"Ma'am..." Muling tawag sa kanya ng driver. Kanina pa huminto ang kanilang sinasakyan sa harap ng gate ng Mansion pero wala syang lakas ng loob na bumaba dahil sa bigat ng kanyang nararamdaman. Diring diri sya sa kanyang sarili. "Kanina pa po tayo nandito baka po pwede na kayong bumaba?... Kailangan ko na po kasing umuwi dahil nag hihintay sa akin ang mga anak ko, wala pa po kasi silang kain. Iniwan ko lang sa mga kapatid ko..." Magalang na wika ng Driver, bakas ang awa sa mata nito sa kanyang kalagayan. "S-salamat po kuya..." Pagpapasalamat nya bago lumabas sa taxi. Humarurot paalis ang sasakyan kasabay ng pag puti ng buong kalangitan gawa ng malakas na kidlat. Walang tigil pa rin ang pag ulan. Ninanamnam nya ang lamig na para bang sa bawat patak ng mabigat na ulan ay nabubura nito ang trauma na kanyang naramdaman ngayon. Mabibigat ang kanyang mga hakbang habang papataas sa Mansion. Ngayon nya lang nakitang nakasara ang malawak at malaking pinto nito sa ilang buwan nyang pananatili
"Axcel, h'wag ka namang maging ganyan sa anak natin" banayad nyang wika sa nanginginig na boses. Hindi nya alam kung bakit nya pa nagawang mag salita ng banayad sa ganitong sitwasyon na nahihirapan sya, para syang sinasakal. Siguro dahil buo ang kanyang kalooban ngayon kahit na pagiba na ang kanyang katawan. Buo ang kanyang kumpyansa na ilaban ang kanilang anak. Ilalaban nya si Arkin hanggang sa dulo dahil ayaw nyang magaya ito kay Cody kung saan lumaki ang kanilang panganay na walang Ama. Hindi sya papayag na mangyari ulit ang ganoon. Lahat ng Bata sa mundo, deserve magkaroon ng kompletong pamilya. At yon ang gusto nyang ibigay kay Arkin. "H'WAG NA H'WAG MONG SASABIHIN NA ANAK KO YAN CARMELA! KADIRI KA! MANDIRI KA NGA SA SARILI MO!" Napalunok sya. Ito na nga sya oh, diring diri na sya sa sarili nya sa lahat ng nangyari ngayong araw. Pakiramdam nya naiwan ang kadiring laway sa kanya ni Javin. Hanggang ngayon nararamdaman nya ang makapanindig balahibo nitong mga halik. "Axcel anong
"Mommy"Huh? Bakit may tumatawag sa kanya ng Mommy? Lumingon lingon sya sa kanyang paligid. Bakit madilim na para syang naka kulong sa isang kahon?"Mommyyyyyy!" Maligayang tawag sa kanya. Ang boses na yon..."Cody?" Nabiyak ang kanyang boses sa pag tawag sa pangalan ng anak, "Nasaan ka anak?" Sabik nyang tanong. "I'm here po" Napatingin sya sa kanyang kanan ng makita ang batang patakbong lumapit sa kanya. Hindi nya na napigilan ang kanyang sarili at napatakbo na rin sya upang salubungin ang paslit. Umupo sya para mag pantay ang kanilang height at mahigpit itong niyakap, "I miss you. Mommy miss you, so, so, so much..." Humihikbi nyang wika. Hinaplos ni Cody ang kanyang buhok para aluhin sya, "Shhh. Big girls don't cry, Mommy" "I'm sorry anak." "Why are you feeling sorry po? You don't have to blame your self for what happened when in the first place, it's not even your fault." Tipid na sagot ng kanyang anak na mas lalong nagpa iyak sa kanya. Kada araw nyang sinisisi ang anak dahil
