LOGINSa opisina, nakita ni Liam na pumasok si Marco at napangisi. "Ang bilis mo naman, did you ride a rocket?" Biro pa niya.Hindi ito nagpaligoy-ligoy at inabot ang kamay. "Ang resulta."Kinuha ni Liam ang isang kulay-dilaw na envelope mula sa drawer at ibinigay.Umupo si Marco sa sofa at binuksan ito. Nasa loob ang dalawang report.Una, tiningnan niya ang resulta nina Julian at Vester."Not biologically related."Wala silang dugong pinagbuhatan.Pagkatapos ay kinuha niya ang isa pa—ang resulta nila ni Vester."Probability of biological relationship: 99.9999%."Kumpirmado.Ang bata ay anak niya!Mahigpit na kumuyom ang palad ni Marco habang hawak ang papel. Sa kanyang mga mata, parang may bagyong rumaragasa.Si Sylvester... ay anak niya!"Uminom ka muna, huminahon ka." Nagsalin ng tubig si Liam.Alam niya ang nararamdaman nito. Sa loob ng limang taon, inakala niyang anak ito ng kapatid niya na kinaiinisan niya. Pero ngayon, nalaman niyang sarili niyang dugo at laman pala ang pinalaki niya
"Go back to sleep." Ilang salita lang at umalis na si Marco sa silid. Pinagmasdan ni Sylvester ang papalayong anino nito hanggang sa mawala sa pinto. "Dati ay hindi niya ako binibisita... bakit ngayon lang? Ayaw na ba niya sa akin?" Baka dahil anak sa ako labas? Baka nakakahiya kaya gusto na niya akong itapon? Naalala niya noong nasa amusement park sila, nagtago siya pero hindi man lang ito naghanap. Siguro galit na galit ito at ayaw talaga sa kanya. Habang iniisip iyon, pumatak na naman ang luha sa mga mata niya. Mabilis niya itong pinunasan gamit ang likod ng kamay. Ayaw ng Papa niya ng batang iyakin. Kapag tumigil siya sa pag-iyak at maging masunurin, baka hindi niya siya nito iwan o ipamigay sa iba. Sinabi ng Papa niya matulog na siya. Ipinikit niya ang mga mata, pero muling tumulo ang luha. Pinunasan niya ulit at bumulong sa sarili, "Hindi na ako iiyak... matutulog na ako..." Pagkatapos maligo ni Sierra, hahanapin sana niya si Marco. Paglabas niya ng kwarto, nakita niya
Sa loob ng sasakyan, ay abala si Marco sa pagbabasa ng mga dokumento. Ramdam niya na paminsan-minsan ay nakatingin sa kanya si Sierra kaya nagsalita ito."Anong iniisip mo? Sabihin mo.""Busy ka naman, eh. Hayaan na."Ibinaba ni Marco ang hawak na papel at hinarap siya. "Sabihin mo."Ganito pala ang estilo niya kapag nakikipag-usap!Bahagyang kumurba ang mga daliri ni Sierra at medyo kinabahan. "Kanina... pinuntahan ko si Adriana sa ospital.""Um.""May sinabi siya tungkol kay Julian. Gusto mo bang malaman?" tanong niya nang dahan-dahan."Um."Walang emosyon ang mukha ni Marco, tila wala lang sa kanya ang balita. Akala ni Sierra ay hindi ito interesado, pero kailangan niya ng tulong nito kaya itinuloy niya ang kwento."Sabi ni Adriana, baka baog si Julian.""Posible."Bakit siya nakasigurado?Bahagyang kumunot ang noo ni Marco. "Magkaibigan kayo ni Audrey, 'di ba?""Oo?" Medyo hindi pa siya sigurado sa sagot."Hindi mo ba alam na buntis siya noon?""Of course I know.""At hindi mo ala
"Kailangan ng anak ko ng kumpletong pamilya. Noong pinakasalan ko siya, nasa coma siya. Naisip ko, hindi niya ako masasaktan at hindi rin niya ako mapipilitang magbuntis ulit. Hindi ko lang inakalang magigising pala siya nang mabilis.""Ah... ibig sabihin, hindi rin alam ni Kuya na ikaw yung A.S?""Hindi."Biglang gumaan ang pakiramdam ni Elliott. Nakakatuwa ang isiping may sikreto silang dalawa na sila lang ang nakakaalam. "Huwag kang mag-alala, ako na ang bahala. Itatago ko 'to para sa'yo.""Salamat, Mr. Montezides.""Wala 'yon. Pero magkapamilya na tayo, huwag ka nang mag-Mr. Montezides." Inabot niya ang kamay niya at ngumiti, "Ako nga pala si Elliot. Just call me by my name."Ngumiti nang bahagya si Sierra at marahang inabot ang kamay nito gamit ang dulo ng mga daliri. "Sige, Elliott."Sobrang lambot ng dampi at mabilis lang nawala, pero ramdam na ramdam pa rin ni Elliott ang kaba at kilig sa dibdib niya.Nagulat nang kaunti si Stephano nang makita silang pumasok na magkasama. "Ba
