Share

Chapter 4: Crossing Paths Again

Author: Karilxx
last update Last Updated: 2024-10-30 18:06:01

Isla's POV

Bumaba ako sa kotse at humarap sa malawak at magarang mansyon ng ama kong si Don Pedro—ang bahay na kinalakihan ko ngunit kailanman ay hindi naging tunay na tahanan. Ang bawat sulok ng pamilyar na lugar na ito ay tila may taglay na mapait na alaala, lalo na ang pangungutya at pag-aalipusta ng aking madrasta at ng anak niya.

Namatay ang aking ina dahil sa panganganak. Dalawang taon lang ang lumipas bago muling nag-asawa ang aking ama, at biniyayaan sila ng isang supling, si Iris.

Pagbukas ng malalaking pintuan, agad na tumambad sa akin ang ubod ng sama kong madrasta, si Tiya Olivia, at ang m*****a niyang anak na si Iris, parehong may mga tingin na puno ng pagkutya. Ay, iba! Hilig maglaro ng ganda-gandahan, ha?

“Look who finally decided to come back,” sabi ni Tiya Olivia, ang labi ay bahagyang nakangiwi habang sinusuri ako mula ulo hanggang paa.

Oh, c'mon! Mas mukha kang isda kaysa sa akin, makangiwi ka riyan, akala mo ba ay pinagpala ka sa mukha? Hindi ko nga maisip kung bakit sa dami ng kayamanan ng aking ama ay sa ganitong klase siya ng babae bumagsak. Napaka-walang class! Bakit ba hindi siya minulto ni Mama noong nag-asawa siya ng panibago?

“E, malamang pinauwi ako ng tatay ko? Sa tingin mo ba gugustuhin kong makita ang pagmumukha niyo? Lalo na ang ahas kong kapatid sa labas?” asik ko habang ang isang kilay ay pinapantayan ang tingin nila.

Nagbago ang timpla ng mga mukha nila. Bakit ako matatakot? Ako ang unang anak. Kung noon ay nagagawa niya akong alipinin, ngayon hindi. May sarili na akong kumpanya na galing sa hirap at pawis ko. Huwag nila akong itulad sa kanila na kumakapit sa tatay ko para sa pera.

“Palaban ka na ngayon? Pinagmamalaki mo ang pausbong mong kumpanya? Huwag kang magsaya dahil panandalian lang ang kasikatan niyan, malulugi ka rin,” ani Tiya Olivia habang dinuduro ako.

“Hindi ikaw ang pinunta ko dito, kaya pwede ba? Kung ayaw mong nandito ako, ay pumunta ka ng kwarto at magkulong. Para kang tumatandang paurong,” sagot ko sabay irap sa kanya.

Naputol ang sagutan namin nang bumaba sa hagdan ang aking ama. Matikas pa rin ang tindig nito, kahit bakas na ang edad sa kanyang mukha. Mabigat ang tingin ng mga mata niya sa akin, tila naninimbang.

“Isla,” malalim ang boses ni Don Pedro, at bawat salita niya ay tila nagbabanta. “Nandito ka na rin sa wakas.”

“Pinatawag mo ako e. Ano pa bang magagawa ko?”

“May napag-usapan na kami ng pamilya De Guzman. Pinili ka nilang maging asawa ng anak ni Don Francisco.”

Halos hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Ipakasal? Ako? Nais kong matawa sa kawalang-pakialam niya. Ang buong akala niya, para lang akong isang gamit na basta niya na lang ibebenta para sa pansarili niyang interes.

“Huwag niyo akong gawing pawn sa laro niyo,” madiin kong sabi, hindi ko itinatago ang galit sa tono ko. “Buhay ko ito, hindi niyo ito pwedeng idikta.”

