LOGINSumimangot si Napoleon at tiningnan si Adriana, "Huwag kang maghaka-haka nang walang basehan. Ito ang silid ng mga ninuno ng pamilyang Montezides, kaya mag-ingat ka sa iyong mga sinasabi."Mahinahong sumagot si Adriana, "Huwag po kayong mag-alala, Clan Leader. Kung nangahas akong magsalita, mayroon akong sapat na dahilan. Nagkaroon po ako ng pagkakataong makaharap si President Narvaez noon. Noong gabi ng welcome party para kay Sierra sa A.C's, hindi namin siya inimbitahan, pero dumating siya nang kusa. Noong panahong iyon, wala pang partnership ang Narvaez Empire at A.C's. Bakit naman siya pupunta doon kung walang dahilan?" Kinuha niya ang cellphone sa mesa, "Iyon ay dahil kay Sierra. Ito po ang video kung saan nagkita sila ni Mr. Narvaez nang gabing iyon."Binuksan niya ang na-download na video footage. Makikita rito ang buong pangyayari habang nag-uusap sina Sierra at Mr. Narvaez sa may corridor malapit sa banyo.Noong una ay magkalayo sila, pero nang maglaon ay lumapit sila sa isa'
Nang makita ng mga taong nasa loob na pumasok si Stevan, sabay-sabay silang tumayo upang magbigay ng pagbati.Matapos makipagpalitan ng magagalang na salita sa lahat, nagtungo si Stevan sa unahan at umupo sa isang upuang gawa sa kahoy na mahogany. Sumunod si Ericka at umupo sa tabi niya.Bumalik at umupo naman ang lahat sa kani-kaniyang puwesto.Sa isang iglap, nakaupo na ang lahat ng tao sa bulwagan maliban kay Sierra na nakatayo pa rin. Ang tagpong ito ay tila hindi naman pagpunta para sa pagsamba sa mga ninuno; kundi maliwanag na nandito lang sila para may paglitisan.At siya ang sentro ng usaping ito.Tiningnan ni Stevan ang matandang may puting buhok na nakaupo sa tapat niya at sinabing, "Uncle Leon, nais ko sanang ipakiusap na kayo na ang mamuno sa pagpupulong na ito."Tumango nang bahagya si Napoleon Montezides, tumayo at pumunta sa gitna ng bulwagan. Tinitigan niya nang masinsinan si Sierra. "Ako si Napoleon Montezides, ako ang pinuno ng angkan ng Montezides. Ipinatawag kayo r
Kalaunan, nabuntis ito ni Julian ngunit sa huli ay inabandona rin. Sa labis na kalungkutan, tumalon ito sa dagat dahilan ng pagkamatay nito. Kawawang tadhana para sa babae.Ang anak nito ay nailigtas pero muntik nang mamatay. Kahit alam nitong anak 'yon ng kaaway niya, inampon niya pa rin at inalagaan."Kaya huwag mo na isipin 'yung gabing 'yon. Ginawa mo na ang lahat para sa kanya." Ani Liam.Bumalik si Marco sa sarili at iniba ang usapan. "Sabihan mo ako kapag lumabas na resulta.""Sige.""Pero teka, mukhang okay na 'yang problema mo, ah. Kaya mo na makipagtalik nang maayos kay Sierra. It's already healed. If you want, I can arrange someone for you just to make sure it's working properly."Tiningnan siya ni Marco nang walang emosyon. "Kulang daw ng doctor sa Africa. Tingin ko bagay sa'yo maging team leader doon.""Bud, I was just kidding!" Itinaas agad ni Liam ang kanyang dalawang kamay sa ere bilang pagsuko. "I know that you are serious when it comes to your marriage.""Do the test
Namutla si Stevan sa inis pero walang masabi.Ang totoo, alam niyang hindi siya sinusunod ng batang iyon, at alam din 'to ni Sierra kaya ito nagmamalakas loob.Nang makitang walang magawa si Stevan, gumaan lalo ang pakiramdam ni Soerra. Mabuti naman! Ginawa niya 'yon sa akin dati, ngayon ay babalik din sa kanya.Tumalikod siya at sumakay na ng kotse nang hindi lumilingon. "Reon, tara na."Pinanood lang ni Stevan ang pag-alis nila. Sa isip niya, kung hindi lang sinusuportahan ni Marco ang babaeng 'yon, hindi ito magiging ganito katapang.Sayang at wala siyang magawa kay Marco. Matagal na niyang iniimbestigahan ang mga nangyayari pero walang makuhang mali kay Marco. Masyado itong maingat at tuso.Sa totoo lang, may parte siya na humahanga kay Marco. Matalino, walang takot, at may dating talaga bilang leader.Pero ang ugali nito? Sobrang tigas at laging salungat sa kanya. Alam niyang hindi niya ito tunay na anak, ngunit halos siya na ang nagpalaki rito simula namatay ang tunay na ama. Su
