Share

Chapter 6

Author: iamAexyz
last update Last Updated: 2025-09-03 08:28:47

NATASHA

Umuwi muna ako ng bahay. Gabi na. Pagkababa ko ng tricycle ay siyang pagdaan naman ni Pinang. May hawak pa itong palamig at isaw.

Pagod na ako at gusto ko nang magpahinga ngunit humarang si Pinang sa daraanan ko. Ibinuka pa nito ang mga kamay para hindi ako makadaan. Kung nais na naman nito ng away wala ako sa mood ngayon. Problemado ako kaya huwag siyang hahara-hara sa daraanan ko kung ayaw niyang masaktan.

"Wala ako sa mood ngayon. Kaya tantanan mo muna ako," pagod ko nang wika.

"Chill, hindi kita aasarin. Nabalitaan ko ang nangyari. Kumusta na ang nanay mo?" concern na tanong nito. Halatang hindi naman peke ang pag-aalalang ipinapakita nito kahit na palagi kaming mag-kaaway.

Maliban kasi sa kontrabida siya sa buhay ko, kapitbahay ko rin siya. At medyo mabait siya kay nanay. Binibigyan kasi siya ng nanay ko ng ulam palagi. Hindi ko alam kung bakit close sila pero galit naman ito palagi sa akin. Kaya nga kinokompetensya nito ang mga negosyo ko.

"Kailangan mo ba ng pera? Pwede naman kitang pahiramin. Kakalimutan ko muna ang asar ko sayo." Inipit nito sa bibig ang isaw na hawak at binuksan ang maliit na bag na nakasabit sa balikat nito.

Mabuti pa ito, concern kahit na araw-araw para kaming aso't pusa.

"Salamat na lang. Pero isang million ang kailangan ko."

Biglang nalaglag ang isaw na nasa bibig nito. Napainom din ito sa palamig na hawak.

"Isang milyon?! Bakit ang mahal?" Nanlalaki ang mata nito, hindi makapaniwala sa halagang nabanggit ko. Kahit ako nabingi ng marinig ko ang halagang iyon.

Tindera lang ako ng gulay sa palengke. Kahit buong taon akong magtinda, hindi ko kikitain ang ganoon kalaking pera.

"Kailangan niyang operahan sa puso," laglag ang balikat na sagot ko.

Isa pang problema ko iyon. Hindi ko man lang alam na may dinadamdam na pala ang aking ina. Pakiramdam ko napabayaan ko ito. Anong klaseng anak ako?

Tumingin ito sa paligid, kaliwa at kanan upang tingnan kung may nakakakita sa amin. Gabi na kaya wala nang gumala, kaya hindi na dapat ito mag-alala. Isa pa hindi ko alam kung bakit ganito ang akto niya.

Lumapit ito sa akin at bumulong, "May pera kana bang pagkukunan?" Umiling ako. Kaya nga ako umuwi para mag-isip ng paraan. "Wala pa? May i-aalok ako sayo. Malaki ang kitaan dito, maganda ka naman. Kaya alam mo na? Ibenta mo ang gandang iyan para solve na agad ang problema mo."

Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. "Anong ibig mong sabihin?"

"Hindi naman sa binibugaw kita, ha. Pero may pinsan kasi ako. Kumikita ng malaki sa isang gabi. Alam mo na. Baka gusto mong subukan." Alam ko na ang tinutukoy nito. Ipagbebenta ko ang aking dangal.

Iyon na lang ba ang tanging paraan? Wala na ba akong ibang pagpipilian? Ang tagal kong iningatan ng pagkababae ko. Tapos makukuha lang ng kung sino. Iniisip ko pa lang nandidiri na ako.

"Pinang salamat na lang sa alok mo. Pero hindi kaya ng sikmura ko ang inaalok mo." Sinabi kong gagawin ko ang lahat pero hindi ko naman kayang magbenta ng laman.

Hahanap muna ako ng ibang paraan. Hangga't may pagpipilian ako hindi ko papatusin ang alok ni Pinang.

Baka kapag nalaman ni nanay ang gagawin ko, tuluyan na itong atakihin sa puso.

