Mag-log inBukod sa pananatili sa bahay, ginugugol niya ang kanyang oras sa pag-inom ng tsaa, pagtingin sa mga bulaklak, at paglalakbay kasama ang ilang miyembro ng lupon ng mga direktor, pati na rin ang pakikipag-ugnayan sa mga matataas na opisyal na may hawak ng desisyon sa kumpanya. Sa panahon ngayon, mahalaga ang ugnayan. Sa harap ng iba, tila wala siyang pakialam sa kumpanya at payapa ang buhay, ngunit sa likod nito ay may matibay siyang ugnayan sa mga mahahalagang tao—siguradong matagal niya itong pinagplanuhan. Isang malamig na ngiti ang gumuhit sa labi ni Audrey. Siyempre, may sarili siyang plano. Kung hindi, bakit siya gagawa ng lahat ng iyon upang itaboy at patayin si Marco? "Ah, siya nga pala." Muling narinig ang boses ni Gwen. "Bumili siya ng dalawang tiket papuntang New York kahapon gamit ang pagkakakilanlan ng kanyang asawa at anak." Nang tanungin ni Audrey si Elliott tungkol sa Sta. Ignatia noong party niya, hindi ito nakapaghanda at nasabi ang totoo. Ibig sabihin nito, walang
Napangiti na lamang sa loob-loob ni Carlos. Isang simpleng kasambahay lang, naglakas-loob pang paglaruan ang isipan ng isang Sylvio Narvaez. Masyadong mataas ang tingin sa sarili. Sino ba naman ang kanilang pinuno? Noong nagtatanong siya sa mga bihag noong nasa special force, kahit ang mga ayaw magsalita sa iba ay napipilitang umamin nang totoo sa kanyang harapan. Marahas kung kailangan, nakakatakot kung nararapat—iba-iba ang paraan depende sa tao, at tiyak na tinatamaan nito ang kahinaan ng bawat isa. Pinatay ni Sylvio ang tawag. "Magsalita ka. Sabihin mo ang lahat ng alam mo." Lumuhod si Teresa sa sahig at nanginginig ang boses. "Kung sasabihin ko ang lahat, palalayain niyo ba ako?" "Siyempre." Pinunasan ni Teresa ang pawis na malamig sa kanyang noo at dahan-dahang nagsalita. "Nawawala noon ang young master, labis na nalungkot si Marcus Montezides lalo pa nang makitang magkasama na sina ma'am Ericka at Master Stevan. Natatakot si Master Stevan na baka hindi nito kakayanin an
Pinanood muna ni Sylvio na ubusin ni Audrey ang pagkain bago tumayo at umalis. Bago umalis, iniabot niya ang isang card kay Alea. "Kung hindi siya kakain o natutulog nang maayos, tawagan niyo ako.""Sige po." Matapos umalis ni Sylvio, tiningnan ni Alea ang gintong card sa kanyang kamay.Simple ngunit elegante ang disenyo, at maganda ang materyales. Hindi nakapagtataka kung bakit kahit sa card ay mabusisi ang amo."Wala naman akong numero niya."Nagulat si Alea nang marinig ang sinabi ni Audrey mula sa kama. Agad niya itong iniabot. "Para po sa inyo."Kumunot ang noo ni Audrey. Gusto ba ng babaeng 'to ang business card ng lalaking iyon?Gusto niyang sabihin kay Alea na hindi sila magkakilala nang maayos, upang hindi ito magkamali ng akala.Masyadong inosente ang bata; hindi gagana ang pahiwatig. Mas mabuting sabihin nang direkta."Hindi ko kailangan 'yan. Huwag mo ring tanggapin, itapon mo na agad."Umiling si Alea at agad na inilagay ang kard sa kanyang bulsa na parang isang mahalagan
"Ate ko, patawarin mo ako. Hindi ko naalagaan ng maayos ei Marco para sa'yo...""Hon," Malumanay na tinawag ni Stephano si Esmeralda nang makita itong umiiyak.Mabilis na lumingon si Esmeralda upang punasan ang luha sa gilid ng kanyang mga mata. Wala na si Marco, at alam niyang labis ding nasasaktan si Stephano. Hindi siya pwedeng magpakita ng kahinaan sa harap nito, dahil lalo lamang itong madudurog.Matapos kumalma at iligpit ang mga gamit sa pagpipinta, hinarap niya si Stephano at nagtanong, "Kailan ka pa dumating?""Kararating ko lang." Itinulak ni Stephano ang kanyang silya palapit, inilahad ang kamay at hinawakan ang kay Esmeralda, dahan-dahan itong hinila upang maupo sa kanyang kandungan."Madudumihan ka." Tatayo pa sana si Esmeralda dahil puno ng pintura ang kanyang apron at baka madumihan pa ito.Niyakap siya ni Stephano sa bewang upang hindi makatayo, at tinitigan ang namumula nitong mga mata. "Umiyak ka na naman ba nang palihim?"Itinanggi ito ni Esmeralda, "Hindi naman."B
