Chapter 6
Ano nang gagawin ko? Babalik ba ako doon? Aligaga na palakad-lakad si Aliyah ng pabalik-balik sa kanyang inookupang kuwarto. Hindi malaman kung ano ba ang gagawin. Hanggang sa napagdesisyunan niya na tawagin ang kaibigan. "Rina!" sigaw niya nang sagutin ng kaibigan ang kabilang linya ng telepono. "Hmm..." tanging sagot ni Rina. "Rina! Makinig ka. Importante 'to. May number ka ba ni President Jacob Dela Fuente? O kaya may alam ka ba kung paano ako makakakuha ng cellphone number niya? Just please, please, please I need it!" Tahimik lamang ang kabilang linya ng telepono kahit na halos magsisisigaw na si Aliyah dahil sa nerbyos na nararamdaman. "Huh? Nahihibang ka ba? Itulog mo na lang 'yan, Aliyah." "No, No, No, No, No... Mali ka ng iniisip kung ano man yang iniisip mo. Importante lang kasi. I don't have time to explain! Just please help me get his number! I just need to talk to him." "Hindi ko alam ang number niya pero may alam akong solusyon kung gusto mo siyang makausap. Just go to his room. That's it. Sige ah inaantok na ako. Bye..." sagot ni Rina sa kaibigan. "T-Teka la–" Naputol na ang linya ng telepono bago pa muling makasagot si Aliyah sa kaibigan. Bumuntong hininga na lamang si Aliyah pagkatapos ay naupo sa paanan ng kanyang kama. Tumingin siya sa kanyang cellphone. Ano nang gagawin ko ngayon? Blinock niya si Jacob kanyang social media pagkatapos ay nag leave rin siya sa kanilang group chat kaya wala siyang kahit na anong koneksiyon man lang ngayon sa lalaki. Pabagsak na humiga si Aliyah sa kama at ipinikit ang mga mata hanggang sa maalala niya ang sinabi ng kaibigan. Wait... Baka... Pwede... Tumayo siya pagkatapos ay naglakad papunta sa maliit na kusina ng kanyang hotel room. Kumuha siya ng tubig sa ref pagkatapos ay uminom. Pupwede niya ngang magawa ang sinasabi ni Rina na puntahan niya na lang ang lalaki sa kuwarto nito para makausap siya at makuha niya ang kontrata. Pero may kaunting pangamba sa puso niya. Ayaw na niyang makita ang lalaki pero kailangan dahil hindi naman niya mapapabalik dito sa Pilipinas ang director partner nila sa proyekto dahil pumunta na ito ng abroad pagkatapos nilang makipag deal sa kanila at magpirmahan ng kontrata. Matapos ang mahaba-habang pag-iisip ni Aliyah, napagdesisyunan niyang sundin na lang ang sinabi ng kaibigan kanina. Nagbihis muna ng maayos na damit si Aliyah na pang casual lamang. Agaran siyang pumunta sa presidential suit floor kung nasaan nandoon ang hotel room ng Presidente. Handa na sanang humarap si Aliyah sa lalaki nang makita siya ng secretary ng Presidente. Pinigilan siya agad nito sa oras pa lamang na lumabas ito ng elevator. "Ahm... Pwede ko po bang makausap si President Dela Fuente?" pormal na tanong niya sa sekretarya'ng kaharap niya ngayon. "Do you have any appointment, Ma'am?" balik na tanong nito sa kanya. Bahagyang ngumanga si Aliyah pagkatapos ay napailing. "W-Wala po eh..." mahinang sabi niya. "I'm sorry to say this, Ma'am pero hindi po pwede." "Kahit saglit lang po, Sir. Kakausapin ko lang siya. Importante po." Hindi sumagot ang lalaki at bahagya lamang itong ngumiti sa kanya. "Sabihin niyo po ang pangalan ko. Aliyah. Aliyah Gonzales po. Sabihin niyo lang, please! Panigurado po kakausapin niya ako." pangungumbinse ni Aliyah sa sekretarya nito. "I'm sorry, Ma'am. Pero hindi po talaga pwedeng pumasok ang mga walang appointment kay President." Bagsak ang balikat ni Aliyah sa narinig at ayaw talaga siyang payagan ng sekretarya nitong makausap ang lalaki. Bahagya lamang siyang ngumiti at tumango sa sekretarya nito. Ganoon din naman ang ginawa ng kaharap. Tumalikod si Aliyah at handa na sanang umalis nang biglang bumukas ang pinto ng kuwarto at narinig niya ang malamig na boses ng