”Xander’s gentle voice broke through the fog in Marga’s mind, pulling her back to the moment. She blinked, startled, realizing she had momentarily forgotten everything else—including his flight. Her heart gave a small, guilty thud as she turned to face him."Kail
Nahigit niya ang hininga sa tinuran ni Pebbles. Talagang hindi niya inaasahan na normal sa babae ang ugaling ipinapakita nito sa grupo. Hindi niya masisisi si Zhavie kung bakit ayaw nito sa babae. Pagak naman na humalakhak si Zhavie kaya muli siyang napatingala sa bagong kaibigan. Nakakaloko ang ngiti ang nakaguhit sa labi nito, tila hawak ang baraha na magpapanalo sa laban. Marahan pa nitong ipinilig ang ulo saka kumibit-balikat. "The four of us? Us? Seriously?" Zhavie scoffed, her voice dripping with sarcasm, disbelief flashing in her eyes. "Let me reiterate this to you, Pebbles—there is no us. Because from the very beginning, you were never one of us. It’s always been just the three of us," Zhavie said, emphasizing every word with sharp, deliberate precision. Marga bit her lower lip at Zhavie’s words, trying hard to resist the urge to glance at Pebbles and see her reaction. Hindi din naman nakatakas sa pandinig niya ang halos sabay na pagsita ng dalawang gwapong binata kay Zh
Marahan siyang humugot ng malalim na paghinga saka pilit na ngumiti habang papalit-palit ang kanyang tingin sa dalawang binata na nagkasukatan pa rin ng tingin. "Uhm-Boss--Uhm, Xan," naiilang niyang turan at makapanabay na binawi ang mga braso mula sa kamay ng dalawang binata. Ngunit ang pagtangka niyang pagbawi ay parehong hindi iginawad sa kanya ng mga ito. Mariin niyang nakagat ang pang-ibabag labi upang maiwaksi ang kaba at pag-aalinlangan sa kanyang dibdib. "Xan, please..." masuyo niyang sabi kay Xander habang sinisikap na makuha ang mga tingin nito. Subalit mabilis lang siya nitong sinulyapan. Napalunok siya't marahan na bumuntong-hininga bago hinarap ang amo sa kanyang kaliwang bahagi. "Boss, apologies for everything. I will assure you that I will have a smooth transition to Ma'am Jhadie," magalang naman niyang sabi rito. Agad naman nabaling ang buong atensyon ni Miguel sa kanya at kunot-noo siya nitong pinakatitigan. "What the f*cking transition are you saying, M