Nakita kong kumibot ang mga labi niya, ang ekspresyon niya ay parang sinasabi niyang wala akong karapatang magsalita ng ganito sa kanya. “Isla, ito ang pagkakataon mo para pasayahin ang ama mo. Hindi ka pa ba nakontento sa mga naibigay ko?”

Natawa ako, isang tawang nanghahamak. “Bakit? Ano ba ang ibinigay mo? Bukod sa sama ng loob, saksi ang mga unan sa bawat pag-iyak ko dahil sa pagiging unfair mo! Wala ka namang kwentang ama, kaya sino ka para gamitin ako? Bakit hindi mo ipakasal ang ahas kong kapatid para naman hindi siya nang-aagaw ng lalaking hindi naman kanya!”

Nagtagpo ang mga mata namin, at sa sandaling iyon, nakita ko ang galit na nananatiling kontrolado sa kanyang anyo. Pero hindi ako umurong, at kahit halata ang pagkiskis ng kanyang mga ngipin, nanatili akong matatag.

“Dahil sa isang lalaki nagkakaganyan ka? Mas matanda ka kaya magpaubaya ka!” singit ni Tiya Olivia.

Ginawaran ko siya ng isang tingin, tila nagbabanta. Sa oras na dumapo ang kamay niya sa akin, ay papatulan ko siya. Hindi ako isang karakter sa isang palabas na magpapaalipin lang. Ako si Mariah Isla Ledesma, kinaya kong lampasan ang bawat hamon sa buhay na sariling pamilya ko ang nagbato. Bakit ako magpapaikot sa palad nila?

“Palibhasa ay nagmana sa’yo ang ‘yong magaling na anak! Iyan ba ang tinuturo mo? No wonder kating-kati si Iris dahil nakita niya mismo ‘yon sa ina niya. Isa kang manggagamit! Sino ka ba kung wala ang aking ama? Baka pinupulot—“

Bago pa natapos ang sasabihin ko ay isang sampal ang inabot ko kay Don Pedro. Nag-echo sa buong hall ang tunog nito at kakaibang hapdi ang hatid ng epekto nito sa aking pisngi.

“Huwag mong babastusin si Olivia sa harap ko!” nagngingitngit na sabi niya.

Mapait akong ngumiti. Kahit kailan, talo talaga ako sa pagmamahal. Kahit kailan, kahit saan, parang ang damot ng tadhana.

“I’ve had enough, Papa. This is the last time na tatapak ako sa mansyon mo. Kakalimutan mong may una kang anak, at puputulin ko ang natitirang respeto ko sa’yo. Uulitin ko, hindi ako magpapakasal sa lalaking hindi ko gusto. Kahit pa na putulan mo ako ng mana, kahit pa itakwil mo ako, hinding-hindi ako luluhod para sundin ka,” mahinahon ngunit puno ng lamig ang pagkakasabi ko.

Mabigat ang yapak akong lumabas at hindi na nag-abalang magtapon muli ng isa pang tingin. Hindi na rin naman niya ako tinawag pa. Buti naman, hindi na para makipagrambulan pa sa mga walang kwentang kausap.

Dumiretso ako sa kumpanya ko matapos ang masalimuot na usapan namin ng aking ama. Pagdating ko, sinalubong ako agad ni Therese.

“Isla! May magandang balita ako!” masigla niyang bungad.

“Diyos ko, Therese, mukhang kakailanganin ko 'yan,” sagot ko, pilit na tinatago ang inis sa nangyari kanina.

“May meeting ka today with Dawson Realty! Sila ang number one sa high-end real estate. At guess what? Ang mismong Chairman nila ang nag-request na makita ka in person!”

Hindi ko mapigilang mamangha. Ang Dawson Realty ay isa sa pinakamalaki at pinakasikat na kumpanya sa buong mundo, lalo na sa sektor ng luxury real estate. Ang personal na pagbisita ng Chairman nila? Isa itong malaking karangalan para sa Atelier Lumière.