Pangalawang araw na nila sa hospital at kahit ilang beses nang pinag tabuyan ni Carmela si Axcel hindi pa rin sya umaalis hanggat hindi nya kasama nya ang Asawa. "Kumain kana ba?" Mag tatanghali na at wala pa silang kain. Naka upo si Carmela sa hospital bed nang pumasok si Axcel at hanggang ngayon ay naka tulala pa rin si Carmela sa kawalan. Kumain na sya kanina pag alis ni Axcel sa kwarto, buti nalang talaga at meron si Jaren na mayat maya ang pag bisita sa kanya. Nakakain nya tuloy ang mga cravings nya. Hindi pinansin ni Carmela ang lalaki dahil malalim ang kanyang iniisip, kung saan sya pwedeng pumunta kung hihiwalay na sya kay Axcel lalo na't ngayon na tinatago nya ang kanyang pag bubuntis. Bukas ay ma di-discharge na sya. Noon ay binisita nya ang dating apartment na tinutuluyan nilang dalawa ni Cody, wala na ang mga gamit nila doon ang sabi ng landlady may Isang Babae daw ang nag utos na itapon lahat ng 'yon. Kahit hindi sabihin ng landlord kung sino alam nyang si Pearlyn ang
"Nahanap nyo na ba kung saan nag tatago ang gunggong na yon?" Mariin na tanong ni Axcel kay Tristan. Kasalukuyan syang nasa parking lot ng sasakyan. Umalis sya sa kwarto ni Carmela ng masigurong natutulog na ang Babae. Kahapon ay nabalitaan nyang hanggang ngayon ay pinapahanap pa rin ni Jaren si Javin kay Bruce. Alam nyang hindi ito kaagad ma tra track ni Bruce dahil mas bihasa lang ito sa pag iimbestiga hindi kagaya ni Tristan na mabilis sa pag track ng mga location. "Give me 3 more minutes..." sagot nito. Naririnig ni Axcel sa kabilang linya ang nang gigigil na pag titipa ng kaibigan sa kanyang key board kaharap nito ang computer. Natunugan na ni Javin na ipapahanap sya ni Axcel kung kaya naman ginalingan din nito sa pag tatago. Subalit kahit anong galing nya sa pag tatago kung magaling din si Tristan sa pag track ng mga location, walang silbi ang nagiging effort nito sa pag tatago. Lumipas na ang tatlong minuto, "I already sent you the address." Malamig na wika ni Tristan. Binab
Nanigas si Carmela sa kanyang kinatatayuan sa narinig. Frest start of life sa Germany? Nag aalinlangan sya kung sasama ba sya o hindi dahil wala naman sa Plano nya ang umalis ng bansa. Oo at gusto nyang magpaka layo-layo, pero sa hindi ganitong pamamaraan. "Hindi kita pipilitin kung ayaw mong sumama Carmela... I'm still willing to help you to start fresh in the country, pero inaalala ko lang ay wala kang kasama dito, paano kung manganganak ka? Paano kapag pinapasundan ka ni Axcel at malaman nyang may anak kayong dalawa? Paano kung may nangyaring masama sa anak mo?" Nakukuha nya ang point ni Jaren. Noong kay Cody pa man noong naninirahan sila noon sa New York, nahihirapan syang itago ang kanyang anak dahil baka malaman ito ni Papa Ronald. Kung dito sa Pilipinas at mag isa nya lang tiyak na ipapa imbestiga sya ni Axcel at hindi sya nito tatantanan.Napabuntong hininga sya, "pero andito ang pamilya ko, Jaren..." Napakagat sya sa kanyang pang ibabang labi. Andito si Cody... Napasulyap
After 4 years..."Mommy!" Masayang tawag sa kanya ni Arkin. Tumatakbo ang kanyang anak na lumapit sa kanya. "Baby!" Umupo sya para yakapin ng mahigpit ang anak. "Did you miss, Mommy?" Kumawala ang Bata sa kanyang pag kakayakap at hinarap sya, malungkot itong tumango.Naningkit ang mata ni Carmela kay Arkin. Mukhang hindi naman talaga sya na mi miss ng anak dahil peke ang emosyong pinapakita nya sa kanya. Natawa sya sa sobrang cute ni Arkin at hinaplos ang buhok nito. "Are you sure?" Ngumiti si Arkin, "No po. I don't really miss you Mommy..." Deretsyo at honest nitong sagot. Tinuro nya si Jaren na naka upo sa Sala. May matamis na ngiti sa kanyang labi habang pinapanood silang dalawa, "Si Dada lang po ang naka miss sayo. He can't sleep properly last night because you're not here, sya po ang sad, Mommy. Hindi po ako, pero nagiging sad po ako kapag sad si Dada". Inumaga na nang naka uwi si Carmela. Hindi nya nagawang umuwi kagabi dahil nilakad nya ang mga papeles na kakailanganin par
