LOGINBoses iyon ni Alea.Inabot ni Sierra ang kaniyang telepono habang bahagya pang nakapikit para tingnan ang oras; malapit na palang maghatinggabi. Sino naman kaya ang dadating sa ganitong oras?Bumangon siya, nagtungo sa pinto, binuksan ito, humikab, at inaantok pang nagtanong, “Sino ‘yan?”Pinag-isipan muna ni Alea kung paano sila tatawagin bago sumagot. “Ang master po at madam Ericka.”Kumunot ang noo ni Sierra. Ano namang ginagawa nina Stevan at Ericka dito sa ganitong kalalim ng gabi?Nakita ni Alea sa mukha ni Sierra na hindi pa rin nito lubusang nauunawaan, kaya agad siyang nagdagdag ng paliwanag. “Hindi lang po sila ang narito, kundi pati na rin ang ama at ina ng eldest mistress.”“Sino?”Tinanggal na lang ni Alea ang mga magagalang na tawag at diretsong tinukoy ang mga ito. “Ang mga magulang niyo po.”Biglang nawala ang antok ni Sierra. “Ang mga magulang ko?”“Opo, at narito rin po si sir Julian.”Agad na nabahala si Sierra.Wala namang kaalam-alam ang mga magulang niya na naka
“Hindi palaging ganoon ang laman ng isipan ko. May kailangan lang akong sabihin sa’yo kaya ako nandito.” Ani Sierra sa seryosong tono.Ibinaba ni Marco ang balabal na hawak niya, isinukob ang braso sa payat na baywang ni Sierra, at yumuko upang halikan ito habang sinasabing, “Pag-usapan natin habang ginagawa iyon.”Inunat ni Sierra ang kamay at idiniin ito sa maninipis na labi ni Marco. “Pwede bang maging seryoso ka kahit minsan lang? May seryoso talaga akong sasabihin sa’yo.”Nang makita ang seryosong mukha ni Sierra, binitawan siya ni Marco, hinawakan ang kanyang kamay, at inakay upang umupo sa sofa. “Ano ba iyon?”“Kasama na naman ni Deion si Riri.”"Hmm... alam ko.”Dahil walang bahid ng gulat sa mukha nito, nagtanong si Sierra, “Alam mo na?”“Hindi, pero kanina pa habang naninigarilyo siya sa labas kasama si Deion, naramdaman kong mayroon pa rin siyang pagtingin para kay Rianna.”“Kung ganoon, sa anong kalagayan sila ngayon? Tunay na bang magkasintahan, o itinatago lang naman niy
Ngunit hindi na siya magiging tulad ng dati — na kapag nagalit ay tatalikod agad at aalis. Sinabi nitong nagsawa na, ngunit hindi siya naniniwala. Noong magkasama sila sa higaan, damang-dama niyang masaya ito at nasisiyahan. Matapos ang ilang sandali, tumango siya. “Okay. Sabihin mo kung magkano.” Medyo nagulat si Rianna. Hindi niya inakalang magiging ganito kabastos at walang paggalang si Deion. Mayabang at matayog ito, ngunit nakakapagtaka kung paano nito matitiis ang kanyang panghahamak. “May iba ka pa bang hinihingi? Bahay? Sasakyan? Lahat ibibigay ko sa’yo.” Kumunot ang noo ni Rianna. “Napakarami babaeng nasa paligid mo at maaari niyong makuha. Bakit kailangan niyong ipahiya ang inyong sarili sa ganitong paraan?” “Alam mong nagkasala ka sa akin, kaya mas mabuting bayaran mo ang utang na iyon sa pamamagitan ng pagdamay sa akin mula ngayon.” Sabay sabi nito ay muling hinalikan ni Deion ang mga labi ni Rianna Nanigas si Rianna sa kanyang kinatatayuan. Binitawan ni Deion ang
Dahan-dahang nagbuga ng usok si Deion. “Have you ever seen me treat women like a toy?”Napipi na lamang si Marco.Nasa loob ng showbusiness industry si Deion— isang lugar na parang pugad ng iba’t ibang uri ng tao. Hindi mabilang na mga babae ang gumamit ng lahat ng paraan upang lamunin siya. Kung nais lamang niyang maglaro o magpakasasa, sa katotohanan, kaya niyang magkaroon ng iba’t ibang babae sa bawat pagkakataon nang walang labis na kahirapan.Ngunit hindi niya ginawa iyon.“Papasok na ako.” Inihagis ni Deion ang kanyang sigarilyo sa lagayan ng abo at nagsimulang bumaba ng hagdan.Nang makita ni Sierra na pumasok si Marco, sumilip siya sa likuran nito ngunit wala siyang nakita. "Where is Deion?”“He already left.”Kumakain noon ng desserts si Rianna nang marinig ito. Bahagyang natigil ang kanyang kamay, ngunit nagpatuloy pa rin siya sa pagkain na parang walang nangyari.Pagkatapos ng hapunan, sabay na lumabas ang tatlo mula sa kainan.Sinabi ni Sierra kay Rianna, “Mag-ingat ka sa
