LOGINMatagal na siyang nakatayo sa pintuan, pero hindi man lang nila napansin ang kanyang presensya. Itinaas niya ang kanyang kamay at kumatok nang mahina. Sabay silang lumingon sa kanya. Nagulat si Sierra nang makita si Marco. "Anong ginagawa mo rito?" "Auntie invited me to have dinner here." Tumango lang si Sierra bilang sagot. "Kuya," bati naman ni Elliott. Bahagyang tumango si Marco, pumasok sa loob, at nagtanong, "Ano ang pinag-uusapan ninyo?" "It's about the wedding gowns," mahinang sagot ni Elliott. "Magkasama kaming tinanggap ni Sierra ang trabahong paggawa ng disenyo para sa isang pelikula. Si Sierra ang gagawa ng disenyo ng mga kasuotang pambabae, habang ako naman ang sa panlalaki." Bahagyang kumunot ang noo ni Marco. Lumapit siya sa likuran ni Sierra at marahang ipinatong ang kanyang kamay sa balikat nito. "Bakit hindi mo sinabi sa akin ang tungkol dito?" Kumurap-kurap si Sierra. "Interesado ka ba sa trabaho ko?" "Interesado ako sa lahat ng bagay na may kinalaman sa i
Pag-uwi ni Marco galing trabaho, hindi niya nakita si Sierra kaya tinanong niya si Alea, “Nasaan si Sierra?”“Lumabas po si ma'am at sa labas po sila manananghalian kasama ni sir Elliott.”Kumunot nang bahagya ang noo ni Marco. “Bakit naman siya lumabas? Hindi pa magaling ang binti niya.”“Dumalaw po kasi si sir Elliott sa Senyora, at nagdala rin siya ng ilang mga papeles para kay ma'am. Masayang-masaya po si ma'am nang mabasa ang mga iyon at sinabing siya na lang ang manlilibre ng pagkain kay sir Elliott. Kaya lumabas na silang dalawa.”“Anong mga papeles?”Inabot ni Alea kay Marco ang mga dokumentong nakapatong sa ibabaw ng mesa. “Ito po.”Binuklat-buklat ni Marco ang mga ito at nakitang tungkol lahat sa mga kasuotan noong sinaunang panahon. Ang ilang bahagi ay may nakasulat ding mga paliwanag o tala, na malinaw na pinaghirapan talaga. Tiyak na inabot siya ng mahabang panahon bago niya naipon at naayos ang mga ito.Habang binabasa niya, sinabi niya, “Tawagan mo siya at itanong kung
Kaya naman ginugol niya ang lahat ng kanyang kayamanan para kumuha at magbayad ng mga taong magdudulot ng kapahamakan kay Sierra, na sa huli ay nagtulak sa kanya sa ganitong kapalaran.Habang nasa ilalim ng malalim na pag-iisip si Beatriz, lalo siyang nagagalit. Humigpit ang hawak niya sa telepono, at lalong umitim at nabaluktot ang kanyang mukha dahil sa matinding poot.Akala niya ay ang ginawa niyang pagkidnap kay Sierra ay kanyang paraan upang ipaghiganti ang kanilang angkan, ngunit hindi niya namalayan na ito ay bahagi lamang ng masalimuot na pakana ni Shanaia, kung saan ginamit lamang siya bilang kasangkapan upang makamit ang kanyang masamang layunin.Hindi maipaliwanag ang tindi ng galit na nararamdaman niya sa kanyang puso.Bigla siyang tumayo mula sa kanyang kinauupuan at sumigaw nang malakas, “Ah! Shanaia, ikaw na masama! Ikaw ang sumira sa buhay ko!”Nang makita ng mga nagbabantay na pulis na nawawala na naman sa katinuan si Beatriz, agad nilang itinigil ang kanilang pag-uus
"Nakipag-ugnayan nga ako sa kanya. Lumapit si Ms. Shan para magtanong kung paano ang takbo ng mga bagay-bagay tungkol sa kanyang kahalili sa mga mapanganib na eksena."Tulad ng inaasahan, lumapit nga si Shanaia kay Jun.Tumango na lamang si Sierra at hindi na nagtanong pa. Naimbestigahan na ito ng mga pulis at walang nakitang anumang palatandaan, na nangangahulugang inayos na ni Shanaia ang lahat at tinanggal ang anumang bakas ng kanyang ginawa.Maging sa maingat at tusong pag-uudyok niya kay Sofie para saktan siya ay malinaw na ang pagpapakita na siya ay isang babaeng puno ng mga pakana at katusuhan.Hindi magiging madaling makahanap ng bagay na magagamit laban sa isang babaeng tulad nito.Pagkatapos kumain, hiniling ni Sierra kay Elliott na ihatid siya sa detention center. Isa rin si Beatriz sa mga kasangkot sa mga pangyayari noon, at baka sakaling makakuha siya ng ilang mahahalagang impormasyon mula rito.Ito ang kauna-unahang pagkakataon na dumalaw si Sierra sa ganitong uri ng pas
