Share

Chapter 2

Kaya naman umabot siya sa punto ng buhay niya na halos hindi na siya naniniwala sa pagibig, sa mga lalaki lalong walang forever.

At hindi pa talaga nakontento si kamalasan dahil isang araw ay binomba na naman ng malupit na guhit ng kanyang palad si Rica.

Isang madaling araw ay sumakit ng sobra ang puson at ibabang tiyan ni Rica. Buong akala naman ng dalaga ay dysmenoria lamang pero narealised ni Rica na tapos na ang kanyang monthly period halos sampong araw na.Isang lingggo pa at ovulation na naman niya.Saka wala siyang dysmi hindi siya kailan man nagkaroon ng cramps during every period.

"Menopause?" Biglang napabalikwaa ai Rica sa naisip

"Sobra naman! 30 pa lang siya noh!!" Pero sabi sabi ng matatanda meron daw early menoposal at posibleng mangyari sa babaeng palaging pagod at stress.

"Wah!!di nga?" Bulong ng dalaga sa sarili.

Ang sakit ay inabot na ng pagsilip ng bukang liwayway pero ng pumutok na ang liwanang ay lalong tumindi ang sakit. Mga alas siete ay nangtimpla ng kape si Rica para mainitan ang sikmura. pagkatapos ay kumunha ng bote ng mantika nilagyan ng mainit na tubig tinakpan at pinagulong gulong niya sa kayang puson hanggang sikmura.

Pero lumipas na ang magdamag ay hindi pa rin nawawala. Sa kamalasa nagkataon pa na walang wala siyang pera dahil nagbayad siya ng utang at naubos ng mag diahria ang bunsong pamangkin. Kaya ang ending pumila pacaila ng kanyang lola sa center. Pero wala daw ang doktor tuwing lunes at miyerkules lakang daw ito nakaduty sa Health Center. Kaya umuwi na lamang muna sina Rica.

Gumawa naman ng paraan ang kanyang lola kahit pa nga hirap na itong lumakad.Umals ito saglit at nagulat na lang siya inabutan siya nito ng isang libo. Nang tanungin niya kung saan ito kinuha.Ang sabi nito ay isinanla ang kanilang lupa.

"Sa halagang isang libo lang?Lola naman barya lang ito?"

Dismayadong sabi ni Rica.Kungmagkatoan kase na malasin siya at hindi makalikom ng halagang isangv ibo sa loob ng napagusapang oras ng matanda at ng napagsanglaan ay makukuha ang lupa nila sa halagang isang libo lang.

tahimik naman ang kanyang lola na ngayon naman ay aligaga sa pagdarang ng dahon ng "tuba" sa kanilang de uling na kalan para ipangtapal naman sa puson niya para daw makatulog na siya.

Kaya naman naghanap na lamang ng murang clinic si Rica at doon nngpaconsulta .Kung humupa lamang talaga sana ang sakit ay babalewalaain na lamangn niya kaso masakit pa rin hanggang sa mga sandaling iyon.

Isa isang tagong clinic nagpaconsulta si Rica.Mura lamang ang consultation fee 100 pesos lamang naman.Ung nga lamang ay nagbayad siya ng laboratory at ultrsound kaya halos pambili na lamang ng neresetang gamot ang natira sa 1k niya.

Pansantala lang ang gamot pangalis lang daw ng kirot.dahil after 3 days babalik pa siya para sa resulta ng mga laboratories at doon pa lamang makikita ang totoong problema.

Umuwing balisa si Rica.Kailangan na naman pala niya ng pera after 3 days.

Paguwu ni Rica ay medyo nawala ang pag cramps ng puson niya kaya nga lang stress naman siya dahil tatlong mga namumugtong mga mata ang naghihintay sa kanya.

"Oh bakit para kayong mga gutom na kuting ha?" Tanong ni Rica sa mga pamangkin.

"Eh tita, hindi pa po talaga kami kumakain eh?"

Sabi ni Princess ang pinakapanganay sa mga pamangkin na nasa pangangalaga ng lola niya. Labing dalawang taon gulang ito at kasalukuyang grade six sa mababang paaralan ng Mabolo.

"tita may dala ka bang jobeli" Tanong ni Butchok ang pinaka bunso waling toan lamang ito"

"Tita si Lola nga pala medyo masama daw pakiramdam maghapon na iyon di lumalabas mula ng umalis ka kanina pa" Sumbong naman ni Totoy, ang sampong taong gulang na pamangkin. Napatingin siya sa silid ng kanyang lola at binagabag ang kanyang konsensya.

