Share

Chapter 18

Penulis: Ethaniel Rein
last update Terakhir Diperbarui: 2024-08-11 20:13:58

Bago pa man makalapat sa pisngi ni Sierra ang palad ni Adriana ay dagli na niya itong hinawakan sa pulsuhan atsaka bahagyang pinisil.

“Oh, galit ka na niyan?” Nang-aasar niyang sinabi.

Kakaibang galit ang nararamdaman ni Adriana sa tuwing nababanggit ng mga tao ang tungkol sa pagkatao niya. At mas lalo siyang nagagalit dahil galing ito mismo sa tunay na anak!

Noon, naging sekretarya ni Antonio Santillan si Janice De Jesus, ang kanyang ina. Malubha na rin ang sakit ng asawang si Martha. Ayon pa sa doktor nito ay napalabi na lamang ang mga araw nito sa mundo. Nalulong sa kalungkutan ang lalaki kaya naman inom ito nang inom upang maibsan ang sakit na nararamdaman. Sa kabilang banda, kinuha iyong oportunidad ni Janice upang landiin ang kanyang boss dahil matagal na itong may lihim na nararamdaman dito.

Nang mamatay na sa wakas ang ina ni Audrey ay pinilit ni Janice na pakasalan siya ni Antonio. Nang mga panahong iyon ay malaki na ang kanyang tiyan at alam niya sa sariling hindi si Ant
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Yette Marcos
Naku senyora nakuha ka nmn sa drama ni adriana............
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • One Night Stand With The Mysterious Billionaire    Chapter 153.1

    Samantala, sa may barbecue grill, napansin agad ng isa ang paglapit ni Sierra. Mabilis itong ngumiti at nagpakitang-gilas. “Mrs. Montezides, ano pong gusto ni'yong kainin? Sabihin ni'yo lang po at ako na ang bahalang mag-ihaw para sa inyo." Magiliw nitong sabi. “Naku, salamat.” Sinuklian naman ni Sierra ang ngiti nito. "Pero okay lang, kaya ko na itong gawing mag-isa. Just eat and enjoy your food.” "Hmm... Medyo mausok po dito kaya I suggest na maupo na lamang po kayo roon at ako na pong bahala. I'll bring it to your table once it's grilled." Pilit pa nito. Mahinhing nginitian ni Sierra ang babae. Alam ni Sierra ang dahilan kung bakit siya nais paluguran ng babae, hindi dahil isa lamang siyang simpleng tao kundi dahil bilang asawa ni Marco Montezides. Noon ay napansin ni Sierra na sumusunod sa utos nina Marco at Deion ang mga taong ito, ibig sabihin ay amo ang tingin nila sa dalawa kaya malamang ay mataas din ang respeto ng mga ito sa kanya. Subalit kaya naman siya lumapit sa i

  • One Night Stand With The Mysterious Billionaire    Chapter 152.2

    Lumabas si Deion mula sa madilim na kinaroroonan at lumapit kay Marco. Doon ay nahuli niya itong nakangiti habang habang nakatanaw sa papalayong likod ng babae. Itinulak niya ang wheelchair ng kaibigan tungo sa tahimik na lugar. "Nagugustuha mo na na siya?" Agad na nawala ang ngiti sa mga labi ni Marco at saka iyon napalitan ng seryosong awra. "Of course not, was just teasing her for fun." Malamig nitong saad."I've heard from Liam that she has an indescribable effect on you. It's rare to meet someone like her. So why not give it a try?" Ani Deion.Kumislap ang mata ni Marco ng paniniphayo. "You know that I don't trust feelings." Alam ni Deion na ang naging relasyon ng mga magulang ni Marco ay nag-iwan dito ng matinding dagok dahilan upang maging iba ang pananaw nito tungkol sa pag-ibig. Naintindihan niya iyon at ayaw niyang ungkatin pa. Ngunit... "It doesn't necessarily have to be a relationship. If your body responds to it, I think being a bed partner is fine."Nangunot ang noo

