LOGINBitbit ang lalagyan ng sabaw, humarap si Yazzy sa lalaking nakaupo sa sofa at masinsinang nagbabasa ng mga dokumento. “Marco, inihatid lang ako rito ni Freya at umalis na rin siya agad pwede mo ba akong samahan palabas?” Dahil alam niyang maaaring kailanganin pa nila ang tulong ni Yazzy sa hinaharap, nagsalita si Senyora. “Marco, samahan mo na si Yazzy palabas.” Isinara ni Marco ang dokumento, tumayo, at sinabing, “Sige, tara na.” “Sandali lang po,” mabilis na isinuot ni Yazzy ang kanyang salamin, maskara at alampay, saka tumingin sa kanya at sinabing, “let's go.” Sabay silang lumabas ng silid at sumakay sa elevator patungo sa ground floor. Magkatabing naglalakad si Yazzy at Marco. Nakasuot siya ng salamin upang hindi makita ng lalaki ang kanyang mga tingin at sa ganitong paraan, malaya niyang napagmamasdan ang bawat kilos at anyo nito. Bigla niyang namataan ang pigura ni Sierra sa hindi kalayuan. Bahagyang huminto ang kanyang mga hakbang, at mabilis na sumilay ang isang tusong
“Wala lang.” Tumayo si Sierra at inalalayan si Estrella upang maupo. “Bakit po kayo bumangon?” “Masyado akong nakatulog at hindi na makapagpahinga nang maayos. May bisita ba kanina?” “Mayroon, dumating ang pinsan ni Marco.” “Nagalit ka ba niya?” “Hindi naman.” “Bakit parang malungkot ka at hindi mapakali?” Upang hindi mag-alala si Estrella, sinabi ni Sierra. “Hindi naman po ako malungkot, Lola.” “Hindi pa ako matanda at malinaw pa rin ang aking paningin. Sabihin mo sa akin, o lalo lamang akong mag-aalala kung itatago mo.” Wala nang nagawa si Sierra kundi ikuwento kay Estrella ang lahat ng nangyari. "Hindi ba’t makitid talaga ang kanyang pag-iisip?” “Medyo oo nga, ngunit ang tinutukoy mo ba ay ang kilalang president Montezides na aking nakikilala? Sa tingin ko ay ibang-iba siya sa kanyang karaniwang anyo.” “Siya nga iyon. Paano natin siya maling huhusgahan?” “Ah, siya pala. Kakaiba naman. Bakit kaya siya nagiging ganito kapag kasama ka?” Naiinis na sumagot si Sierra. “Sino
Medyo nakaramdam ng hiya si Elliott at nanatiling nakatayo. “Kaya ko naman sarili ko.” “Nasugatan ang kanang kamay mo, paano mo iyon magagawa nang mag-isa?” “Come here.” Lumapit si Marco. Kumuha naman si Sierra ang bulak at gamot nang hindi man lang tumitingala. “Huwag na, ako na ang bahalang gamutin ito.” Lumapit pa lalo si Marco sa tabi ni Sierra, at may diin ang kanyang pananalita na walang puwang para sa pagtutol. “Sinabi kong halika rito.” Naramdaman ni Sierra ang kakaibang tono nito. Tumingala siya at nakita ang malalalim at seryosong mga mata ni Marco. Sa sandaling iyon ay napagtanto niya na—nagseselos ito. Agad siyang tumayo. “Sige.” Umupo si Marco sa tabi ng kahon ng gamot at muling tumingin kay Elliott. “Come here.” Mahinang napangiti si Elliott. “Maliit lang na sugat ito, wala namang masyadong dapat ipag-alala.” Bahagyang kumunot ang noo ni Marco, tila naiinip na, at muling inulit ang kanyang utos. “I said, come closer.” Hindi na sumagot pa si Elliott at lumapit u
Samantala, sa bahay ng mga Santillan. Inaayos ni Sierra ang mga gamit sa silid na imbakan. Dati rito nakatira ang pamilya ni Lorenzo, at doon din nakatambak ang mga gamit nina at Audrey. Sa sandaling iyon, pumasok ang kasambahay upang magbalita. “Miss, may bisita po sa labas—si Elliott Montezides daw po.” Ibinaba ni Sierra ang hawak niya. “Ipaghanda mo muna siya ng maiinom. Aayusin ko lang ang sarili ko at bababa agad.” “Sige po.” Tumalikod ang kasambahay at bumaba sa hagdan. Hinubad ni Sierra ang kanyang tapis, nagtungo sa banyo upang maghugas ng kamay, at saka bumaba ng hagdan. Nang makita ni Elliott si Sierra na pababa, tumayo siya mula sa sofa at tinitigan ito nang may pag-aalala, tila ayaw umalis ng kanyang paningin kahit saglit. “Mas pumayat ka na.” Tumingin si Sierra sa kanyang sarili at nagsalita, “Hindi naman yata.” “Totoo, at hindi rin maganda ang iyong itsura.” Napangiti si Sierra, hinaplos ang kanyang buhok, at saka idampi ang palad sa kanyang mukha. “Kakatapos ko
