Ang daming mga nakatingin sa amin, saksi sila sa ginawa sa 'kin ni Anderson. Kahit sila gulat din na nakatitig sa amin. Kalaunan, binitbit ako ni Anderson patungo sa isang kwarto. Hindi lo masabi kung kwarto ba talaga 'to, dahil para sa akin isa na 'tong bahay sa sobrang laki.
Narito ako ngayon sa kwarto, iniwan ako ni Anderson dahil may tatapusin lang daw siya. Nahihiya akong lumabas upang makipagkwentuhan sa ibang mga taong naririto. Dahil sa mga itsura nila kanina, parang hindi nila ako gusto. Pero, may iilan naman na magandang nakitungo sa akin kanina. Masasabi kong nakakainis si Anderson dahil padalos-dalos siya sa kanyang disisyon. Ngunit, wala na rin akong magagawa kundi tanggapin ang gusto niya. Tama rin naman siya, dahil ang pakikipagsiping ginagawa lamang ng dalawang makapares, lalo na kung mag-asawa na. Wala akong ibang magawa rito kundi ang mapahiga, siguro ramdam ko ngayon ang pagod at sakit ng mga hita ko. Matapos nangyari ang mga bagay na 'yon. Ang bilis ng oras, dahil sa isang gabi hindi na ako pinakawalan ni Anderson. Tapos nasundan pa, ano na lang ang gagawin ko kung masusundan pa ulit. Ang daya naman nito. Maya-maya tuluyan akong tinamaan ng antok. Mahigpit akong nakayakap sa unan na naririto. Kalaunan, naramdaman kong may biglang yumakap galing sa likuran ko. Dahil sa amoy niya, nakilala ko agad. "Honey, I want to sleep with you," malambing niyang boses. Hindi ako sumagot, tanging nanatili lamang ako na nakapikit. Sa ngayon, nahihiya pa ako sa kanya dahil nagkakilala palang kami. Pero, naging ganito agad ang lahat. "Just sleep there, ipagluluto na lang kita para paggising mo may masarap ka agad na makakain." Akmang tatayo na siya, subalit hindi ko napigilan ang sarili ko at bigla ko siyang niyakap sabay subsob sa leeg niya. Ang pakiramdam na 'to hindi ko lubos maintindihan. Gusto ko siyang makasama, ayaw ko siyang umalis ngayon. Nagising akong wala siya sa tabi ko. Saan kaya siya nagpunta. Sa totoo lang wala pa akong masyadong alam tungkol sa kanya. Kahit nag-aalinlangan ako ngayon, ginawa kong bumangon para magtungo sa 'baba. Kahit papano hindi ako pwedeng manatili lang sa loob ng kwarto. Pagkababa ko, nasa akin ang tingin ng lahat. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, nahihiya pa ako sa kanila. Binigyan ko lamang sila nang matamis kong ngiti. Subalit, wala manlang emosyon ang mga itsura nila. Naisip kong bumalik na lang sa kwarto, dahil parang hindi naman nila ako tanggap rito. Akmang tatalikod na ako, pero. "Magandang araw Seniorita!..." sabay-sabay nilang bati. Tila'y nanginginig ang katawan ko ngayon. Anong Seniorita ang pinagsasabi nila. Hindi ko maintindihan. "Seniorita, ikinagagalak kong makilala kita," nakangiting sambit sa akin ng babaeng naka salamin. "Kahit ayaw ko, masaya pa rin ako dahil nagkaroon na ng babae si Seniorito. Kaya congrats, dahil ikaw pa lang ang babaeng kusang dinala rito ni Seniorito." . "Yes, po kaya welcome ma'am." "Grabe ang sweet niyo naman kanina, nakakakilig...." Mga sambit nila, wala akong masabi. Ngiti lamang ang aking nagawa. Ngayon, tuluyan na akong bumaba upang makipagkwentuhan sa kanila. Isa isa silang nagpakilala, ganun rin ako sa kanila. Masaya akong makipagkaibigan muli sa iba. Nakakatuwa sila. Ilang minuto dumating si Anderson. Hindi ko alam kung ano ang gagawin niya. Seryosong siyang naglakad palapit nang palapit sa 'kin. Nang nasa tapat ko na siya, ikinagulat ko na lamang ang pagbuhat niya sa 'kin. Pumipiglas pa ako, ngunit hindi niya ako ibinababa. Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa 'taas. Napapikit na lamang ako dahil takot akong makita ang hagdan, baka mahulog pa ako. Ano ba kasi ang naisip ng Anderson na 'to para gawin sa 'kin ito. Nang nakarating kami sa kwarto, inilapag niya ako nang dahan-dahan sa kama. Ngayon, nasa ibabaw ko siya. Tumingin siya sa labi ko, dahilan na ibinaling ko ang paningin ko sa ibang direction. "Hmm, sa makalawa, ikakasal ka na sa 'kin, Mrs. Nelia Montealto." "Huh????" "I'm sorry, maaga akong umalis kanina nang walang paalam. Ipinahanda ko lamang ang ating kasal." "Ehh, to-totoo ba ang sinasabi mo?" "I'm serious, kaya umayos ka rin sa 'kin." Napatango na lamang ako. Bakit ganito ang bilis nang takbo ng puso ko. Ikakasal na ako sa makalawa, hindi talaga ako makapaniwala. Kalaunan, nagpaalam muna siya para magbihis. Kaya naman pala wala siya dahil pinahanda niya ang kasal. Handa na ba ako? Kinakabahan ako, sa makalawa na agad igaganap. Hindi ko pa nga kilala ang pamilya niya. Paano na lang kung hindi nila ako tanggapin. Paano na lang din kung magtanong sila kung paano kami nagkakilala ni Anderson. Ano na lang ang isasagot ko. Maya-maya, tumumbad sa harapan ko si Anderson na nakasando at naka-boxer lang. Napakagat na lang ako sa labi ko. Hindi, hindi pwedeng may mangyari ulit sa amin. Ano ka ba naman self huwag ka nga mag-isip nang ganyan. Walang alinlangan na tumabi siya sa 'kin sabay bigla na pagyakap. "Anderson, pwede naman siguro na hindi ka nakayakap sa akin, diba?" nahihiyang sambit ko. "Why not? I want it, I love hugging you, honey." "Ahmm, opo nga, sa-sabi ko nga po." "Wait a minute, what did you call me again? Anderson???" "Huh? hi-hindi, lo-love kaya ang tawag ko sayo." "Seriously huh?" Dahan-dahan niyang inilapit sa 'kin ang mukha niya kaya napaatras din ako nang kaunti. "Love nga po ang sinabi ko," sabay tulak nang tulak sa kanya nang mahina. "Ok, huwag ka lang ulit magkamali," bulong niya. Ramdam ko ang init nang kanyang hininga sa leeg ko. Napalunok laway na lamang ako. "Honey, just be ready. Gusto kong makita sa kasal natin na ikaw ang pinakamganda sa lahat." "Ahmm, ano ba ang gagawin ko?" "May darating na mga make-up artist and designer here para kunin ka." "Huh? Bakit ano gagawin nila sa akin?" "Don't worry, sila na ang bahala." Tumango na lamang ako. Kalaunan, niyakap nanaman niya ako. Wala akong ibang magawa kundi hayaan siya sa gusto niyang gawin. Minsan rin kasi, nakakatakot siyang tumingin kapag galit. Ang mga mata niya parang gustong kumain ng tao. Kaya, sino ang hindi matatakot sa ganito. Pero, ayos lang pakiramdam ko naman komportable ako sa kanya.Sa araw na 'to maaga akong kinuha rito sa bahay ng mga nagpakilalang make-up artist daw. Wala akong ibang magawa kundi ang sumama, dahil si Anderson naman na ang nag-utos. Ilang Oras na lang gaganapin na ang kasal. Masyadong naging mabilis ngayon. Ngunit, ayos lang dahil nakilala ko na ang side ni Anderson kahapon. Masaya at mabait naman pala makisama ang kapatid niyang babae sa 'kin na si Kate. Ganon rin ang Mommy Len at Daddy Ramon niya. Kahit papaano, nakakaramdam pa rin ako nang excitement ngayon. Dahil, sa wakas matutupad na rin ang pangarap kong ikasal. "Seniorita, ready ka na ba mamaya?" excited na sambit sa 'kin nang isang nag-ayos sa buhok ko. "Oo nga naman, ang galing pa mamili ng babae ni Seniorito dahil sobrang ganda mo." "Kahit walang make-up ang ganda ganda na nga ehh, mas lalo lang gumanda ngayon." Tumango ako sa kanila at ngumiti. Kinakabahan rin naman ako ngayon, paano kung bigla pala akong madulas habang naglalakad ako sa gitna ng simbahan, ano na lang sasabi