"Ikaw ang bahala. Basta kapag nagbago ang isip mo. Tawagan mo lang ako," anito. Dumukot ito ng pera mula sa bag. "Ito tanggapin mo. Maliit lang iyan pero sana makatulong." Inabot nito sa aking ang tatlong libong hawak pero hindi ko iyon kinuha. Kinuha nito ang kamay ko at inilagay doon ang pera. "Tanggapin mo na 'yan. Hindi iyan para sayo, kundi para sa nanay mo."

"Salamat." Naiiyak ako dahil sa kanya. Siya iyong araw-araw na kinaiinisan ko. Iyong araw-araw kabardagulan ko pero siya pa ang naunang tumulong sa akin.

"Sige, mauna na ako. Manonood pa ako ng k-drama," paalam nito. Tinapik muna nito ang balikat ko bago tuluyang pumasok sa tarangkahan nila.

Madilim ang bahay ng pumasok ako. Hindi gaya noon na lagi akong sinasalubong ni nanay.

Napaupo ako sa maliit naming sofa. Tila sasabog ang utak ko kaiisip kong saan ba ako kukuha ng ganoon lalaking halaga?

Pumasok ako sa kwarto ko. Nahiga ako sa kama. Wala pa akong kain pero hindi ako nakakaramdam ng gutom dahil sa problemang kinakaharap ko.

Kinuha ko ang selpon kong lumang-luma na ito. Naghanap ako ng mga taong pwede kong utangan pero wala naman akong makita. Mga naghihikahos din sa buhay ang mga pangalang nasa phonebook ko.

May pera naman ako pero hindi pa yata aabot ng sampong libo. May ipon naman ako sa bangko pero wala pa iyong singkwenta mil. Kaya talagang sumasakit ang ulo ko sa kaiisip kung saan ako kukuha ng pera.

Bumangon ako at kinuha ang isang maliit na notebook sa ilalim ng mga damit ko. Binuklat ko iyon at nakita ko ang isang address. Ang address ng aking ama. Sampong taon na mula ng huli ko itong makita. Sampong taon na mula ng ipagtabuyan nila ako.

I was eighteen when my grandmother died. Nasagasaan siya pero hindi nakulong ang maysala dahil pinalabas na aksidente ang nangyari. Natapalan nila ng pera ang lahat ng nakakita, maging ang nag-imbestiga. Ganoon naman ang mga mayayaman, lahat idinadaan sa kanilang yaman. Hindi sila nahuhuli sa mga nagawa nilang kasalanan.

Nang malaman iyon ni Nanay ay dali-dali kaming umuwi dito sa San Vicente. Inasikaso niya ang libing ni Lola pero hindi na nabigyan ng katarungan ang pagkamatay nito dahil natapalan na ng pera ang lahat. My mother got depressed. Lagi itong tulala at minsan ay sinasaktan na ang sarili. She even tried to commit suicide. Sinisisi nito sarili sa nangyari sa nangyari kay Lola dahil para dito hindi niya nabigyan ng hustisya ang pagkamatay nito. Hindi naman talaga nabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni lola pero wala kaming pera para panigan ng hustisyang kaya sa huli pinili na lamang ni nanay na manahimik kahit masakit para rito.

She was hospitalized. Estudyante pa lang ako noon at hindi alam ang gagawin kaya lumapit ako sa aking ama. Ang pera kasing naipon ni nanay ay nagastos na sa pagpapalibing kay lola. That's why I asked for my father's help. Pero hindi man lang ako nakapasok sa pamamahay nila. Nasa gate pa lang ako, pinapakaladkad na nila ako paalis.

They called me a bastard and treated me like dirt. Pinagbataan pa nila ako na h'wag nang magpapakita sa kanila dahil kasiraan ako sa magandang pangalan ng kanilang pamilya. Nabuntis ng tatay ko ang aking ina pero dahil mahirap lang siya, hindi siya tanggap ng mga magulang ng ama ko. Sa huli na naiwang luhaan ang nanay ko at nagpakasal sa iba ang ama ko. Sa babaeng kauri niya, mayaman.

Nilapitan ko sila noon dahil wala na akong matakbuhan pang iba. Kailangan ko ng pera para pambayad sa ospital at sa treatment ni mama. Pero pinagtabuyan nila ako. Mula ng araw na iyon sinumpa kong hindi na ako muling lalapit sa kanila.

