MasukDahil nag-aalalang baka sipunin ito, humiga muli si Marco at niyakap nang mahigpit si Sierra. “Matulog ka na. Hindi ako aalis sa tabi mo.”Sumandal si Sierra sa kaniyang dibdib at pinakinggan ang malakas na tibok ng puso nito. Nakaramdam siya ng matinding kapanatagan. “Kumusta naman si Patrick Johnson?”“Noong una ay ayaw niyang magsalita, pero matapos ipakita ni Carlos ang mga larawan ng kaniyang asawa at anak, napilitan din siyang magsabi ng totoo.”Tumingala si Sierra. “Sino ang gustong pumatay sa’yo?”Naramdaman ni Marco ang paninigas ng katawan ng babae, kaya hinalikan niya ang makinis nitong noo. “Sumusunod lang siya sa utos ng nakatataas sa kanila. Ang alam lang niya ay ang mga detalye tungkol sa akin; hindi niya kilala ang tunay na nag-utos.”Kumunot ang noo ni Sierra. “Kung ganoon, nasayang lang ba ang pagpunta natin?”“Hindi naman lubos. Sinabi ni Patrick Johnson na noong nagtungo siya sa Laguna upang isagawa ang plano, may nagbigay sa kaniya ng tiyak na shedule ko—kaya nagk
Hindi alam ni Sierra kung saan nito ito nakuha, ngunit nakaramdam siya ng init sa kaniyang dibdib at matiyagang ininom ito.Inilapag ni Marco ang walang laman na mangkok, inakay siya patungo sa kama at binalutan ng makapal na kumot. “May bumabagabag pa ba sa isip mo?”Yumuko si Sierra. “Wala naman.”Tinitigan siya sandali ni Marco, at nang makitang ayaw pa ring tumingin, bumuntong-hininga ito. “Hindi mo ba ako titingnan kahit saglit?”Lalo pang ibinalot ni Sierra ang sarili sa kumot. “Gusto ko nang matulog.”Upang hindi siya makaramdam ng kaba, ibinaba nang bahagya ni Marco ang kumot, at nagsalita nang mahina at malumanay. “Walang masama sa pag-aalala mo sa akin. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya na nakita kong handa kang gawin ang lahat para sa akin.”Kinagat ni Sierra ang kaniyang ibabang labi. “Huwag ka nang magsalita pa.”Hinawakan ni Marco ang magkabilang pisngi ni Sierra upang itingin ito sa kaniya. “Bakit hindi mo sabihin? Gusto ko sanang ipagmalaki ito sa buong mundo.”Kumun
Habang lumulubog ang araw at sinabayan pa ng madilim na panahon, tuluyan nang dumilim ang paligid bago sumapit ang alas-onse ng gabi, at hindi nagtagal ay bumuhos ang malakas na ulan.Nang makarating si Sierra sa club, buong siyudad ay naliligo na sa ulan at basang-basa ang mga kalsada. Ang mga taong naglalakad ay pawang may dalang payong.Nakita niyang may dalawang sasakyan ng pulis na nakaparada sa harapan, at kumukurap-kurap ang mga ilaw nito. Biglang nakaramdam siya ng kakaibang kaba.Dali-daling pumasok si Sierra at nakitang nagkagulo ang mga tao sa loob at tumatakbo patungo sa iisang direksyon. Hinawakan niya ang isa sa kanila at nagtanong. “Anong nangyari?”“May nangyari sa shooting range sa labas!”Baka sina Marco at Patrick kaya iyon?Agad na sumunod si Sierra sa karamihan at tumakbo patungo sa shooting range. Pagdating doon, nakita niyang magulo ang buong lugar.Nagkakasiraan ang mga gamit, nabaligtad ang mga patutunguhan ng bala at mga upuan, at may ilang kagamitan pa na ba
Hindi pa rin pumayag si Carlos. Mahigpit ang utos ng amo; kung may mangyaring masama kay Sierra, siya ang mananagot. Bukod pa rito, hindi rin mahina ang kanyang amo; hindi basta-basta magagapi ni Patrick Johnson si Marco Montezides.“Huwag po kayong mag-alala, magiging maayos po ang lahat. Just do your part so that your husband won't worry."Nang makitang hindi mapapayag, hindi na lang nagpumilit pa si Sierra.Alas-singko na nang makarating sila sa harap ng paaralan.Malapit nang maguwian, at marami nang magulang ang naghihintay sa labas.Hinanap ni Sierra ang inilarawan sa kanya at agad na nakita si Yosefa Johnson na nakatayo sa tabi ng gate at naglalaro sa kanyang telepono. Lumapit siya at batiin, “Magandang araw po, Madam Johnson.”Tumingala si Yosefa at nang makitang hindi niya kilala ang kaharap, bahagyang kumunot ang kanyang noo. “And who are you?”Ngumiti nang bahagya si Sierra. “Empleyado po ako ng Thunder Shooting Club. May handaan po kaming gaganapin ngayong gabi, ngunit may
