LOGINLalong humigpit ang hawak ni Julian, kitang-kita ang paglabas ng mga ugat sa likod ng kanyang kamay. Hinarang lang niya ito nang makita niyang mamumuti na ang mata ni Adriana at parang hihimatayin na.Nahulog si Adriana sa kama at umubo nang malakas.Lumapit si Julian at bumulong nang malamig, "Sa tingin mo matatakot ako sa'yo? Huwag mong kalimutan, ikaw ang nagtulak sa kanya sa hagdan noon. Ikaw ang may sala."Tiningnan siya ni Adriana. "Hindi ko sasabihin sa kahit sino ang nangyari noon. Alam ko kung ano ang makakabuti sa akin, gusto ko pang mabuhay.""Mabuti naman at alam mo." Aakmang aalis na sana si Julian.Bigla itong hinawakan ni Adriana sa damit. "Dumating na ang karma ko, at malapit na ring dumating ang sa'yo! Kahit hindi ako magsalita, hindi ka makakatakas!"Marahas na itinulak ni Julian palayo si Adriana at pinagpag ang damit na hinawakan nito, halatang nandidiri.Nakahiga lang si Adriana at biglang humagalpak ng tawa hanggang sa tumulo ang luha.Dahil sa sobrang tigas ng p
Nagbalik sa alaala ni Marco ang isang eksena noong bata pa siya.Sa kama ng mga magulang niya, nakita niya ang ina niya na pumailaim sa ibang lalaki. Pareho silang hubad at abala sa kanilang ginagawa.Dahil doon, biglang humigpit ang hawak niya at marahas na itinulak palayo si Sierra.Tumama ang likod ni Sierra sa pinto at parang kinapos ng hininga, pero agad niyang pinigil ang emosyon. Nakita niya ang mukha ni Marco na parang nasasaktan, kaya napangisi siya. "Naghahalikan na nga tayo, bakit ka pa nagpipigil?"“Sierra…” Gusto sanang ipaliwanag ni Marco, pero pagkabigkas ng pangalan nito, hindi na niya alam ang susunod na sasabihin.Naghintay si Sierra, at nang makitang tumahimik ito at nanlamig, seryoso siyang nagsalita. "Lumayo ka sa akin mula ngayon."Tapos tumalikod siya at bubuksan na sana ang pinto.Nanlaki ang mata ni Marco at awtomatikong hinawakan ang pulso ni Sierra.Huminto ito sandali, tapos lumingon nang may ngisi. "Itutuloy pa ba?"Tumahimik si Marco saglit, bago dahan-da
Nakita ni Sierra na nakatayo si Marco sa pinto, malinis at presko, at nakangiti pa habang pinapanood sila.Nainis siya. Kung hindi dahil dito at sa pagpapalambing nito, hindi sana siya nabasa.Kumuha siya ng isang dakot na tubig at buong lakas na ibinato sa mukha ni Marco!Hindi nakahanda si Marco at natigilan.Tumulo ang tubig mula sa gwapo nitong mukha pababa sa puti at malinis nitong polo.Sa kaibuturan ng puso, takot pa rin talaga si Vester kay Marco. Nang makita nitong nagawa ni Sierra na batuhin ito ng tubig, nanlalaki ang mga mata at tinakpan agad ni Vester ang bibig niya sa gulat.Nagsisi agad si Sierra sa ginawa niya.Si Marco na laging seryoso at may tinga, nabudburan ng tubig. Kung malaman ito ng iba, nasaan na ang dignidad niya bilang boss?Pero si Thalia, wala sa isip. Masaya lang ito dahil may kalaro na. Kumuha ito ng tubig at ibinato rin kay Marco. "Tinamaan ko! Tinamaan ko!"Maliit lang ang bata kaya sa pantalon tumalsik ang tubig.Ngayon, basa na ang damit at pantalon
"Ang ganda po ng pananaw niyo." Tumingin si Alea sa papadilim na langit. "Ang tagal na nila doon, baka nagpapalibre pa kumain. Sa totoo lang, lahat ba ng artista ay walang hiya?"Maganda ang unang impresyon ni Sierra kay Yazzy. Kusang-loob nitong nilinaw ang hangganan nila ni Marco at sinabing magkaibigan na lang sila mula ngayon. Sino ba namang hindi magkakagusto sa babaeng prangka, maganda, at malambing?Pero noong dumating si Marco, nagbago ang lahat.Hinila nito ang manggas ni Marco sa pinto ng coffee shop, hinawakan ito sa balkonahe, at pumasok pa silang dalawa nang magkasama sa kwarto. At iyong regalong dapat ay personal na ibibigay, ipinaabot pa kay Marco kaya muntik na siyang magkamali ng akala.Inisip ni Sierra ang mga nangyari: Sinundo ito sa airport noong una itong dumating, nagkita sa dinner kinabukasan, sa coffee shop sumunod na araw, sa welcome party, at ngayon ay nasa bahay pa sila.Araw-araw silang magkasama.Sinasabi nitong nakaraan na lang at magkaibigan na lang sila