"Nelia anyare? Ano ba naman 'yon. Sayang ikakasal ka na ehh, may humadlang pa.""Oo nga, tama si bakla, sino ba ang babaeng 'yon, Nelia? Rinig ko sa mga sabi sabi fiancee daw ng Anderson na 'yon.""Tama ka diyan girl, napakawalang hiya naman pala ni, Anderson. Kasi may fiancee na pala siya, tapos gusto ka niyang pakasalan, eww naman siya.""ANO BA BALAK NIYA! GAWIN KANG KABET! Naku, huwag kang basta-basta na lang papayag sa ganon, dahil ang ganda ganda mo. Para kang modela at ang talino mo pa. Tapos gagawin ka lang KABET ng walang hiyang lalaking 'yon. Naku naman! Baka gusto niya ng digmaan.""Nelia, nakikinig ka ba sa sinasabi namin ni Pengpeng, sayo? Diba bakla?""Oo nga naman, Nelia. Kanina ka pa diyan nakatanaw sa ibaba. Bakit ano ba meron diyan? May mga malilit ba na taong nandiyan, na hindi namin nakikita?""Hahah, may duwende ba diyan??" sabay halakhak nilang dalawa. Ano ba ang sasabihin ko. Hindi ko na alam, sa ilang araw lang napamahal na rin sa akin si Anderson. Ano na lan
"And where did you think are you going?" Malamig na boses, napalingon ako kung saan banda 'yon. Nakita ko si Anderson na na nakaupo sa isang upuan habang kaharap ang loptop niya. Hindi ako nagsalita, bagkus niramdam ko lamang ang katahimikan ng paligid at masyadong madilim. "Tell me. SAAN KA NANGGALING???" Buong boses nito, dahilan na nanginig ako. Biglang tumayo ang balahibo ko nang tumayo siya sa kaniyang kinauupuan sabay tingin sa akin ng malalim. Dahil sa nanlilisik niyang mga mata napahawak ako nang mahigpit sa damit ko."Ano tatayo ka na lang ba diyan? Saan ka nang galing? At sino sino ang mga taong kasama mo?" Seryosong tugon niya."Ahmm, ehh, a-ano, ano ka-kasi..." Nanginginig ako kaya hindi ako mapakapagsalita nang maayos."What!?""Mga kaibigan ko." Mabilis kong sabi."Tsk! And who the hell is that guy, na naging kayakap mo???" Nanlaki ang aking paningin sabay lunok ng laway ko. Parang biglang nagblanko ang aking isipan. "I said who the hell is he???""Ahm, ka-kaibigan ko
Nagising ako dahil sa sinag ng araw. Hindi pa tuluyan na bumubukas ang mga mata ko, ramdam ko ang sakit sa ulo at ng buong katawan ko. Kinapa ko ang aking katabi, ngunit wala si Anderson. Saan na naman kaya siya pumunta. Hmmm, may pasok na naman siguro. Dahan-dahan akong bumangon, subalit hindi makaya ng katawan ko. Napahawak ako sa pagitan ng hita ko dahil sa hapding naramdaman nito. "Aray, ano ba naman 'to. Ang sakit sakit, bakit masakit pa rin? Ilang beses naman nang may nangyari sa amin ni, Anderson," mahinang tugon ko.Bumalik ako sa kama at maayos na umupo. Pakiramdam ko lumilindol, nahihilo lang pala ako. Hmmm, bakit ba naman kasi ang laki ng espada niya ang sakit sakit tuloy. Kunot noo kong inabot ang cellphone ko sa mesa. Nais kong tawagan ngayon ang mga kaibigan ko."Hello." Dahil sa sakit ng ulo ko, mahinang boses ang lumabas sa bibig ko."Ohh, Nelia, anong nangyari? Ehemm! Bakit parang ang hina mo ngayon? Ayos ka lnag ba girl?""Oum, ayos lang ako Pengpeng, kayo naman kum