Nang marinig itong itanong ng matanda, alam na agad ni Marco ang magiging paninindigan ng kanyang Lola. "For the mean time, they're staying at the Santillan's property. Tungkol naman sa mga balitang kumakalat sa internet, I haven't paid attention to it yet. I have other plans to do. Don't worry, I will resolve this issue in the span of three days." Bumuntong-hininga si Senyora Elizabeth. “Kung ganoon, hayaan na. Nangyari na ito, wala na akong pakialam pa sa itsura o dangal. If needed, I will just stay here at home and accompany my great grandchildren. Soon in the afterlife, I will meet our great ancestors." “Kapag naayos na ang lahat, isasama ko rito sina Sierra at Thalia upang tulungan kayo sa pag-aalaga ng halaman, pagpapasyal sa mga aso, at pagpapalipas ng oras kasama ang mga ibon.” Sandaling huminto si Marco bago muling nagsalita. “Ngunit sa ngayon, kailangan ninyong pumunta sa ospital upang mapababa ang inyong presyon. Thalia's still waiting to call you her great grandmother.”
Nanatiling tahimik ang matanda; hindi niya idinilat ang kanyang mga mata at hindi rin siya sumagot. “Masyadong mataas ang inyong presyon, kailangan ninyong pumunta sa ospital. Ako na ang mag-aayos ng lahat—” “I won't go.” Putol ni Senyora sa kanya habang unti-unting idinidilat ang kanyang mga mata. “Anong mukha pa ang mayroon ako upang manatili sa mundong ito? Kahit mamatay man ako ngayon, wala akong mukhang maihaharap sa mga ninuno ng angkan ng Montezides.” Habang nagsasalita, unti-unti nang namumuo ang luha sa kanyang mga mata. Alam ni Marco na si Elizabeth ay isang matandang labis na nagpapahalaga sa kanyang dangal. Sa loob ng mahabang panahon, ang pagtawag sa kanya bilang 'Madame Montezides' ay tanda ng paggalang, pagkilala sa kanyang pag-uugali, at pati na rin sa dangal ng buong angkan. Ang pangyayaring dinahas si Sierra ay sapat na upang subukin ang kanyang katatagan. Kahit mahalaga sa kanya ang kanyang pangalan, makatwiran pa rin siya at alam niyang biktima rin si Sierra s
Ininda ni Sierra ang sakit at saka inilibot ang paningin sa paligid. Kung tatayo siya at itutulak si Beatriz, sarado naman ang pintuan at hindi siya makakalabas agad. At kung sakaling nagtagumpay man siyang mabuksan ang pintuan kahit na nakatali siya, siguradong hindi niya naman kakayaning talunin
Lumingon si Sierra sa lalaking may peklat sa noo. "Teka, huwag muna, ipakita ninyo muna sa akin ang anak ko. Ibibigay ko sa inyo ang hinihingi ninyo, kahit na anong halaga pa." "Sa mundo ng mga gangster, ang katapatan ang pinakamahalaga. Sa tingin mo ba ay tatanggapin namin ang pera mo?" Ngumisi a
Tumayo si Sierra at nagsimula ng maglakad palabas, ngunit may napansin siya. Kaya naman pumihit siya pabalik. "I guess, Mr. Narvaez is not alone tonight, huh..." Aniya. Walang emosyong tiningnan ni Sylvio si Sierra sa mga mata, hindi man lang nito itinatanggi.Malinaw na ang katotohanan—wala ng
"I'll leave this matter to you." Ani Marco kay Carlos. Tumango si Carlos. "Huwag ho kayong mag-alala boss, ako ng bahala."Tumango si Marco at inangat ang sarili mula sa pagkakaupo sa damuhan at tinungo ang sasakyan. Nakasunod si Sierra sa lalaki, nang masinagan ito ng araw ay doon napansin ni Si







