Home / Romance / One Night With The Wrong Sister / Chapter 7: Humiling na Umalis (Part 2)

Share

Chapter 7: Humiling na Umalis (Part 2)

Author: Mangowrites
last update publish date: 2026-10-24 15:18:06

"Kahit ako ang nagpalaki sa'yo, sa huli, buhay mo pa rin 'yan, apo. Pinag-aral at pinakain kita, at ikaw naman ay nagaalaga sa akin nang ganito. 'Wag mong iisiping kailangan mong gawin ang lahat dahil lang sa utang na loob. Inalagaan ko kayo ni Caroline dahil sa pagmamahal, pero hindi sa akin ang buhay mo."

Nangilid ang luha sa mga mata ni Barbara. Kailanman ay hindi niya naisip ang mga bagay na ito. Hindi niya kailanman inisip dahil buong buhay niya ay handa siyang sundin ang lahat ng utos ni Lola Melba. Hanggang sa mangyari ang gabing 'yon, na nagpabago sa buong pag-iisip niya.

"Tungkol po sa trabaho, sa susunod na po natin pag-usapan 'yon. Pero ngayon po... maaari po bang humingi ng pahintulot na lumipat muna sa isang apartment sa bayan? Medyo… hectic po kasi ang schedule ko eskwela at kailangan kong mag-review kasama ang mga kaibigan ko araw-araw. Maghahanap lang po ako ng maliit na kwarto. Tuwing Sabado at Linggo, o kaya Biyernes ng hapon, uuwi naman po ako rito."

Kahit ayaw niyang gawin ito, kailangan niya. Kailangang-kailangan. At naniniwala siyang matutuwa si Hector kapag umalis siya para hindi na sila magkaharap araw-araw.

"Dahil ba talaga 'yan sa pag-aaral mo, apo? Wala ka bang ibang dinaramdam? Pwede mong sabihin sa akin kung may hindi ka ikinapapalagay."

"Seryoso po, Lola. Malapit na po kasi akong makatapos. Naisip ko po na mas praktikal at mas mabilis talaga para sa akin kapag doon muna ako."

Tahimik na pinakinggan ng matanda ang dahilan ng dalaga bago dahan-dahang tumango.

"Kung 'yan ang gusto mo, hindi ako hahadlang. Kailan mo balak lumipat? Gusto mo bang ipahanap natin kay Hector ang magandang condo para sa'yo?"

"Wag na po, Lola. Hindi ko po kailangan ng maganda o malaking condo. Titingnan ko muna po 'yung apartment kung saan nakatira ang kaibigan ko. Kung wala po roon, magpapatulong na lang po ako kay Kuya Harris."

"O siya. Kapag nakakita ka na, sabihin mo sa akin at ako nang bahala sa lahat ng gastusin. At kapag nakalipat ka na, sabihin mo agad sa akin kung may kulang ka pa, maliwanag?"

"Opo, Lola. Maraming salamat po sa pag-unawa sa akin. Mahal na mahal ko po kayo!"

Ngumiti nang napakalambing ang matanda. Lalong gumaganda si Barbara araw-araw, walang ibinatbat sa ganda nila ng ate niyang si Caroline, kuhang-kuha ang mukha ng namayapa nilang ina.

"Gumaganda na talaga ang apo kong ito araw-araw. May mga nanliligaw na ba sa'yo, apo? Kapag may nagustuhan ka, dalhin mo rito at ipakilala sa akin, ha? Sabihin mo sa kaniya na hindi mabilis magalit ang lola mo. Kailangan kong makatitig sa lalaking 'yon para masiguradong hindi ka niya papaiyakin."

Napangiti nang malapad si Barbara sa narinig.

"Hindi naman po ako ganun kasikat o kaganda, Lola."

"Anong hindi? Napakaganda ng apo ko! Kaya nga palagi kitang ipinapahatid-sundo kay Hector noon, eh."

Napangiti na lang nang pilit si Barbara. Ang pagkakaroon ng kasintahan ay kailanman hindi pumasok sa isip niya. Hinding-hindi talaga.