"If you don't want to say to me. I'm not allowing you to go outside. You'll need to stay on my side." seryosong tugon niya. "Eat this, ubusin mo. This is healthy food for you," dagdag pa niya. Tumango ako at kinuha ang pagkain. Dahan-dahan niya itong inilapat sa akin. Hindi ko alam pero, parang nahihiya pa ako sa kanya. Kalaunan, bigla niya akong sinunggaban ng halik. Ano ba naman, pabigla bigla na lang. Napakagat ako sa labi ko habang tumalikod sa kanya. Hindi pwedeng basta-basta na lang 'to. "After you eat. Dadalhin kita sa company ko. That's why, tapusin mo 'yan agad." "Ahm, ano gagawin ko?" "Later, you will know." "Ahm, okay." Humakbang siya, kaya naisip kong lalabas na naman siya. Ayos lang naman sa 'kin, basta bumalik din siya sa 'kin. Ay, hindi, hindi, ano ka ba naman self, ano na naman ang iniisip mo diyan. Tumigil ka na lang kaya, kailangan rin siya ni Myrna. May kung anong kirot ang bumalot sa dibdib ko. Ewan, parang pakiramdam ko, nagseselos ako sa Myrna na 'yon. Pa
Matapos ang kasarapan at mabilis na pagbayi ng asawa ko. Pareho kaming naghabol nang hininga. Pati ang aming mga pawis ay tulong tulo na. Ramdam na ramadam ng buong katawan ko ang pagod. Napayakap sa akin si Anderson hanggang sa ako ay nakatulog. ANDERSON POV. "I want everything ready at the company, especially my office. I'll be arriving with the woman I love the most. So, make sure everything is in order." I coldy said. "My wife is still sleeping. I exhausted her with what I did to her earlier. I'll gently touch her lips while admiring her beautiful face. I think fate brought us together, and now we're meant to be. She stirred, so I paused. Still, I kissed her forehead. I waited for hours for her to wake up. It was almost 2 pm. With nothing to do, I organized her new belongings. I tidied up the room, so when she wakes up, she won't see any mess." Ilang minuto, I saw her, na napabangon at napapunas sa mata niya. I'm still watching her cute face. "Are you able to get up?"
NELIA POV. Maayos naman ang lahat dito sa company. Ang pinagkaiba nga lang, masyadong protected si Anderson sa 'kin. Parang loko, secretary nga lang niya kanina ang lumapit sa 'kin pinagselosan pa agad. Kawawa tuloy ang secretary, kasi pinagalitan niya nang wala sa oras. Tapos ngayon, naririto naman kami sa loob ng kwarto ng opisina niya."Nelia, honey, mag-ready ka na, may importanteng lalakarin tayo.""HUH? Saan naman tayo pupunta? Hindi pa ba tayo uuwi? Parang gabi na kasi, isa pa diba delekado ngayon sa labas?" "Honey, ang bilis mo naman makalimot? I told you lately, we have a dinner with my relatives. I'm not going if you're not with me." "AHM, Oo nga pala, sorry nakalimutan ko agad." Napasapo ako sa aking noo sabay sabi sa isipan na kung bakit masyado ka ngayon makakalimutin, self. Mag-focus ka nga. "Honey. what are you doing? DON'T HURT YOURSELF." Lumapit siya sa 'kin at hinimas ang noo ko sabay halik niya dito."Sorry," mahina kong tugon, ngunit malambing naman ito. "Don
Wala akong ibang magawa kundi ang manahimik. Hindi din naman ako pwedeng gumawa nang gulo. Lalo na isang malaki at napakahalaga ng dinner na ito. "Lola, you're here. I'm sorry lola, nagutom na po kasi ako ehh, kaya pumilit po ako sa kanila na mauna na kami kakain." Sa kanyang boses naririnig ang paglalambing. Lumapit siya sa lola niya at yumakap."Mabuti ka pa, marunong gumalang, kaysa sa isa mong pinsan diyan. Walang mudo, namili pa nang walang kwenta babae. Hindi naman makakatulong sa business." "Lola naman, hayaan na lang natin sila, okay? Ang ganda-ganda mo pa naman, nag papa-stress ka pa," natatawang tugon nito."Lola, I think, sa iba na lang po tayo kumain. Mukhang umalingawngaw ang baho rito. Siguro, dala ng babaeng Nelia, na 'yan. Of course lola, hindi naman natin gusto ang makipagsalo sa ganitong kabaho, right?" Maarte na sambit ni Myrna. Nakatingin siya sa akin nang deretso at tumataray. Pansin ko ang kamay ni Anderson, na nanyuyumo. Kaya, agad ko itong hinawakan, upang m