Presidente. "It's okay. Let her in." Dahil sa narinig na iyon, bahagyang nagkapag-asa si Aliyah at tumingin sa sekretarya nito. Tumango lamang ito at iminuwestra ng kamay niya na pumasok na siya sa loob. Ganoon nga ang ginawa ni Aliyah at manghang mangha sa lawak at laki ng hotel room ng presidente. Dahan-dahan siyang naglakad sa loob hanggang sa makita niya ang lalaki na nakatayo sa glass window malapit sa veranda at nakasuot ito ng black silk robe habang may hawak na isang tasa ng kape sa kanyang kamay. Nilunok ni Aliyah ang kanyang laway bago nag-umpisang magsalita. "Ahm... Kukunin ko lang sana 'yung kontrata..." Lumingon ang lalaki sa kanya pagkatapos ay binigyan siya ng salubong na kilay na tila ba hindi nito alam ang sinabi niya. Mali ata ako ng sinabi... "Ahh... Y-Yung kontrata... Kinuha mo ba 'yung kontrata nung gabing 'yon?" panibagong tanong niya. "Gabi? Anong gabi?" biglaang sagot ng lalaki. Kinagat ni Aliyah ang ibabang labi niya pagkatapos ay palihim na pinakiramdaman ang puso. Kinakabahan ata siya. Ang bilis ng tibok nito. Aliyah tried to act calm. "You know, Mr. President. Nagkamali lang ako ng message na na-sendan. Hindi ko inaasahan 'yon. So please kalimutan na lang natin 'yon? And nandito lang ako para sa kontrata. Kailangan ko lang 'yon. Please." "I need a wife." Jacob interrupted her. "W-What?..." "I said. I need a wife. So marry me." T-Teka... Ano 'to? Joke ba 'to? Sa isip-isip ni Aliyah. O baka naman. Pagsubok 'to? Tama. Baka pagsubok lang ito. Bakit naman kasi yayayain siya ng lalaki na magpakasal? Kung gusto nitong makakuha ng mapapangasawa. Paniguradong marami itong mabibihag. Maraming makakarandapa na magpakasal dito. Kaya bakit siya? "B-Bakit ako?" "Nasa hospital ang nanay mo 'di ba? I can pay her medical bills. Just marry me." sagot nito pagkatapos ay humigop ng kape. "Bakit nga ako?" pilit na tanong niya sa lalaki. Ngumisi lamang ang lalaki pagkatapos ay lumakad palapit sa kanya. Masyado atang kinakabahan si Aliyah at kahit na nakalapit na ang lalaki ay hindi man lang niya makuhang lumayo o dumistansiya man lang dito. Palapit ng palapit sa kanya ang lalaki hanggang sa gahibla na lamang ang layo ng kanilang mga mukha sa isa't isa. "Because you are the most suitable..." he then whispered to her.Chapter 34 tagalog"B-Bakit? May problema na naman ba sa pagtawag ko sa pangalanan mo?""Why would you keep on calling me Mr. President? I told you right, don't call me like that when we are together." Naririnig ni Aliyah ang bahagyang pagka-irita sa boses ng lalaki nang magsalita ito."Ang corny kasi kung tatawagin kitang Jacob lang, di ba? Parang... Hindi kasi ako kumportable sa ganoon." Kinagat ni Aliyah ang pang-ibabang labi at bahagyang napapikit dahil sa kanyang mga sinabi. Napasinungaling talaga niya! Anong hindi siya kumportable na tawagin ito sa pangalan niya eh pag naiisip niya nga ang lalaki ay Jacob ang nababanggit ng utak niya. Ay ano ba 'yan! Ipiniling ni Aliyah ang mga nasa utak niya. Ano ba itong naisip niya!"Isa pa..." Dugtong ni Aliyah habang pasimpleng sinilip ang lalaki na busy pa rin sa pagmamaneho. "Mas pangit naman tignan kung Jacob Dela Fuente ang itatawag ko diba? Kung ayaw mo naman no'n, eh Mr. Dela fuente na lang ulit itatawag ko sa 'yo kagaya kung paano k
