LOGINChapter 7
Diretso ang mga matang tinitignan ni Aliyah ang lalaking nasa harapan. Pasimple siyang lumunok pagkatapos ay mahinang nagsalita. "M-Mr. Dela Fuente..." Hindi kumibo ang lalaki pero bahagyang gumalaw ang labi nito na para bang sinesenyasan siya na ipagpatuloy pa ang kung ano man ang sasabihin niya. Kaya nga nagpasya si Aliyah na maglakas loob na magsalita muli. "May nobyo po ako." matigas na aniya. Kumunot ang noo ng lalaking kaharap pagkatapos ay bahagyang dumistansya ito sa mula sa kanya. Ano ba ito? Bakit ganito? Ngayon lang niya naranasan na may mag-alok sa kaniya ng magandang oportunidad katulad nito. At least, ganoon ang iniisip niya. At hindi siya makapaniwala dito. Sinusubukan lang ba siya ni Jacob? O baka naman na totoong kailangan lang nito ng mapapangasawa? Pero kahit ano pa man ang rason niya, hindi siya papayag. Ayaw niyang makipagkasundo sa lalaki. Kaya naman sinabi ni Aliyah na may nobyo siya. "Really?" Tumango si Aliyah sa lalaki pagkatapos ay sumagot. "Yes. And why would I lie to Mr. Dela Fuente?" Hearing those word from her, Mr. Dela Fuente simply nod and ready to speak when Aliyah suddenly interrupted him. "Anyway, hindi na kita iistorbuhin Mr. President. Can I just get the contract, please?" At dahil sa sinabi ni Aliyah, Malamig na tumango lamang si President Dela Fuente sa kanya pagkatapos ay lumayo ng kaunti dito. Sinabi lang nito na nasa secretary nito ang kontrata na hinahanap niya at kunin na lang nito doon. Nagpasalamat si Aliyah sa lalaki pagkatapos ay mabilisang nilisan ang unit nito saka hinanap ang secretary nito sa labas. Yakap-yakap ni Aliyah ang kontrata na nakuha nito mula sa secretary niya papunta sa kuwarto niya nang maramdaman na napakabilis ng tibok ng kanyang puso. Sumandal siya sa likod ng pintuan ng kanyang unit pagkatapos ay nakapikit na dinama ang kanyang dibdib kung saan nandoon ang kanyang puso. What the hell just happened? Mr. Dela Fuente wants to marry her? That rediculous! Pagkatapos kumalma ni Aliyah ng ilang oras, pumunta siya kay Manager Lim para kausapin ito. Hindi nito sinunod ang sinabi niyang ibigay niya dapat kay Eina ang kontrata. That' just right for her. Of course. Siya ang naghirap ng matagal para sa project na ginagawa nila pagkatapos ay ibibigay niya lang ito basta sa kasama nila at bibitawan ang proyekto? Of course not. Hindi pwede. Oo nagkamali siya, and Manager Lim seems to have a responsible for that because he is their leader. Pero hindi sapat na basta na lang nila aalisin si Aliyah sa proyekto. Magso-sorry lang siya dito. Tapos ayos na. Sana. "Manager Lim..." tawag ni Aliyah nang makita niya ito. Lumingon si Manager Lim sa kanya. Nawala ang masayang awra nito sa mukha niya nang makita si Aliyah na nasa kanyang harapan na ngayon. "What's the matter?" "I'm so sorry, Manager Lim. About yesterday, it was indeed my fault. Pagpasensiyahan niyo na po ako. Pero Mr. Lim, this project," itinuro ni Aliyah ang kontrata na hawak-hawak niya. "I've been working this project for so long. I'm affraid that if you suddenly give this project to Eina, there will be loopholes on it. I don't want that to happen. Kaya po ako nandito. Para humingi ng tawad sa inyo Manager Lim at sana mapagbigyan niyo ako. Bigyan niyo pa po ako ng chance." Ibinigay ni Aliyah ang lahat sa sinabi niyang iyon kay Manager Lim. She lower down her tones and change her attitude. "Sinasabi mo bang sa iyo ang project na 'yan?" sagot ni Mr. Lim sa kanya habang nakataas ang isa nitong kilay. Mahinang umiling si Aliyah. "Hindi ko po iniisip 'yon! Ang gusto ko lang pong sabihin Mr. Lim, I've work really hard for this project tapos ibibigay niyo lang po sa iba? Look... Nakipag-negotiate na po ako sa ibang business partners natin at nakapirma na sila. Mas marami ito kumpara sa dati. At alam ko po na alam niyo kung gaano ako naghirap para sa project na ito..." Manager Lim frowned on her then he scanned the whole documents. It was indeed a higher that expected. He then glance