Ngunit ngayon kailangan kong lunukin ang pride ko para sa ina ko. Kung kinakailangan kung lumuhod sa harapan nila gagawin ko. Ayos lang na mawala ang pride ko huwag lang ang dignidad ko. Hindi ko talaga kayang maging isang puta kahit isang gabi lang. Mahal ko si nanay pero hindi ko kayang ibenta ang aking dangal.

Ipinikit ko ang aking mata. Bukas ng umaga, tutungo ako sa mansyon ng mga Suarez. Para kay nanay.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • One Night with the Rich Man   FINALE

    TASYA"Ahhh! Poldo!" malakas na daing ko nang bigla niyang ipasok ang pagkalalaki niya sa loob ko.Ramdam ko ang kahabaan niya sa loob ko at parang virgin ulit ako dahil parang na-strech ulit ang loob ko. Bumaon ang mga kuko sa braso niya."Fuck, Tash. I want you bad," anas niya at muling hinalikan ang mga labi ko.Pumulupot ang mga braso at hita ko sa kaniya. Muntik ko nang makagat ang labi niya habang naghahalikan kami nang mas ibaon niya ang sarili sa loob ko. Nagsimula siyang humalaw sa ibabaw ko habang magkahinang pa rin ang labi naming dalawa. May gigil ang bawat kilos niya pero naroon pa rin ang pag-iingat niya. Habang ang mga labi ko naman ay hinahalikan niya ng mariin at tila punong-puno ng pagkauhaw.Napasabunot ako sa buhok niya nang maramdaman kong malapit na ako. Mas bumilis naman ang paggalaw niya. Nagtama ang mga mata naming dalawa at ngumiti ako sa kaniya bago ko kinagat ang ibabang labi ko, napatirik ang mga mata ko nang hugutin niya sa loob ko bago muling ibaon ang k

  • One Night with the Rich Man   Chapter 86

    LEOPOLDOKumunot ang noo ko kay Mommy. Kahit hindi niya banggitin sa akin kung sino ang tinutukoy niya ay alam kong si Tash iyon."That's why I never stop looking for her. Mahahanap ko rin siya," umaasang sambit ko.Ngumiti sa akin si Mommy."Wala na ang daddy mo, kaya pwede mo na siyang makita. Sa bahay natin sa San Vicente nandoon siya."Hindi makapaniwalang napatingin ako sa ina ko."How?""Nalaman kong kinausap siya ng iyong ama para palayuin sa iyo pero buntis siya at alam kong wala siyang ibang mapupuntahan kaya tinago ko siya sa isang obvious na lugar pero hindi iisipin ng ama mo na doon siya nagtatago. I am sorry for hiding her. I just want to make her safe. I am sorry if hindi ko agad nasabi sa iyo."Mabilis akong lumapit sa ina ko at mahigpit ko siyang niyakap."Thank you."Tinapik niya ako sa balikat."Sige na, puntahan mo na siya."Humiwalay ako ng yakap sa kaniya at nakita kong nakangiti sa akin ang si Mommy.Mabilis ko siyang hinalikan sa pisngi at patakbo akong lumabas

  • One Night with the Rich Man   Chapter 85

    POLDOMy brother lost in the election.My father died.Nagbaril siya sa ulo, matapos niyang aminin ang kasalan niya niya kay Ludwick. Matapos niyang humingi ng sorry sa panganay na kapatid ko.Samantalang sa akin, hindi ko man lang siya natanong. Bakit niya ginawa ang mga bagay na iyon? Actually natanong ko na siya pero hindi sapat ang paliwanag niya sa akin noong una. Na balakid lang sa tagumpay ko si Tasha. Gusto kong pa sanang malaman, selfish lang ba talaga siya o may iba pa siyang dahilan? Bakit hindi siya nag-sorry sa mga kasalanan niya sa akin? Dapat hinintay muna niya akong dumating, dapat narinig ko rin ang paliwanag niya. Baka mas mabilis ko siyang matawad kung ganoon. Baka hindi mabigat sa dibdib ko na nawala siya na may sama ako ng loob sa kaniya. Na may galit akong kinikimkim sa kaniya.Napatingin ako sa mga kapatid ko habang inililibing ang ama ko. Kumpleto kaming lima ngayon.Umiiyak ang aming ina. Sa pagkawala ng ama namin, alam kong siya ang nasasaktan. Gusto kong sa

