"Ano ka ba love, ang daming nakatingin sa atin. Umayos ka nga diyan, kapag tayo matumba malalagot ka talaga sa akin." Bulalas ko rito. Halik nang halik ehh, kahit nasa gitna kami ng yelong ito. Kahit malamig rito oarang umiinit dahil sa pag-ibig na 'to."Psh, just focus para hindi tayo matumba." "Wow ahh, ikaw kaya ang mag-focus, ang likot mo ehh." Hindi ko na napigilan ang aking pagtawa. Patuloy pa rin naman kaming umaandar sa gitna nito. Habang ang iba naman na naririto ay parang kinikilig pa. Kahit hindi ko sila kilala at hindi nila kami kilala. Tila'y kumukuha sila ng litrato at video sa amin. Huhuhu, parang nakakahiya naman. First time ko lang dito tapos ganito pa."Love, tama na. Ahmm, alis na tayo parang nakaramdam ako nang gutom ehh." Aniya ko rito. Lumiyab din kasi ang tiyan ko. At syempre para na rin maka-iwas dito. Kasi, naman nakakakiliti na ehh."Okay, if that so. Aalis na tayo. Where do you want to eat ba?" Syempre nag-isip muna ako nang mabuti kung saan maganda. Kaso
PENGPENG POV."Hoy Mylene! Lumabas naman tayo. Nakakbagot dito sa condo mo ang tahimik. Nasasabik ako sa labas, huhuhu...." Nakakamiss din gumala kahit galing lang ako sa hospital. "Peng, kaya mo na ba? Baka mamaya, bigla ka na lang matumba sa labas. Isa pa, baka sa kalagitnaan ng pagsasaya natin sa labas. Bigla ka na lang magyaya ng uwi??? Aba mabibitin ako sayong bakla ka." Ang taas ng boses niya, kala niya naman sobrang layo namin sa isa't isa."Wow, ang sungit mo naman. Dapat nagbago ka na, ang sungit mo pa rin Mylene. Akala mo naman maganda ka." Pag-aasar ko sa babaeng 'to."Of course I'm beautiful. Mas maganda pa ako sayong bakla ka. Hahaha, bahala ka diyan tumigil ka na lang. Alam mong nagluluto ako ehh, storbo ka naman." "Masarap ba ang luto mo huh???? Mas masarap nga si David, ehh!" Shalaaaa nadulas."Hoy! Mukha kang loko! Kapag Ikaw marinig bakla ka talaga noh!" "Bakit ba bawal ba? Hahha totoo naman.""Anong totoo? Bakit nakatikim ka na ba???" Yes, sa panaginip, charizzzz
"Ano ba ang ginagawa niyo dito?" Pagtataka ko naman, dahil sa ngayon dapat nasa condo lang si Pengpeng para magpahinga. "Ito namasyal, ang kulit kulit kasi ni Pengpeng ehh. Gusto niyang lumabas sa condo kaya ito pinagbigyan ko na." "Wow, hahha Mylene naman. Pero talaga na nanabik lang din ako dito sa labas kaya ito. Gusto ko talagang lumabas. Huwag kang mag-alala Nelia, dahil ayos lang ako. Kaya ko na ang sarili ko." Nakangiti naman na tugon ni Pengpeng. Halata sa kaniyang boses at itsura ang pananabik niya. Okay total wala rin naman kaming magagawa dahil sabik na sabik siya. Hindi namin siya pwedeng pigilan sa gusto niya. Habang naglalakad lakad kami, naka-sunod naman sa aming likuran si Anderson. Tahimik lang naman siya. Nang mapansin ko ang kaniyang pag-iisa. Agad akong nagpaalam sa mga kaibigan ko. "Guys, dito na muna ako sa likuran niyo. Ayos lang ba?" "Ohh sige, total walang kasama ang baby mo." Nakangising sambit naman ni Pengpeng. Hay naku may gana pa talagang mang asar.