"Sige maglibang muna kayo dyan magsasaing lang ako"

Nagsaing na ako tita kaso dalawang takal na lang ang bigas pero sinaing ko na ring ulam na lang ang wala sabi ni Prinsess.

"Ahh ganun ba oh sige sandali lang at binili ako ng mauulam"

Sabi ni Rica.Mabuti na lang pala at nagbago ang isip niya sa pagbili ng gamot.Napansin kase niyang medyo gumanda na ang kanyang pakiramdam kaya sabi niya sa sarili niya ipagpapaliban na lang ang pagbili ng gamot.

Saka na lang paglabas ng resulta kung anuman ang sakit niya.

Isang lata ng meat loaf saka limang itlog at isang kilong bigas ang nabili ng dalaga yun na lamang kase talaga ang natira ng isang libong nadiskaete ng lola niya Pinagkasya niya ang dalawang takal na bigas sa tatlong l pamangkin at nagsain na lamang siya ng isang takal para sa kanila ng lola niya.

Maaga pa lang kinubUkasan ay nasa kalsada na si Rica para maglako ng panina. Mas sinipagan pa niya ang paglalako st medto lalo sa nakasanayang ruta.Kailngan kasw niyang makabenta.Bukod kase sa pangkain ng mga pamangkin ang alalahanin niya at dumagdag pa itong puson na ito.

Sa kamalasan naman talaga.Palubog na ang araw ay tatlong piraso lamang ang naibenta ng dalaga.Isang kalabasa na tag 30 ang hiwa. Talbos ng Kankong at carrots.

Problemaso si Rica dahil kailangan niya ng pera pagbumalik sa clinic.Sa benta niya ngayong pang ulam na naman lang ang mairaraos niya.

lumiwanag ang paligid niya ng makita si Benok este Berna sa kanto na may hinaharot na delivery boy ng rasyun ng tubig.

"Benoookkkk!" Sigaw ni Rica.

"Hoy ganda kong to tatawaging mo lang akong manok kaloka" Sabi nito.

" Papunta talaga ako sa inyo Rica medyo nasabit lang dito kay pogi.Sabi ko kase dalhan ako ng tubig sa bahay araw araw kung pwede"

Sabi ni Benok/Berna

"Asus, ano gagawin mo sa deliver mineral na ba pangpaligo mo?" Nagaasar na tanong ni Rica

"Ay plangak!!" Tili ni Benok.

"Halikan nga papunta ako sa inyo" aya ni Benok.

"Wag na sa plaza na lang tayo magusap baka pag nakita ka ni Lola himatayjn ung matanda.

Masama pakiramdamn nun wag mo ngayon biglain sa ibang araw na lang sabi ni Rica.

"Ay grabe siya o sige tara miss na kita eh.Oh eto ung mga palalubong ko.Gamitin mo ha.ikaw talaga nasa isip ko ng makita ko yan" Sabi nito sabay abot ng isang paper bag sa kanya na nakapatong sa upuan ng tindahan.

"Tara dun tayo sa plaza.Miss na kitang kulitin eh libre kita fishball" Sabi ni Benok sabay akbay sa kanya.

Nakapagtatakangbwala na ang kuryentenng nararamdaman niya dati tuwing aksidente siyang mayayakap ni Benok noon. Mga mahigit dalawang oras din ata silang nagkuwentuhan ng kaibigan.

Nabanggit niya dito ang suliranin kaya pinahiram muna siya nito ng pera para hindi na daw siya magalala pa. Bagamat nahihiya ay wala ng pride pride si Rica.aanhin niya yun kung gumagapang na siya sa hirap.

Sa tulong ni Benok na ayun pa sa kaibigan ay pabirong sinabing pinagpokpokan niya ang salaping ipinahiram ay nakapunta si Rica sa clinic. At dahil maliit ang clinic na pinagpachek upan sa labas din siya nagpalaboratory saka niya dadalhin sa clinika at ito na ang magbabasa ng resulta saka niya malalaman ang sakit kung meron man.

Hindi pa ulit sumusumpong ang sakit ng puson niya pero dahil nakapagpacheck up na sayang naman kung hindi na niya itutuloy maige na rin kase ang sigurado sa kalusugan.

Inabot sa kanya ng isang lalaking naka green scrub suit ang dalawang pirasong manipis na papel. Resulta daw ito ng laboratory niya.

ความคิดเห็น (1)
goodnovel comment avatar
m_🏹
"haist hirap naman ng sitwasyon."
ดูความคิดเห็นทั้งหมด

Related chapter

Latest chapter

DMCA.com Protection Status