"Kung gusto mong lumipat ng tirahan, hindi kita pipigilan. Pero alagaan mo ang sarili mo, ha? Kapag magkakaroon ka ng boyfriend, hindi rin ako hahadlang, pero kailangan mong mahalin nang husto ang sarili mo. Ang ibang lalaki kasi, hindi naman kasingbait ng iniisip natin. Kapag nakatapat ka ng lalaking napakasarili, ikaw lang din ang magdurusa sa huli. Kahit anong panahon, ang babae pa rin ang palaging mas nagdudusa at nagpapatong ng mabigat na dalahin kumpara sa lalaki."

Mataimtim na pinakinggan ni Barbara ang payo ng matanda. At doon biglang pumasok sa isip niya… ang gabing 'yon na may nangyari sa kanila ni Hector. May magiging epekto kaya 'yon sa buhay niya? Wala nang silbi kung tatanungin pa niya si Hector kung nag-ingat ba ito nung gabing 'yon, kaya dapat siya mismo ang mag-alaga at mag-ingat sa sarili niyang katawan.

Hindi na niya maalala kung ilang beses may nangyari sa kanila nung gabing 'yon, sa gabi ng kaarawan ni Hector. Napakaraming bisita ni Lola Melba at mga kaibigan nito nung gabi. Nakasuot si Barbara ng dress na ipinatahi pa ni Lola Melba para sa kaniya. Nang makitang gabi na at unti-unti nang umaalis ang mga bisitang matatanda, naisip niyang umakyat sa ikalawang palapag para magpalit ng mas kumportableng damit. Pero bigla na lang may humila sa braso niya papasok sa isang kwarto.

Inaamin niyang uminom siya nung gabing 'yon, pero may wisyo pa rin siya at kilala niya kung sino ang lalaking 'yon. At ang isa pang katotohanang kailangan niyang tanggapin sa sarili niya... gusto niya si Hector. Mula noong palagi siya nitong hinahatid at sinusundo noong first year college pa lang siya, napakainam nito mag-alaga at mag-asikaso. Doon siya nagsimulang humanga at magkagusto rito. At nagpatuloy 'yon hanggang ngayon... kung kailan sinasabi na niya sa sarili niyang kailangan na niyang tumigil. Kailangan na niyang tapusin ang kalokohang ito.

"Barbara? May problema ba, apo?"

Ang boses ni Lola Melba ang nagpabalik sa kaniya.

"Wala po, Lola. Ano po uli 'yon?"

"Sige na, apo. 'Wag mo na akong masahehin. Doon ka na muna magpahinga sa sofa. Manonood muna ako ng TV bago matulog."

Tumango si Barbara at dahan-dahang lumayo. Agad niyang kinuha ang kaniyang cellphone para maghanap ng impormasyon sa internet kung anong mga hakbang ang pwede niyang gawin. Medyo huli na man, pero mas maigi na ito kaysa sa wala siyang gawin at maghintay lang sa wala.

**

Kinaumagahan, pumunta sina Hector at Caroline sa ospital para bisitahin si Lola Melba bago magtanghali. Dahil doon, nagpaalam muna si Barbara na bababa para kumain, para mabigyan ng oras sina Hector at Caroline na makasama ang matanda.

Kumuha si Caroline ng mansanas para hugasan at balatan para kay Lola Melba, kaya naiwang mag-isa si Hector kasama ang matanda sa kwarto.

"Hector, tulungan mo nga akong maghanap ng magandang condo sa city," pakiusap ng matanda. "Iyong malapit sa eskwelahan ni Barbara. Balak ko sana nung una ay umupa lang, pero naisip ko, mas mabuting bilhin na lang natin."

Agad na kumunot ang makapal na kilay ni Hector sa narinig.

"Para saan niyo po kailangan ng condo, Lola? Ibebenta niyo po ba uli para kumita, o ipapaupa niyo po?"

"Hindi. Bibilhin ko 'yon para kay Barbara."

"Po?"

"Sabi ng bata, mabigat daw ang schedule niya eskwela ngayon kaya nahihirapan siyang magpabalik-balik sa biyahe. Humingi siya ng pahintulot na baka pwedeng hayaan ko siya magrenta ng apartment. Sabado at Linggo na lang siya uuwi rito. Pumayag na ako. Anong sa tingin mo?"

Nakinig lang si Hector at naisip na kakasabi lang pala ni Barbara nito sa matanda.

"Hindi ko alam kung may boyfriend na ang batang iyon, pero kung meron man, hindi naman ako hahadlang. Pero gusto kong bantayan mo ring maigi, Hector. Natatakot akong makatagpo siya ng masamang tao."