Naka ngising bumalik ng hospital si Tristan. Buong akala nya ay nagkakamali lang sya ng lead, pero matapos nyang makumpirma na naka balik na nga ng Pilipinas si Carmela matapos ang ilang taon na wala syang balita sa Babae o ano mang lead ay hindi nya mapigilang mapa isip. "I see..." Tumango tango sya. Ang kanyang daliri ay nakalagay sa kanyang baba habang nagpapaka lunod sa malalim na pag iisip, "I already connect the dots. So that's the reason why I don't have any lead to her whereabouts, huh? dahil si Jaren ang kasama nya..." Kaya pala simula ng ma discharge ito sa hospital ay ni anino hindi na nila nahagilap upang ibalita sa kanya ang nangyari kay Axcel. He's pretty sure na ginamit ni Jaren ang kanyang privilege para mawalan sila ng track kay Carmela. Ni hindi pa nga nila alam na wala na pala ang Babae sa Pilipinas!"Given that you're 4 years considered missing... babalik ka ng Pilipinas na may kasamang Bata..." Natatanga syang tumawa, "na kamukha pa talaga ni Axcel." Ngayon pala
"MAY BALAK KA BANG PATAYIN AKO SA KABA!?" lumuluhang si Carmela. Ilang minuto na ang lumipas simula nang mangyari 'yon, pero heto, nanginginig pa rin ang kanyang kamay. Nag halo ang takot, pangamba, at pag aalala. "I'm sorry..." paos na paumanhin ni Axcel. Napa upo na si Carmela sa sahig dahil sa nang hihina nyang tuhod. Kanina pa ito nangangatog at salamat sa dyos makaka upo na sya! Umupo rin si Axcel upang mayakap sya. "Ang immature mo!" Pinag susuntok nya ang magkabilaang balikat ng dating asawa, "Pinapatay mo ako sa pagiging isip Bata mo!"Hinayaan nya lang na suntukin sya ni Carmela. Hindi naman 'yon masakit, sa katunayan pa nga nyan ay kinikilig sya sa pag mamaktol ni Carmela. "Ano bang pumasok jan sa utak mo at naisipin mong mag prank ng ganito?!"Kumawala si Axcel sa pagkakayakap nya kay Carmela upang punasan ang mga luha nito. Namumula ang mga mata ng Babae at hanggang ngayon ay bakas pa rin duon ang takot."Sorry na..." Namamaos nyang pag papasensya, pinipigilan ang sar
"Anong gusto mo? Tea? Coffee? Milk? Water? Soda? Or—" Aligaga nyang tanong. Tatayo na sana si Carmela mula sa pag kaka upo sa coach nang biglang hawakan ni Jaren ang kanyang kamay. Napatingin sya sa pag kakahawak duon ni Jaren at napa lunok. Mahigpit yon, pero mararamdaman mo ang pag iingat nang Binata na hindi sya masaktan. "I'm here to check on you... Hindi ako pumunta rito para mag pa asikaso sayo Carmela. I just want a minute today..." Tumango sya at umupo sa tabi nang lalaki. Malawak itong ngumiti sa kanya at tinignan sya mula ulo hanggang paa. Namawis tuloy ang kanyang kamay. Katulad nya, paniguradong hindi sanay si Jaren na makita syang ganito ang ayos. "It's been a month since we're a part... And wow! Look at you, you look like a grown woman..." Hindi makapaniwala nitong papuri sa kanya, "Mas lalo kang gumanda..." namula sya sa sinabi nito.Mahina nyang hinampas ang lalaki, "Ano ka ba! Nag bibiro ka nanaman eh!" Tumawa sya, "Hanggang ngayon ba iniisip mong nag bibiro ako?