"Hayaan niyo na lang baka bad mood lang." Pilit ko pa rin na pinababa ang emosyon ko. "Mabuti pa nga, baka mamaya magulpi ko pa 'yon." Pangigigil ni Pengpeng. "Gulpi? Baka Ikaw pa magulpi. Ehh ang hina pa nga ng katawan mo ehh. Na mimilit ka lang naman." Sambit pa ni Mylene. "Tumigil na lang nga kayong dalawa, baka mamaya nito mas una pa kayong magbugbugan." Singit ko naman sabay pwesto sa gitna nila. Ngayon naman lalabas na kami ng mall upang magtungo sa tambayan namin. • • • • DAVID POV. "What? Okay, kung 'yan ang gusto niyo. Ako ang magiging photographer ni Menda." I calmly said to them. Pinatawag ako para lang pumunta rito. May malaking birthday party ang magaganap sa ikatlong araw. Ito ang kaarawan ni Menda. Wala akong ibang magagawa kundi ang pumayag sa gusto ng Mommy niya, si Tita Lorna. Malapit din naman kasi sa isa't isa. Dahil matalik na kaibigan ni Mommy si Tita Lorna. Sa totoo lang ayaw ko naman na pumunta dahil magkikita kami ulit ng pamilya ko. Pero wala akon
"Anong gusto mong gawin ko? Magpanggap? Anderson, ikaw ang mas malapit at palaging nakakasama ngayon ni Nelia. Kaya dapat lang na hindi ka magsinungaling sa kaniya. Sinasabihan lang din kita dahil kilala ko kung paano magalit ang kaibigan ko. Hindi naman kita tinatakot ehh, pero kung takot bahala ka sa buhay mo. Isa pa, huwag mo rin akong takutin, dahil hindi ako takot." Madiin pa rin na boses ko. "Okay, Hahanap lang ako ng tamang oras para diyan. But now, hindi ko muna ma-isingit ang bagay na 'yan. Dahil, inuuna ko lang naman na iniisip ang kalagayan niya." BACK TO NELIA POV. PAKIRAMDAM KO PAGOD NA PAGOD NA AKO. GUSTO KO NANG UMUWI. "Peng, Mylene, umuwi na kaya tayo." Pagyaya ko na may mahinang boses. "Ano ka ba Nelia, hindi pa nga tayo nakakarating do'n ehh." Pagrereklamo ni Pengpeng. "Bilisan mo nga sa pagmaneho siyang Mylene! Ang bagal mo mukha kang pagong!" Dagdag pa niya na may masungit na boses. By the way, naka-upo kami sa likuran ng sasakyan. Samantalang si My
Masaya naman ang aming pagkwekwentuhan dito sa cafeteria. Halos mapuno ng mga boses nila ang cafeteria na 'to. "Ehh, ngayon may oras ka na ba kay Mylene?" Kalokohan na wika ni Pengpeng Kay Vince. "Tumigil ka nga diyan Peng. Magkakaibigan tayo rito, tumahimik ka nga sa kalokohan mo." Pag-aawat naman ni Mylene. Hay naku! Pati love life nila ehh. Ito talaga si Peng, walang preno sa mga sinasabi niya. Kung ano ano na lang ang lumalabas sa bibig niya. "Hayts, aminin crush niyo naman ang isa't isa dati diba? Tsyaka, nasa tamang edad na rin kayo ngayon. Isa pa, pareho naman kayong single ahh, kaya walang problema do'n. Then, baka mawala na ang kasungitan mo Mylene kapag magkatuluyan na kayong dalawa, hahahha...." Kahit ako tawa na lang ang lumabas sa bibig ko. "Ano? Loko ka talaga, umayos ka na nga lang. Kakabalik pa nga lang ni Vince, ganyan na ang asal mo." Masungit na boses ni Mylene. Ngunit, nababasa ko sa kaniya ang kinikilig niyang itsura. Nagpapanggap pa kasi ehh, hindi na
• • • • • Matapos kanina sa cafeteria, nagyaya ako kay Anderson na umuwi na. Kahit medyo ay hindi ko sila maintindihan nina David at Vince. Siguro dahil lang din sa babae ako. May mga bagay na hindi maintindihan ng mga babae ang isang lalaki. By the way, nandito ako sa kusina. Yes medyo nakaramdam ako ng pagod. Kaso nga lang nakaramdam din ako ng gutom. Gusto ko rin kumain ng cake ngayon. Mabuti na lang medyo may alam din ako sa paggawa nito. Oo nga pala, nagtungo si Anderson sa garden kaya mag-isa lang ako ngayon dito sa kusina. "Hmm, bakit ganun pakiramdam ko pagod ako pero gusto ko na may ginagawa ako. Anong nangyari, bakit ganito ang nararamdaman ko. Hmm, kanina din medyo nabagot ako pero atat naman ako sa labas." Mukha akong ewan dito, dahil kinakausap ko nang mag-isa ang sarili ko. 'DI' BALE NA NGA LANG SELF, FOCUS KA NA LANG. Maayos kong nilagyan ng icing ang cake na ginawa ko. Natutuwa ako dahil ang cute nito. Sana magustuhan din 'to ni, Anderson. "Ehemm, is that a ca
