LOGINNang marinig ang pamilyar na boses, sa wakas ay kumalma si Sierra. "Hindi ba't sabi mo dalawang araw ka pang mawawala?"Akala niya ay sa umaga pa ito makakauwi, pero bakit ngayong gabi lang siya nakarating?"Tinapos ko na ang mga dapat kong asikasuhin kaya umuwi na ako." Hinalikan ni Marco ang leeg ni Sierra.Naramdaman ni Sierra ang pangingimi sa leeg niya at kusa siyang umatras. Paglingon niya, nakita niyang suot pa rin ng lalaki ang puting kamiseta kahit madilim na. "Kakarating mo lang ba?""Hmm." Hinalikan ni Marco ang gilid ng labi ni Sierra.Mabilis na iniwas ni Sierra ang mukha, hinawakan ang bewang nito, at marahang idinikit ang sarili sa malambot nitong katawan. Masyadong sensitibo ang bewang niya kaya parang namamanhid siya sa sobrang kiliti, talagang hindi niya kaya."Gabi na, maligo ka na at matulog."Hinarap ni Marco si Sierra at sinabi, "Huwag muna."Sa kadiliman ng gabi, ang malalalim na mata ng lalaki ay kumikinang nang mahina, malabo na parang hamog, at parang nagbibi
Nakatitig nang matindi si Marco kay Sierra habang ang huli ay ayaw siyang tignan. Pagkatapos ay yumuko ito para halikan siya. Umiwas si Sierra at sinabi, "May bata." Hinawakan ni Marco ang baba niya, itinaas ito, at pinilit siyang tumingin sa kanya. "Bakit hindi mo ipinaalam sa akin na pupunta kayo rito?" "Ayokong makaabala sa trabaho mo." Pagdadahilan lamang iyon. Nagpahiwatig na si Carlos na may oras naman ito, at dahil alam niyang nagsisinungaling siya, nag-iba na lang siya ng tanong. "Hindi ba't sabi mo noon ay hindi ka pupunta sa Germany?" "Hindi ba pwedeng magbago ang isip ko?" "Hindi ko alam." Tinitigan ni Sierra si Marco nang matagal, tapos ay ngumiti nang bahagya. "Siyempre ay dahil ikaw ang nasa Germany kaya ayokong makaabala sa trabaho mo, pero masaya ako na nasa iisang lungsod tayo ngayon." Napagtanto niyang talagang mahiwaga ang nararamdaman ng tao; isang sandali ay matindi ang pagtatalo ninyo at ayaw ninyong magpatalo. Pero sa isang iglap ay parang biglang nagka
Nang makitang nakapasok na si Marco at nakasara na ang pinto, sinubukan ni Sierra na magsalita nang mahinahon. "Sylvester is still a kid, hindi mo kailangang maging istrikto nang ganyan sa kanya.""He purposely hide while you were there, looking for him for an our. Nagkasala siya kaya nararapat lang na maparusahan siya nang sa ganoon ay maintindihan niya na lahat ng pagkakamali ay may kaakibat na parusa."Alam ni Sierra na marahil ay sinadya ng bata ang ginawa. Ilang beses ding nagpatawag ang mga tauhan sa palaruan kaya posibleng narinig niya ito, pero... "He's a nice kid, at minsan talaga may pagkakataon na nagiging pasaway sila. Pero sana naman, huwag mo na siya parusahan ng ganoon...""Ma'am, nahimatay si young master!" Biglang may narinig silang sigaw mula sa labas na puno ng takot.Agad na binuksan ni Sierra ang pinto at lumabas.Nakita niyang nakaluhod si Vior sa sahig habang niyayakap si Vester. Tumingala ito kay Sierra na mabilis na tumakbo papunta sa kanila. "Kanina habang na
Nakaluhod na si Sierra sa harapan ni Vester, kaya naman nang malakas siya nitong itulak ay mabilis siyang napaupo sa sahig.Sumigaw si Sylvio sa seryosong boses, "Vester!"Tumingala si Vester habang lumuluha ang mga mata at tiningnan si Sylvio Narvaez, tapos ay sumulyap sa mga taong nakapaligid sa kanya. "Anong tinitingin-tingin niyo? Hindi ba kayo nakakita ng bata dati?"Tumayo si Sierra mula sa sahig, lumapit kay Vester, at inabot ang kamay para punasan ang mga luha nito. "I'm sorry, Auntie was just...""Don't touch me!" Itinaboy ni Vester ang kamay ni Sierra. Namumula at puno ng luha ang mga mata nito habang masama ang tingin kay Sierra, kahit pa parang nakakaawa siyang tingnan.Alam ni Sierra na nagtatampo lang si Vester, kaya sinubukan niya itong aluin. "Sige, hindi na kita hahawakan. Pwede na ba tayong bumalik sa hotel?""Ayoko, umalis na kayong lahat, umalis na kayong lahat!" Sigaw ni Vester habang umiiyak at patuloy na itinutulak si Sierra.Napakunot ang noo ni Sylvio habang n