Masuyong hinawakan ni Marco ang kamay ni Sierra na tatalikod sana at tinanong, "what is the matter?"Pakiramdam niya ay may mali talaga sa ikinikilos nito.Lumingon si Sierra at ngumiti kay Marco, "Nothing."Bagama't nakangiti, hindi umabot ang ngiti sa kanyang mga mata; halatang nagsisinungaling lang ito."Sierra," tawag niya rito nang seryoso, "Hindi ako sanay manghula ng iniisip ng babae. Kung may problema ka, sabihin mo."Tiningnan ni Sierra si Marco at sa isang iglap, halos mabitawan na niya ang tanong na, "Mahal mo pa ba si Yazzy?" pero napigilan niya ito agad.Bumalik na ito ito ngayon. Pero hindi pa sila nag-uusap tungkol sa pag-ibig.Kung sasagot siya ng oo, anong gagawin niya?Hindi na ba siya mananatili sa pamilya Montezides, patatawarin niya silang lahat, at hindi na magsasampa ng kaso?Imposible!Kaya kahit sumagot siya ng hindi?Ano bang pakialam niya kung mahal pa nito si Yazzy o hindi?Ngumiti siya at sinabi, "Sige, pwede na ba akong magpatuyo ng buhok?"Tinitigan siya
Samantala, nagtimpla ng inumin si Yazzy at inikot ito. "Salamat, Miss Yazzy. Ang galing mo talaga magtimpla, parang expert." puri ng isa. "Kaya nga eh. Swerte namin na pinaghaluan kami ng sikat na artista." Tinapos ni Yazzy ang pag-aabot at ang huli ay para kay Marco.. "For you." "Salamat." Tumayo lang siya sa likuran nito saglit, pinagmamasdan ang bawat galaw nito bago umalis. Maya-maya, tumunog ang telepono ni Marco at lumabas ito sa balcony para sumagot at doon nagsindi ng sigarilyo. Sumunod si Yazzy. "Bawasan mo naman ang paninigarilyo. Masama 'yan sa kalusugan." malambing na paalala niya. Tumingin lang si Marco at hindi sumagot. Tumabi ito sa kanya at tumingin sa langit. "Ang ganda pa rin pala ng gabi dito sa atin." Pinatay ni Marco ang sigarilyo kahit ilang higop pa lang at tatalikod na sana nang bigla itong hawakan sa braso. "Marco... galit ka pa rin ba dahil umalis ako noon nang hindi nagpapaalam?" "Hindi. Desisyon mo 'yon." "Pwede akong umalis noon, pero... hin
Itinulak ni Sebastian si Sofie at saka kinuha ang kanyang telepono at tinawagan ang front desk ng resort. "Hello? Someone's making a scene at the east lawn part of the beach. I need bodyguards to drag her away." Malamig, at puno ng kalupitang sinabi nito. Hindi nagtagal, dumating ang mga security
Parang lantang gulay si Sierra sa kama pagkatapos. As expected, naubos ang lakas ni Sierra sa bangis ni Marco sa kama. Ngunit sa kabila niyon ay nakita pa ni Sierra si Marco na tumayo at tumungo sa banyo upang maligo. Sa isip ni Sierra ay puno siya ng pagtataka. Paano at sobrang lakas pa rin nito
Five years ago, nang nalaman ni Audrey na buntis siya at ang pinaniniwalaang ama ay si Julian Montezides, isang masayang ngiti ang rumihestro sa kanyang labi at pinuntahan ang lalaki sa kanilang mansyon. Inaasahan niya na magiging masaya ito sa ibabalita niya, ngunit hindi pala.Bagkus ay galit na
"Yeah," kaswal na tugon ni Sylvio nang hindi man lang nito inaalis ang tingin sa binabasang dokumento. Akala ng lalaki ay umalis na si Sierra ngunit sa ikalawang pagkakataon ay muli itong kumatok sa pintuan nito at saka ipinasok lamang ang ulo. "Bye!" Nakangiti pa itong kumaway. Mula sa bimab







