MasukPinanood muna ni Sylvio na ubusin ni Audrey ang pagkain bago tumayo at umalis. Bago umalis, iniabot niya ang isang card kay Alea. "Kung hindi siya kakain o natutulog nang maayos, tawagan niyo ako.""Sige po." Matapos umalis ni Sylvio, tiningnan ni Alea ang gintong card sa kanyang kamay.Simple ngunit elegante ang disenyo, at maganda ang materyales. Hindi nakapagtataka kung bakit kahit sa card ay mabusisi ang amo."Wala naman akong numero niya."Nagulat si Alea nang marinig ang sinabi ni Audrey mula sa kama. Agad niya itong iniabot. "Para po sa inyo."Kumunot ang noo ni Audrey. Gusto ba ng babaeng 'to ang business card ng lalaking iyon?Gusto niyang sabihin kay Alea na hindi sila magkakilala nang maayos, upang hindi ito magkamali ng akala.Masyadong inosente ang bata; hindi gagana ang pahiwatig. Mas mabuting sabihin nang direkta."Hindi ko kailangan 'yan. Huwag mo ring tanggapin, itapon mo na agad."Umiling si Alea at agad na inilagay ang kard sa kanyang bulsa na parang isang mahalagan
"Ate ko, patawarin mo ako. Hindi ko naalagaan ng maayos ei Marco para sa'yo...""Hon," Malumanay na tinawag ni Stephano si Esmeralda nang makita itong umiiyak.Mabilis na lumingon si Esmeralda upang punasan ang luha sa gilid ng kanyang mga mata. Wala na si Marco, at alam niyang labis ding nasasaktan si Stephano. Hindi siya pwedeng magpakita ng kahinaan sa harap nito, dahil lalo lamang itong madudurog.Matapos kumalma at iligpit ang mga gamit sa pagpipinta, hinarap niya si Stephano at nagtanong, "Kailan ka pa dumating?""Kararating ko lang." Itinulak ni Stephano ang kanyang silya palapit, inilahad ang kamay at hinawakan ang kay Esmeralda, dahan-dahan itong hinila upang maupo sa kanyang kandungan."Madudumihan ka." Tatayo pa sana si Esmeralda dahil puno ng pintura ang kanyang apron at baka madumihan pa ito.Niyakap siya ni Stephano sa bewang upang hindi makatayo, at tinitigan ang namumula nitong mga mata. "Umiyak ka na naman ba nang palihim?"Itinanggi ito ni Esmeralda, "Hindi naman."B
"Hindi ba pwedeng ako mismo ang nag-imbestiga? Itigil na natin ang mga palusot. Kailangan mong magpaliwanag sa akin ngayon. Palayain mo si Julian, o ilalantad ko ang lahat ng ginawa mo, at walang sinuman sa pamilya ang makakaligtas."Bahagyang nagdilim ang tingin ni Stephano. "Masyado kang nagpapadala sa emosyon ngayon. Pag-usapan natin ito kapag kumalma ka na."Handa nang itulak ni Dunio si Stephano palayo.Sa malaking hakbang ay humarang si Ericka sa kanila. "Huwag mo akong lokohin. Sinabi ko na sa iyo, kailangan mong magpaliwanag ngayon, o hindi kayo aalis."Tinitigan siya ni Stephano at dahan-dahang sinabi, "are you really threatening me?"Nang salubungin niya ang madilim at malalim na tingin ng lalaki, bahagyang nanginginig ang kanyang kalamnan, ngunit nang sumagi sa isip niya ang anak, itinuwid niya ang kanyang tindig. "Yes, I'm threatening you. Kapag nasira ang buhay ng anak ko, wala ng ibang matitira sa akin. Magkasiraan na tayo."Sa byahe pa lamang roon, nakuha na niya ang ka
"Hindi pa!" Muling iniunat ni Sylvio ang braso at hinila siya pabalik. Sa pagkakataong ito, sa halip na yakapin ay hinalikan niya ito nang direkta sa labi.Halos mamatay siya sa takot!Napakatanga ng babaeng 'to!Nang maramdaman lamang niya ang presensya nito at manuot sa ilong niya ang pamilyar nitong amoy, kumalma ng bahagya ang naghuhuramintado niyang puso.Hindi inakala ni Audrey na magiging napakawalang-hiya ni Sylvio na halikan siya nang sapilitan sa liwanag ng araw, lalo na sa mismong lugar kung saan tumalon sa ilog ang asawa niya!Napakawalang-hiya nito!Itinaas niya ang kamay at malakas na sinampal ito sa mukha, pagkatapos ay pinunasan nang mariin ang kanyang mga labi gamit ang likod ng palad, "Hayop ka!"Nagising ang diwa ni Sylvio dahil sa sampal, at napagtantong nagpadala siya sa damdamin niya, subalit hindi siya nagsisisi. "Kung hindi ako dumating sa oras, tumalon ka na ba sana rito?""Gusto ko lang naman huminga ng sariwang hangin at kumalma. Nandiyan pa naman sina Thali