Baog o ang taong walang kakayahang magkaroon ng anak. Kung totoo ngang baog si Julian, babagsak nang tuluyan ang tingin sa kanya ng buong pamilya. Ang pangarap niyang maging pinuno ng Montezides Group ay magiging imposible na. Para sa taong gahaman sa kapangyarihan, mas masakit pa ito kaysa kamatayan.Kailangan niyang alamin ang katotohanan.Para sa taong tuso at traydor na tulad ni Julian, kailangan siyang patumbahin nang isang bagsakan. Bago pa man makumpirma ang hinala, hindi dapat siya magpadalos-dalos o ipahalata na may binabalak, dahil lalo lang itong magtatago.Pero paano niya ito iimbestigahan nang palihim?Habang papalabas ng ospital, iyon ang paulit-ulit na umiikot sa isip ni Sierra.Matagal na itong itinatago ni Julian at walang may alam, ibig sabihin ay sobrang ingat nito dito. Pero kahit gaano man ito katago, kung may sakit ka, kailangan mong magpagamot at magpatingin sa doktor.Wala siyang kakilala sa medikal field, pero naalala niya na matalik na kaibigan ni Marco si L
"Hindi... hindi ko 'yon ginawa!" Automatic na tanggi ni Adriana, habang puno ng gulat at takot ang mga mata. "Ikaw si Audrey! Ikaw nga talaga 'yan!"Hindi na tumanggi pa si Sierra. Parang may naalala siya at sinabi, "Nakalimutan ko pa lang sabihin, noong welcome dinner para sa akin, ako ang nagpalabas sa screen ng resulta ng test na nagpapatunay na hindi ka talaga isang Santillan kundi isang Gabral. Anak ka ni Lorenzo Gabral."Nanginginig ang kamay ni Adriana. "Ikaw... ikaw nga talaga...""Hush, Adriana... Huwag kang masyadong matakot. Gusto ko lang naman na malaman mo ang totoo. Hindi ka naman pala talaga miyembro ng pamilyang Santillan, hindi ba mali na angkinin mo ang lahat ng ari-arian nila?"Nanginginig ang buong katawan ni Adriana at mahigpit na nakakapit sa kumot. Puno ng poot at sama ng loob ang mga mata. "Papatayin kita... papatayin kita..."Bahagyang ngumisi si Sierra, "Wala ka nang kakayahan, wala ka nang kapangyarihan. Paano mo ako lalabanan?""Ikaw si Audrey! Ikaw si Audr
Nang tuluyang makaalis si Sierra ay ang nurse ang nakatokang magbantay sa may pintuan habang ibinabalita ni Morgan ang mga bagay-bagay kay Marco. Nakasandal ang ulo ni Marco sa headboard ng kanilang kama habang pinipirmahan ang huling dokumento. Nang matapos ay nag-angat siya ng tingin kay Morgan.
“Hmm… mabuti naman kung ganoon,” anang doktor na may himig ng pagdududa. “You must be wondering why I came so early today than yesterday, that's because Marco has an exercise to do today.” Kumunot ang noo ni Sierra sa narinig. Ehersisyo? Paano naman nag-i-ehersisyo ang imbalidong tao? Bago pa man
Umawang lamang ang labi ni Sierra. Hindi agad makapagsalita. Tiningnan lamang niya ang lalaking mayroong naglalarong ngisi sa mapupulang mga labi. Noong una pa lang ay malabo na talagang kausap ang lalaki kaya bakit pa siya nagtaka na kung anu-ano na lang ang mga pinagsasasabi nito? Masyado itong m
Nanigas si Morgan sa kanyang kinatatayuan nang marinig ang boses ni Sierra sa kanyang likod. Ngunit agad din naman itong nakabawi dahil sa tagal na niya sa industriyang ito ay nagkaroon na siya ng kakayahang um-adapt sa mga pagbabago. Kaya naman agad niyang pinalitan ng kalmado ang taranta sa kanyan