NELIA POV."Doc, kumusta po ang result? Maayos lang naman po siguro ang lagay ko po diba? Doc, wala naman po siguro akong malalang sakit diba? Maayos lang ang lagay ko. Wala akong stomach cancer diba?" Tarantang tanong ko sa doctor. Kahit paano ay natatakot din akong alamin ang totoo. Takot ako na kung ano ang mangyari sa akin. "Wait Mrs. Nelia Montealto. Ahmm, huwag po kayong mag-alala, walang problema. Maayos lang ang lahat. Normal naman ang naging resulta. Hindi din bad news kundi ay isang good news," nakangiting wika nito."Huh? Anong good news? Ilang araw pong naging masakit ang tiyan ko. Tapos, duwal po ako nang duwal. Nahihilo din po ako palagi. Minsan kapag nakakaamoy ako nang mabahong amoy naduduwal din po ako. Tapos, may mga gusto akong gawin at kainin. Yung tipong, atat na atat po ako. Tapos naiinis ako kapag hindi ko 'yon makuha. Doc, anong good news do'n?" Pagtataka ko, subalit nakangiti lamang siya sa akin."Ma'am, you're pregnant." Tila'y huminto ang oras ko nang mari
Sa ngayon wala akong gana makipag-usap. Kaya, hinayaan muna ako ni Anderson. Gusto kong mapag-isa siguro naman ganun din ang nararamdaman niya. Magkaiba kami ng kwarto pero iisa pa rin naman ang tinutuloyan namin' dalawa. Marahan akong napahiga sa kama pilit na natutulog pero hindi ako makatulog dahil ang daming bumabagabag sa utak. "Aray!" Mahinang tugon ko sa sarili ko subalit may malalim itong tuno. Ang sakit ng tiyan ko, sobra ang hapdi. Dapat pala nag-pacheck up na ako. Ilang araw nang ganito ang nararamdaman ko. Pero, hindi ko manlang pinapansin dahil ang dami kong inunang bagay. Bukas na lang siguro. PENGPENG POV. "Bwesit na Menda 'yon, wala na ba siyang ibang magawa kundi saktan ang kaibigan natin? Walang hiya siya, malandi talaga. Halata naman na hindi siya papatulan ni Anderson diba? Kaya bakit si Anderson pa talaga ang naging ama ng anak niya? Tsk! Bwesit!" Pasigaw na bulalas ko rito sa condo ko habang kaharap ko sina Mylene ay David. "Tama na Peng, tama na
Mahigpit akong hinawakan ni Anderson. Hinila niya ako sa mga kaibigan ko. "Love, ano ba ang ginagawa mo? Bitawan mo ako love, baka kung ano ang isipin ng mga nakatingin sa atin..." Pagpupumiglas ko sa kaniya. Ngunit, tila'y hindi niya 'to naririnig. Nagawa ko pang pumiglas ulit. Subalit, mas humigpit lang ang pagkahawak niya sa akin. "Aaa!" Biglang sigaw na lumabas sa aking bibig, matapos akong matapilok. "Ang sakit..." Dagdag ko pa. Napatigil siya kaya napahinto rin ako. Humarap siya sa akin at ibinaba niya ang tingin niya sa mga paa ko. Puno nang pag-aalala ang mga mata niya. Pwede bang alalahanin mo muna ang sarili mo bago ako. "I'm sorry." "Teka, ano ang ginagawa mo?" Bulalas ko nang bigla niya akong binuhat. "I'm sorry, ilang beses na kitang nasaktan." Ramdam na ramdam ko ang bumabalot na pagsisi at kalungkutan sa tinig ng boses niya. Hindi ako naka-sagot, bagkus ay deretso lang ang tingin ko sa mata niya. Kalaunan, nagpatuloy siyang maglakad habang bitbit ako.
