로그인"When I found out the pictures in my wheelchair, I couldn't figure out of what is really your intention. Kaya wala akong ibang nagawa kundi ang makipagsabayan na lang muna sa laro ko. Hindi ko lang lubos na akalain na gagawa ka pa ng ganitong kalaking eksena." Umiling-iling si Sierra. Biglang lumapit si Tiara ay sinugod si Shanaia. "Wala kang konsensya! Back then, you were just a mere model and known by a few. Ang pamilya namin at si Yazzy ang nagpalago sa pangalan mo at nagbigay ng lahat ng mga tinatamasa mo ngayon. Tapos ito, dahil sa inggit ay ito ang igaganti mo sa kabila ng lahat ng mga kabutihan namin sa'yo?! You are shameless! Sisiguraduhin kong hindi ka makakatakas sa kasalanan mo!" Nagulat naman si Yazzy nang malaman na nagkakagusto pala si Shanay kay Marco. Saglit na sumilay ang galit sa kanyang mga mata habang nakatingin sa babae, ngunit mabilis din niya itong itinago. Nakatayo lamang siya habang pinapanood ang pananakit ni Tiara kay Shanaia, ngunit hindi rin pinahintulu
“No, no... I did not no it.” Pilit na itinago ni Shanaia ang kanyang kaba at pilit na ipinakita ang kanyang katahimikan. “Ikaw lang naman ang may motibong ipahamak ako!”"The evidence is in your belongings, yet you still insist na ako ang may gawa? Ang ginawa ko lamang ay ilahad ang katotohanan, paano iyon naging pagbabalang ipahamak ka? Kung mayroon mang taong nagsisikap na magpabagsak ng kapwa, ikaw iyon dahil ako ang pinagbintangan mo nang walang sapat na katibayan!”Hindi na nais pang mag-aksaya ng oras at salita si Sierra, kaya ibinaling niya ang kanyang tingin kay Rodolfo Cañedo. “Mr. Cañedo, nasaksihan na ninyo kung paano nagbabago ang pakikitungo at damdamin ng mga tao. Naniniwala pa rin ba kayo na sa harap ng katanyagan at kayamanan ay nananatili pa rin ang wagas na samahan ng magkakaibigan o magkakapatid?”Malalim at may matinding lamig na sagot ni Rodolfo. "I only believe in evidence."Alam na ni Shanaia na hindi siya pinaniniwalaan ni Rodolfo Cañedo kaya agad siyang lumap
Hindi sumagot si Sierra sa sinabi nito, sa halip ay nagtanong siya, “Kung ganoon po, ano po ang inyong balak? Pipilitin ninyong hanapin at suriin ang aking mga pansariling gamit nang walang pahintulot?”“Bakit hindi?” sagot ni Rodolfo at saka tumingin kay Marco. “Marco, lumaki si Tiara na kasama mo. Mula pa noon ay itinuring ka na niyang parang tunay na kapatid. Hindi naman masyadong hinihingi na bigyan mo siya ng katarungan, hindi ba?”Kumunot ang noo ni Marco habang nakatingin kay Rodolfo, ngunit nanatili pa rin siyang tahimik.“Sige na, gawin ninyo ang gusto ninyo.” Kinuha ni Sierra ang kanyang bag mula sa kanyang silya at inihagis ito sa sahig na may malakas na kalabog.Yumuko si Shanaia upang pulutin ang bag, at maingat itong sinuri mula sa loob hanggang sa labas, ngunit wala siyang nakitang anumang bagay. Pagkatapos ay tumama ang kanyang paningin sa wheelchair ni Sierra. “Pwede ko bang tingnan din ang iyong silya?”Bahagyang ngumiti si Sierra na puno ng lamig. Isa-isahin talaga,
Tumayo si Yazzy upang buksan ang pinto. Nang bumukas ito at makita niya si Sierra, saglit na tumigil ang kanyang paningin. May nais sana siyang sabihin, ngunit pinigilan din niya ang kanyang sarili.Naunahan naman ni Shanaia si Sierra sa pagpasok sa loob ng silid, at umupo ito sa tabi ni Tiara. May halong pag-aalala sa kanyang mukha habang nagsalita, “Tiara, huwag ka nang umiyak. Malinaw na sinasadya lang ang nangyari ngayong gabi. Nahulog ka sa bitag ng iba. Kailangan mong lakasan ang loob mo at pag-isipang mabuti kung sino ang may masamang balak sa iyo.”Puno pa rin ang isip ni Tiara ng mga larawang iyon, at ang tanging nagawa lang niya ay ang walang humpay na pag-iyak. “Hindi ko alam, hindi ko alam…”Mahinahong nagtanong si Shanaia, “Mayroon ka bang nakagalit o naging kaaway?”“Wala, wala…” Umiling-iling si Tiara habang umiiyak. Hindi sinasadya ay tumama ang kanyang paningin kay Sierra, at bigla siyang tumigil sa kanyang ginagawa. Sa sumunod na sandali, idinilat niya ang kanyang mg