Hindi malunok ni Carmela ang kinakain nyang kanin. Ang sarap ng kanilang gabihan pero parang wala itong lasa dahil lumilipad ang kanyang utak sa sinabi ni Jen kanina. Kahit kaharap nya si Axcel na malalim na nakatingin sa kanya na kanina pa sya pinapanood ay para lang itong hangin.Hindi nakikita, pero nararamdaman, o siguro multo? Hindi na nga pinapansin dahil hindi nakikita pero panay ang paramdam.Padabog nyang ibinaba ang kanyang kutsara na gumawa ng tunog, "Kilala mo ba kung sino ang nag pa kalat ng mga pictures na 'yon?" Nang gigigil nyang wika, "I'm pretty sure isa 'yon sa dumalo nang kasal natin!"Normal ba ang nararamdaman ni Axcel nang marinig galing kay Carmela ang salitang, 'kasal natin?' kasi kung hindi... Ibig bang sabihin nasisira na ang mga emosyon sa kanyang katawan? Umiling sya at sabay subo nang kanyang kinakain. Sinubukan nya namang tawagan si Tristan para mag tanong pero imbes na maka kuha ng sagot—responsibilidad ang kanyang nakuha dahil sa isang batang napag k
Napahinga nang maluwag si Axcel nang ibagsak nya ang kanyang katawan sa malambot na kama. Wala na silang naging choice kundi mag sabay ni Carmela sa loob nang taxi na kanyang pinara dahil pinag tulakan na ni Jen si Carmela papasok duon. Everyone assumes that they're together officially na tinatago lang nila ang kanilang relasyon due to work related and dahil na rin sa mga nangyari sa kanilang dalawa. How he wish na ganoon nga. Hinihiling nya na sana kagaya ng kanilang iniisip ang sitwasyon nila ngayon. He groans, "Who in the world spread those pictures!?" Iniisip nya kung sino ang magkakaroon nang mga larawan noong ikinasal silang dalawa ni Carmela but everytime he thinks of it. Una talagang pumapasok sa kanyang utak ang kanyang mga kaibigan. Imposible namang si Gramps ang gagawa no'n e wala na ang matanda sa mundong ibabaw.Kung ang kanyang pamilya naman ay ano pa't ikakalat nila ang mga litratong 'yon? ***Napa sulyap si Arkin sa cellphone ni Tristan na kanyang iniwan sa coffee
MATAPOS ang kanilang Photoshoot ay nag palit na sya nang kanyang damit. Habang nag huhubad sya sa fitting room ay hindi pa rin mag kamayaw ang pag tibok nang kanyang puso. Paano ba naman at nararamdaman nya pa rin ang haplos ni Axcel sa kanyang baywang, ibaba ng dibdib at sa kanyang braso at hanggang ngayon ay para pa rin syang kinu kuryente. "Nababaliw kana, Carmela!" Singhal nya sa kanyang sarili. Mas lalo nya pang ipinilig ang kanyang ulo nang maramdamang muli ang hininga ni Axcel na tumatama sa kanyang leeg. Bahaw syang natawa, "Parang awa mo na Axcel!" Inis nyang wika na para bang kaharap ngayon ang lalaki. Hindi pa ito patay, pero heto, mukhang minumulto na sya nang presensya nang lalaki gawa ng kanina, "Pwede bang lubayan ako ng letche mong kaluluwa! Nakaka bastos na! Kaunting respeto naman ohhh... Nag papalit ako!" Ngayon ay na kumpirma nya na talagang hibang na sya! She totally lost her mind because of Axcel!"AHHHHHH!" sigaw nya at nang gigigil na kinuha ang kanyang isusuo
Kasalukuyan silang nasa loob ng sasakyan. May sarili namang sasakyan si Axcel pero nagawa pa talaga nitong maki sabay sa kanya sa pag uwi. Naiinis sya ngayon at mabibigat ang kanyang pag hinga! Napapansin 'yon ni Axcel at alam nya ang dahilan at dahil 'yon sa Babaeng kasama nya kaninang pumasok sa hall. "I told you, she's one of our investors. Sinundo ko sya sa airport dahil hindi nya alam papunta sa venue. She doesn't know everyone... but me" humina ang boses ni Axcel sa kanyang pang huling sinabi. Mas lalo tuloy syang nilukob nang inis! Pwede namang mag tanong ang Babae na 'yon ah! Pipe ba yon? Hindi makapag salita? At kailangan pa talagang si Axcel?!Kunot ang nuo nyang binalingan ang lalaki, "Why? Is it your job to—" Hindi nya natuloy ang kanyang sasabihin nang sagutin na ni Axcel ang kanyang magiging katanungan. "It's part of my job... I'm the vice president after all..." She looked so pissed right now, "It's also part of my job na makipag kwentuhan kay Zaech. If you're allow
