Nanigas ako sa kinatatayuan nang marinig ang sinabi niya. Matagal nag-sink in sa utak ko ang katagang, “Kapalit ng isang gabi.” Binigyan ko siya ng masamang tingin. Kumuyom ang mga kamao ko na hindi naman iyon nakaligtas sa kanyang paningin.“Tumatakbo ang oras, Mrs. Alonzo,” nakangisi nitong sambit. Tinitigan niya ako na tila nang-uuyam. Marahas akong bumuntonghininga bago nagtipa ng mensahe para kay Mama Pilar. Gagawin ko ang lahat para sa asawa ko. “Ilang buwan na lang, magkikita na ulit tayo,” kausap ko sa sarili. Bumalong ang luha sa aking mga mata kasabay niyon ay ang unti-unti kong pagtango bilang pagsang-ayon. Lulunukin ko ang kahihiyan na ito madugtungan ko lamang ang buhay ni Niko. KINAGABIHAN, maaga pa lang nakatulog na si Precious. Naghanda na rin ako. Naligo at naglagay ng kaunting pabango. Pantulog na terno ang suot ko. Pinuno ko ng hangin ang aking dibdib pagkatapos ay ibinuga ito sa kawalan.Nabanggit na rin ni Philip sa akin kanina na naipadala na raw niya ang pe
ISANG buwan na simula nang mailibing si Niko. Masakit man ay kinakailangan kong tanggapin ang katotohanang wala na siya sa isang iglap lang. Nanubig ang gilid ng mga mata ko habang matamang tinitigan ang mga naiwan niyang letrato kasama ako. Kuha pa namin ang mga ito sa bukid nila.Mapait akong napangiti. Ang pinapangarap kong masaya at matiwasay na pamumuhay ay hinaharangan ng kamatayan. Sa ikalawang pagkakataon ay nabigo na naman akong makasama ang taong mahal ko.“Jessy, may naghahanap sa iyo.” Napalingon ako sa nagsalita. Pinahid ko muna ang natuyong luha sa aking pisngi bago nagpasyang tumayo. Nakangiti kong nilapitan ang biyenan kong babae habang nakatayo sa bukana ng pinto.Nasa poder pa rin ako ng mga magulang ni Niko. Gustong-gusto ko na sanang umalis pero hindi nila ako pinapayagan. Nahihiya man ay pinagkibit-balikat ko na lamang iyon. Pagdating ko sa sala, naabutan kong nakaupo si Merry sa sopa habang hawak ang kanyang cellphone. Mabilis siyang tumayo upang salubungin ako
Nagising akong sumasakit ang aking tiyan. Kumukurap-kurap ako. Ilang beses kong sinubukang bumangon pero bigo ako. Sobrang bigat ng katawan ko. Nabaling ang paningin ko sa bukana ng pinto nang iniluwa roon si Estong. May dala siyang tray na naglalaman ng pagkain. Siya ang naisipan kong tawagan bago ako mawalan ng malay kanina. “Kumain ka mo na para malamanan ang sikmura mo.” Inilapag niya sa mesa ang pagkain. Hindi ako kumibo dahil masakit pa rin ang tiyan ko. Ano’ng klaseng sakit kaya ito at bakit hindi mawala-wala? Uminom na rin ako ng gamot para sa sakit sa tiyan pero lalo lamang itong sumasakit. Marahas akong bumuntonghininga bago sinulyapan si Estong. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin habang gumagalaw ang panga. Napatitig ako bigla sa kanya. Sumagi sa isip ko ang sinabi niya noong nakaraang araw. Napalunok ako. Kung puwede lang turuan ang puso, ginawa ko na. Sinubukan kong tumitig sa mga mata niya pero walang sign na may gusto ako sa kanya, kung mayro’n man akong narara
Hindi na mabilang kung ilang beses na akong napalunok ng laway habang matamang pinagmasdan ang labas ng sasakyan. Bawat bahay na nakikita ng mga mata ko ay sinusuri ko nang mabuti. Hindi ko rin alam kung bakit. Kumakabog din ang aking dibdib sa ’di maipaliwanag na dahilan. Nilingon ko si Angelo nang gumalaw siya. Karga siya ni Nika. Nagprisenta siyang sumama sa akin. Wala rin naman daw siyang gagawin sa kanila kaya pumayag na ako at para na rin may makasama ako pagbalik sa Baguio. Bumalong ang luha sa mga mata ko nang maalala ang gagawing pag-iwan sa anak ko. Hindi ko man iyon gugustuhin pero wala na akong ibang maisip na paraan. Habang tumatagal ay palala na nang palala ang sakit ko. Hindi ko alam kung gagaling pa ba ako o hindi na.“Ate Jessy, malapit na po ba tayo? Ihing-ihi na kasi ako.” Napaigtad ako nang marinig si Nika na nagsalita. Ipinilig ko ang ulo nang makaramdam na naman ng pananakit sa aking tiyan. Pinilit kong huwag intindihin pero lalo lamang itong sumasakit. “Mala
ISANG LINGGO na ang matuling lumipas simula nang nakalabas ako ng ospital. Patuloy pa rin ang pagsusuri sa akin ng doktor na siyang binayaran ni Philip upang masusubaybayan ang kalagayan ko kahit nasa bahay lamang ako. Hindi ko alam kung paano ko siya mababayaran dahil sa ginawa niya sa akin. Pero sa ngayon, isa lang muna ang dapat kong iisipin, ang magpagaling para makasama ko pa nang matagal ang aking anak. “Are you alright?”Napalingon ako sa nagsalita. Kasalukuyan akong nakatayo sa veranda. Tinatanaw ko ang mga sasakyan na dumaraan.Mataman niya akong pinagmasdan na tila hinihintay ang aking sagot. May hawak siyang laptop na sa tantiya ko ay pupunta na naman siya sa library niya para doon magtrabaho.Tumango lamang ako. Ayaw kong makipagtitigan sa kanya nang matagal. Ayaw ko ring nakikita siya parati dahil binabalikan lang ako ng mga alaala namin noon. Hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako sa tuwing matitigan ko ang mga mata niya. Tumikhim ako nang hindi pa rin siya umaalis.