Dahan-dahan na nais kumawala ng luha ko. Ngunit, pilit ko 'tong pinigilan. Saksi ako sa magulong iniisip ni Anderson. Sino ang pakikinggan ko ngayon ang puso ko ang puso niya. Marahan kong inayos ang sarili ko sabay hinga ng malalim. Napahawak ako sa kamay niya ramdam ko ang panlalamig niya. Maya-maya pa, pansin ko ang pagtulo ng luha niya. Lubos akong nasasaktan, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko o ang gagawin ko. Pangarap ni Anderson ang magka-anak, pero hindi ko pa naibigay. Ngayon naman buntis si Menda sa kaniya. Paano na ako nito, natatakot akong mawala siya sa akin. Maya-maya pa, humarap siya sa akin. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon ko. Bigla siyang napayakap sa akin. Ngunit, ang kaninang pagluha niya ay napalitan ng galit. Ramdam na ramdam ko 'to kahit hindi niya sa akin sabihin."No, hindi ko matatanggap 'to. Honey, promise me please. You won't leave me. Just stay at my side. I'll promise I will do everything para malaman kung ano ko ba talaga ang pinagbu
"Ohh, anyari do'n? Narinig lang naman niya na bulong bulongan ka ng iba, tapos magtataray siya?" Inis na wika ni Mylene. "Ahm, hayaan niyo na lang. Isa pa, ayaw ko din ng gulo. Iwasan natin ang gulo rito, nakakahiya inimbita niya tayo rito. Kaya, umayos na lang tayo sa galaw natin." Kalmadong aniya ko naman. "Ohh, siya sige. Hayaan na lang natin, total lumabas na rin siya baka mag-announce na siya sa gusto niyang sabihin." Dagdag pa ni Peng. "Oum, baka nga," sabay ngiti ko. "Huwag kang mag-alala, kahit ano pa ang sabihin niya o gawin niya. Kami ang bahala sayo Nelia," pag-aalala ni Mylene. "Oum," sabay tango ko. "Okay everyone, good evening. Now, mag-uumpisa na tayo. Narito na ang ating birthday girl, na parang isang anghel na bumaba sa lupa. Nakikita naman sa kaniyang itsura na minana pa sa kaniyang Ina." Mahabang sanaysay ng isang lalaki sa harapan at nakangiti pa. "Sus, anong anghel ang sinasabi niya? Baka nga may sungay pa, tsk!" Pabulong na inis ni Peng. Agad ko naman s
"Hmm, hello po Tita." Mahinhin na wika ko. Ito ang Ina ni Menda. Katulad pa rin nang una, iba pa rin ang pakiramdam ko sakaniya. Sa Oras na ito, tila'y gusto ko siyang yakapin. Ang Gaan nang pakiramdam ko. Tama na nga self, mukhang may mali na sayo! "Nelia, mabuti na lang at naka-dalo ka. Akala ko bibiguin ako ni Anderson. But now, I'm very happy dahil nandito ka." Nakangiti na wika niya. Pakiramdam ko na dadala ako sa mga sinasabi niya. "Ahm, opo. Nag-usap po kami ni Anderson tungkol rito. Maraming salamat din po sa pag-imbita." Nakangiting wika ko rin sa kaniya. Ikinagulat ko ang biglang ginawa niya. Muli niyang ginawa ang paghawak niya sa mukha ko. Ginawa na niya ito sa hospital. Eiii KALMA lang self, wala naman ibang meaning ang pakiramdam na 'to! Please, lang tama na ginugulo mo lang ang pakiramdam ko. Agad akong umiwas sa paghimas niya sa mukha ko. "Pasensya na po Tita. Ahmm, baka hinahanap na rin po kayo ni Menda. Sige na po, ayos lang po kami rito. Mag-iing