Bago pa man ako makasagot, bumukas ang pinto ng conference room. Tumayo ako, iniayos ang postura ko, at hinarap ang Chairman ng Dawson Realty. Sa kanyang tabi ay isang pamilyar na pigura na nagpabilis ng tibok ng puso ko—si pogi!

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Lalaine Apilado
kay gandang story
goodnovel comment avatar
Mariafe Dador
Hello my writer author of this story Sana may ending to.. Bakit 29 Lang na chapter.. Merry Christmas sayo..
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • One Night Stand with the Unexpected Billionaire    Special Chapter 7

    Dominic’s POVThe church doors opened, and time froze. My breath caught in my throat as I saw her. My Isla.Her gown was simple, elegant, but on her, it was more than that—it was perfection. A long veil cascaded behind her as if heaven itself was trailing after her. She held her bouquet close to her chest, but her eyes were on me.Sa akin. Tangina, I swore I’ve never seen anything more beautiful.“Bro,” bulong ni Raphael sa tabi ko, “stop staring like you’re about to faint.”Hindi ko siya tiningnan. “I already did.”Bawat hakbang niya palapit, kumakabog lalo ang dibdib ko. Paglapit nila sa altar, kinuha ng tatay niya ang kamay niya at iniabot sa akin. That single moment—parang binigay sa akin ng mundo ang pinakaimportanteng yaman.“You look breathtaking,” bulong ko.Namula siya at umiwas ng konti. “Don’t make me cry before the vows.”Namumula ang mata niya. Naiiyak siya, ganoon din ako. Hindi ko akalain na matapos ang hiwalayan namin noon ni Selena, iibig akong muli, tatayo sa harap

  • One Night Stand with the Unexpected Billionaire    Special Chapter 6

    Dominic’s POVMariin kong tinititigan ang story ko sa social media. Puno iyon ng iba’t ibang kumento at mga reactions galing sa aming mga kalapit na kaibigan. Hindi ko mapigilang mapangiti dahil larawan namin iyon ni Isla. Nakaakbay ako sa kanya habang pinapakita niya sa camera ang engagement ring namin. Hindi ko tuloy maiwasan isipin kung paano kami nagsimula.“Do you need something?” tanong ko nang mapansin ang titig na titig na babae sa tabi ko.Natawa ang bartender, siya si Louis. Matagal ko nang kilala dahil suki na rin ako dito. “Ha? Wala mukhang may dumi ka kasi sa mukha,” aniya kahit alam kong palusot niya lamang ‘yon.Sanay na akong masabihang gwapo. Sanay na akong maraming nagkakandarapa sa akin. Hindi sa pagmamayabang, gwapo ako at mayaman. Kaya naman ang mga katulad niya ay hindi na bago sa akin.Nagkakaasaran pa sila nang bartender nang bigla na lamang siyang natahimik tapos biglang umiyak. Nataranta ako. Lalo pa ng bigla siyang yumakap sa akin at naramdaman ko ang init

  • One Night Stand with the Unexpected Billionaire    Special Chapter 5

    Third Person POV“Next applicant, please.”Raphael Marquez leaned back against his leather chair, massaging his temple. Ilang oras na siyang nakaupo sa interview room ng Orion Group at wala ni isa sa mga applicants ang pumasa sa panlasa niya. Puro mga nagmamagaling, puro scripted ang sagot, walang spark. Halos gusto na niyang sipain palabas ang HR department.“Sir, this is the last one for today,” sabi ng HR assistant habang binubuksan ang pinto.Raphael lifted his gaze lazily, ready to reject again, pero muntik siyang mabilaukan nang makita kung sino ang pumasok.“Oh hell no,” bulong niya.Iris Ledesma, nakasuot ng puting silk blouse at black pencil skirt, walked in with the confidence of someone who owned the building. Her long hair was tied neatly in a low ponytail, and her sharp eyes zeroed in on him the way she always did kapag nagpapaang-abot sila sa mga social events.“Good morning, Mr. Marquez,” she said, calm and professional, habang inilapag ang resume sa mesa niya.Raphael