"WHAT?! THIS IS RIDICULOUS! ASAWA AKO NG BIKTIMA! ANONG IBIG MONG SABIHIN NA BAWAL AKO PUMASOK?! I NEED TO CHECK MY HUSBAND—HE NEEDS ME!!" Hindi makapaniwalang pag hihisterikal ni Aegin sa mga pulis na naka bantay sa pintuan nang hospital kung saan sinugod si Murphy. Mahigpit ang pag babantay ngayon sa hospital. Mahigit ding ipinag babawal na bawal bumisita ang kung sino mang myembro ng pamilya. Ang papasok lang sa loob ay ang may pinaka mataas na posisyon na pulis at ang mga Doctor at Nurses upang i-check ang kalagayan ng matandang lalaki. Nang malaman ni Aegin ang nangyari kay Murphy. She immediately run to the hospital, kulang na nga lang ay paliparin nya na ang kanyang sinasakyan kanina sa labis na pag aalala. "Ma'am with all due respect, hindi po talaga pwede—""GINAGAGO N'YO BA AKO?! GANYAN BA KAYO KA WALANG PUSO!? I NEED TO KNOW HIS CONDITION WITH MY OWN EYES! I WANT TO SEE HOW BAD IS IT AND HOW HE IS RIGHT NOW!!!" Mukha na syang lata na walang laman ngayon sa sobrang ingay
Padabog na itinapon Carmela ang kanyang shoulder bag sa kanyang lamesahan. Kasalukuyan syang nasa kompanya ngayon. Dumeretsyo na sya rito dahil wala naman syang ibang pupuntahan. Saan nga ba sya pupunta ngayon? Kung panay ang buntot sa kanya nang mga reporters sa nag iinit na Balita. Sabagay at pag kaka kitaan nila dahil duon naman naka sasalay ang kanilang trabaho kaya ganoon nalang kung sugurin sya nang mga ito na mukhang may zombie apocalypse. "Bwisit!" Mabigat nyang singhal at mabigat ang loob na umupo sa kanyang swivel chair. Hindi sya makakapunta ng presinto — pinag bawalan ang presensya nilang dalawa ni Axcel! Ang rason ay baka kung ano 'raw ang magawa nila kay Murphy! "Letcheng justice system ito! Pati ba naman ang mga lintik na kriminal ay protektado ng lintik na batas!" Naiintindihan nya naman na bawal silang pumasok, e, dahil literal na makakapatay talaga sila ngayon — lalo na si Axcel! Naiintindihan nya rin naman na bawat tao ay may mga karapatan, pati ang mga kriminal!
Pansamantalang itinigil ang pag ku-kwestyon kay Murphy dahil kahit anong pilit nilang sumagot ito ay mukhang wala itong balak mag salita, nawalan na ata nang boses ang G4ga! Hindi naman pwedeng mag tutuloy-tuloy ang lahat, buti nalang talaga at naibigay na nila ang ebidensya sa mga awtoridad. Laking tulong din talaga ang boses nang nga mamamayan nang mapanood ang balita. Hindi lang sya ang humihingi ng hustisya — marami sila. Si Axcel ay nasa loob ng investigation room para mag bigay nang kanyang panayam tungkol sa sitwasyon na kanilang kinakaharap ngayon. Pinapanood nya ang nang hihinang mukha ni Axcel sa one way mirror. Dinudurog sya habang pinapakinggan ang mga sagot nang lalaki. "Sigurado ka bang wala kang planong pagaanin ang kaso nang iyong Ama?"Umiling ito, "He deserves it..." Hindi nya na narinig ang mga sumusunod nitong sasabihin dahil...Nawala ang atensyon nya sa pinapanood nang tumunog ang kanyang cellphone. Number ito nang isa sa mga tauhan ni Bruce. Matapos nya kasin