Share

Chapter 10

Xeia's POV

"Frenny! Frenny!" sigaw ni Colline, nasa labas pa siya ng bahay pero rinig na rinig ko na ang boses niya. Nagulat naman ako sa pagdating niya rito sa bahay. Limang araw na ang lumipas nung nag-entrance exam kami sa Lakestone University. Nung pinayagan na ako ni tatay na tanggapin ang offer ni Ms. Atienza ay tinawagan ko siya sa para sabihin na pumapayag na ako, binigyan niya ako ng calling card niya nung nasa cafe kami. Bukas ay magsisimula na raw akong magtrabaho sa kanila.

"Bakit ka ba sumisigaw? Ang aga-aga, e," tanong ko nang dumaretso siya rito sa kusina, nakabukas naman ang pinto, e. Nilingon ko siya dahil nakatalikod ako sa kaniya, nagluluto ako ng almusal namin ni tatay. Paglingon ko sa kaniya ay nakangiti siya sa akin. Parang mapupunit na ang mga labi niya dahil sa ngiti niya. Nagtaka naman ako sa inaasal niya ngayon.

"Nakapasa ako!" tuwang-tuwang sabi niya sa akin. Niyakap niya agad ako at yinugyog niya ako ng yinugyog. Pinakita niya sa akin ang cellphone niya na may text na 'Congratulations, Ms. Romero. You passed the exam'. "Nakapasa ako! Sa'yo ba, nagtext na?"

"Hindi ko pa nakikita, wait," sabi ko. Kinuha ko ang phone ko sa kwarto para tignan kung nakapasa ba ako. Masaya ako para kay Colline dahil nakapasa siya, ako kaya? Kinakabahan kong biuksan ang phone ko. Pinikit ko ang mga mata ko at pagkadilat ko ay tumambad sa akin ang isang text galing sa Lakestone University. Ite-text ka nila kung nakapasa ka o hindi.

"Ano, Frenny? Nakapasa?" excited na tanong ni Colline, pumasok siya rito sa kwarto. Pilit niyang sinisilip ang phone ko. "Siguradong pasado ka!"

Huminga muna ako ng malalim at saka binuksan ang message. Kinakabahan akong binasa ang message.

"OMG!" sigaw ko nang malaman ang laman ng message. "Nakapasa ako, Frenny! Nakapasa tayo!"

Nagyakapan naman kami dahil sa tuwa at nagtatatalon. Hindi ako makapaniwala na nakapasa ako! Dream come true! Pangarap ko talaga na makapasok sa Lakestone University. Promise na pagbubutihin ko ang pag-aaral dito.

"Anong ingay 'yan?" Biglang sumulpot si tatay sa pintuan, nagising ata namin siya. Napahinto naman kami sa kakasigaw at kakatalon. Nilingon namin siya at saka tinignan siya ng nakangiti, nagtaka naman siya. "Anong meron sa inyong dalawa?"

"Tay, nakapasa ako! Nakapasa kami ni Colline!" masayang kong balita kay tatay. Lumaki naman bigla ang mga mata niya sa mga narinig.

"Talaga?"

"Opo, tay!" Lumapit ako sa kaniya at pinakita ang text galing sa University. "Di ba?"

"O, tara, tara. Dapat i-celebrate natin 'yan," aniya. Tuwang tuwa naman akong tinulak ang wheelchair niya papunta sa kusina, sumunod naman si Colline sa amin.

"Oh, ito. Ibili mo ng soft drinks."

"Pera ko na po, tay." sab ko.

Bumalik ulit ako sa kwarto para kunin ang pitaka ko. Kumuha ako ng pera para sa pambili ng juice at yelo. Bibili na rin ako ng pandesal, umaga naman, e, at saka itlog ang niluto ko kanina. Lumabas na ako sa kwarto. "Bibili lang po ako"

"Sama, Frenny," sabi ni Colline. Aish, sasama pa, e, ang lapit lapit lang ng bibilhan ko. "Tito, samahan ko lang anak niyo, ha?"

Tumango naman si tatay sa kaniya. Lumabas na kami ng bahay ay pumunta sa panaderya para bumili ng pandesal. Okay na sa akin ang simple, sa susunod ay bongga na.

"₱50 nga pong pandesal," sabi ko kay kuyang nagbabantay sa bakery.

Nakabalik na kami sa bahay, nanonood na sa TV si tatay ngayon. Hinanda ko naman na sa hapag ang kakainin namin. Nilagay ko sa lamesa ang pandesal at kumuha ako sa kusina ng mga plato, kutsara at baso. Nagsandok na rin ako ng kanin sa kaldero at nilagay sa malaking mangkok. Tinimpla ko na rin ang juice sa baso bago inihalo sa pitsel na may lamang yelo. Nang matapos ay yinaya ko na silang kumain.

Si Colline na ang nagtulak ng wheelchair ni tatay papunta sa hapag kainan. Tinulungan ko naman siyang i-upo sintatay sa upuan, masyadong mataas kasi ang lamesa namin at hindi abot ni tatay kapag naka-wheelchair siya.

"Kailan simula ng klase niyo?" tanong ni tatay habang kumakain kami.

"Sa July, tay," sagot ko. "Ah, tay. Siya nga pala, magtatrabaho na ho ako bukas."

"Oo, narinig ko nga nung may kausap ka sa telepono mo," tugon niya. "Ikaw Colline, nakapasa ka ba?" Baling niya kay Frenny.

"Ay, oo naman, tito," masaya nkyang sagot, may laman na naman ang bibig. "Syempre, kung pasado si Xeia dapat pasado din ako."