Parang ang dali lumipas ng araw. PANIBAGONG araw na naman ngayon. Sobrang masaya din ako today. "Love, kanina ka pa diyan sa bathroom, ayos ka lang ba diyan?" Pasigaw na wika ko, nang sa ganun ay marinig niya sa loob ang sinasabi ko. "I'm okay. Just wait a minute." Pasigaw niya rin' sagot. Inayos ko ang lahat rito sa loob nang kwarto. Habang hinihintay siyang lumabas. Ang tagal naman niya. Parang babae gumalaw ahh. Ano kaya itsura niya kung babae siya. Parang natatawa akonm kapag isipin ang itsura niya 'yon. Hmm, maganda din naman siguro. Baka ngaas maganda pa sa akin. "Honey, I'm done." Napaharap naman ako sa kaniya. Wow, bihis na bihis parang may lalakarin. Hmm, saan naman kaya. "Ohh, bakit ganyan ang suot mo? May lakad ka ba love?" Lumapit ako sa kaniya at maayos na inayos ang pulo niya. "Sa company lang naman. Don't worry, may importante lang na gagawin ako ro'n. I'm sorry honey, maiiwan na muna kita dito sa bahay." Malambing niyang wika. "Hindi ayos lang naman sa
Matapos ka-gabi nagising naman ako ngayon na wala ang asawa ko sa tabi ko. Pumasok agad sa isip ko na baka ay pumasok siya sa trabaho. Marahan akong tumayo sa kama at inasikaso ang kwarto. Pakiramdam ko ay nakakawalang gana rito. Mas nalulungkot lang ako kapag mag-isa lang ako. Kailangan ko yatang bumaba ngayon. Dahan-dahan akong lumakad sa hagdan. Muntik ko nang makalimutan na nandito na pala si Menda sa bahay. Ang sarap naman ng lagay niya. Ang kalat ng paligid niya pero siya naka-upo lang at kumakain. Binuksan pa talaga niya ang TV, tapos ang remote nasa ibaba lang. Hindi ko inaasahan na ganito pala siya.Hindi ko na lang ito pinansin at deretsahang nagtungo sa kusina. Medyo na gugutom na rin ako kaya dapat lang na unahin ko ang sarili ko kaysa sa isang babaeng 'yan. Tahimik lang ako rito sa kusina. Ngunit sa hindi sinasadya ay nahulog ko ang isang tasa. "Ohh, andiyan ka na pala Nelia..." Mahinhin na wika nito. Mukhang nagpapanggap lang yata. Akala niya siguro madadala niya ako
"Love, may gusto sana akong sabihin sayo, ayos lang ba?" Mahinang tanong ko kay Anderson habang inaayos niya ang gamit niya."Yeah, what is it just tell me," sagot naman niya. Ngunit, nagdala ito ng kaba sa akin. Parang hindi pa ako handa na sabihin sa kaniya."Hmm, honey tell me. Ano ba ang sasabihin mo?" Pag-aalalang tanong niya."Ahmm, kasi love gusto ko lang sana sabihin na bu---""Cring! Cring! Cring!" Agad akong napatigil dahil sa tunog ng cellphone niya. Bumaling din ang atensiyon niya roon."Ahmm, wait honey sasagutin ko lang." Sambit niya kahit hindi pa niya nakikita kung sino ang tumawag. Tumango ako sa kaniya. Nagtungo siya sa cellphone niya at dinampot ito. Ngunit, ang Akala ko g sasagutin niya ay ibinaba niya ito."Love, sino ang tumawag?" mahinahon tanong ko naman sa kaniya."Ahm, it's nothing si Menda lang." "Ahh, ahmm bakit hindi mo sinagot. Baka may importanteng sasabihin," tugon ko pa rito. Gayunpaman ay nasasaktan pa rin ang loob ko."Walang importante sa kaniya.
