LOGINNapansin ni Marco na tila malungkot ang anak niya kaya tumayo ito, lumapit, at tinapik ang ulo ng bata. "Anong problema? Why do you seem sad?"Itinaas ni Vester ang kaniyang munting ulo upang tingnan si Marco. "Dad, can you hug me?"Agad na yumuko si Marco at binuhat ang anak.Ipinatong ni Vester ang kaniyang ulo sa balikat ni Marco, at ang mga luhang matagal na niyang pinipigil ay sa wakas ay tumulo na rin. Hindi mahalaga kung wala siyang ina, Lolo at Lola, o iba pang kamag-anak — basta nandiyan lang ang kaniyang ama, sapat na iyon.Mahal at iingatan siya ng Daddy niya. Siya ang...Mahigpit na hinawakan ng maliliit na kamay ni Vester ang damit ni Marco.'Dad is so gentle and loving this these days, he won't change, right?'Nakita ni Marco ang maliliit na kamay na nakakapit nang mahigpit sa kaniyang damit, at ang munting katawan na bahagyang nanginginig sa kaniyang mga bisig. Upang hindi makagambala sa masayang pagsasama ni Wanwan at ng mga lolo at lola nito, dinala niya ang bata pala
Inakala niyang mahirap itong pakisamahan, ngunit nagulat siya nang makitang napakabait at napakadali pala itong kausapin at pakitunguhan. Maging siya ay tila nahihiya at natutuwa. "Huwag po kayong ganyan. Sadyang matigas lang talaga ang ulo ni Sierra. Ang laking bagay nga naman na kasal na siya, pero itinago pa rin niya ito sa aming mga magulang. Kung sadyang desidido siyang ilihim ito, paano ni'yo naman kami mapupuntahan at mapagbibigyan ng pagkakataon?"Si Alessia naman, dahil wala gaanong labis na karanasan at hindi kasing lalim ng pag-iisip ni Ronaldo, ang tanging inaalala lamang ay ang kaligtasan at kaligayahan ng anak. Kaya naman ay prangka siyang nagsalita; "Kahit pa itinago 'yan ni Sierra, hindi ko pa rin naman siya papayagang magpakasal at mapabilang sa pamilyang Montezides.""Ali," Kumunot ang noo ni Ronaldo habang nakatingin sa asawa, tila nagbibigay ng senyales na huwag magbitiw ng anumang bagay na hindi nararapat.Ngunit hindi nakinig si Alessia at nanindigang ipagtatangg
Hindi pinansin ni Stevan ang masamang tingin ni Ericka. Alam na niya talagang nagsasalita nang walang iniinampang pag-iisip si Julian. Alam naman nitong masaya sana ang mga magulang ni Sierra tungkol sa kasal, pero pilit pa rin nitong binabanggit ang bagay na nakakasakit — ang kasal na para lamang sana ay pananggalang sa kamalasan.Ang pinakamasama pa nga ay kapag may nagsasalita nang dahil sa galit, saka pa ito nagtatanong ng mga bagay na walang katuturan, tulad kung ang isang tao ba ay tunay na ina o hindi. Nararapat lamang na siya ay mapagsabihan.Paano siya nagkaroon ng anak na napakatanga?Malayo ang kaibahan kay Marco.Ngunit dahil sarili niyang anak ito, hindi naman niya ito maaaring pagalitan sa harap ng ibang tao. Kaya napilitan na lamang siyang ngumiti at humarap kay Alessia. "Balae, mabait po iyang anak ko. Huwag po kayong magalit. Sigurado akong pagod kayo sa mahabang biyahe."Pagkatapos nito, tiningnan niya si Sierra at sinabi, "Sierra, asikasuhin mo at pagpahingahin mo m
Boses iyon ni Alea.Inabot ni Sierra ang kaniyang telepono habang bahagya pang nakapikit para tingnan ang oras; malapit na palang maghatinggabi. Sino naman kaya ang dadating sa ganitong oras?Bumangon siya, nagtungo sa pinto, binuksan ito, humikab, at inaantok pang nagtanong, “Sino ‘yan?”Pinag-isipan muna ni Alea kung paano sila tatawagin bago sumagot. “Ang master po at madam Ericka.”Kumunot ang noo ni Sierra. Ano namang ginagawa nina Stevan at Ericka dito sa ganitong kalalim ng gabi?Nakita ni Alea sa mukha ni Sierra na hindi pa rin nito lubusang nauunawaan, kaya agad siyang nagdagdag ng paliwanag. “Hindi lang po sila ang narito, kundi pati na rin ang ama at ina ng eldest mistress.”“Sino?”Tinanggal na lang ni Alea ang mga magagalang na tawag at diretsong tinukoy ang mga ito. “Ang mga magulang niyo po.”Biglang nawala ang antok ni Sierra. “Ang mga magulang ko?”“Opo, at narito rin po si sir Julian.”Agad na nabahala si Sierra.Wala namang kaalam-alam ang mga magulang niya na naka