Chapter 33 "Ano?..." Mahinang bulong ni Aliyah pero alam niya na narinig ng kaharap ang sinabi nito.Tumayo ng tuwid si Kyla pagkatapos ay nagpamaywang. "Dapat alam mo kung bakit ka pinili ni Jacob." Anito. Lumabas ang pagiging glamoroso nito ang mamula mula niyang labi ay nakangisi sa kanya. "Pinapaalalahanan lang kita. Kung ayaw mong makinig sa akin. Ikaw na ang bahalang magpanggap na hindi mo ako nakausap."Sa boses ni Kyla ngayon ay para siyang orihinal na asawa na nagbabanta sa isang kabit. Pero sa totoo lang, siya naman talaga itong nakapangalan sa marriage certificate nila ni Jacob. Tinignan niya si Kyla na umalis pa papalayo. Gusto niyang sabihin ang mga nasa isip niyang iyon pero sa bandang huli ay hindi rin niya naisatinig.Tsaka isa pa, bakit niya nga pala kailangan pang sabihin iyon? Magmumukha lang siyang masyadong defensive. Wala rin naman siyang gusto sa lalaki.Hindi nagtagal ay nahanap rin siya ni Jacob at sinabihan niya agad ang lalaki na umuwi na.Tahimik lamang
Chapter 32 Ilang minuto lang ang hinintay ni Aliyah kay Jacob para hayaan itong makapagbihis bago sila pumunta ng supermarket. Pagkalabas ng lalaki ay simpleng pants at white t-shit lamang ang suot suot nito. Nabawasan rin ang bahagyang pagkaka intimmidate nitong tignan at tila isang college student lamang na gustong magpapawis gamit ang larong basketball.Nang makarating naman sa isang mall ay hindi alam ni Aliyah kung paano siya didistansiya sa lalaki dahil sa bawat paglayo niya dito, ay ang paglapit naman lalo ng lalaki sa tabi niya. Paano na lang kung may ibang makakita sa kanila at kuhanan sila ng litrato? Edi magkaka scandal pa sila lalo at alam ng mga nasa opisina ay may girlfriend ito na kakakita pa lang kanina."Let's go." Ani ni Jacob at pilit na hinuli ang kanyang kamay para hawakan pero pasimple niya iyong inilalayo."Uhh... Mr. President? Wala bang mga media dito o kungano man na galing sa kumpanya? Kasi di ba? Alam mo na. Baka may makakita sa atin pagkatapos ay kunan ta
Chapter 31 Sa boses na naririnig ngayon ni Aliyah sa kabilang telepono, ramdam niya at parang naiisip niya ang senaryong iyon sa kanyang isip."At alam mo ba? Nung nakita ko sa pictures yung mukha ng babaeng kasama ni Sir kanina ay ba may konting kamukha mo! Hawig mo yung girlfriend ni President, Aliyah!"Pikit ang matang bumuntong hininga si Aliyah sa narinig. Ayaw na niyang pag-usapan pa kung sino o kamukha man niya ang girlfriend ni Jacob pero eto namang kaibigan niya ay sobra sa kadaldalan!"Huwag mo nga akong ikumpara doon! Isa pa, malabing kamukha ko iyon. Mayaman 'yon panigurado." Tanging nasabi ni Aliyah sa kaibigan."Aba! Eh bakit? Maganda ka rin naman ah? Kung alam mo lang nang makita ng head ang mukha mo namangha siya ng sobra! Kaya kapag napromote ka, pwede mo nang apak apakan si Manager Lim!" Ani ni Rina sa kanya na tila nanggigigil pa.Napailing-iling na lamang si Aliyah kahit hindi nakikita ng kaibigan. "Oh sige na. Saka na tayo mag-usap. May gagawin pa ako. Bye."Pab
Chapter 30 "Mr. P-President..." mahinang tawag ni Aliyah sa lalaki. "Bukas na iyan, Aliyah." awat nito sa kanya. "Kung ayaw mong matulog, magpatulog ka." dugtong pa nito pagkatapos ay iniabot ang kumot at nagtalukbong ito. Napabuntong hininga na lamang si Aliyah pagkatapos ay humiga na. Pinilit niya ang sarili na matulog. Kinabukasan naman ay nagising siya sa isang maliliit na halik sa labi at leeg niya. Gayon na lamang ang gulat niya nang wala na siyang saplot sa katawan! Nakita rin niya ang lalaking galit sa kanya kagabi na niroromansa na siya ngayon. Anong nangyayari? Lasing pa ba ito? Tatanungin niya sana si Jacob pero biglang nawala siya sa huwisyo nang ipasok nito ang pagkalalaki niya sa kanya. Napaungol na lamang si Aliyah at sinabayan ang ritmo ng pagsayaw nito. Ang buong akala niya ay paggising niya ay hindi siya papansinin ng lalaki dahil kita nito ang galit sa bosea niya kagabi. Pero dahil sa ginagawa nito ngayon, kabaligtaran ang nasa isip niya. Siya na nga ata nga