Tutal, ang bawat pagkakamali ay may kapalit. Ganoon din sa kanya, at ganoon din kay Stevan. Sa sobrang galit ay halos umusok na ang ilong ni Stevan, ngunit wala naman siyang magawa sa batang ito. Siguro ay nawala na siya sa katinuan at humingi pa ng tulong sa taong 'to.. Napabuntong-hininga siya nang malalim, inayos ang kanyang damit, at tumalikod na umalis. Nang makaalis na si Stevan, napansin ni Sierra na nakatulala si Vester sa pinto. Lumapit siya at nagtanong, "What is it? Are you sad that grandlo has left?" Mabilis na nag-iwas ng tingin si Vester at pinaglaruan ang hawak niyang gamit. “Hindi, wala po.” "If you want to go near him, don't be scared to do so. Kung maganda naman ang pakikitungo niya sa'yo, then don't hesitate. Walang mawawala. But if you can't try it even if you want to, then you cannot really get what you want." Habang naglalaro si Vester, sumulyap siya nang palihim sa mga bagong laruan na dala ni Stevan sa 'di kalayuan. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin at n
Agad na nagtipon-tipon ang mga tao at nagsimulang magbulungan.“Mukhang disente naman ang matandang ito, bakit naman siya mananakit ng bata?”“Baka nagbebenta lang ito ng mga damit?”May isang agad na lumapit upang ipagtanggol ang bata at nagsabi, “Hoy matanda! Nagtatangka ka bang dukutin ang bata sa sikat ng araw? Gusto mo bang mapahamak?”“Umalis ka na diyan, kung hindi tatawagin na namin ang pulis!”Hindi inaasahan ni Stevan na sa kauna-unahang pagkakataon na susundin niya ang kanyang apo, mapagkakamalan pa siyang isang tao na nagbebenta ng bata. Sa sobrang galit ay sumigaw siya, “Ako ang lolo niya! Hindi ako masamang tao!”“Nagbibiro ka pa. Kung lolo mo talaga siya, bakit kaya takot na takot at umiiyak ang bata sa’yo?”“Tama nga! Kung lolo ka talaga niya, bakit tinawag ka niyang masama?”“Lumang tugtugin na iyan. Wala ka nang maloloko rito. Umalis ka na habang maaga pa, kung hindi ay makukulong ka talaga!”Sa sobrang inis ni Stevan ay namutla ang kanyang mukha.Nang makita ni Unc
"Thank you so much!" Halos lumundag si Sierra sa tuwa. Tumayo siya at maingat na inilagay ang kwentas sa kahon nito. Lumingon siya kay Carlos upang paalalahanan ito. "Carlos, please keep an eye on this necklace. Mahalaga ito sa akin kaya pakiusap, pakiingatan ito ng mabuti."Bawat salitang binitawa
"Bakit?" Agad na lumingon si Sierra nang marinig ang boses ng babae.Nagbaba ng tingin si Rianna nang lumingon si Sierra. Pinigilan niya ang nararamdaman bigat sa damdamin bago muling nag-angat upang salubungin ang tingin ni Sierra. "Hindi siya karapat-dapat sa pagmamahal mo."Alam ni Sierra na ang
"What were you thinking just now?" Tanong ni Marco sa halip na sagutin ang tanong ni Sierra. "Wala naman." Tumingin si Sierra sa shooting range sa harap niya na parang walang nangyari. "Totoo ba ang mga baril sa kotse nila?" Sinulyapan ni Marco ang bahagyang nakakurba niyang mga daliri, saka tum
Nagkaroon ng sandaling katahimikan sa kabilang linya. "... Gusto mo bang tumawag ako ng doktor para i-check ka riyan?"Namilog ang mata ni Sierra at mabilis na umiling, kahit na hindi naman nito iyon nakikita. "No, no, there's no need. That's because you were too harsh and you don't know how to be







