تسجيل الدخولSi Althea Hernandez ang “mabait na kambal” tahimik, masipag, at laging nagsasakripisyo para sa pamilya. Samantala, ang kambal niyang si Ariana ay maganda, mapagmanipula, at sanay gamitin si Althea bilang panangga sa mga responsibilidad. Nang malubog sa utang ang pamilya, napagkasunduang pakasalan ni Ariana si Alfredo Salzuelo, isang malamig at makapangyarihang batang bilyonaryo. Ngunit ilang araw bago ang kasal, tumakas si Ariana kasama ang kasintahan. Nang atakihin sa puso ang kanilang ama dahil sa stress, napilitan si Althea na pumalit sa kanya upang iligtas ang pamilya. Isinuot ni Althea ang damit ni Ariana at pinakasalan ang lalaking hindi niya kilala, dala ang isang malaking lihim. Ngunit alam na ni Alfredo mula pa sa simula na hindi siya si Ariana at pinili nitong manahimik. Habang nagsasama sila, unti-unting nahuhulog si Althea sa malamig na bilyonaryong naging mapag-angkin at mapag-alaga sa kanya. Ngunit nagbago ang lahat nang bumalik si Ariana upang bawiin ang yaman, titulo, at lalaking minsan niyang tinalikuran kahit kapalit nito ang pagkawasak ng sarili niyang kambal. Kapag nabunyag ang katotohanan, pipiliin ba ni Alfredo si Althea, o tuluyan siyang mawawala sa lalaking minahal niya?
عرض المزيدAlthea’s POV
Kung may isang bagay man na natutunan ko sa loob ng dalawampu't tatlong taon kong pag-iral sa mundong ito, 'yon ay ang katotohanang hindi patas ang tadhana. Ang twin sister kong si Ariana? Isinilang na tila ba paborito ng sansinukob maganda, spoiled, at sanay na nakukuha ang lahat ng gusto niya nang walang inilalabas na ni isang patak ng pawis. Ako? Ako si Althea. hindi naman sa pagmamayabang ang "mabait na kambal." Ang tagasalo ng mga dumi, tagatagpi ng mga nasirang plano, at ang taong palaging kailangang magsakripisyo para lang manatiling buo ang pamilya Hernandez. Habang nagkandarapa ako sa pagtakbo mula sa shift ko sa coffee shop patungo sa tahanan ng tinu-tutor kong elementary student, si Ariana naman ay abala sa pagpili ng mamahaling alahas para sa gaganaping wedding of the century. Ahhh shala! may pa-ganyan patalaga. The Billionaire's Wedding. Isang kasal na hindi naman bunga ng pag-ibig kundi ng pera. Pakakasalan ng kapatid ko si Alfredo Salzuelo isang makapangyarihan, napakamasungit, at walang-awang bilyonaryo na kinatatakutan maging ng mga beteranong negosyante sa bansa, yes! yana kasi ang mga chismis dito tungkol sa kanya. Pagpasok ko pa lang sa p***o ng aming bahay, bumungad na agad sa akin ang amoy ng mamahaling pabango at ang tambak ng mga paper bags mula sa iba't ibang luxury brands. Nahagip ng mata ko ang aming ama, si Don Fernando, na nakaupo sa sofa at abalang-abala sa pag-aayos ng kanyang mga papeles habang may malapad na ngiti sa labi. "Oh, Althea, narito ka na pala," malamig na bati ni Papa nang hindi man lang itinataas ang kanyang tingin mula sa dokumentong hawak. "Tulungan mo nga ang kapatid mo sa kuwarto niya. Nagrereklamo siya dahil napapagod na raw siya sa mga sukat ng damit niya." Huminga ako nang malalim. Walang 'Kamusta ang araw mo, Althea?' o kahit 'Kumain ka na ba?' Diretso agad sa utilities at errands. "Opo, Papa," sagot ko na lang. Inayos ko ang salamin sa aking mata at binitbit ang mabigat kong backpack na naglalaman ng mga reviewer at ginamit kong apron sa barista shift ko. Pag-akyat ko sa ikalawang palapag, nadatnan ko si Ariana na nakahiga sa kanyang malaking kitang-kitang silk bed habang may pampaganda sa mukha at may hawak na isang basong mamahaling champagne. Sa paligid niya ay nakakalat ang halos sampung pares ng high heels at napakaraming gown. "Sa wakas! Dumating ka rin, sisterette," maarteng asik ni Ariana nang makita ako. Tumayo siya at pinitik-pitik ang kanyang mga daliri na para bang itinutaboy ang isang langaw. "Anong oras na? Kanina pa kita hinihintay! Bitbitin mo nga 'yang mga sapatos na 'yan at ayusin mo sa closet ko. Nasisira ang aesthetic ng room ko!" "Nanggaling pa ako sa pangalawang trabaho ko, Ariana," deadpan kong sagot habang itinatabi ang bag ko. "Bakit hindi mo ginawa 'yan habang nakahiga ka diyan?" Sinimangutan