  • One Night with the Rich Man   Chapter 84

    POLDO"Who are you?" tanong ko sa babaeng kaharap ko ngayon.Siya ang babaeng nagpakilala na Diana kay Tasha at dahilan kung bakit muntik nang mawala ang anak namin. Ang tumulak sa babaeng mahal ko kaya dinugo ito.Kanina pa kami magkaharap na dalawa pero hindi siya nagsasalita kaya mas lalong lumiliit ang pasensya ko sa kaniya.Medyo nahirapan kaming hanapin siya pero kusa siyang nagtungo rito sa sugalan kaya hindi na sila pinalabas ni Gerry."Hindi mo ba talaga ako natatandaan? We slept before," sagot nito pero matalim ang tingin niya sa akin.Kinamot ko naman ang kilay ko.Hindi ko matandaan ang pangalan at mukha ng mga babaeng kinama ko dati dahil wala naman akong balak na kilalanin sila. At kung may nangyari sa amin dati, ibig sabihin ginusto niya iyon dahil hindi ko naman ugali ang mamilit ng babae. Sanay naman ako na sila ang kusang bumubukaka."What do you want? If we really slept before, why you pretended as Diana?"Napanganga ito sa sinabi ko."Pretended? Hindi ako nagpapang

  • One Night with the Rich Man   Chapter 83

    POLDOMag-iisang buwan na ang nakakalipas mula nang umalis si Tasha, pero hanggang ngayon, hindi pa rin ako tumitigil sa paghahanap sa kaniya.Bumalik din ako sa pag-aaral ko gaya ng gusto ng ama ko. Kahit late na ako ay pinilit niyang makapasok akong muli sa dahil lang malalakas ang kapit niya. Pati university na pinapasukan ko, ginamit niya ang baluktot na pamamaraan niya.Nandito na rin ulit ako sa mansyon nakatira, hindi dahil gusto kong bumalik dito, kundi gusto kong malaman ang bawat galaw ng ama ko. Kung wala ba talaga siyang alam kung nasaan si Tash.Busy akong magpanggap na mabuting anak sa ngayon, habang lihim kong hinahanap ang babaeng mahal ko. Oras na makita ko siya, maglalaho na rin akong parang bula.Hindi lang naman ako makalaban kay Dad dahil ayaw kong kay Tasha niya ibaling ang galit niya sa akin dahil sinusuway ko siya. Alam ko naman na halang ang kaluluwa ng ama ko. Maging ang babaeng tumulak sa kaniya, hindi na ako magugulat kung siya ang may pakana noon.Mag-iisa

  • One Night with the Rich Man   Chapter 82

    Nakipagtigasan ako ng tingin kay Dad. Tumigas ang panga ko habang nakatingin sa kaniya. Hindi ako naniniwalang wala siyanga alam."Kapag nalaman kong may kinalaman kayo, ako mismo ang sasabotahe sa lahat ng illegal na negosyo ninyo," tukoy ko sa pagbebenta niya ng mga illegal na baril.Bigla niya akong kinuwelyuhan dahil sa sinabi ko."Subukan mo, sisiguraduhin ko naman na bangkay na ng babaeng iyon ang matatagpuan mo," galit na pagbabanta niya."You can't do that!" malakas ang boses na saad ko."Don't try me."Mapakla akong napangiti sa kaniya."So you knew where she was.""Hindi ko alam kung nasaan siya, pero kaya ko siyang hanapin kong gugustuhin ko. Kaya huwag mo akong subukan. Bumalik ka dito sa bahay at ayusin mo ang sarili mo. Tinatama ko lang ang mga ginagawa mo, kaya umayos ka. Napupuno na ako sa inyong magkakapatid."Patulak niyang pinakawalan ang kwelyo ng damit ko. Naikuyom ko na lang ang kamao ko. Gusto ko siyang suntukin ngayon pero pinipigilan ko ang sarili ko. Baka kun

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status