  • One Night Stand With The Mysterious Billionaire    Chapter 152.1

    "Yes," tugon ni Marco. "You want to drink?" Medyo nagulat pa si Sierra sa naging tugon nito. Ang inaasahan niya ay tatanggi ito. Ngunit hindi pala!"Why? Don't you want to?" Balik tanong nito. Mabilis na umiling si Sierra, "of course I do!" Pambobola pa niya. "Masaya nga ako, eh!" May lumapit sa kanilang dalawa at saka inabot ang dalawang champagne glass at saka iyon nilagyan ng inumin. Umuklo si Sierra upang magpantay ang kanilang taas ni Marco, naroon pa rin ang katanungan sa kanyang isipan. Bakit ito pumayag? Pwede naman itong tumanggi kung gusto nito!"Let's toast for the newly wed!" Anunsyo ng isa dahilan upang sundin naman iyon ng karamihan. Uminat si Sierra upang ilingkis ang kanyang braso sa braso ni Marco. Nang humarap si Marco upang mapagbalitad ang kanilang inumin ay halos maubo siya nang bunalandra sa kanyang harapan ang maputing cleavage asawa. Nakasuot ito ng red V-neck gown kaya litaw na litaw ang kanyang kaputian.Ang mga maiilap na bagay ang siyang nakakatukso.

  • One Night Stand With The Mysterious Billionaire    Chapter 151.2

    Masyadong nakaka-intimidate si Marco habang tinatanong nito iyon. Hindi pa nakatulong na bahagya itong naka-uklo palapit sa mukha ni Sierra at saka ito tinitigan sa mga mata. Napalunok si Sierra at wala sa sariling humakbang ng tatlong beses, parang baliw na kumalabog ang kanyang dibdib. Bumusangot si Marco at saka napaayos ng tayo. "Why are you stepping back? Chickening out now?" Umarko ang kilay niya. "Uhm, yes. And that is because you were too close to me! My heart is beating like crazy," sambit ni Sierra. Sa pagkakataong iyon ay nagsasabi na talaga siya ng totoo. Nang manuot sa ilong niya ang natural na panlalaking amoy ni Marco, agad na naging balisa ang kanyang puso na para bang gusto nitong kumawala. Hindi na alam ni Marco kung alin ang totoo at alin ang hindi sa mga pinagsasabi ng babae. Ngunit hindi niya iyon alintana kung totoo man iyon o hindi, basta gusto niya ang kung ano mang narinig niya. Sa kabila ng tuwang nararamdaman ni Marco ay pinanatili pa rin niyang k

  • One Night Stand With The Mysterious Billionaire    Chapter 151.1

    Tahimik lamang si Rianna. Hindi umiimik, hindi gumagalaw sa pwesto nito. Ang tanging maririnig mo lamang at ang munting paghikbi nito. Tanging si Deion lamang ang nasa lugar na iyon. Sa takot na baka magalit ito, hindi gumawa ng kahit anong ingay si Rianna. Biglang tumayo si Sierra. Hinawakan ni Rianna si Sierra, halatang nagulat sa biglang pagtayo nito. "Where are you going?" "Kakausapin ko lang si Deion," malamig na sambit nito. Namilog ang mata ni Rianna. Hindi niya sukat akalaing mayroong babaeng maglalakas ng loob na harapin si Deion Lee para sa kanya! Ni hindi naman sila close! Sa katunayan ay isang beses lamang silang nagkita at ang masaklap pa, iniidolo nito ang kanyang ama. Kapagkuwan ay naisip din ni Rianna na baka ganoon na lamang ang concern ng babae sa kanya ay dahil mahal nito ang kanyang ama bilang isang actor. Marahil ay ang motto ng babae ay, mahal ko ang idol ko, mamahalin ko rin ang pamilya nito. Isang sarkastikong halakhak ang kumawala sa labi ni Rianna.

  • One Night Stand With The Mysterious Billionaire    Chapter 150.2

    "I feel my heart beating a little faster than usual, I'm sorry but I can't accompany Ms. Sierra longer..." Ani Shanaia at saka umahon at umakyat sa hagdan ng pool. Naglakad siya pa papunta sa shower area at bago pa man makapasok doon ay muli niyang nilingon si Sierra nang may kakaibang kislap sa kanyang mga mata.Masyadong nalunod ang isip ni Sierra sa pag-iisip tungkol kay Rianna at sa kung ano ang sinabi ni Shanaia sa kanya. Iyon ang dahilan kung bakit siya nawalan ng ganang magtagal pa roon. Kaya umahon na lamang siya at nagbanlaw sa shower na naroon. Pagkatapos magpalit ng damit at lumabas ng women's hot spring pool, napansin niyang magulo at puno ng tao ang entrance ng men's hot spring. Ang lahat ay nagbubulungan."Pambihira, ang tapang ng babaeng ito at naglakas-loob talagang pumasok sa men's hot spring pool!""Ang mga ganyang klase ng babae ay hindi desinte, talagang gagawing pulutan ang sarili? Hindi na nahiya!""Maybe she has a boyfriend inside and she wants to flirt with h

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status