"Malaki na rin naman po si Barbara, Lola. Kung magkakaroon man siya ng boyfriend, normal lang naman po 'yon."

"Gusto kong maging tapat sa'yo, Hector. Kung kayo ni Caroline ang magkakatuluyan, at kung sa mga susunod na taon ay wala pa rin karelasyon sina Barbara at Harris... gusto ko sanang magkatuluyan silang dalawa."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • One Night With The Wrong Sister    Chapter 15: Mabaho ang Cookie

    Wala nang nagawa si Barbara kundi ang sumabay na lang sa biyahe pauwi sa bahay. Sa buong biyahe, isinaksak ng dalaga ang kaniyang AirPods sa kaniyang mga tainga, inilakas nang husto ang musika, at isinandal ang ulo sa pinto sa kaniyang tabi. Ayaw na ayaw niyang kausapin o makipagpalitan man lang ng kahit anong salita kay Hector.Sa hating-gabi ng biyahe, huminto si Hector sa isang coffee shop tulad ng dati. Inabot nito sa kaniya ang paborito niyang kape habang ang isa pang kamay nito ay may hawak na bag ng pastry at tsokolate, halatang ibibili at ipapasalubong nito para kay Caroline.Isang sulyap pa lang ay alam na niyang ang pinakamasarap at pinakamagandang balot ng pastry ang pinili nito para sa ate niya."Kausapin mo muna ako, Barbara." Biglang itinanggal ni Hector ang AirPods mula sa tainga ng dalaga nang walang paalam. Inis na sinulyapan ni Barbara ang gawi nito, pero wala namang pakialam ang lalaki sa kaniyang inis."Kumusta ang pag-aaral mo?" Maunang nagtanong si Hector dahil m

  • One Night With The Wrong Sister    Chapter 14: Kung Darating ang Araw na May Makakaalam

    "Ibig sabihin, kailangan kong maghintay hanggang sa makuha mo ang gusto mo, ganun ba?"Ang selfish ng pag-iisip ni Hector!Halos isumpa na ni Barbara ang lalaki sa kaniyang isip, pero wala na siyang magagawa pa bukod doon. Ayaw na niyang pahabain pa ang nakairitang usapang ito, ang pagpapatalo sa away na ito ay aksaya lang sa oras."Kung sabagay, ikaw na ang bahala, Kuya Hector. Wala naman akong karapatang mamili mula't sapul.""Kung aalisin mo 'yung pagkakamali ko sa'yo nung gabing 'yon, anong masama sa akin? Hindi ba ako bagay para sa ate mo?” pabalang na sagot nito pabalik."Sinabi ko na sa'yo, pumunta ka kay Ate Caroline at sa kaniya ka makipag-usap. Walang kinalaman ang buhay mo sa akin.""May kinalaman, Barbara! Kung tutulungan mo ako at kakausapin mo si Caroline, mas madali siyang makakapagdesisyon! Mahal na mahal ka ng ate mo. Kapag tinulungan mo ako, mas madali siyang papayag na magpakasal sa akin.""Nasa sa'yo na 'yon. Kung totoo kang mabait at maayos, kusa ka namang pipilii

  • One Night With The Wrong Sister     Chapter 13: Hinding-Hindi na Muling Magkakamali 

    "Ganoon ba ang gusto mong mangyari, Kuya Hector? Gusto mo lang akong makitang itinatapon, walang nagmamahal, at walang nag-aasikaso sa akin? Ganoon ba?"Itinaas ni Barbara ang kaniyang mga braso at nag-krus ang mga ito sa dibdib habang nakatitig sa lalaki. Hindi niya alam kung paano napadpad si Hector sa lugar na iyon sa oras na ito. Kung si Harris iyon, hindi na siya magtataka kahit kailan. Pero si Hector? Hindi naman ito pumupunta sa lugar na ganito."Sa pinaggagagawa mo, sa tingin mo ba nararapat ka pa ring mahalin at kaawaan ni Lola?""Hindi ba't si Lola mismo ang dapat magdesisyon niyan at hindi ikaw, Kuya Hector?""Ayan! 'Yang ganyang ugali mo! Paano mo ie-expect na magugustuhan kita?!" Inis na asik ni Hector. Nagpadala lang siya sa kaniyang emosyon at nagsalita nang walang pag-iisip, pero mukhang tumagos iyon sa puso ng dalaga."Wala naman akong sinabing magustuhan mo ako, Kuya Hector. Kung ayaw mo sa akin, edi sige. Layuan natin ang isa't-isa. Huwag kang manghimasok at huwag k