"Hindi ba pwedeng ako mismo ang nag-imbestiga? Itigil na natin ang mga palusot. Kailangan mong magpaliwanag sa akin ngayon. Palayain mo si Julian, o ilalantad ko ang lahat ng ginawa mo, at walang sinuman sa pamilya ang makakaligtas."Bahagyang nagdilim ang tingin ni Stephano. "Masyado kang nagpapadala sa emosyon ngayon. Pag-usapan natin ito kapag kumalma ka na."Handa nang itulak ni Dunio si Stephano palayo.Sa malaking hakbang ay humarang si Ericka sa kanila. "Huwag mo akong lokohin. Sinabi ko na sa iyo, kailangan mong magpaliwanag ngayon, o hindi kayo aalis."Tinitigan siya ni Stephano at dahan-dahang sinabi, "are you really threatening me?"Nang salubungin niya ang madilim at malalim na tingin ng lalaki, bahagyang nanginginig ang kanyang kalamnan, ngunit nang sumagi sa isip niya ang anak, itinuwid niya ang kanyang tindig. "Yes, I'm threatening you. Kapag nasira ang buhay ng anak ko, wala ng ibang matitira sa akin. Magkasiraan na tayo."Sa byahe pa lamang roon, nakuha na niya ang ka
"Hindi pa!" Muling iniunat ni Sylvio ang braso at hinila siya pabalik. Sa pagkakataong ito, sa halip na yakapin ay hinalikan niya ito nang direkta sa labi.Halos mamatay siya sa takot!Napakatanga ng babaeng 'to!Nang maramdaman lamang niya ang presensya nito at manuot sa ilong niya ang pamilyar nitong amoy, kumalma ng bahagya ang naghuhuramintado niyang puso.Hindi inakala ni Audrey na magiging napakawalang-hiya ni Sylvio na halikan siya nang sapilitan sa liwanag ng araw, lalo na sa mismong lugar kung saan tumalon sa ilog ang asawa niya!Napakawalang-hiya nito!Itinaas niya ang kamay at malakas na sinampal ito sa mukha, pagkatapos ay pinunasan nang mariin ang kanyang mga labi gamit ang likod ng palad, "Hayop ka!"Nagising ang diwa ni Sylvio dahil sa sampal, at napagtantong nagpadala siya sa damdamin niya, subalit hindi siya nagsisisi. "Kung hindi ako dumating sa oras, tumalon ka na ba sana rito?""Gusto ko lang naman huminga ng sariwang hangin at kumalma. Nandiyan pa naman sina Thali
Labis na naguguluhan si Sierra. Dahil kamakailan lang, ipinagyayabang ni Beatriz Lualhati sa kanyang pamilya na nakipagsosyo ang kanyang ama sa Narvaez empire. Dahil nakipagsosyo sila sa Narvaez empire, dapat ay nangangahulugan ito na naghihintay silang kumita ng pera. Paanong bigla na lang nahulo
"Thank you so much!" Halos lumundag si Sierra sa tuwa. Tumayo siya at maingat na inilagay ang kwentas sa kahon nito. Lumingon siya kay Carlos upang paalalahanan ito. "Carlos, please keep an eye on this necklace. Mahalaga ito sa akin kaya pakiusap, pakiingatan ito ng mabuti."Bawat salitang binitawa
"What were you thinking just now?" Tanong ni Marco sa halip na sagutin ang tanong ni Sierra. "Wala naman." Tumingin si Sierra sa shooting range sa harap niya na parang walang nangyari. "Totoo ba ang mga baril sa kotse nila?" Sinulyapan ni Marco ang bahagyang nakakurba niyang mga daliri, saka tum
Gusto lang sanang ilapat ni Sierra ang kanyang labi sa lalaki upang patahimikin ito, subalit napamulat siya at pinamilugan ng mata nang hawakan ni Marco ang kanyang batok at idiin pa lalo ang mukha sa mukha nito. "Ummmpp!" Impit niyang ungol at sinubukang ilayo ang sarili sa lalaki. Napagtagumpaya







