Third Person POVNabitiwan ni Isla ang hawak-hawak niyang mga papel. Nagkalat iyon sa sahig habang siya’y tila napako sa kinatatayuan. Nanlalamig ang kanyang mga kamay, nanginginig ang kanyang mga tuhod. Para siyang binagsakan ng langit at lupa sa eksenang nasaksihan niya sa loob ng opisina.Pinilit niyang paniwalain ang sarili na isa lamang iyong panaginip. Masamang panaginip. Subalit hindi. Agad niyang pinulot ang mga papel, pilit nilalabanan ang nanginginig niyang katawan. Ngunit sa bawat pagyuko ay para siyang hinihiwa. Hindi niya na alam kung ano pang mararamdaman. Hindi niya na rin alam kung paano mag rereact. Punong puno na siya.Paglingon ni Dominic, kitang-kita ang pagbagsak ng mukha nito sa pagkabigla. Si Selena naman, halatang walang balak magtago o mahiya.“Shit,” mahinang mura ni Dominic, mabilis na umalis mula sa pagkakagitna sa pagitan ng mga hita ni Selena.Selena looked over her shoulder at Isla, walang hiya, walang pakialam. She even adjusted her tube slowly, seduct
Third Person POVPasipol-sipol si Isla habang naglalakad sa hallway ng Dawson Realty. Bitbit niya ang ilang mga folder na ipinapaasikaso ni Dominic sa kanya.“Panibagong araw, panibagong sermon na naman,” bulong niya sa sarili, sabay pakawala ng malalim na buntong-hininga.Pangalawang buwan na niya sa kumpanya ng mga Dawson. Nasasanay na siya sa mga gawain, at paminsan-minsan, she actually finds herself enjoying the routine. May ilang kaibigan na rin siyang nabuo. Alam nila ang past niya with Dominic, and they sympathize with what happened.Sanay na rin siya sa lambingan palagi ni Selena at Dominic sa opisina. Ang hindi niya lamang kayang makita ay kung may lalampas pa roon. Madalas silang magkaasaran ni Selena—lalo na kapag halata ang intensyon nitong sadyang inggitin siya. Selena made sure to flaunt her relationship with Dominic in the most calculated, humiliating ways.Of course she’s hurt. Gusto nga niyang tapunan sila ng isang daang folders na bitbit niya. Minsan pa nga, napapati
Therese POVPagkatapos ng dessert, tumayo na ako para magpaalam. “Uh, I think I should go na po, medyo lumalalim na ang gabi,” magalang kong sabi. Kita ko ang pag-angal sa mukha ni Asher. Ano ayaw pa niya akong umuwi? Ilan oras na kaming magkasama. At sa isang linggo hindi pwedeng hindi kami magkita. Kulang nalang ay magkapalit kami ng mukha e. “Don’t be silly, iha. It’s late. Just stay here for the night.” Singit ni Tita Helena sabay kindat pa niya kay Asher. Para bang planado na nila ang sitwasyon. Wow. Kanina, kinakabahan akong baka hindi nila ako tanggapin. Ngayon naman ay gusto na nila akong patulugin sa bahay nila. Next, baka dito na nila ako patirahin. Charot! Assumera.“Naku po, hindi na po. Kaya ko pong umuwi. Ayokong maging abala—”“Abala? Hija, this house is bigger than a hotel. It’s never an abala.” Tumawa siya ng mahina pero elegante pa rin. “Besides, I already asked the maids to prepare a guest room. And some clothes. I’m sure you’d want to freshen up.”Asher looked
Therese POVNaramdaman ko ang panginginig ng tuhod ko habang inaakay ako ni Asher papunta sa dining hall. Patay! Wala pa naman akong kaalam-alam kung anong klaseng dinner etiquette ang sinusunod sa mga ganitong klase ng mansion. Hawak pa rin ni Asher ang baywang ko, at kahit sa ganitong sitwasyon ay may ilang segundo akong napatitig sa side profile niya. Calm. Confident. Parang wala siyang ka-proble-problema sa buhay. Meanwhile, me, I probably look like I was dragged out of a bar fight—literally. Napaayos ako ng buhok. Mabilisan. Para magmukha lang disente kahit papaano. Pagbukas ng pinto ay mas lalo akong ninerbyos. Ramdam ko ang panlalamig ng aking mga palad. Gusto kong umurong at tumakbo. Ganito kaya ang naramdaman ni Isla sa mansyon ng mga Dawson? Ang dining table ay walang halong birong kasing haba ata ng highway sa amin. Crystal chandeliers sa itaas, golden utensils, at mga platong mukhang puwedeng isanla kung sakaling kapusin sa bayarin sa kuryente. Ang mga upuang kahoy ay m
Therese POVNakatayo pa rin ako, habol ang hininga, habang si Camille ay hawak ang magkabilang pisngi niya, namumula’t nanginginig sa galit. Asher didn’t stop me. Hindi niya ako pinigilan, at sa gawi ng labi niya, parang pinipigilan pa niyang ngumiti.Tumalikod ako nang walang paalam. Hinila ko si Asher sa manggas ng kanyang polo. “Let’s go.”Bago siya sumunod ay nag-iwan muna siya ng cash sa mesa. Tahimik naming nilisan ang restaurant habang ang ibang diners ay nagpanggap na abala sa pagkain, pero hindi maitatangging lahat sila ay sumisilip. Kahit pala mayaman ay hindi pa rin kayang iwasan maki-tsismis. Pagkapasok sa sasakyan ay wala munang umimik sa aming dalawa. Kagat-labi ako habang pinipiga ng kaba ang dibdib ko. Should I feel bad? Was I too much? Pero hindi ko mapigilang balikan ang eksena sa isip ko. She asked for it. She made up a lie. She tried to humiliate me in public.Biglang tumawa si Asher. Mahina lang, pero ramdam ko ang pagkamangha sa tawa niya. Umangat ang tingin ko
Therese POVHindi agad pumasok sa utak ko ang sinabi niya. Fiancé?Asher’s… what?Tumigil ang mundo ko. I stood there drenched in wine, the scent of it crawling down my skin like shame I didn’t deserve. My body froze, my lungs forgot how to breathe. The room didn’t spin—it collapsed. Everything blurred except for that one humiliating word still echoing in my ears.Tumawa ang babae. Loud, smug, full of venom. Para bang ipinagdiwang niya ang pagkakabuking ng isang sekretong siya lang ang nakakaalam.Napako ang tingin ko sa kanya, sa make-up na perpektong ayos, sa pulang lipstick na halos ka-kulay ng wine na tumapon sa akin. Pati na rin sa mga mata niyang puno ng galit. At sa likod niya? Dalawang babaeng tila mga backup dancer ng kontrabida sa teleserye. Tumatawa.The scene felt like something out of a bad telenovela—except I was the humiliated lead who never asked for this script.Hindi ako makapagsalita. Hindi ako makagalaw. Napatulala lang ako habang dahan-dahan kong nilingon si Asher