  • One Night With The Wrong Sister    Chapter 12: Jail-Break

    Bumaba mula sa kaniyang mamahaling kotse ang matangkad na si Harris, nakasuot ng puting polo na may dalawa hanggang tatlong nakabukas na pindutan sa itaas at paboritong kupas na jeans. Nakita niyang nakarating na sa harap ng condo ang kaniyang kikitain.Nakatayo si Harris habang nakakrus ang mga braso at nakasandal sa kotse. Ang matatalim niyang mata ay nakatutok kay Barbara na nagbubukas ng pitaka para magbayad sa Grab driver na naghatid sa kaniya. Naghintay siya hanggang sa makalapit ang dalaga sa kinaroroonan niya."Matagal ka bang naghintay, Kuya Harris?" Ang simpleng ngiti sa magandang mukha ni Barbara ay kahit paano'y nakabawas sa init ng ulo ni Harris, pero pinanatili pa rin niya ang seryosong mukha."Bakit hindi ka naghintay sa akin?""Huh?""Nag-usap tayo na sabay tayong aalis sa bahay, 'di ba? Bakit hindi mo ako hinintay at nauna nang umalis nang hindi ako kasama?" Pagkagising niya para maligo at mag-ayos, wala na pala si Barbara. Nagtaka talaga siya. Kahit gaano pa ito nagm

  • One Night With The Wrong Sister    Chapter 11: Walang Pakialamanan

    "Talagang galit na galit ka sa akin, ha, Kuya Hector?" Tanong ni Barbara habang bahagyang ngumingiti nang mapait. Kahit pilit niyang ipinapakita na wala siyang pakialam, kabaligtaran naman 'yon ng tunay na nararamdaman ng kaniyang dibdib."Pagtiisan mo na lang. Ilang araw na lang naman tayong magkikita rito bago ako tuluyang umalis.""Sana nga totoo 'yang sinasabi mo. 'Wag kang puro salita.""Mag-iingat ka sa mga sinasabi mo, baka mamaya ay mauna pa akong magka-boyfriend na mas hihigit pa sa'yo!" Pabalang na tinulak ni Barbara ang dibdib ni Hector para palayuin ito. Noon naman ay hindi naman ganoon kainit ang ulo nito sa kaniya. Pero simula nung gabing 'yon, noong gabing nagkamali ito at inakalang si Caroline siya, lalong lumala ang pakikitungo nito sa kaniya araw-araw.Bakit ba siya lang ang sinisisi nito? Hindi ba't pareho lang naman silang nagkamali? Bakit tila ba siya ang nag-iisang may kasalanan sa lahat?"Sana nga! At sana huwag na huwag mong hayaang masira ang relasyon ninyo ni

  • One Night With The Wrong Sister    Chapter 10: Kahit Kanino na Lang, 'Wag Lang sa Kaniya 

    Tinitigan ni Hector ang screen ng kaniyang cellphone na walang kagalaw-galaw bago niya napagtantong na-block na pala siya ng dalaga. Sinabi ni Barbara na ayaw na nitong makita ang mukha niya, at ang dahilan kaya ito lilipat sa city ay para hindi na sila kailanman magkaharap. Kung sa bagay, mas mabuti na rin 'yon. Iyon din naman ang gusto niya. Ayaw rin niyang makita ang mukha nito."Hector? Kanina ka pa ba nakauwi?"Ibinulsa ni Hector ang kaniyang cellphone bago tumingala sa nagtanong. Sa kabila ng lahat, ang maamong mukha ni Caroline ang nakapagpapawala sa kaniyang inis at galit."Kadarating ko lang. Nakita ko ang kotse ni Harris sa labas, nakauwi na ba siya?" tanong niya sabay lingon sa labas bago ibinalik ang tingin kay Caroline."Oo, nakauwi na sila. Kasama niya si Barbara at si Lola.""Nakauwi na si Lola?""Oo. Sabi ni Harris, nakiusap daw si Lola na makalabas na ng ospital dahil pakiramdam niya ay maayos na siya. Nasa kwarto na siya ngayon at nagpapahinga. Si Barbara rin.” malum

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status