Chapter 29 Hindi na nag-aksaya pa ng oras si Aliyah at nagbihis na lamang siya ng damit na pants at t-shirt bago tumawag ng taxi para makapunta sa address na ibinigay ng assistant ni Jacob sa kanya.Ang buong akala ni Aliyah ay uuwi na ito ng bahay pero nagkamali siya. May iba pa pala itong pinuntahan. Napabunyong hininga na lamang siya."Eto ang susi, Ma'am." inabot ng assistant ni Jacob ang susi ng kotse sa kanya. Hindi niya naamoy ang kahit na anong bakas ng alak dito. Pero hindi na lang din siya nagsalita."Pakihatid na lamang po sa bahay niya si Mr. President, Ma'am. Mag-iingat po kayong dalawa sa pag-uwi." ani pa nito.Kinuha na lamang ni Aliyah ang susi pagkatapos ay pumasok sa driver's seat ng kotse. Doon niya nakita ang nakapikit at mukhang lasing na lasing na si Jacob.Hinintay ni Aliyah na sumakay sa likod ang assistnat nito pero diretso lamang na tumayo ang lalaki at iwinagayway ang kamay nito sa kanila. Kumunot ang noo ni Aliya pagkatapos ay ibinaba ang bintana ng kots
Chapter 28 Nanigas si Aliyah sa kinatatayuan niya."H-Hindi naman, Sir. A-ang inaalala ko lang ay baka may kikitain ka pang iba? O baka naman may gagawin ka pa. Alam ko busy ka. Naiintindihan iyon ni Mama." pagpapalusot niyang muli.Tahimik lang siyang tinignan ni Jacob. Hindi na muli itong nagsalita pa na para bang alam na niya ang sinasabi ni Aliyah. Hanggang sa naglalakad silang dalawa sa corridor ng ospital, doon lamang nag umpisang magsalita ang lalaki."I have found a great doctor for your mother. Sasabihin mo bang galing iyon sa boyfriend mo?" matabang nitong tanong sa kanya.Huminto naman si Aliyah sa paglalakad nang nasa labas na sila ng ospital saka tinignan si President."Hindi mo naintindihan, Mr. Dela Fuente. Masyadong old fashioned ang mama ko. Kapag nalaman niyang ikinasal lang tayp dahil sa kontrata, magagalit lang iyon sa akin. Or worse, hindi siya magpapatuloy na magpa-opera." "Makikipag balikan ka ba sa boyfriend mo kapag natapos ang kontrata natin?" malamig niton
Chapter 27 Buong byahe ay nakatingin lang ata si Aliyah sa labas ng kanyang bintana. Tila ayaw makausap si Jacob dahil nahihiya siya dito. Nang makita ang labas ng hospital ay halos magdiwang siya sa tuwa nang sa wakas ay makakaalis na siya sa tabi ni Jacob. Nakangiti niya sanang pipihitin ang pinto ng kotse nang hawakan siya ni Jacob sa braso."Wait. I'll go with you." sabi niya.Bahagya namang nanlaki ang mga mata ni Aliyah at akmang magsasalita para pigilan ang lalki nang nauna na itong lumabas ng kotse. Nakita niya ang pag-ikot nito sa harapan pagkatapos ay pinagbuksan pa siya nito ng pinto!"S-Salamat." tanging nasabi niya nang makalabas.Tumango lamang ang lalaki pagkatapos ay binuksan nito ang backseat ng kotse at kinuha ang mga regalong nandoon. "Let's go?" he ask then slip her hands with her to intertwined it.Bahagyang napaatras ang huwisyo ni Aliyah pero iginiya siya kaagad ni Jacob sa loob."P-Pero alam mo, President hindi naman na talagang kailangan pang pumunta ka do
Chapter 26 Sa mga nagdaang taon, inakala ni Troy na maangas, isnabero, at mayabang si Jacob dahil kahit gaano pa siya kaganda o katalino, beauty queen man o model, ay hindi siya nito pinapansin. Pero nagkakamali pala siya. Hindi naman pala ganoon katigas na parang bato ang damdamin nito. Talagang iba-iba lang ang treatment nito sa iba't ibang babae.Just like what he saw before. Ang Presidente ng Dela Fuente group ay talagang sinundan ang isang babae sa restaurant para makipagkita sa person in charge ng Hans Company. He even protect the girl from that guy! Hindi niya naman din gustong may mangyaring hindi masama doon sa babae pero to think na si Jacob pa mismo ang prumotekta sa kanya ay talagang pinagtatakhan niya! He must be interested with that girl. Haha!"Busy ka ba?" tanong niya sa kaibigan.Hindi mahiling si Jacob sa kahit na anong chismis at kahit pa mang-asar siya dito. Tumingin lang ito saglit sa kanya pagkatapos ay itinuon ulit ang atensiyon sa ginagawa."I heard muntik n