LOGINHope you enjoy the tsismisan episode of the two ☺️ Shout out po sa bagong nag-add nitong story sa library niya. Patuloy niyo po sanang subaybayan hanggang sa dulo. Huwag niyo po kalimutan e-review itong story to reach more readers. Thank you!
Napigil ni Marga ang paghinga sa tanong ng kaibigan. Para bang biglang naumid ang kanyang dila at nag-leave the group ang kanyang utak. Paano niya sasabihin kay Zhavie na wala siyang ideya sa mga nangyari sa opisina dahil sa naging ganap nila ng pinsan nito? Na pinapunta siya sa Villa ni Miguel dahil siya ang napiling food taster para sa mga bagong version ng menu—ng ganun lang? Alam niyang kahit sino ang pagkukwentuhan niya tungkol sa nangyari kahapon ay siguradong magkakaroon ng wild imagination. Napahawak siya sa gilid ng office table at marahang nilaro ng mga daliri ang ibabaw niyon, tila hinahanap ang tamang sagot. “Marga?” tawag ni Zhavie nang mapansin ang kanyang pananahimik. Tila nagising naman ang dalaga mula sa malayong paglalakbay ng isip. “A-ah… ka-kasi hindi rin naman ako nagtagal kahapon sa office, Zhav. Wala din akong narinig na report na may nangyari,” pagdadahilan niya, pilit pinapakalma ang boses. “Bakit, may nalaman ka ba na nangyari?” tanong niya, hindi mait
“This recipe is Indo-Chinese, Marga — and best served with alcohol,” he said cheerfully. Her mouth fell open in disbelief. Gusto niyang mag-violent reaction sa isang salitang nabanggit nito. She had just decided to enjoy the meal and forget the emotional chaos he caused earlier — but that single word made her mind spin again. ‘Alcohol?! Kapag may alak, may balak!’ sigaw ng nagwawala niyang isip. She was about to speak when Miguel raised his hand slightly, silencing her with a knowing grin. “Of course, you’re not allowed to drink alcohol, Marga,” he teased, amusement glinting in his eyes. “I’ll be giving you the Armand de Brignac Ace of Spades Brut Champagne instead — just to complement the food.” She swallowed hard, lips parting but no words came out. She simply sat there, stunned, watching as Miguel moved with easy confidence around the kitchen. Moments later, the rich aroma of sautéed spices and marinated chicken filled the air, wrapping the space in warmth and something
Nagkatinginan sila ni Miguel, kapwa nagulat sa pareho nilang reaksyon. Ngunit agad na napansin ni Marga ang biglang pagdilim ng gwapong mukha ng amo sa kabila ng gulat na reaksyon nito. Hindi niya rin maipaliwanag kung bakit bigla siyang nakaramdam ng kaba. Sa alertong kilos ng bodyguard ni Miguel, tila malinaw na hindi basta simpleng insidente ang pag-ikot ng dalawang drone sa paligid ng villa. Mula nang makabalik siya sa Davao, hindi na niya napansin si Jay na nakasunod sa kanya. At hindi na rin sila ulit nagkausap pa ni Zhavie. Pero posible kayang nagkataon lang na may nag-e-explore ng drone sa area? Pagkakaalam niya, hindi basta-basta nakakalipad ang drone sa loob ng siyudad nang walang kaukulang permit. O baka naman… may nakasubaybay pa rin sa kanya — at may permiso pa para gawin iyon? Nayakap niya ang sarili habang unti-unting naglalakbay ang isip sa kung anu-anong posibilidad, ramdam ang malamig na simoy ng hangin na tila may dalang babala. While Miguel’s expression tu
“What the f*ck are you saying, Marga?!” Miguel burst out, his voice a mix of shock and disbelief. His brows furrowed as a crooked smile tugged at the corner of his lips — half amused, half exasperated. The sudden flare in his tone shattered the tension, replacing it with a strange mix of humor and frustration that only he could pull off. Napakurap ng sunod-sunod ang dalaga saka mariing napalunok. Ang matinding kaba at takot na kanina lamang na lumulukob sa kanyang dibdib ay napalitan ng kalituhan at pagkabahala. 'Hala! Naging OA ka lang ba, Garette?!' naiinis niyang tanong sa sarili. Naisuklay ni Miguel ang isang kamay. Bumakas sa gwapong mukha nito ang kung anong emosyon ang pinipigilan na ipakita. "Hi-hindi ba ganun, Boss?" garalgal ang boses niya. Napahawak siya sa tabletop na gawa sa marble kaya kahit paano ay nahamig niya ang sarili dahil sa lamig na dulot niyon. “What made you think I’d let Pebbles decide for my company — especially when it comes to my employees, Marga
“To give you a glimpse of our relationship, Marga…” Miguel began, his voice low, almost hesitant. “This is the first time that Pebbles has ever acted that way around another woman.” He paused, eyes soft yet troubled, as if weighing each word before letting it slip from his lips. “Even I’m still trying to figure out how to handle it,” he added quietly. Each word dripped with sincerity — the kind that made the air between them heavy, almost fragile. Napahigpit lalo ang hawak niya sa sandok — tila iyon na lang ang pinaghuhugutan niya ng lakas habang pilit pinapakalma ang sarili. Ramdam niya ang bahagyang panginginig ng kanyang mga daliri, kasabay ng sunod-sunod na paglunok na parang gusto niyang lunurin ang sariling inis at pagkalito. Lihim niyang pinagalitan ang sarili. Ano ba’ng iniisip ko? Hindi niya kayang itanggi — may ibang kahulugan na ang lahat. Ang dahilan kung bakit siya pinapunta ni Miguel sa villa, maging ang mga titig at ngiti ng amo, ay tila nagbago na ng anyo sa kan
"This place may not have the same charm as the one Xander showed you..." Napasinghap siya at mabilis na tinakpan ang bibig gamit ang dalawang palad, para bang kaya niyang pigilan ang kabog ng dibdib na biglang sumabog sa loob niya nang muling umalingawngaw sa isip niya ang mga sinabi ng amo. “Shit! Ang tinutukoy ba ni Boss… ay ‘yung pagpunta namin ni Xander sa burol?!” Napakurap siya, nanlaki ang mga mata. Pakiramdam niya, bigla siyang nilamon ng kaba at konsensya. "Sinabi kaya ni Xander?!" gulong-gulo niyang tanong sa sarili. Napakagat siya sa pang-ibabang labi, sabay sapo sa noo na para bang doon niya mababawi ang linaw ng isip. Pero bago pa siya tuluyang lamunin ng pagkalito, awtomatiko siyang napatalikod nang mapansin ang bahagyang pagpihit ni Miguel sa kanyang direksyon. Agad siyang nagpakawala ng malalim na paghinga, tila ba nakalutang matapos ang isang mahabang pagsisid sa ilalim ng tubig. Ramdam niya pa rin ang kabog ng dibdib, mabigat, pero unti-unting humuhupa kasa