“Hindi palaging ganoon ang laman ng isipan ko. May kailangan lang akong sabihin sa’yo kaya ako nandito.” Ani Sierra sa seryosong tono.Ibinaba ni Marco ang balabal na hawak niya, isinukob ang braso sa payat na baywang ni Sierra, at yumuko upang halikan ito habang sinasabing, “Pag-usapan natin habang ginagawa iyon.”Inunat ni Sierra ang kamay at idiniin ito sa maninipis na labi ni Marco. “Pwede bang maging seryoso ka kahit minsan lang? May seryoso talaga akong sasabihin sa’yo.”Nang makita ang seryosong mukha ni Sierra, binitawan siya ni Marco, hinawakan ang kanyang kamay, at inakay upang umupo sa sofa. “Ano ba iyon?”“Kasama na naman ni Deion si Riri.”"Hmm... alam ko.”Dahil walang bahid ng gulat sa mukha nito, nagtanong si Sierra, “Alam mo na?”“Hindi, pero kanina pa habang naninigarilyo siya sa labas kasama si Deion, naramdaman kong mayroon pa rin siyang pagtingin para kay Rianna.”“Kung ganoon, sa anong kalagayan sila ngayon? Tunay na bang magkasintahan, o itinatago lang naman niy
Ngunit hindi na siya magiging tulad ng dati — na kapag nagalit ay tatalikod agad at aalis. Sinabi nitong nagsawa na, ngunit hindi siya naniniwala. Noong magkasama sila sa higaan, damang-dama niyang masaya ito at nasisiyahan. Matapos ang ilang sandali, tumango siya. “Okay. Sabihin mo kung magkano.” Medyo nagulat si Rianna. Hindi niya inakalang magiging ganito kabastos at walang paggalang si Deion. Mayabang at matayog ito, ngunit nakakapagtaka kung paano nito matitiis ang kanyang panghahamak. “May iba ka pa bang hinihingi? Bahay? Sasakyan? Lahat ibibigay ko sa’yo.” Kumunot ang noo ni Rianna. “Napakarami babaeng nasa paligid mo at maaari niyong makuha. Bakit kailangan niyong ipahiya ang inyong sarili sa ganitong paraan?” “Alam mong nagkasala ka sa akin, kaya mas mabuting bayaran mo ang utang na iyon sa pamamagitan ng pagdamay sa akin mula ngayon.” Sabay sabi nito ay muling hinalikan ni Deion ang mga labi ni Rianna Nanigas si Rianna sa kanyang kinatatayuan. Binitawan ni Deion ang
Lumabas ang driver ay galit na hinarap ang sasakyang nakabangga. "Paano ka ba nagmamaneho? Nakapikit? Hindi mo ba alam na nasa maling lane ka na?!" Galit na galit si Adriana. Lumabas siya ng sasakyan, padabog na isinara ang pinto, at sumigaw sa driver, "how dare you shout at me like that?! Ikaw an
Tiningnan ni Marco si Sierra. Ang pamumula at pamamaga sa pisngi ng babae ay medyo nawala na matapos malagyan ng gamot, at ang puting pampitas na nakabalot sa kanyang noo ay medyo kapansin-pansin. "Maligo ka na at matulog ka ng maaga."Alam ni Sierra na ito ay isang rejection, at para sa hindi mala
May natanong, "Sino ang taong ito?" "Ito ang lalaking sumunod sa amin noong gabing 'yon." Sagot ni Carlos habang pinisil nang mahigpit ang balikat ng lalaki. "Sabihin mo, sino ang nag-utos sa'yo na gawin 'yon?" Sinulyapan ng lalaki ang silid ng pagpupulong, pagkatapos ay mabilis na tumingin kay J
Para bang walang narinig, ihinagis ni Sylvio ang ginamit na table napkin sa mesa at tumayo para umalis.Agad na namula ang mga mata ni Vior sa kaba at mabilis na tumayo para harangan ang daanan nito, biglang naging malambot ang kanyang tono. "Don't go please, I will eat. I'll eat it now."Bahagyang

![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)