ako ng kapatid ko at inirapan nang napakatindi. "Excuse me? Pagod ako, okay? Maghapon akong nasa spa at nagpalagay ng diamonds sa pako ng paa ko! Isa pa, kinakailangan kong maging mukhang perpekto para sa kasal ko. I’m marrying a billionaire, in case your poor, tutoring mind forgot!" Natawa ako nang maikli isang sarkastikong tawa na ipinagpasalamat kong hindi niya gaanong napansin. "Ah, yes. The billionaire. Ang napakasuwerte mong fiance na hindi pa natin nakikita nang personal kahit isang beses." "Naku, huwag mo nang ipaalala!" biglang nagbago ang reaksyon ng mukha ni Ariana. Mula sa pagiging maarte ay naging puno ito ng galit at inis. "Nakita mo ba 'yung picture niya sa Forbes magazine? Ang lamig ng mata! Walang emosyon! Balita ko sa mga kaibigan ko, hindi man lang daw 'yon ngumumingiti at halos patayin sa tingin ang sinumang magkamaling humawak sa coat niya. He’s a total psychopath!" "Pero bilyonaryo," paalala ko sa kanya habang maingat na inilalagay ang isang pares ng Christian Louboutin sa kanyang closet. "Hindi ba 'yon naman ang pinakamahalaga sa 'yo?" "Ginto nga, kulungan naman!" sigaw niya habang isinasalpak ang sarili pabalik sa kama. "Kung hindi lang talaga dahil sa utang ni Papa, hinding-hindi ako papayag na maitali sa lalaking 'yon. I deserve a romantic prince, Althea! 'Yung tipo ng lalaki na ipagdri-drive ako ng sports car habang itinatakas ako sa mundo!" Napailing na lang ako. Typical Ariana drama. Sanay na ako sa ganyang eksena. Kapag may gustong makuha, gagawin ang lahat. Kapag narito na ang responsibilidad, naghahanap ng paraan para makatakas o kaya ay ipapasa sa akin. "Magpalit ka na lang ng damit at matulog. Malapit na ang kasal mo," mahinahon kong sabi. "Eew, as if napakadaling matulog habang naiisip ko na makakasama ko sa iisang kwarto ang Alfredo na 'yon!" diring-diri niyang sambit. "Alam mo, Althea... minsan naiisip ko, bakit hindi na lang ikaw ang magpakasal sa kanya? Tutal, sanay ka namang nagpapakasipag at nagtitiis sa mga nakakapagod na bagay!" Napatigil ang kamay ko sa pag-aayos ng sapatos. Tumingin ako sa kanya sa pamamagitan ng salamin sa tapat ng dressing table. "Ayokong maging kapalit ng utang ng pamilyang ito, Ariana. At magkaiba tayo. Hindi ako ikaw." "Hmph! Bakit, sinabi ko bang ikaw? Natural, maganda ako at pang-high society, samantalang ikaw... para kang antique bookworm na nawawala sa mall!" panlalait niya kasabay ng isang napakalakas na halakhak. Hindi na ako sumagot. Sanay na ako sa mga salita niyang kasing sharp ng mga stilettos niya. Binalewala ko na lang ang pambubwisit niya at tahimik kong inilagay ang huling pares ng sapatos sa kanyang closet. Batid kong ang tanging tungkulin ko rito ay ang panatilihin ang kapayapaan sa bahay na ito para hindi ma-stress si Papa. "Tapos na," malamig kong pahayag. "Matulog ka na. At pakisabi kay Papa, kakainin ko lang 'yung natirang ulam sa refrigerator bago ako mag-aral ulit." "Whatever, Althea! Isara mo 'yang p***o, nasisira ang aircon unit ko!" sigaw niya mula sa ilalim ng duvet. Lumabas ako ng kuwarto at dahan-dahang isinarado ang p***o. Habang naglalakad ako pababa ng hagdan patungo sa madilim at tahimik na kusina, isang mabigat na pakiramdam ang dumapo sa dibdib ko. Tiningnan ko ang sarili kong repleksyon sa salamin ng refrigerator ang simpleng buhok na nakatali sa pusod, ang malaking salamin sa mata, at ang mga matang halatang pagod na pagod na sa buhay. Naisip ko bigla si Alfredo Salzuelo. Ang lalaking sinasabi nilang kasinglamig ng yelo at kasingbaba ng impyerno kung magalit. Bakit kaya kailangang ang isang katulad niya ang makapares ng kapatid ko? At bakit may kakaibang kaba na biglang lumitaw sa dibdib ko sa tuwing naririnig ko ang pangalan niya? Ipinagpuyagpag ko ang aking ulo at kumuha ng cold water. "Wala ka nang pakialam doon, Althea," bulong ko sa sarili ko. "Kasal nila 'yon. Trabaho mo lang ang mag-survive." Ngunit hindi ko alam na sa mga oras na 'yon, habang iniinom ko ang malamig na tubig sa gitna ng madilim na kusina, dahan-dahan nang umiikot ang mga gulong ng tadhana na magpababago sa buong