at Aliyah and handed her the contract. "Fine. I'll give you one last chance. Don't mess up. Specially the President. Alam mo kung gaano siya kaistrikto." Umaliwas ang mukha ni Aliyah sa narinig. Napangiti rin ito ng malawak at tumango-tango. She breath in as a sigh of relief. "Thank you so much Manager Lim. Promise. Pagbubutihan ko pa po. Thank you for giving me another chance." Manager Lim just simply nod at her then return to his work. Pagkalabas naman ng opisina si Aliyah ay nahagip nito sa gilid niya ang isang matipunong lalaki na tila ba kanina pa siya pinagmamasdan. Inalis nito ang tingin sa kanya pagkatapos ay kumuha ng isang sigarilyo mula sa bulsa nito. Pinagmamasdan pa ni Aliyah ang guwapong lalaki nang biglang may narinig siyang tawa at sumulpot ito sa gilid niya. It was Mark. "She's beautiful isn't she?" biglang sabi nito pagkatapos ay dinugtungan iyon ng tawa. "Kahit ang lalaking iyon napapabighani mo, Aliyah! Even you are tempted by her. Don't worry. Ako ang bahala sa 'yo. Just leave it to me. And I will guarantee you that she will appear at your bed tonight." Pasimple naman agad siniko ni Aliyah si Mark dahil sa pinagsasabi nito doon sa lalaki. Siraulo ba ito? Si Jacob ang kausap niya! Nakaakbay pa ang loko na tipong parang binubugaw siya. Agad naman na inalis ni Aliyah ang kamay nito na tipong kinikilabutan siya. Kanina pa siguro napapansin ni Mark na nakatingin kay Aliyah ang lalaki kaya nito biglang naisip iyon at magsalita ng ganoon. Hindi naman dinama ni Mark ang pagsiko sa kanya sabay inimuwestra nito na tumingin kay Jacob. Lumingon naman si Aliyah pero malamig lamang na nakatingin ang lalaki sa kanila. Seeing that Jacob didn't response, Mark became more excited. "For a small employee like her, hindi ko na siya kailangang pilitin. Kusa na siyang papayag. I can just simply find some people to scare her and she will be done for sure." sabi ni Mark. "If you dare to touch her, you don't have to go back here in the Philippines."Chapter 39Bahagyang napangiti si Aliyah nang makita nakabalot na ngayon ng kumot si Jacob. Though, hindi naman sobrang balot dahil kalahati lang naman ng katawan niya ang binalutan nito, maayos na rin iyon dahil alam niya mababawasan na ang nararamdaman nitong lamig sa katawan.Dumeretso naman si Aliyah sa kusina para uminom ng isang basong tubig. Pabalik naman siya sa kuwarto nila nang marinigan niya ang sinabi ni Jacob."Wife..." Iyon na lamang ang naabutan niya sa pag-uusap ng mga ito.Kinukwento ba siya ni Jacob sa kausap? Siya kaya ang tinutukoy nito?Ipinagkibit balikat na lamang ni Aliyah ang narinig pagkatapos ay tinahak na ang kanilang kuwarto. Pagkarating naman sa loob ay hindi na siya dinadalaw ng antok kaya naman nag-ayos na lang siya ng ibang dokumento para sa trabaho.Makalipas din ang isang oras, nakita ni Aliyah na pumihit ang pinto ng kuwarto. Iniluwa noon si Jacob na pumanhik lang sa kuwarto na halos mag-uumaga na."Hindi ka pa natulog?" Tanong nito sa kanya.Bahagy
Chapter 38 Matapos maikuwento ni Jacob ang nangyari ay agaran na nagpatawag daw ng mga pulis ang namamahal sa ospital para ipaimbistiga ang nangyari. Kinausap si Aliyah ng mga rumespondeng pulis sa ospital at gustong gusto na sana nitong sumama sa police station para makapag report pero agaran din siyang pinigilan ni Jacob."You should eat first."Kumunot naman ang noo ni Aliyah sa sinabi ng binata pero agaran din na umiling."Huwag na. Ayos lang ako. Pupunta muna ako sa istasyon at sasama sa kanila para maayos ko na makapag report sa nangyari."Nag-usajg linya naman ang labi ng binata pagkatapos ay hindi pa rin binibitawan ang pagkakahawak ng kamay sa kanya."I know you have a stomach problem. Baka naman kung mapano ka. Eat first. The police will wait. Saka na lang tayo pumunta doon kapag nakakain ka na." She then heard him curse. "Paano ka ba inaalagaan ng ex boyfriend mo?" Tanong nito.Bahagya namang nanlaki ang mga mata ni Aliyah sa tanong nito at sa mga nauna nitong sinabi. Pa