"I am a patient, and I have injuries.""I know.""Hindi ko kaya, nanghihina pa ako...." Pagtanggi niya."Just lie down and don't make a move, I'll do it."Napatanga si Sierra.Kapagkuwan ay itinulak ni Marco ang mga gamit sa mesa, pinatalikod siya nito at hinaplos ng banayad ang kanyang beywang. Napapikit si Sierra at hindi maiwasang maghuramintado ang kanyang dibdib sa excitement na dulot ng pagkakahawak ng lalaki.Ang manipis na suot niyang damit ay madali lang na mahawi.Sa isip-isip ni Marco, tama lang pala na pinapalitan niya lahat ng pantulog nito ng ganito. Sobrang dali at convenient.Ramdam na ramdam niya ang kinis at lambot ng balat nito.Lumapit ito sa tenga niya at bumulong nang may halong mababang tawa. "Gusto mo rin naman 'di ba?"Mahigpit na kumapit ang mapuputing kamay ni Sierra sa gilid ng mesa at namula nang todo ang mukha. Nahihiya siya at naiinis sa sarili.Oo, gusto niya. Gustong-gusto niya!Hindi naman siya bato para hindi makaramdam. Sino ba ang hindi madadarang
"Hanggang kailan mo ba gusto?" "Gusto ko sana, habambuhay." Tinitigan siya ni Marco nang matagal bago nagsalita. "Handa ka bang manatili sa tabi ko habambuhay?" Nagulat si Sierra sa tanong at napangiti. "Of course, kung mai-inlove ka sa akin, mananatili ako habambuhay." Pinaglaro lang ni Marco ang daliri sa gilid ng mangkok, saka tumayo. "Magpahinga ka na. Nasa katabing kwarto lang ako. Huwag mong ilo-lock ang pinto, tawagin mo lang ako kapag may kailangan ka." "Sige." Naglakad na ito papunta sa pinto, huminto sandali at lumingon ulit. "Pwede ring tawagan mo ako sa phone. Hindi ko ise-silent." "Sige." Pinanood ni Sierra ang pag-alis ng lalaki. Unti-unting nawala ang ngiti sa labi niya. Hindi ito sumagot, ibig sabihin ay hinding-hindi ito magkakagusto pabalik sa kanya. Iyon naman talaga ang gusto niyang mangyari, pero bakit may kirot siyang naramdaman sa dibdib niya? Sa madaling-araw, nang papahimbing na ang tulog ni Sierra, parang may naramdaman siyang pumasok sa
“Alisin ang alin?” kunot noo siyang nag-angat ng tingin kay Marco. Hindi sumagot si Marco pero bumaba ang tingin niya sa bansang tiyan, sinundan naman iyon ni Sierra at halos lubayan na siya ng kaluluwa nang makitang nakayakap na siya sa beywang nito at nakadantay na ang paa niya sa paa nito! Oh, my
“Sister-in-law, siya si Beatriz Lualhati, ang fiancee ni Lukas Buena.” Si Adriana ang sumagot na para ba iyon ang sagot sa tanong ni Sierra. Nag-aalala pa siyang dinaluhan ni Adriana ngunit ang babae ay may kakaibang ngisi sa mga labi. “Gusto ko lang malaman ninyong lahat!” Biglang anunsyo ni Beatri
“Yey!” Esmeralda beamed with happiness. “Ipahahanda ko ang toiletries ninyo sa inyong silid,” nakangiti nitong nilapitan ang kanilang kasambahay at sinabi ang ipagagawa. Ilang saglit pa ay paakyat na sila ng elevator, lulan ang kanilang mga asawa sa wheelchair. Katulad ng bahay ni Marco, may sadya
Napakabilis ng pagdaan ng mga araw, hindi mo namamalayang isang buwan na pala ang lumipas. At natapos na rin ni Sierra sa wakas ang kanyang disenyo. Nagpasalamat si Mr. Smith at tuwang-tuwa dahil nagustuhan niya ang pagtatapos ng disenyo. Sa tuwa ay inimbitan siya nito sa opening ng museum sa lalong