buhay ko magpakailanman.POV: Althea "Thea" HernandezNakahiga kami ni Alfredo sa malaking wooden deck ng villa, nakabalot sa isang dambuhalang silk blanket habang nakatitig sa sunrise sa gitna ng dagat.Ang ulo ko ay nakatongco sa malapad at matigas niyang dibdib. Ang kamay niya ay walang patid na humahaplos sa hubad kong balikat, nag-iiwan ng malambot na halik sa buhok ko paminsan-minsan. Napakatahimik ng mundo. Napakasaya.Pero sa gitna ng napakagandang umagang ito, biglang bumalik ang mabigat na batong nagpapadilim sa puso ko.Naalala ko ang sinabi niya kagabi tungkol sa tatay niya kung paano nito niloko ang nanay niya at kung paano niya kinamuhian ang kasinungalingan at pagtataksil. Naalala ko na hanggang ngayon, nakatala pa rin sa mga pampublikong papeles na siya ay kasal kay 'Ariana'."Alfredo..." mahina kong boses."Hmm?" tugon niya, hindi iminumulat ang mga mata habang dinarama ang hininga ko.Umupo ako nang maayos, pilit na hinila ang blanket para takpan ang dibdib ko. Tinitigan ko ang guwapo niyang
POV: Althea "Thea" Hernandez"Saan tayo pupunta, Alfredo?"Nakatayo ako sa loob ng isang ultra-luxury private helicopter habang nakatingin sa malawak na kulay asul na karagatan sa ibaba. Nakasuot ako ng simpleng white sundress at may nakatali na scarf sa buhok ko. Sa tabi ko, nakaupo si Alfredo nakasuot ng casual linen shirt at dark shorts, isang hitsura na napakabihira kong makita dahil palagi siyang naka-formal suit."Isla de Salzuelo," tipid niyang sagot habang inaalis ang aviation headset niya matapos makipag-usap sa piloto. Inabot niya ang kamay ko at pinaglapit ang mga daliri namin. "My private island in Palawan. No reporters. No business calls. Just us for three days."Napatitig ako sa kanya. "Bakit bigla-bigla 'to? Ang dami mong trabaho sa kumpanya, 'di ba?"Yuminuko siya at hinalikan ang likod ng kamay ko. "Because you've been working too hard trying to make my house a home, Althea. And because... I want you all to myself without the world watching."Nang lumapag ang helicop
POV: Ariana Hernandez "I’m buying a one-way ticket to Manila. Now." Nakatayo ako sa tapat ng counter ng isang budget airline kiosk sa Madrid Barajas Airport. Hawak ko ang natitirang limit ng credit card na nakaw-identidad na ginagamit ko. Nanginginig ang buong katawan ko sa pinaghalong galit, pagmamadali, at matinding inggit. Iniwan ko si Marco sa mabahong apartment na iyon habang natutulog. Kinuha ko ang lahat ng natitirang cash at ang sarili kong mga gamit. Wala na akong pakialam sa kanya. Mas may mas malaking isda na naghihintay sa akin sa Pilipinas—isang isda na nagkakahalaga ng sampung bilyong dolyar. "Ma'am, your transaction was approved," sabi ng Spanish agent bago inilabas ang boarding pass ko. Kinuha ko iyon nang mabilis at pumasok sa VIP departure lounge gamit ang mga natitirang fakes na puntos ng card. Habang nakaupo sa malambot na leather couch, binuksan ko muli ang tablet ko. Tinitigan ko ang litrato ng kambal ko na si Althea kasama si Alfredo Salzuelo sa katatapos la
POV: Ariana Hernandez"You worthless bastard! Isoli mo sa akin ang pera ko!"Sumigaw ako sa loob ng isang madilim, mabaho, at napakagulong apartment sa gitna ng Madrid, Spain. Inihagis ko ang glass bottle sa pader kung saan nakasandal ang kasintahan kong si Marco isang guwapong Spanish-Filipino model na dahilan kung bakit ko tinalikuran ang kasal ko sa bilyonaryong si Alfredo Salzuelo."Calm down, Ariana!" asik ni Marco habang nagpupunas ng pawis sa mukha, halatang puyat at bangag sa alak at droga. "Babalik din 'yung pera! Babawi ako sa casino bukas!""Bawi?! Tatlong linggo mo nang sinasabi 'yan!" iyit ko habang ginugulo ang sarili kong buhok sa matinding galit at panlulumo. "Nasaan na 'yung limang milyong piso na ninakaw ko sa bank account ni Papa bago ako tumakas?! Nasaan na 'yung mga alahas na itinakas ko?!""Natalo sa poker table, okay?!" sigaw rin ni Marco, tumayo at marahas akong hinawakan sa magkabila kong balikat. "Huwag mo akong sigawan, Ariana! Ginusto mo ring pumunta rito!


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
المراجعات