“Are you sure? Angelo is my son?” Mariing naglapat ang mga labi ko. Unti-unti akong lumingon bagay na nagpatigil sa kanya sa pagsasalita. Kumuyom ang mga kamo ko na hindi naman nakaligtas sa paningin niya.Dahan-dahan akong humakbang palapit sa kinaroroonan niya at binigyan siya nang masamang tingin. “Talaga ba’ng gano’n karumi ang tingin mo sa akin para pagdudahan mo? How could you, Philip? Ikaw nga ’tong unang nagloko!” Hindi ko napigilan ang sarili at mabilis ko siyang sinampal sa mukha. Natabingi ang mukha niya sa ginawa kong pagsampal dito. Hindi pa ako nakontento, sinampal ko rin ang kabila ngunit sa pagkakataong iyon ay nahuli niya ang kamay ko dahilan para mapasubsob ako sa dibdib niya. Napapikit ako nang pumasok agad sa ilong ko ang mamahalin niyang pabango. Umigting ang panga niya at madilim ang mukha. “I’m sorry, but I need to confirm kung nagsasabi ka nga ba talaga sa akin nang totoo.”Oo nga pala. Bakit nga ba hindi ko agad naisip ang bagay na iyon sa umpisa pa lang?
Rated SPG. PASADO alas-onse na ng gabi pero hindi pa rin ako makatulog. Hindi ko alam kung bakit, uminom na rin naman ako ng gatas. Sinilip ko ng tingin si Angelo sa kanyang kuna, mahimbing na ang tulog niya. Kinumutan ko siya nang mahawakan ang malamig niyang balat. Hininaan ko na rin ang air con. Napangiti ako. Napagod yata siya kanina sa pamamasyal namin. Dito na rin ako natulog sa kuwarto niya para maasikaso ko siya agad. Maaga pa naman kami aalis bukas. Marahas akong bumuga ng hangin sa aking ilong bago ipinasyang bumangon. Dahan-dahan akong naglakad upang hindi makalikha ng ingay. Nang tuluyang makalabas ng silid ay maingat kong isinara ang pinto. Napalunok ako nang makita si Philip sa sala na kasalukuyang umiinom. Dalawang bote na rin ng red wine ang naubos niya.Nag-angat siya ng mukha sa akin. Mataman niya akong tinitigan sa mga mata. Tila kinikilatis niya pa ako nang husto. Ilang saglit pa ay tumayo na siya. Umakma siyang maglakad pero mabilis din siyang natumba.“Philip
“Tell her kung anong pinagdaanan mo no’ng iniwan ka niya at nagpakasal pa sa iba.”“No. Hindi na, Cholo. Huwag na natin balikan ang nakaraan. Matagal nang tapos ’yun. Basta ang mahalaga ngayon, kasama ko na siya at ang anak namin.”Sunod-sunod ang paglunok ko ng laway nang marinig ang usapan nila sa sala. Nasa kusina ako at kasalukuyang nagtitimpla ng gatas ni Angelo. “Mommy, magkapatid po kami ni Baby Angelo?” Nabaling ang atensiyon ko kay Princess nang marinig ang sinabi niya. Napalunok ako saka unti-unting tumango-tango. “Yes, baby. Magkapatid kayo sa ama.” Feeling ko, naiintindihan naman niya ang sinasabi ko.Tumango siya. Kumuha siya ng slice bread saka ito kinagat-kagat. Napangiti ako. Mabait na bata si Princess. Sana hindi magbabago ang pagtingin niya kay Angelo paglaki nila. Nagpatuloy na ako sa aking ginagawa. Nang matapos ay tinawag ko si Aira para puntahan si Angelo sa kanyang silid. Ilang saglit pa ay dumating na rin naman siya karga ang bata.Umupo ako sa tabi ni Prin