LOGIN"Hindi... hindi ko 'yon ginawa!" Automatic na tanggi ni Adriana, habang puno ng gulat at takot ang mga mata. "Ikaw si Audrey! Ikaw nga talaga 'yan!"Hindi na tumanggi pa si Sierra. Parang may naalala siya at sinabi, "Nakalimutan ko pa lang sabihin, noong welcome dinner para sa akin, ako ang nagpalabas sa screen ng resulta ng test na nagpapatunay na hindi ka talaga isang Santillan kundi isang Gabral. Anak ka ni Lorenzo Gabral."Nanginginig ang kamay ni Adriana. "Ikaw... ikaw nga talaga...""Hush, Adriana... Huwag kang masyadong matakot. Gusto ko lang naman na malaman mo ang totoo. Hindi ka naman pala talaga miyembro ng pamilyang Santillan, hindi ba mali na angkinin mo ang lahat ng ari-arian nila?"Nanginginig ang buong katawan ni Adriana at mahigpit na nakakapit sa kumot. Puno ng poot at sama ng loob ang mga mata. "Papatayin kita... papatayin kita..."Bahagyang ngumisi si Sierra, "Wala ka nang kakayahan, wala ka nang kapangyarihan. Paano mo ako lalabanan?""Ikaw si Audrey! Ikaw si Audr
Napakagat siya sa labi at sumagot, "Hindi lang doon. Parte iyon ng plano, pero ang totoo... noong una pa lang, nahulog na ang loob ko sa'yo. Totoo ang nararamdaman ko.""Kung gusto mo ako, bakit puro sekreto ang lahat at wala kang sinasabi?"Tiningnan siya ni Sierra at hindi direktang sumagot, sa halip ay nagtanong din, "Sa tingin mo ba, ako lang ang may gusto sa'yo habang ikaw ay gusto lang ako dahil sa laman at pisikal?"Natigilan si Marco sa tanong niya.Hindi niya inakala na mag-aasawa siya o magkakagusto sa sinumang babae. Hindi siya naniniwala sa pag-ibig.Pero bigla na lang siyang pinakasaluhan ni Senyora. Noong una ay wala siyang balak na may mangyari sa kanila, pero nauwi rin sila doon.Kahit na may halong plano ang lahat, hindi naman siya tumanggi. Sa paulit-ulit na paglapit ni Sierra, unti-unti siyang naadik sa katawan nito.Totoong gusto niya ang katawan nito.Pero hanggang doon lang. Hindi niya ito masyadong inisip, o sa halip, ayaw niyang payagan ang sarili na magkaroon
Lumipas ang ilang buwan pero hindi pa tuluyang nawawala ang mga pilat noon, at ngayon ay may dagdag na naman na sugat. Baka mag-iwan na naman ito ng marka habambuhay.Unti-unting lumambot ang puso ni Sierra.Kumuha siya ng bulak gamit ang sipit, binasa sa iodine, at dahan-dahang pinunasan ang sugat. "Masakit ba?" tanong niya nang mahina."Hindi," sagot ng malalim na boses ni Marco.Natigilan sandali si Sierra. Sinabi rin nito 'yan noon. Talagang matibay at matatag ang lalaking ito.Sanay na siya sa ganitong eksena, kaya mas mabilis at maayos na ang galaw niya ngayon. Nilinis, nilagyan ng ointment, at binalot ng benda."Tapos na."Akmang aalis na sana si Sierra nang bigla itong humarap at hinawakan ang kamay niya.Lumingon si Sierra at tiningnan siya, "Bakit?"Sa isang mahinang hatak, napaluhod siya at napunta sa kandungan nito.Napasinghal nang mahina si Sierra at pilit tumayo, "May sugat ka!"Hinawakan ni Marco ang bewang niya, "Sa likod may sugat, hindi sa binti."Natakot si Sierra
Habang iniisip ni Stevan kung paano niya inalagaan at minahal si Adriana na parang tunay na anak, at kung paano niya pinaghandaan ang kinabukasan ng batang dinadala nito bilang tagapagmana ng Montezides Group......ay malalaman lang niya na anak pala ito ng iba! Sobrang init ng galit na gumapang sa buong katawan niya.Sa sobrang galit, biglang nanikip ang dibdib niya at muntik nang matumba.Agad siyang sinalo ni Ericka at hinimas-himas ang likod nito para makahinga.Nanginginig na itinuro ni Stevan si Adriana at sinabi kay Napoleon, "Uncle, parusahan niyo na agad ang babaeng walang hiya na ito! Huwag na nating hayaang dumihan pa niya ang paningin natin at ang lugar na ito!"Agad na nag-utos si Napoli, "Hulihin siya at bigyan ng tatlumpung hagupit!"Lumapit ang ilang katulong kay Adriana.Natakot nang husto si Adriana. Alam niyang tatlumpung hagupit ay sapat para patayin siya o tuluyang malumpo. Agad siyang tumingin kay Julian, "babe! Huwag! Kapag hinagupit niyo ako, mamamatay ang anak