"Wala kaming magagawa, buntis ka na pala. Pero, kailan pa?" seryosong tanong sa akin ni David. Nagtungo kami rito sa cafeteria upang dito na pag-usapan ang lahat lahat. "Sorry, ngayon ko lang din naman nalaman ehh. Nahuli ako, ngayon ko lang natuklasan na buntis ako. Talo pa rin ako diba? Talo pa rin ako ni Menda dahil na una siya kaysa sa akin diba?" mahinang boses na lumabas sa bibig ko. Puno pa rin nang paghihinagpis at lamig ang laman ng puso ko "Anong pinagsasabi mo? Anong na una si Menda? Tandaan mo 'to Nelia, ikaw pa rin ang naging asawa ni Anderson. Anong pakealam ni Menda? Tsk! Mas na una ka pa rin Nelia," madiin na sinabi ni Peng. "Tama si Peng, isa pa huwag ka nga mag-isip nang ganyan. Nandiyan na ang bata, wala ka nang ibang magagawa kundi ang gampanan ang pagiging mabuting Ina. Nelia, kilala ka namin kaya mo." Mahinahon na dagdag ni Mylene. "Parang magiging mas lalo lang maging magulo kapag malaman ni Anderson na bunsti ako. Lalo lang lalaki ang gulo at issues." Mukh
NELIA POV."Doc, kumusta po ang result? Maayos lang naman po siguro ang lagay ko po diba? Doc, wala naman po siguro akong malalang sakit diba? Maayos lang ang lagay ko. Wala akong stomach cancer diba?" Tarantang tanong ko sa doctor. Kahit paano ay natatakot din akong alamin ang totoo. Takot ako na kung ano ang mangyari sa akin. "Wait Mrs. Nelia Montealto. Ahmm, huwag po kayong mag-alala, walang problema. Maayos lang ang lahat. Normal naman ang naging resulta. Hindi din bad news kundi ay isang good news," nakangiting wika nito."Huh? Anong good news? Ilang araw pong naging masakit ang tiyan ko. Tapos, duwal po ako nang duwal. Nahihilo din po ako palagi. Minsan kapag nakakaamoy ako nang mabahong amoy naduduwal din po ako. Tapos, may mga gusto akong gawin at kainin. Yung tipong, atat na atat po ako. Tapos naiinis ako kapag hindi ko 'yon makuha. Doc, anong good news do'n?" Pagtataka ko, subalit nakangiti lamang siya sa akin."Ma'am, you're pregnant." Tila'y huminto ang oras ko nang mari
Sa ngayon wala akong gana makipag-usap. Kaya, hinayaan muna ako ni Anderson. Gusto kong mapag-isa siguro naman ganun din ang nararamdaman niya. Magkaiba kami ng kwarto pero iisa pa rin naman ang tinutuloyan namin' dalawa. Marahan akong napahiga sa kama pilit na natutulog pero hindi ako makatulog dahil ang daming bumabagabag sa utak. "Aray!" Mahinang tugon ko sa sarili ko subalit may malalim itong tuno. Ang sakit ng tiyan ko, sobra ang hapdi. Dapat pala nag-pacheck up na ako. Ilang araw nang ganito ang nararamdaman ko. Pero, hindi ko manlang pinapansin dahil ang dami kong inunang bagay. Bukas na lang siguro. PENGPENG POV. "Bwesit na Menda 'yon, wala na ba siyang ibang magawa kundi saktan ang kaibigan natin? Walang hiya siya, malandi talaga. Halata naman na hindi siya papatulan ni Anderson diba? Kaya bakit si Anderson pa talaga ang naging ama ng anak niya? Tsk! Bwesit!" Pasigaw na bulalas ko rito sa condo ko habang kaharap ko sina Mylene ay David. "Tama na Peng, tama na
Mahigpit akong hinawakan ni Anderson. Hinila niya ako sa mga kaibigan ko. "Love, ano ba ang ginagawa mo? Bitawan mo ako love, baka kung ano ang isipin ng mga nakatingin sa atin..." Pagpupumiglas ko sa kaniya. Ngunit, tila'y hindi niya 'to naririnig. Nagawa ko pang pumiglas ulit. Subalit, mas humigpit lang ang pagkahawak niya sa akin. "Aaa!" Biglang sigaw na lumabas sa aking bibig, matapos akong matapilok. "Ang sakit..." Dagdag ko pa. Napatigil siya kaya napahinto rin ako. Humarap siya sa akin at ibinaba niya ang tingin niya sa mga paa ko. Puno nang pag-aalala ang mga mata niya. Pwede bang alalahanin mo muna ang sarili mo bago ako. "I'm sorry." "Teka, ano ang ginagawa mo?" Bulalas ko nang bigla niya akong binuhat. "I'm sorry, ilang beses na kitang nasaktan." Ramdam na ramdam ko ang bumabalot na pagsisi at kalungkutan sa tinig ng boses niya. Hindi ako naka-sagot, bagkus ay deretso lang ang tingin ko sa mata niya. Kalaunan, nagpatuloy siyang maglakad habang bitbit ako.
