FAZER LOGINMasuyong hinawakan ni Marco ang kamay ni Sierra na tatalikod sana at tinanong, "what is the matter?"Pakiramdam niya ay may mali talaga sa ikinikilos nito.Lumingon si Sierra at ngumiti kay Marco, "Nothing."Bagama't nakangiti, hindi umabot ang ngiti sa kanyang mga mata; halatang nagsisinungaling lang ito."Sierra," tawag niya rito nang seryoso, "Hindi ako sanay manghula ng iniisip ng babae. Kung may problema ka, sabihin mo."Tiningnan ni Sierra si Marco at sa isang iglap, halos mabitawan na niya ang tanong na, "Mahal mo pa ba si Yazzy?" pero napigilan niya ito agad.Bumalik na ito ito ngayon. Pero hindi pa sila nag-uusap tungkol sa pag-ibig.Kung sasagot siya ng oo, anong gagawin niya?Hindi na ba siya mananatili sa pamilya Montezides, patatawarin niya silang lahat, at hindi na magsasampa ng kaso?Imposible!Kaya kahit sumagot siya ng hindi?Ano bang pakialam niya kung mahal pa nito si Yazzy o hindi?Ngumiti siya at sinabi, "Sige, pwede na ba akong magpatuyo ng buhok?"Tinitigan siya
Samantala, nagtimpla ng inumin si Yazzy at inikot ito. "Salamat, Miss Yazzy. Ang galing mo talaga magtimpla, parang expert." puri ng isa. "Kaya nga eh. Swerte namin na pinaghaluan kami ng sikat na artista." Tinapos ni Yazzy ang pag-aabot at ang huli ay para kay Marco.. "For you." "Salamat." Tumayo lang siya sa likuran nito saglit, pinagmamasdan ang bawat galaw nito bago umalis. Maya-maya, tumunog ang telepono ni Marco at lumabas ito sa balcony para sumagot at doon nagsindi ng sigarilyo. Sumunod si Yazzy. "Bawasan mo naman ang paninigarilyo. Masama 'yan sa kalusugan." malambing na paalala niya. Tumingin lang si Marco at hindi sumagot. Tumabi ito sa kanya at tumingin sa langit. "Ang ganda pa rin pala ng gabi dito sa atin." Pinatay ni Marco ang sigarilyo kahit ilang higop pa lang at tatalikod na sana nang bigla itong hawakan sa braso. "Marco... galit ka pa rin ba dahil umalis ako noon nang hindi nagpapaalam?" "Hindi. Desisyon mo 'yon." "Pwede akong umalis noon, pero... hin
Tok-tok-tok.Biglang may mahinang katok sa pinto.Tumingin si Sierra at nakita si Marco na nakatayo sa may pintuan. Sinulyapan niya muna ang anak, tinabing maigi ang kamay nito sa ilalim ng kumot, bago tumayo at binuksan ang pinto. "Bakit?""Anong pinapanood mo at seryosong-seryoso ka?" Itinuro ni Marco ang cellphone sa kamay niya.Binuksan ni Sierra at ipinakita rito.Sumilip lang saglit si Marco at kumunot ang noo. "Inutusan ko na sina Deion at Zeus na ayusin 'yan."Dahil ayaw nilang magising ang bata, isinara ni Sierra ang pinto at lumapit sila sa railings."Nasaan si Vester?"Sumunod si Marco at sumandal sa railings, ikinulong siya sa pagitan ng braso nito. "Matulog ka na."Lumingon si Sierra pababa at nagkasalubong ang mata nila ni Auntie Cynthia na nakangiti pa. Agad namang umiwas ito at kunwari ay abala, pero ramdam na ramdam ni Sierra na nakita sila sa medyo eskandalosang tanawin.Namula ang mukha niya at marahang itinulak ang dibdib ng lalaki. "Lumayo ka nga, nakikita tayo."