Chapter 37 Mariin na tinitigan ni Aliyah ang ina. Tama nga naman ang sinasabi nito. Kahit siya, ganoon ang nararamdaman. Kung hindi dahil sa mga taong iyon, hindi sana siya naghihirap at ang kanyang ina. Ipinadala sa abroad ang anak sa labas ng kanyang ama pagkatapos ay binigyan ng sandamakmak na luho kasama ang kabit nito. Samantalang siya na totoong anak ay inabandona lamang ng ama at pinahirapan pa ang tunay na asawa. Walang iba kundi ang kanyang ina. Kaya hindi rin masisisi ni Aliyah ang ina kung bakit ganoon na lamang ang pagkamuhi niya sa dalawang iyon."Nay... Alam mo bang gusto lang talaga nilang galitin ka pa lalo para makuha ang gusto nilang mamatay ka?! Gusto mo bang magdiwang sila at mangyari ang gusto nilang mangyari?" Sabi ni Aliyah sa kanyang ina."Hindi ako papayag!" Mariing sagot ng kanyang ina. Nakita niya ang pagkalukot ng kumot nito dahil sa matinding paghawak. "Hindi ako papayag sa gusto nilang mangyari! Kabit lang siya at mananatili siyang kabit hangga't nabub
Chapter 36Malalim ang iniisip ni Aliyah at hindi halos mahiwagaan kung ano ang nagpabagsak sa katawan ng kanyang ina. Sa malamang may nagpa-trigger ng isip nito na isang bagay, hindi siya mapalagay sa bagay na iyon."Ano 'yon?" Tanong niya sa nurse na nagsabi sa kanyang may hawak na isang bagay ang kanyang ina bago mahimatay."Hindi ko po alam. Hindi naman isang matalim na bagay iyon o kung ano man na makakasakit sa isang tao kaya hinayaan ko na lang. Pinagsawalang bahala ko na lamang kung ano ang hawak niya dahil hindi naman iyon matalim." Sagot ng nurse.Napatiim bagang na lamang si Aliyah at nagbuga ng kanyang hininga. Napansin niya ang doktor ng kanyang ina kaya sinalubong na niya ito."Doc, kumusta po ang nanay ko?" Tanong ni Aliyah sa nag-aalala na boses.Napabuntong hininga ang doktor."Hindi naman malala ang kalagayan niya ngayon. Nasa maayos na siyang sitwasyon. Malamang ay may naalala na naman siyang masakit na bagay kaya biglang inatake sa puso at nawalan ng malay." Tumin
Chapter 35 Nagkagusto talaga si Jacob sa kanya?Hindi niya masyadong inalala yon hanggang sa may tumawag ng kanyang pansin.Bigla na lamang tumunog at umilaw ang monitor sa kanyang desk. Tinignan niya kung ano iyon at nakitang mag nag-email sa kanyang mensahe. Sinasaad dito na natanggap ang proposal niya at gusto siyang kausapin pa ng masinsinan tungkol doon. Bahagya naman nang napangiti si Aliyah sa nakitang mensahe at sumagot kaagad ng reply para doon. Hiningi nito ang contact information niya na agad din naman niyang ibinigay sa secretary ng kumpanyang nagcontact sa kanya.Pagkaraan lang din ng ilang oras, napag-usapan ni Aliyah kasama ang secretary na kumontak sa kanya kung ano-ano ang mga maaaring proposal na gagawin nila na pwede niyang sabihin sa kanyang boss. Panigurado naman na papayag sa kanya si Mr. President dahil matagal na rin nilang tinatrabaho ang kanilang project.Marami pang mga butas ang iniisip nila kaya naman mas pinaplano pa ni Aliyah na ayusin ng mabuti ang na
Chapter 34 tagalog"B-Bakit? May problema na naman ba sa pagtawag ko sa pangalanan mo?""Why would you keep on calling me Mr. President? I told you right, don't call me like that when we are together." Naririnig ni Aliyah ang bahagyang pagka-irita sa boses ng lalaki nang magsalita ito."Ang corny kasi kung tatawagin kitang Jacob lang, di ba? Parang... Hindi kasi ako kumportable sa ganoon." Kinagat ni Aliyah ang pang-ibabang labi at bahagyang napapikit dahil sa kanyang mga sinabi. Napasinungaling talaga niya! Anong hindi siya kumportable na tawagin ito sa pangalan niya eh pag naiisip niya nga ang lalaki ay Jacob ang nababanggit ng utak niya. Ay ano ba 'yan! Ipiniling ni Aliyah ang mga nasa utak niya. Ano ba itong naisip niya!"Isa pa..." Dugtong ni Aliyah habang pasimpleng sinilip ang lalaki na busy pa rin sa pagmamaneho. "Mas pangit naman tignan kung Jacob Dela Fuente ang itatawag ko diba? Kung ayaw mo naman no'n, eh Mr. Dela fuente na lang ulit itatawag ko sa 'yo kagaya kung paano k