"Alam mo? Masaya ako na ikaw ang naging kaibigan ng anak ko," biglang sabi ni tatay. "Tignan mo at sabay kayong nakapasa at naka-graduate na may medalya."

'Yung medals ko ay agad na pina-frame ni tatay, ang saya sa kalooban. First time na pina-frame ni tatay ang medals ko. Dati kasi ay nakatago lang sa kwarto 'yon pero ngayon ay naka-frame na at naka-display pa sa sala namin. Ewan ko ba pero nung maliit ako ay ayaw ni tatay na makita niya ang may connect sa akin.

"Ito ang magiging kwarto mo," sabi ni Ma'am Madi. Madi ang tawag nila kay Ma'am Atienza. Nandito ako ngayon sa bahay ng mga Atienza, ngayon na magsisimula ang trabaho ko bilang babysitter. Aalagaan ko raw ay batang makulit. Kaya ko 'to! 'Wag niya lang akong taihan.

Pinapakita ni Ma'am Madi ang magiging kwarto ko. Dala-dala ko ang bag ko na naglalaman ng mga damit, pang-limang araw lang ang dinala ko. Sabado at linggo ang day-off ko, pwede na rin. Malaki ang bahay nila, mayaman, e. Sa sobrang laki ay maliligaw ako.

Mabait din pala si Ma'am Madi, mukha lang siyang masungit sa unang tingin pero kalog pala si Ma'am, haha. Kaya nabawasan ang kaba ko nang kinausap niya ang ibang kasamabahay na parang pamilya niya lang.

"Mag-isa lang po ako sa kwarto na 'to?" tanong ko. Nag-iisang kama lang kasi ang naandito at isang cabinet para sa mga damit.

"Yes, mag-isa ka lang," tugon niya.

Nilapag ko sa kama ang bag na dala ko at saka sumunod sa kaniya. Naglakad kami papuntang sala nila. Nilingon lingon ko naman ang loob ng bahay nila. Ang daming naka-display na mga paintings at pictures.

"Manang Cora?" tawag ni Ma'am. May lumabas na babaeng matanda mula sa kusina. "Manang, Xeia is her name. She's the new yaya."

"Magandang umaga, iha," bati niya.

"Magandamg umaga din po, Manang Cora." Lumapit ako at nag-mano sa kaniya.

"Kaawaan ka ng Diyos," aniya.

"Nasaan na ang iba, Manang? Pakitawag nga po, papakilala ko sila kay Xeia," sabi ni Ma'am Madi. Agad naman sumunod si Manang Cora sa utos niya. Sandali lang ay may mga pumasok na iba pang kasambahay at mga bodyguards.

"Ito na po sila Ma'am Madi," sabi ni Manang. Sinesyasan siya ni Ma'am na ipakilala silang lahat. "Ito si Thalia, apo ko. Siya ang responsable sa paglalaba ng mga damit."

"Hello! Ako si Arathalia. Pwede mo akong tawaging Thalia," pagpapakilala niya. Ang ganda ng name niya, ha. Nakipag-kamay siya sa akin at gano'n na rin ako. Ang tangkad niya din. Mas matangkad pa sa akin at maganda din siyang dalaga. 'Bat hindi ko nakuha ang katangkaran ni tatay?

"Hi! Xeia Louis Villa, Xeia for short," pagpapakilala ko din.

"Ang ganda naman ng name mo," sabi niya. Napangiti naman ako sa sinabi niya, si nanay ang nagpangalan niyan.

"Ito naman si Lana at Kyla," pagpapakilala pa ni Manang sa dalawang babae sa gilid ni Thalia. Binati nila ako ng magandang umaga at gano'n na rin ako. "Sila ang responsable sa pagluluto at ito naman si Arlando, ang driver ni Ma'am.

"Hello po. Mano po," sabi ko. Nagmano ulit ako.

"Ito naman sila Luca, Adam at Austin, mga body guards," pagpapatuloy ni Manang. Lumapit ang isa sa kanilang tatlo at nagpakilala.

"Hello, Ms. Beautiful. Adam nga pala," aniya. Akma siyang hahalikan ang kamay ko nang matapos makipag-kamay sa kaniya, agad ko namang binawi ang kamay ko. 

"You know who I am," sabi nung isang lalaki humakbang din papalapit sa akin. Huh? Kaya nga pinapakilala sila sa akin kasi hindi ko sila kilala, e. Hindi naman itinuro ni Manang isa isa kung sino si Luca, Adam at Austin. Nakakunot ang noo ko sa kaniya. "Your future boyfriend."

Natawa na lang ako. Unang araw pa lang ng trabaho ko may masasaktan na ako. Boyfriend, boyfriend pinagsasabi niya? Bumalik sa hilera nila. Sumunod naman ang isa na humakbang paharap. Sana matino ang isang 'to.

"Hindi ka ba napapagod?" tanong niya. Napapagod? E, wala pa nga akong nasisimulang trabaho. "Hindi ka ba napapagod na tumakbo sa isip ko?"

"Tsk, tsk."

"Pagpasensyahan mo na, iha. Maloko talaga ang tatlong 'yan," sabi ni Manang. Pinatigil niya sa kakatawa ang tatlong kumag. Naku! Hindi nila ako makukuha sa mga ganiyang banat nila.

"Tapos na kayo kay Thalia kaya kay Xeia naman?" sabi ni Ma'am Madi, nakataas ang isang gilid ng labi niya. 'Tamo! Aish, ginagawa din pala nila kay Thalia 'yan. "Bumalik na nga kayo sa mga pwesto niyo."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status