Dahan-dahan na nais kumawala ng luha ko. Ngunit, pilit ko 'tong pinigilan. Saksi ako sa magulong iniisip ni Anderson. Sino ang pakikinggan ko ngayon ang puso ko ang puso niya. Marahan kong inayos ang sarili ko sabay hinga ng malalim. Napahawak ako sa kamay niya ramdam ko ang panlalamig niya. Maya-maya pa, pansin ko ang pagtulo ng luha niya. Lubos akong nasasaktan, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko o ang gagawin ko. Pangarap ni Anderson ang magka-anak, pero hindi ko pa naibigay. Ngayon naman buntis si Menda sa kaniya. Paano na ako nito, natatakot akong mawala siya sa akin. Maya-maya pa, humarap siya sa akin. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon ko. Bigla siyang napayakap sa akin. Ngunit, ang kaninang pagluha niya ay napalitan ng galit. Ramdam na ramdam ko 'to kahit hindi niya sa akin sabihin."No, hindi ko matatanggap 'to. Honey, promise me please. You won't leave me. Just stay at my side. I'll promise I will do everything para malaman kung ano ko ba talaga ang pinagbu
"Ohh, anyari do'n? Narinig lang naman niya na bulong bulongan ka ng iba, tapos magtataray siya?" Inis na wika ni Mylene. "Ahm, hayaan niyo na lang. Isa pa, ayaw ko din ng gulo. Iwasan natin ang gulo rito, nakakahiya inimbita niya tayo rito. Kaya, umayos na lang tayo sa galaw natin." Kalmadong aniya ko naman. "Ohh, siya sige. Hayaan na lang natin, total lumabas na rin siya baka mag-announce na siya sa gusto niyang sabihin." Dagdag pa ni Peng. "Oum, baka nga," sabay ngiti ko. "Huwag kang mag-alala, kahit ano pa ang sabihin niya o gawin niya. Kami ang bahala sayo Nelia," pag-aalala ni Mylene. "Oum," sabay tango ko. "Okay everyone, good evening. Now, mag-uumpisa na tayo. Narito na ang ating birthday girl, na parang isang anghel na bumaba sa lupa. Nakikita naman sa kaniyang itsura na minana pa sa kaniyang Ina." Mahabang sanaysay ng isang lalaki sa harapan at nakangiti pa. "Sus, anong anghel ang sinasabi niya? Baka nga may sungay pa, tsk!" Pabulong na inis ni Peng. Agad ko naman s
"Hmm, hello po Tita." Mahinhin na wika ko. Ito ang Ina ni Menda. Katulad pa rin nang una, iba pa rin ang pakiramdam ko sakaniya. Sa Oras na ito, tila'y gusto ko siyang yakapin. Ang Gaan nang pakiramdam ko. Tama na nga self, mukhang may mali na sayo! "Nelia, mabuti na lang at naka-dalo ka. Akala ko bibiguin ako ni Anderson. But now, I'm very happy dahil nandito ka." Nakangiti na wika niya. Pakiramdam ko na dadala ako sa mga sinasabi niya. "Ahm, opo. Nag-usap po kami ni Anderson tungkol rito. Maraming salamat din po sa pag-imbita." Nakangiting wika ko rin sa kaniya. Ikinagulat ko ang biglang ginawa niya. Muli niyang ginawa ang paghawak niya sa mukha ko. Ginawa na niya ito sa hospital. Eiii KALMA lang self, wala naman ibang meaning ang pakiramdam na 'to! Please, lang tama na ginugulo mo lang ang pakiramdam ko. Agad akong umiwas sa paghimas niya sa mukha ko. "Pasensya na po Tita. Ahmm, baka hinahanap na rin po kayo ni Menda. Sige na po, ayos lang po kami rito. Mag-iing