Lumapit si Marco at bumulong sa tenga niya, "Naaawa ka ba sa akin?"Tiningnan siya ni Sierra sa mata at sumagot, "Oo..."Bahagyang nagulat si Marco sa diretsahang sagot, pero may sumilay na ngiti sa kanyang mga mata. "Then the few hit is worth to take."Para bang may nabasag na pader sa puso ni Sierra na matagal nang nakasarado, at sa wakas ay pumasok ang isang sinag ng mainit na liwanag.Humakbang si Marco at tumayo nang tuwid. "Gawin niyo na."Nagkatinginan ang dalawang lalaking may hawak na kahoy at walang may lakas na gumalaw o humampas."Ano pang hinihintay niyo diyan? Hagupitin niyo siya!" sigaw ni Stevan. Nababaliw na yata ang anak ng asawa niya at nabighani na sa babae. Kitang-kita naman ang ebidensya pero ipinagtatanggol pa rin niya ito!Ang isa ay handang tanggapin ang parusa, samantalang ay isa ay nagagalak na saluhin ang parusa para sa isa. Dahil para sa pangangailangan para sa dangal ng pamilya, wala nang magawa si Napoleon kundi utusan ang mga ito. "Gawin ni'yo na."Wala
Noong sinaktan siya ni Stevan, hindi siya lumaban dahil magka-away sila noon ni Marco at magulo ang relasyon nila. Hindi siya sigurado kung ipagtatanggol siya nito.Pero iba na ang sitwasyon ngayon. Mula nang sunduin siya ni Marco at iuwi, ramdam na ramdam niya ang pagbabago ng pakikitungo nito sa kanya. Hindi lang ito nag-aalaga, nagluluto pa, at naging malapit na ulit sila sa isa't isa.Pakiramdam niya, kahit gumawa pa siya ng gulo, hindi naman siya siguradong itataboy ni Marco sa pamilya.Ginamit niya ang lakas at agad na nakawala sa pagkakahawak ng dalawang lalaki.Nang makita ito, mabilis na tumayo si Stevan mula sa upuan. "Matapang ka talaga! Ang kapal ng mukha mong suwayin ang desisyon ng clan leader! Ito na ang katapusan mo! Labanan ni'yo siya!"Agad na pinaligiran ni Sierra ang mga tao sa bulwagan.Tumayo nang tuwid si Sierra, nakakuyom ang mga kamao, at matalas ang tingin sa mga lumalapit, handang ipagtanggol ang sarili.Nakita ito ni Adriana at agad na bumulong sa katulong
"Huminahon ka, Stevan. Let your daughter-in-law take a seat first..." Agad na dumalo si Ericka Montezides at sinapo ang likod ng asawa, pinapakalma ito. "Have a seat first hija and we'll talk this about in a calm manner." Sumunod naman si Sierra, naupo siya sa pang-isahang sofa, kaharap lamang ng
Kinabukasan ay maagang nagising si Sierra at naghanda ng klase-klaseng almusal. Bumaba si Alea dala ang dalawang bata, nadatnan nilang puno ng klase-klaseng masasarap na almusal ang lamesa. "Wow, eldest mistress, ginawa ninyo po itong mag-isa lahat?" Namamanghang sambit ni Alea. Nakangiti nama
Nakagat ni Sierra ang pang-ibabang labi. Nakaramdam ng takot na baka mabuko siya ng asawa.. Bakit ba kasi niya nabanggit ang ganoong apilyedo? Sa dinami-rami ng apilyedong pwedeng banggitin, talagang ang Narvaez pa! "Uhm... Asuncion, Flores, Santibañez or anyone?" Kabadong sinabi niya. Nanatil
Naghari ang nakabibinging katahimikan sa loob ng restaurant. Lahat ay pasimpleng makahulugang sumusulyap kay Marco, biglang naging bumigat ang ihip ng hangin. Hindi na magawang tingnan pa ni Sierra si Marco sa labis na kahihiyan, nagbaba siya ng tingin at tinanggal ang suot na disposable gloves.







![My Professor, My Fuck Buddy [SSPG]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)