"May importanteng inasikaso ang young master, kaya ako na lang muna ang pinapunta niya dito. Pero huwag kayong mag-alala, tinawagan na niya si President Narvaez para humingi ng tulong. Malapit na siguro silang dumating."Noong nasa kalagayan siya ng matinding takot, hindi niya sinasadyang maghanap ng makakapitan o matatakbuhan. Kahit alam niyang kung nandoon si Marco, tiyak na mahahanap nila agad ang bata, umaasa pa rin siya na makakarating ito.Pero ngayong sinabi ni Carlos na hindi ito makakapunta, parang binuhusan ng malamig na tubig mula ulo hanggang paa si Sierra. Kahit napakaliwanag at mainit ng sikat ng araw sa itaas, pakiramdam niya ay napakalamig ng kanyang loob.Anong klaseng importanteng bagay ba ang mas mahalaga kaysa sa kaligtasan ng sarili niyang anak?Kadalasan ay napakalamig ang pakikitungo ni Marco kay Vester. Akala niya ay marahil ay dahil sadyang seryoso ito at hindi magaling magpahayag ng damdamin. Dahil ampon naman niya si Vester, siguro ay gusto naman niya ito.P
Pero nang maalala niya ang report na nakuha nila tungkol sa pagka-ampon kay Vester, unti-unting humupa ang gulo sa dibdib niya at napalitan ng lungkot.Kung buhay pa sana ang anak niya, kasing-edad na rin nito si Vester ngayon.Nang mapansin ni Vior na malungkot ang itsura ni Sierra, kinabahan ito. “Naku, may nasabi na naman ba akong mali? Sorry na, madaldal lang talaga ako. Huwag mong seryosohin ha.”“Wala ‘yon.” Pinilit ni Sierra na pakalmahin ang sarili at ngumiti. “Naaalala ko lang ang ilang bagay noon.”“Tara, kain naman tayo ng seafood mamayang gabi?” mabilis na pag-iiba ni Vior ng usapan.Nagkwentuhan pa sila hanggang sa maubos ang kinakain nilang shaved ice. Paglabas nila, pumunta sila sa carousel pero wala doon sina Alea at ang mga bata. Akala nila ay lumipat lang sa ibang rides.Ilang saglit silang naghanap sa paligid pero wala pa rin. Kaya dinial ni Sierra ang number ni Alea.“Nasaan kayo?”“Nasa loob po kami ni Thalia ng Ferris wheel, bababa na po kami ngayon.”“Sige.” Iba
Nalaglag ang panga ni Beatriz sa narinig. Naningkit ang kanyang mga mata at pinasadahan ng tingin si Sierra mula ulo hanggang paa. “What did you just say?!” Itinagilid pa ng babae ang kanyang ulo, mayroong sarkastikong ngisi ang gumuhit sa kanyang labi. Kalmanting huminga si Sierra. Matapang niyang
Naghari ang nakabibinging katahimikan sa loob ng restaurant. Lahat ay pasimpleng makahulugang sumusulyap kay Marco, biglang naging bumigat ang ihip ng hangin. Hindi na magawang tingnan pa ni Sierra si Marco sa labis na kahihiyan, nagbaba siya ng tingin at tinanggal ang suot na disposable gloves.
Kinabukasan ay maagang nagising si Sierra at naghanda ng klase-klaseng almusal. Bumaba si Alea dala ang dalawang bata, nadatnan nilang puno ng klase-klaseng masasarap na almusal ang lamesa. "Wow, eldest mistress, ginawa ninyo po itong mag-isa lahat?" Namamanghang sambit ni Alea. Nakangiti nama
Nakagat ni Sierra ang pang-ibabang labi. Nakaramdam ng takot na baka mabuko siya ng asawa.. Bakit ba kasi niya nabanggit ang ganoong apilyedo? Sa dinami-rami ng apilyedong pwedeng banggitin, talagang ang Narvaez pa! "Uhm... Asuncion, Flores, Santibañez or anyone?" Kabadong sinabi niya. Nanatil







