Share

Chapter 1

"Ricaaaaaa..

Sigaw ni Benok ng makita sa palengke ang kababata.

"Sino ka?"

Nagtatakang tanong ni Rica sa taong nasa harap niya Boses lalaki ito pero malandi magsalita.ma muscle ang katawan pero tumitikwas ang daliri lalo na sa pagpisil pisil ng pipinong kasama sa paninda niya sa bilao.

"Ay grabe siya.ki gandang ulyanin.Ano ites.Wit mo na bang matandaan ang diyosa ng mga mulawin, ang tunay na reyna ng engkantadia at ang nagiisang babae sa puso ni Serio..."

Malambing na sagot ng lalaki.

"Sino ka nga?sumagot ka ng maayos sasalak sak ko sayo yang pipinong kanina mo pa pinipisil"Sabi ni Rica.

Mainit ang ulo niyan ngayong araw dahil matumal ang benta at nasita pa sila sa bangketa.Kaya tamang lako ang beauty niya ngayon.

"Ay gaga sya.Suplada pa rin.Miss.Universe pa din ang karakas ng mahadera" Sabi ni Benok na ngayon ay Berna na ang pangalan.

"Atching si Benok to yung kababata mo.Ung binato mo ng bayabas sa mukha"

"Ay putek na yan? Ikaw ba yan Benok?"Hindi makapaniwalang tanong ni Rica.

"Ayy korek ako na itetchewa" Sabi ni Benok.

"Anong angyari sayo Benok?" Tanong ni Rica

"Aray ko yun tanong mo be, granada maiksi pero sumasabog"

"Berna..Berna..B.E.R.N.A..Berna Rica Berna na ang name kesh ay kaloka" Sabi ni Benok

"Okay, Bernard kong Bernard..ano ngang nangyari? Ulit na tanong ni Rica.

Bernnnnaaaa lang walang RD. Naku hindi pa ring siya nagbabago mahina pa rin ang pandinig"

"Naginsulto pa tong baklang to?ano ngang nangyari? Ulit ni Rica.

Mahabang kuwento.Mamaya na lang punta ako sa inyo.Sa ngayon ay may date ako with daddy Ben kaya chao muna. Exit na muna ang beauty ko okay babush" Sabi nito saka maarteng kumekembot pang lumakad na palayo.

"Ang sagwaaaaa" Sigaw ni Rica.

"Love you too.." Sigaw nito saka nag wave pero nagtuloy tuloy na sa paglayo. Malaking asong nakawala na naglalaway pa patungo ito sa gawi nila ng pinsang si Rica . Hindi makapaniwala si Rica na slang kababatsng si Benito alyas Benok ang nakita.

Matalik silang magkaibigan mula elementary hanggang makatapos ng high school.Isa si Benok sa mga crush niya.Isa ang lalaking yun savl mga inaashaan niyang liligaw sa kanya o babastos sa kanya pero nakagraduate na sila lahat ay hindi nangyari.Kung tutuusin si Benok ang kanyang first love at first broken heart yun nga lang lihim lahat walang kaalam alam ang kaibigan na nainlove na siya at nabroken sa isang bagsakan. at sa berde pa ang dugo.

Tinangka naman niyang magkagusto sa iba at nangyari naman ung iba ginusto lang siya kase siya ang unang nagpapapansin.Ung ikalawa naging sila lang kase hialikan niya pero sila lang ang nakakaalam at hanggang ganun lang walang malalim na obligasyu.Sila lang pagnagkita na madalas pa nga ay siya ang nagyayaya mag date.

At itong huli kung sino pa ung walang label kung sino pa ung halos isang beses lang sa isang buwan magkita ay doon pinaka nasaktan si Rica.

Nanginvest kase siya ng sobrang emotion dito kase naman ang lambing at haaaay ang sarap humalik. Sa tuwing magkikita sila susunggaban agad siya at halos ayaw pauwiin.Nakakaloka pero tumagal ng halos tatlong taon ang madalang na pagkikita, walang label, walang obligasyun walang komonikasyun. Lowkey sabi pa nga niya.

Sa kanya ay okay naman sana wala namang problema doon basta ang mahalaga para sa kanya ng mga panahong iyon ay ang masaya siya at masaya ang puso niya. mahirap kase ang magisang tumatagoyod ng lahat para bang palagi kang pagod at palaging mabigat ang dibdib kaya naman kapag may mga sandaling nagkakaroon siya ng love life ay malaki ang naitutulong nito sa buhay niya .

Yun lang mayroon kang balikat na masasandalan o makakausap at mahihingahan ng problema ay malaking bagay na.

Ang kaso sadya atang isimunpa siyang maging malungkot na lang habang buhay , dahil nga sa walang label , walang obligasyun walang kahit anong mapanghahawakan. kakapa kapa rin siya kapag hindi nagpaparamdam para siyang nakalutang sa ere at hindi alam kong anong gagawin. Umabot pa sa pontong hindi niya matiis at siya na halos ang nagmamakaawang magkita sila.

Hanggang sa umabot na parang di na ito madalas mag msg. Siya n madalas ang nauunan mag txt Hanggang sa ang good morning msg inaabot na ng lunch hanggang sa tuluyang nawala na ang message na good night.

Later na lamang narealized ni Rica na tanga siya sa part na un.Kung sino pa ang pinakaworst na set up ng relation ship doon pa siya maraming naipundar. Pero sabi nga nila kung minsan daw kung sino pa nga daw yung lalaking pinakawalang kuwenta doon ka pa napa fall ng sobra.

Bulod pa sa katangahang iyon.Kakaiba pala siya mabroken hearted dahil naghybernate na nga siya ng halos isang taon hindi pa siya nadala.Naulit yon sa isang may asawa.

Noon una wala siyang alam pero dahil madalas na siyang hindi nasisipot ng lalaki sa usapan umamin itong may asawa at anak. Ang loka lokang puso ni Rica dahil nga bobita at tanga ayun nauto ng lalaki ng sabihin lang na mahal na. Mahal siya at mas mahal kesa sa asawa.

Kaya ang dating tagong relasyun ay lalong naging tago.Ang dapat kaya niyang sakit noong umpisa ay lalong lumalim at lalong halos magpawasak sa kanya.

Infainess mahal naman siya ng lalaki ramdam naman niya yun nga lang takosa pala. Isang araw, walang kaalam alam si Rica na delubyo pala magigng araw niya na dapat ay maliligaya yun na pala ang huling halik ni Arnel sa kanya dahil matapos ang mstamis na halik na iyong ay masakit na sabunot ang inabot niya mula sa asawa nito na kinaladkad siya palabas ng restaurant na iyon at ipinahiya sa maraming marites na naroon . Masakit ang sabunot at ng mga galos.

Pero mas masakit yun hindi ka man lang pinagtangol ng lalaking pinili mong pagkatiwalaan. Ni isang sulyap hindi siya tinapunan bagkos ay yumakap lang sa asawa at hinihimas himas ang likod para pumayapa.

Ang eksenang iyon ang tumanim at baon ng tudo sa puso at isip ni Rica. Kaya magmula noon hindi na siya nagbukas pa ng pinto sa kahit sino at kahit anong Uri pa yang ng pagmamahal.

Mga Comments (8)
goodnovel comment avatar
m_🏹
"si berna pala siya d si Benok... haha sorry na man..'"
goodnovel comment avatar
m_🏹
"sumagot ka ng maayos Kung ayaw mong ma salaksak sayo ang pipinong pinipisil mo..
goodnovel comment avatar
m_🏹
"itong si benok Kung maka sigaw..."
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status