Na una si Anderson sa birthday ni Menda. Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako ngayong araw. Hindi ko naiintindihan ang tibok ng puso ko. Sobrang gulo, nag-aalangan tumuloy. Kaso nga lang naka-bihis na ako ngayon at nasa loob ng sasakyan. Naka-sandal lang ang ulo ko ngayon bandasa bintana, habang iniisip ang lahat. Hindi ko na nga alam kung ano ang uunahin ko. "Sana maging maayos lang talaga ang gbing ito." Mahinang sambit ko sa sarili ko. "Ma'am ayos lang po ba kayo?" Hindi ko alam kung sino ang nagsalita. Wala akong gana ngayon na makipag-usap sa iba. Hayts, kami lang din naman ng driver ni Anderson ang nandito ehh. Sino pa ba ang iniisip ko. Hays, mukha na talaga akong tanga sa mga ginagawa ko ngayon. "Bakit kasi ganun..." sabay buntong hininga ko. "Ang alin po ba ma'am? May problema po ba ma'am?" Umaatras ang dila ko kasi hindi ko rin naman alam kung ano ag isasagot ko. Hindi naman sa snober, sadyang ewan. Nanatili na lang akong tahimik habang nasa malayo pa rin ang tingi
Maya-maya lang lumabas si Anderson. Bagong ligo siya pero hindi ko 'to pinansin pa. Syempre umarte pa rin akong hindi nasasaktan. Nakaka-pagod din ang magpanggap pero wala akong ibang pagpipilian. Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko. Pinagmamasdan ko lang siya at hinihintay na may sasabihin siya. Nang kinapa niya ang kama, agad kong napansin ang invitation card. Hindi ko pala 'yon na-itago. Akmang kukunin ko na 'to, subalit inunahan niya ako kaya hindi na lang ako umimik pa. Unang tingin pa lang niya alam na alam na niya. "Invitation card? Sino nagbigay? Si Menda? Nagkita kayo?" Sunod-sunod na tanong niya. "Ahmm, oum, pumunta siya rito kanina. Tapos sabi niya, may malaking importanteng bagay daw siyang i-announce sa birthday niya. Kailangan ko raw pumunta para malaman ko." Mahinahon na sagot ko. Nasa kumot lang ang tingin ng mga mata ko. "Okay...." Pansin ko ang malalim niyang paghinga. "May problema ba love?" "Ahmm, nag-aalala lang ako. Baka kung ano ang gawin niya b
BACK TO NELIA POV.Napa-kapa ako sa kama dahil sa pag-vibrate ng phone ko. Kahit inaantok pa ako, agad ko pa rin itong binuksan dahil iniisip kong si Anderson ang nag massage. Napangiti naman ako. Ngunit, nang tuluyan ko itong buksan. Laking gulat ko na lang ang nakita ko. Tila'y dinurog ang puso ko. Mga malamig na patalim ang tumarak sa dibdib ko. "Love, bakit ganun...." Mahinang sambit ko sa sarili ko. Dahan-dahan na tumulo ang mga luha ko. Akala ko hindi na siya uulit, pero bakit sa litratong 'to makikita ko kung paano sila naghahalikan ni Menda. Hindi ko napigilan ang aking puso. Dahil sa sobrang sakit napa-iyak nang napa-iyak. Sana umuwi ka na lang, kailangan pa bang makipaghalikan sa iba bago ka umuwi. Masyado akong emosyonal ngayon. Sobrang sakit, sobra pa sa sobra.Mahigpit akong napayakap sa unan ko. Damang dama ang lamig na 'to. "Bakit ba ganun, bakit ganun. Anderson, siguro naman hindi totoo ang litratong 'to. Nilalandi ka lang ni Menda diba?" Kahit anong deny ko sa nak