LOGINNakatitig si Alea sa cold compress ng ilang sandali, pagkatapos ay lumingon. Umalis na pala si Carlos. Nakatitig siya sa pintuan ng ilang sandali, pagkatapos ay kinuha iyon at bahagyang dinama. Isang mahinhing ngiti ang lumitaw sa kanyang bahagyang namumula na mga mata. Sa hapag-kainan, inilagay ni Sierra sa isang plato ng binalatang hipon sa harap ni Marco, “Para madagdagan ang iyong protina.” nakangiti niyang sinabi. Nakita iyon ni Thalia at agad na sumimangot at sinabi, “Mommy, do you love uncle handsome now than Thalia? Before, when it's just the two of us, you always peel shrimps for me...” “Of course not, baby. Mommy…” Bago pa matapos magsalita si Sierra, inilagay ni Marco binalatang hipon sa plato ni Thalia. Halos mawala ang mata ni Thalia nang ngumiti ito. "Uncle handsome is still the best to Thalia! Thalia likes uncle handsome!" Malambing nitong sinabi. Nakita ni Sierra na hinaplos ni Sierra ang ulo ni Thalia, pagkatapos ay tumuon muli ito sa pagkain, ni hindi man lang
"O-Of course! I'm not lying!" Tinuro ni Janice ang mga tauhang naroon. "Kung hindi ka naniniwala, tanungin mo sila! They saw everything!"Naramdaman ng mga tauhan ang malamig at nakakatakot na tingin ni kay Marco, biglang tumigil ang kanilang paghinga. Nagpalitan sila ng tingin, bago sabihin nang magkakasabay. "Wala po kaming nakita, young master...""You!" Nagpupuyos sa galit si Janice, ngunit alam niyang ang mga tauhang ito ay sumusunod lamang sa utos ni Marco Montezides – mukhang pinapanigan talaga ng lalaki ang kanyang asawa! Tuso rin talaga ang babaeng 'to! Hindi lamang ito kumikerengkeng sa kung sino mang lalaki, pero hawak din niya sa leeg ang isang makapangyarihang lalaki katulad ni Marco Montezides! Hindi kataka-taka na natalo nito ang anak niya.Pinigilan ni Janice ang kanyang galit, tumingin kay Marco at sinabi "Dahil ayaw mong gumawa ng aksyon, pupunta na ako sa Senyora para sabihin ito. Gusto kong makita kung talagang hindi nakikilala ng pamilyang Montezides ang tama at
Ang kamay ni Sierra sa kanyang magkabilang gilid ay mahigpit na nakakuyom, ang sakit ng mga kuko na tumarak sa kanyang balat ang nagpigil sa kanya sa pagnanais na saktan si Janice.Nang tumingin sa kanya si Janice, agad siyang nagbaba ng tingin upang maitago ang lahat ng matinding poot na nakatago roon.Matapos itago ang lahat ng emosyon, tinahak ni Sierra ang distansya patungo kay Janice at nagtanong, "Alea is under my care, I heard you hit her?" Pilit niyang pinapakalma ang sarili.Bahagyang napahawak si Janice sa kanyang baba, para bang nag-iisip. "Oh, the maid with a kid?""Yes.”"Yes, I hit her." Proud pa niyang sinabi. "Iyon ay para magising siya sa katotohanan! Dapat niyang kinikilala ang kaharap niya, kung sumagot ay akala mo kung sinong mataas! I just teach her some manners. You won't be mad about that, don't you?" Aniya nang nakangiti.Pumantig ang tainga ni Sierra roon. Nanlamig ang kanyang mata, bahagya niyang ginalaw ang kamay sa kanyang gilid ay mariing sinabing, "anong
Ganoon pala ang paraan nito ng pagpapakita ng simpatya sa iba.Ang kaninang naghuhuramintadong dibdib ni Sierra ay kumalma na. Nanlambot ang kanyang puso para sa anak. Sinapo niya ang mukha ng anak at saka hinalikan ito sa noo. "Okay, stop crying already. Mommy will ask Grandma Janice to ask forgiveness to Ate Alea, is that okay?"Naluluha p rin, umiling si Thalia. "No, mommy. I want... I want mommy to hit her as well."Bahagyang nagulat si Sierra doon. Gusto niyang sabihin na, 'oo anak, iyan ang gagawin natin.' Pero ayaw naman niyang maging bad influence sa sariling anak!Mahinahong pinunasan ni Sierra ang mga luha ng kanyang anak at matiyagang turuan ito, “Hindi tamang gamitin ang karahasan para malutas ang mga problema. Kung gagamitin din natin ang karahasan, magiging katulad niya na tayo, gusto mo bang maging ganoon si Mommy?”Mabilis na umiling si Thalia, “Hindi, nakakainis si Grandma Janice, ayaw kong maging nakakainis si Mommy.”"Hmm... That's good our Thalia is a good girl. Yo
Tumango ang lalaki. "Reon Bautista. Sa Sampaloc Street, madame..." Biglang naalala ni Sierra na ito nga pala ang naghatid sa kanila papuntang ospital noong gabing iyon. "Salamat noong gabing iyon.""Wala yun. Aalis ka na po ba?”"Gawin mo na ang kung anong kailangan mong gawin, hindi mo ako kailangang ihatid at sunduin.""Hindi po iyan maaari, madame. Dahil mariin pong ibinilin sa akin ng boss ang inyong kaligtasan. Kaya sa ayaw at sa gusto ninyo ay ako ang maghahatid at sundo sa inyo." Tipid itong ngumiti.Napaantig nang kaunti si Sierra nang marinig iyon. Nag-aalala ba si Marco na baka may mangyari na namang hindi maganda sa kanya kaya naglagay na siya ng taong magsusundo sa kanya?Concern naman pala ito kahit papaano...Biglang nawala ang sama ng loob at bigat na naramdaman niya mula pa noong nakaraang gabi.Dapat bang sabihin na noong sabihin sa kanya ni Alea na naghintay si Marco ng mahigit dalawang oras para sa kanya noong nakaraang gabi, doon pa lamang nawala ang bigat na nara
Hindi sila magkapareho ng shift sa trabaho, at hiwalay silang natutulog gabi-gabi. Hindi sila nagkita buong araw, kaya bakit sila nagkaka-cold war? "Alea." Malalim ang iniisip ni Alea habang naghahalo ng kumukulo niyang niluluto, nang biglang may tumawag sa kanya ay halos lubayan siya ng kanyang katawang-lupa. Naangat tuloy niya ang sandok at natapon sa kanya ang ilang laman niyon. Nakita ito ni Carlos, kaya agad niyang kinuha ang hawak nitong sandok at tinakpan ang kaserola at saka hininaan ang apoy, pagkatapos ay hinawakan niya sa kamay si Alea at dinala sa lababo upang linisan ang kamay nitong napaso. Malamig ang tubig kaya medyo gumaan ang pakiramdam ni Alea. Huli na nang mapagtanto ni Alea na hawak-hawak pala ni Carlos ang kanyang kamay. Malalaki ang kamay ng lalaki, kaya madaling hawakan ang buong pulso niya. Ang init ng kanyang palad ay tumagos sa kanyang balat at nagpaiinit din ng kanyang mukha. Inalis niya ang kanyang kamay. "Ayos na." Nakabusangot si Carlos, ang kany