Tinignan ni Rodolfo ang mga mukha ng mga taong nagbubulungan-bulungan, at ang kanyang malalim at makapangyarihang tinig ay umalingawngaw sa buong bulwagan. “Ang nangahas na gumawa ng ganitong gulo sa pagdiriwang ng kaarawan ng aking anak ay itinuturing na kaaway ng buong pamilyang Cañedo. Hindi ko hahayaang magtapos ang gabing ito nang hindi nalulutas ang bagay na ito!”Lumapit ang isa sa mga naroroon upang pakalmahin ang sitwasyon. “Rodolfo, pakiusap ay kumalma muna kayo. Ang taong nangahas na gumawa nito ay tiyak na hindi dapat patawarin nang basta-basta. Ngunit bihira tayong magkakasama nang ganito, kaya’t halina at uminom na muna tayo upang kumalma ang inyong kalooban.”Itinulak ni Rodolfo Cañedo palayo ang basong alak na iniaalok ng lalaki. “Alam ng lahat na para sa akin, ang aking anak ay parang hiyas na iningatan at minahal ko nang buong-buo! Kung mayroong mangahas na saktan at sirain ang aking mahalagang kayamanan ngayong gabi, huwag na kayong magtaka kung bakit ako kikilos n
Lumingon si Sierra sa kanyang likuran kung nasaan si Shanaia. “Kailangan kong pumunta sa cr. Pwede mo ba akong ihatid doon?”“Sure.”Iniharap ni Shanaia si Sierra sa loob ng cr ng mga kababaihan. “Kailangan mo ba ng tulong?”“Hindi na kailangan. Maghintay ka na lang sa labas.”Inakala ni Shanaia na nais lamang ni Sierra na ipakita sa iba ang kanyang kahinaan at ang hirap ng kanyang kalagayan, o kaya naman ay nagpapapansin lamang. Sa anumang kaso, sarili naman niyang pasya iyon, kaya kung anuman ang mangyari ay wala na itong kinalaman sa kanya.Sa kabila nito, pinanatili pa rin niya ang kanyang maayos na anyo at nagsalita na tila nag-aalala, “Sige lang. Tumawag ka lang sa akin kung kailangan mo ng anumang tulong.”“Okay.” Hinintay muna ni Sierra na makaalis na si Shanaia bago niya sinuri ang kanyang wheelchair. Habang nakikipag-usap siya sa mga tao kanina ay napansin niyang parang may inilagay o ipinasok si Shanaia sa loob ng kanyang silya.Mabilis niyang natagpuan ang isang tumpok ng
Mukhang pumunta lang ang dalawang babae para ayusin ang kanilang makeup, at umalis na rin sila agad pagkatapos. Kinuha ni Sierra ang kanyang telepono at binuksan ang social media niya. Nang mag-scroll siya sa listahan ng mga trending lists, nakita niya ang isang balitang may pamagat na: 'She secr
Nang marinig iyon, biglang naramdaman ni Sierra ang kaba at paninikip sa dibdib. Ibinaba niya ang ulo at uminom ng malamig na juice, nagpagaan iyon ng kaunti sa kanya.Laking gulat ng lahat. Hindi nila inaasahan na si Marco, na mataas ang tingin sa sarili, mahinhin, at walang pakialam sa mga babae,
"Ms. Lavarez..." "Vior. Call me Vior. Quit the formality, we are friends now." Anang babae. Mahinang ngumiti si Sierra, pagkatapos ay binago ang kanyang tono, "Vior, naisip mo na bang palitan ang lalaking pinagkaka-interesan mo?" "Hmm?" "What I mean is that, why don't you find someone else that
"O-Of course! I'm not lying!" Tinuro ni Janice ang mga tauhang naroon. "Kung hindi ka naniniwala, tanungin mo sila! They saw everything!"Naramdaman ng mga tauhan ang malamig at nakakatakot na tingin ni kay Marco, biglang tumigil ang kanilang paghinga. Nagpalitan sila ng tingin, bago sabihin nang m