  • One Night Stand with the Unexpected Billionaire    Special Chapter 4

    Third Person POVMatapos ang pinal na mensahe ni Jermaine ay mabilis na itong tumayo. Napangiti siya dahil tinuring niya itong stepping stone para makapagsimula sila ng maayos ni Cecille. Ngunit ang hindi niya alam, hindi na narinig pa ni Cecille ang huling sinabi niya. “Oh? Anong nangyari? Bakit nag-aaya ka atang uminom?” tanong ni Asher pagkabukas ng pinto ng condo ni Jermaine.Kadarating lang niya, habang si Dominic ay kanina pa roon, tahimik lang sa isang sulok. Napansin agad ni Asher ang mga bote ng alak na nakahilera sa mesa at ang kaibigan niyang si Jermaine na halatang balisa, turning his glass over and over in his hand.“May nasabi ba sa’yo si Cecille?” Jermaine asked directly, his tone heavy with frustration. “She hasn’t been replying to my messages. Hindi rin sumasagot sa calls. It’s like… she’s avoiding me all of a sudden.”Asher paused, remembering how Cecille asked him earlier kung nasaan si Jermaine. Tapos ngayon naman, tinatanong naman siya ni Jermaine kung may nasabi

  • One Night Stand with the Unexpected Billionaire    Special Chapter 3

    Third Person POVKanina pa hawak-hawak ni Cecille ang phone niya, paulit-ulit na tine-check kung may bagong notification na ba mula kay Jermaine. Ilang beses na siyang nag-send ng message pero ni isang seen, wala. Para bang nilamon ng lupa ang lalaki at hindi na nagparamdam.Sa sobrang inis at kaba, hinanap niya si Asher na abala noon sa pag-uusap kay Therese sa sala ng opisina ni Isla.“Asher, do you know where Jermaine is? Hindi siya nagre-reply sa’kin eh.”Saglit na napatigil si Asher. Kita agad ni Cecille ang mabilis na pag-iwas ng tingin nito, parang may tinatago. Nagkamot pa ito ng batok bago sumagot. “Uh… baka lang busy siya.”“Busy? Sa ilang oras?” tumalim ang boses ni Cecille, halatang naiirita na. “You know something, don’t you?”Nagkatinginan sina Therese at Asher, sumenyas si Therese na sabihin na ang totoo. “Tell her. Huwag ka ng mag-abalang itago. Ako ang makakaaway mo.”Napabuntong-hininga si Asher, alam niyang wala na siyang kawala dahil tinakot na siya ng fiance niya.

  • One Night Stand with the Unexpected Billionaire    Special Chapter 2

    Third Person POVTherese’s lips trembled, habang mainit siyang nakatitig kay Asher. Ramdam niya ang bigat ng mga salita nito. At ang paggaan ng dibdib niya sa narinig. Pakiramdam niya sinasayaw siya sa alapaap sa mga sandaling iyon.“Asher…” halos paungol ang pangalan na lumabas sa bibig niya, puno ng pananabik at saya.Dumampi ang labi ni Asher sa kanya, hindi marahas, kundi mabagal, puno ng init at lambing. His mouth moved gently against hers, his tongue teasing slowly, coaxing her to open up. She melted beneath him, her arms wrapping around his neck, as if she never wanted to let go.One by one, hinubad niya ang natitirang saplot niya, pero bawat galaw ay sinabayan ng halik at haplos. Walang pagmamadali, hindi sapilitan. Para bang sinisigurado niya na bawat segundo ay ramdam ni Therese kung gaano siya kahalaga.His hand stroked her cheek, then slid down to her waist, tracing her curves. “Ang ganda mo, babe…” bulong niya, halos pabulong lang sa pagitan ng mga halik. “Hanggang ngayon

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status