Hindi man lang nilingon ni Deion si Marco, kundi dumiretso na sa inukupa nilang lamesa, tiningnan si Rianna at nagtanong, “My love, can I sit here?” Walang bahid ng pakialam na sumagot si Rianna, “Whatever.” Gusto sanang sabihin ni Sierra na, “Nakalaan na sana ang pwestong iyan para kay Elliott,” ngunit naupo na agad si Deion. Doon lamang siya tumingin kay Sierra matapos makaupo at nagtanong, “Miss Sierra, do you mind if I join for a meal?" At nagtanong pa nga kung ayos lang ba. Bahagyang hinila ni Sierra ang gilid ng kanyang mga labi at sumagot, “Ayos lang naman.” Pagkatapos ay lumingon siya kay Marco. “Bakit hindi mo tawagan si Elliott at alamin kung nasaan na siya?” Tila alam na ni Deion ang isasagot nito. “Do you other plans?” Tinitigan siya nang maigi ni Marco. “Wala kaming ibang plano. Alam mo naman iyan, hindi ba?” Kumilos si Deion na parang walang nangyari; walang bahid ng pagkukunwari o pagsisisi sa kanyang mukha. Sa halip ay walang hiya-hiyang tumingin pa siya kay Mar
Muli na namang nahawakan ni Sierra ang pulso nito. Nanlalamig ang mukha at matigas na wika niya, “Kung maglalakas-loob ka pang manakit sa akin, huwag mong isiping magiging maayos ang pakikitungo ko sa iyo. Hindi ako ang klase ng taong palalagpasin na lamang ang pananakit at pang-aapi ng iba.” "Sa tingin mo ba ay takot ako sa iyo?" “Kung hindi ka takot, subukan mo,” mariing inalis ni Sierra ang kamay ni Tiara. Nawalan ng balanse si Tiara dahil sa lakas ng pagtulak, at dahil nakataas ang sakong ng kanyang sapatos ay nadulas siya at bumagsak nang tuluyan sa sahig. Nilampasan lang siya ni Sierra at tuluyang pumasok sa loob ng silid-pagpapalit ng damit. Mahigpit na nakakuyom ang mga kamao ni Tiara habang puno ng kahihiyan at poot ang kanyang mga mata. Ang titig niya sa papasok na likuran ni Sierra ay tila tatagos at tatabas sa katawan nito. “Maghintay ka lang, Sierra. Hinding-hindi ako titigil hangga’t hindi napaparusahan ang ginawa mong pagpapahiya sa akin!” Dumating naman agad si
Nakahinga nang maluwag si Sierra nang bitawan na ni Sylvio ang pagkakahawak sa kanya. Subalit hindi pa man tuluyang nakalapat sa semento ang paa ni Sierra ay bigla na lamang idinikit ni Sylvio ang kaniyang sarili. Hindi na nagkaroon pa ng panahon ang babaeng magreak dahil huli na, nakadikit na ang
"I feel my heart beating a little faster than usual, I'm sorry but I can't accompany Ms. Sierra longer..." Ani Shanaia at saka umahon at umakyat sa hagdan ng pool. Naglakad siya pa papunta sa shower area at bago pa man makapasok doon ay muli niyang nilingon si Sierra nang may kakaibang kislap sa ka
Kinalma ni Shanaia ang kanyang sarili bago mahinahong nagtanong. "since sinabi mong binura na ito ng kaibigan mo, ano ang tinutuloy mong larawan kanina sa lobby?"In-unlock ni Sofie ang kanyang cellphone at pinindot ang isang aplikasyon. Habang ginagawa iyon ay patuloy siyang nagsalita, pinapaalala
Bahagyang nagulat si Sierra.Bakit inaalam ni Marco kung saang kwarto si Rianna?Nang lumabas si Carlos ay nagkunwaring kaswal lamang sj Sierra at mahinahong nagtanong. "Bakit mo inaalam kung saang silid siya?""Iniidolo mo ba si Douglas Rodriguez?" Kaswal na tanong ni Marco.Napatigil si Sierra, h