Narinig ni Sierra ang mga yabag kaya lumingon siya at nakita si Marco. Sandali siyang natigilan. Akala niya ay maiiwan siya at mananatili doon para asikasuhin si Yazzy. Siguro ay ayaw lang nitong mapagkamalang sobrang close sila sa harap ng maraming tao para hindi makaapekto sa career ng aktres. Samantala, habang pinapanood ni Yazzy ang pag-alis ni Marco nang hindi man lang lumilingon, napakislot lang ang mga daliri niya at sumikip nang bahagya ang dibdib niya. Sigurado siya, kung hindi lang siya nagsalita kanina, iiwanan na siya nito noon pa man para lang puntahan si Sierra. Hindi niya akalain na sa kabila ng matagal nilang pinagsamahan, mas uunahin pa pala nito ang babaeng pinakasalan lang para sa swerte. "Hatid na kita?" Bumalik sa realidad si Yazzy nang magsalita si Deion. Tumango siya at ngumiti. "Sige." Sumakay sila sa sasakyan. Buong byahe, tahimik lang si Deion at nagbabasa ng mga dokumento. Ramdam ni Yazzy na ayaw nitong kausapin siya kaya nagtimpi na lang din siya. Pag
Bahagyang kumunot ang noo ni Marco nang maramdaman ang paghawak sa manggas niya. Alam niyang sinasadya iyon, pero dahil may mga tao, hinayaan na lang niya.Pumasok silang lahat sa loob.Sa labas, nagkakagulo na ang mga tao. Nakilala na ng mga tao si Yazzy at dumagsa nang husto at gustong magsipasok."Miss Yazzy! Pwede magpa-autograph?""Grabe, ang ganda niya talaga!""I'm sorry, but I don't have a pen with me..." "Ballpen? May Pentel pen ako rito! Dito po, Ms. Yazzy! Sa damit ko po!"Pinaunlakan ni Yazzy ang isa. Ngunit pagkatapos ng isa ay may sumunod pa hanggang sa nagtutulakan na ang mga ito.Dahil marami at nagtutulakan, napasandal si Yazzy sa pader at napatingin nang may pagmamakaawa kay Marco.Huminga nang malalim si Marco at tinawagan si Deion."May problema dito. Napalibutan na si Yazzy ng mga tao sa coffee shop sa tapat ng mall. Magpadala ka agad ng security."Pagkababa ng tawag, naglakad siya palapit sa pinto at tumayo sa harap ng mga tao."Isa-isa lang." Malakas at may awt
Nagulat man, sumagot pa rin siya ng kaswal. "It's okay.""Alam mo, medyo malamig lang talaga siya magsalita, pero kapag nakilala mo na nang lubusan, napakabuti at mainit ng puso niya." Mahinahong sabi ni Yazzy. "Cold outside, but warm inside. Ganoon talaga siya."Hindi alam ni Sierra ang isasagot kaya ngumiti na lang siya nang pilit.Napansin naman ng aktres na baka may mali siyang nasabi kaya mabilis siyang nagpaliwanag."Miss Sierra, huwag ka sanang mag-isip ng kung ano, ha? Matagal na kaming magkakilala ni Marco simula bata pa kami, kaya kilang-kilala ko siya. Gusto ko lang ipaintindi sa'yo para mas maganda ang pagsasama niyo.""Hmm... Okay.""Alam ko naman na alam mo na dati kaming engaged." Diretsahan na nitong sabi. "Pero tapos na 'yon. Nakaraan na. Ngayon, ikaw ang asawa niya, ikaw ang present at future niya. Ang pinapanatili na lang namin ay pagkakaibigan dahil lumaki kaming magkasama. Sana... wala kang problema doon."Natigilan si Sierra.Ang bait talaga mag-isip at magsalita
Parang lantang gulay si Sierra sa kama pagkatapos. As expected, naubos ang lakas ni Sierra sa bangis ni Marco sa kama. Ngunit sa kabila niyon ay nakita pa ni Sierra si Marco na tumayo at tumungo sa banyo upang maligo. Sa isip ni Sierra ay puno siya ng pagtataka. Paano at sobrang lakas pa rin nito
Five years ago, nang nalaman ni Audrey na buntis siya at ang pinaniniwalaang ama ay si Julian Montezides, isang masayang ngiti ang rumihestro sa kanyang labi at pinuntahan ang lalaki sa kanilang mansyon. Inaasahan niya na magiging masaya ito sa ibabalita niya, ngunit hindi pala.Bagkus ay galit na
"Yeah," kaswal na tugon ni Sylvio nang hindi man lang nito inaalis ang tingin sa binabasang dokumento. Akala ng lalaki ay umalis na si Sierra ngunit sa ikalawang pagkakataon ay muli itong kumatok sa pintuan nito at saka ipinasok lamang ang ulo. "Bye!" Nakangiti pa itong kumaway. Mula sa bimab
Si Marco, na kasalukuyang nasa harapan ni Sierra habang nakasakay sa wheelchair nito ay narinig ang bulong na iyon ni Sierra. Nang mag-angat siya nang tingin at nakatingin ito sa kung saan, puno ng pinaghalong gulat at galak ang mga mata nitong nangingislap sa luha.Nang sundan nito ang tinitingnan