Nang makarating sa sasakyan, binuksan ni Elliott ang pinto. Sinandal ni Sierra ang kanyang sarili sa sandalan ng kanyang upuang de-gulong, tumayo gamit ang kaisa-isang paang kaya niyang gamitin, at inabot ang kanyang kamay kay Elliott habang nagsasabi, “pwede mo ba akong tulungan?”“Sige.” Hinawakan ni Elliott ang braso ni Sierra at lumapit nang kaunti. Naamoy niya ang kakaiba at mahinang pabango nito. Napakahina nito, hindi galing sa anumang pabango, ngunit napakabango at kaaya-aya. Hindi sinasadya na namula nang bahagya ang dulo ng kanyang mga tainga.Nang makaupo nang maayos si Sierra sa loob ng sasakyan, nagsalita siya, “Pwede mo bang tupiin ang wheelchair ko at ilagay sa likuran? Pasensya na talaga, Elliott.“Walang problema, Sierra.” Matamis na ngumiti si Elliott.Inayos ni Elliott ang wheelchair, lumipat sa driver's seat, at pinaandar ang sasakyan. “Where do you want to eat?”Nag-isip sandali si Sierra. "Mang inasal, nakakakain ka na ba roon? Masarap do'n."“Kahit saan mo gusto
Nang maayos na ni Alea ang dalawang bata, nagtungo ito sa silid ni Sierra. "Ma'am ihahatid ko na po ba kayo para maghilamos at maligo?""Oo."Habang itinutulak ni Alea si Sierra patungo sa banyo, hindi sinasadya ng tingin ni Sierra na tumama sa mesa ng kanyang mga gamit. Nang maalala ang isang bagay, sinabi niya, "Sandali lang."Huminto si Alea. "Ano po ang problema, Ma'am?""Kunin mo ang kahon na kulay ginto-rosas na nasa loob ng kabinet sa ilalim ng mesa.""Sige." Lumapit si Alea, binuksan ang kabinet, kinuha ang kahon, at iniabot ito kay Sierra.Hindi ito tinanggap ni Sierra. "Sa iyo na iyan.""Ano po?" Sinulyapan ni Alea ang mga bagay na nasa loob na maayos ang pagkakabalot at malinaw na mahalaga, at agad na umiling. "Ma'am, hindi ko po ito matatanggap, napakamahal nito.""Bote lang naman ito ng pabango. Huwag mo nang ituring na regalo. Wala akong ginastos dito, at saka hindi ko gusto ang amoy nito.""Ngunit ito ay...""Kung ayaw mo rin, itapon mo na lang."Napakaganda naman ng ba
Tahimik lamang si Rianna. Hindi umiimik, hindi gumagalaw sa pwesto nito. Ang tanging maririnig mo lamang at ang munting paghikbi nito. Tanging si Deion lamang ang nasa lugar na iyon. Sa takot na baka magalit ito, hindi gumawa ng kahit anong ingay si Rianna. Biglang tumayo si Sierra. Hinawakan
Masyadong nakaka-intimidate si Marco habang tinatanong nito iyon. Hindi pa nakatulong na bahagya itong naka-uklo palapit sa mukha ni Sierra at saka ito tinitigan sa mga mata. Napalunok si Sierra at wala sa sariling humakbang ng tatlong beses, parang baliw na kumalabog ang kanyang dibdib. Bumusa
Agad na pumaibabaw si Marco kay Sierra. Napahawak si Sierra sa dibdib ng lalaki, "teka, pwede bang humingi ng pabor?"Nagsalubong ang makapal na kilay ni Marco. Iritado man ngunit sumagot pa rin. "What is it?""Mm... Pwede mo bang kausapin si Deion tungkol kay Rianna at pakiusapan siyang patawarin
Lumabas si Deion mula sa madilim na kinaroroonan at lumapit kay Marco. Doon ay nahuli niya itong nakangiti habang habang nakatanaw sa papalayong likod ng babae. Itinulak niya ang wheelchair ng kaibigan tungo sa tahimik na lugar. "Nagugustuha mo na na siya?" Agad na nawala ang ngiti sa mga labi ni