Lumapit si Sylvio sa pintuan at kumatok. "Miss Santillan, this is me, Sylvio."Tahimik sa loob, walang anumang sagot.Muli siyang kumatok nang ilang beses, ngunit nanatiling walang tugon.Matapos ang ilang sandali ng katahimikan, umatras siya nang kaunti, itinaas ang paa, at buong lakas na sinipa ang pinto hanggang sa bumukas ito.Nagulat ang mga nasa ibaba. Ganoon ba ito... Kabilis umaksyon?Nanlaki ang mata ni Reon.Tunay ngang hindi nagpapahuli, mabilis at tiyak ang kilos.Nang pumasok si Sylvio sa silid, nakita niyang patay ang Aircon at nakabukas ang mga bintana dahilan upang makapasok ang sinag ng araw.Pinalibot pa ni Silvio ang tingin sa buong silid. Wala ito sa sofa, wala rin sa kama.Ngunit hindi nakuntento, pumasok siya sa banyo para lang makasiguro. Pero walang tao roon.Umahon ang matinding kaba sa dibdib ni Sylvio. Mabilis na lumabas ng silid, tumakbo pababa at sumigaw, "Reon, where is she?""Bo..." Muntik nang makapagsalita si Reon, ngunit agad itong pinigilan at mabili
Kusa sanang hahakbang si Sylvio palapit kay Stevan, ngunit nang maalala niya kung paano ito nagtaksil sa ama niya, kinuha ang Narvaez Empire, pinatay sa galit si Dastan Narvaez, pinalaki siya na puno ng hinanakit sa loob ng mahabang panahon, agad niyang binawi ang kanyang paa.Nakahiga si Stevan sa damuhan at nakita ang kanyang anak na nakatayo sa harap niya. Umiyak ito na parang bata, dumadaloy ang luha at sipon sa kanyang mukha habang naglalabas ng tunog ng tuwa at pananabik.Dahan-dahang lumuhod si Sylvio, kinuha ang litratong ipinadala ni Liam mula sa kanyang telepono, at inilagay ito sa harap ni Stevan. "Ito ang isinulat mo. Sabihin mo sa akin, anong titik iyan?"Nang makita ni Stevan ang mga guhit na kanyang isinulat sa litrato, agad niyang naalala ang tanong na ibinigay sa kanya ni Audrey ilang araw na ang nakalilipas.Bakit tumulong si Ericka kay Stephano na pumatay?Ang tuwa at pananabik sa kanyang mga mata ay biglang naglaho, napalitan ng walang hanggang galit at poot.Tinit
Kinabukasan ay maagang nagising si Sierra at naghanda ng klase-klaseng almusal. Bumaba si Alea dala ang dalawang bata, nadatnan nilang puno ng klase-klaseng masasarap na almusal ang lamesa. "Wow, eldest mistress, ginawa ninyo po itong mag-isa lahat?" Namamanghang sambit ni Alea. Nakangiti nama
Inutusan ni Stevan si Sierra na sumunod sa study nito. Kinausap pa sandali ni Sierra ang mga biyenan bago tuluyang sumunod kay Stevan Montezides. Nang buksan ni Sierra ang pintuan ng study ay nakita agad niya si Stevan na nakaupo sa swivel chair nito at nagsindi ng sigarilyo. Ibinuga muna nito ang
Alas siyete pa lang ng gabi ngayon, ganitong mga oras ay maingay ang buong sala dahil naghahabulan ang dalawang bata. Ngayon ay katakatakang katahimikan, walang Thalia na makulit na tumatawag kay Sylvester at walang Vester na iritadong tumutugon sa tawag nito. Wala ring ingay na nanggagaling sa TV p
Pinindot ni Sierra ang notipikasyon at binasa ang nakabahagi roon. ‘Hi, Miss Montalban! Your design is awesome! It seems that we have the same interest, huh? Haha. If you happen to have an interest in A.S studios, please do direct message me so that we could talk about it more privately. God bless!







