Share

Chapter 3

Xeia's POV

"Jung-hyun?!" sigaw ko nang makilala ko siya. Tumingkayad ako para maabot siya at agad siyang niyakap. "Waaaaa. Na-miss kita! Sobra!"

He chuckled. "I miss you too," aniya. 

Napabitaw ako sa yakap nang biglang bumukas ang elevator kaya naman agad niyang sinuot muli ang mask at kinuha niya ang cap sa kamay ko saka niya sinuot. Lumayo ang ng kaunti mula sa kaniya at binigyang daan ang babaeng sasakay din sa elevator. Nakita ko sa mukha ng babae na kakunot ang noo niya. Siguro nagtataka sa suot ni Jung-Hyun.

Nasa second floor na pala kami, isang floor na lang makalalabas na kami. Nang ground floor na ay sabay kaming tatlo lumabas. Agad kong inabot ang palapulsuhan ni Jung-Hyun at hinila papunta sa garden kung saan din kami pumunta ni Colline nung araw na na-aksidente si tatay.

"Where are we going?" tanong pa niya habang hinihila ko siya palabas ng hospital. Ang iba ay tumitingin sa direksyon namin dahil ang suot na damit niya ay nakaka-agaw pansin talaga.

"Sa'n pa ba? 'Edi sa walang makakakita sa 'yo," sagot ko. Botlog rin nito, e. Mamaya dumugin pa kami 'pag nakilala siya ng mga tao.

"I'm wearing a cap and mask. Hindi nila ako makikilala," pagpupumilit pa niya.

"'Wag ka na ngang makulit, sundin mo na lang ako. Mamaya may nakasunod pala sa 'yong paparazzi," nakakunot noon kong sabi.

Dinala ko siya sa may garden at swerte walang tao, gabi na rin kasi, e. Tumigil kami sa may sementong upuan at saka binitawan ang kamay niya. Dito rin kami umupo ni Colline noon.

"Anong ginagawa mo dito sa Pilipinas? Biglaan ata pagbabakasyon mo?"

Nagsasabi kasi siya sa amin ni Colline kung magbabaksayon siya dito sa Pilipinas or may fan meet. Last na nagbakasyon siya dito, e, nagsabi siya bago pa namin malaman sa internet. Bago niya ako sinagot ay umupo muna siya at gano'n na rin ako.

"I heard what happened to tito Zenon so I'm here," sagot niya. "Sorry ngayon lang. Sobrang busy kasi ng schedule ko, e."

"Hay, ano ka ba. Ayos lang 'yon, atlis pumunta ka kahit na busy ka," sabi ko. "Bakit hindi mo ako sinabihan na pupunta ka pala dito? Kay Colline, nagsabi ka ba?"

"I tried to call you but you didn't pick up your phone," aniya. Nagulat ako sa sinabi niya kaya agad kong kinapa ang phone ko sa bulsa ng pants ko.

"Naka-off kasi phone ko, e," sabi ko ng makuha ang phone. Binuksan ko ang phone ko at nakita ko ngang ang daming missed call galing sa kaniya, ang dami ring messages. "Grabe naman."

"Tss. Pati kay Colline hindi niya sinasagot," sabi niya pa. "Anong ginagawa niyong dalawa?"

"Huwag mo na asahan 'yon. Laging naka-silent phone no'n," sagot ko. Ayaw niya raw kasi na may mang-iistorbo sa kaniya. Lalo na at naghahanap kami ng papasukan ko.

"Medyo lumuwag kasi schedule ko ngayong week kaya nakapunta pa ako dito. Nasaan si Colline?"

"Nando'n." Tinuro ko ang building. "Iniwan ko muna saglit sa kwarto ni tatay."

"Okay," aniya. "Kumusta naman si tito?"

"Okay na siya, nagpapahinga na lang. Sinagot muna nila tito Von ang pagpapagamot kay tatay kaya ngayon ay naghahanap kami ni Colline ng pwede kong pasukang trabaho habang wala pang pasukan," pagku-kwento ko sa kaniya.

"I'm sure na sinabi ni tito Von na 'wag ka ng mag-alala sa pambayad sa kanila 'no?" tanong niya. Tumango naman ako sa sinabi niya.

"Pero gusto ko pa ring magbayad, nakakahiya naman, e," sabi ko naman. "Ang laki na ng utang na loob ko sa kanila simula nang kami na lang ni tatay ang magkasama."

"Mabait naman si tito Von at hindi niya hinihiling na ibalik mo 'yon lahat," aniya pa. Totoo ang bait ni tito.

"Kahit na, ayokong abusuhin kabaitan ng pamilya nila Frenny," sabi ko. "Ang swerte ko sa kanila."

"Swerte natin." Nilingon niya ko at saka siya ngumiti. Si tito Von kasi ang tumulong sa kanila nang malugi ang negosyo nila sa Korea dati kaya umuwi sila rito sa Pilipinas at dito na lang nagsimula ng bagong negosyo. "Ikaw, kumusta?"

"Okay naman, namomroblema lang sa paghahanap ng trabaho. Isang linggo na pero di pa rin kami nakakahanap ng trabaho!" reklamo ko. Ang hirap makahanap.

"Hindi madaling makahanap ng trabaho, Xeia. At saka ilang taon ka na nga?" tanong niya.

"Seventeen. Bakit?"

"Eighteen ang tinatanggap kapag magtatrabaho ka," sabi niya. "Sa edad mong 'yan, mahirap talaga."

"E, anong gagawin ko? Paano ko mababayaran sila tito Von?"

"'Wag mo muna isipin 'yan. Tara muna sa taas," aya niya sa akin.

Sinuot ulit niya ang kaniyang sumbrero at mask. Nagsimula na kaming maglakad papasok ng building para pumunta na kay tatay. Nag-antay kami saglit at saka pumasok sa elevator.

"May tanong pala 'ko," sabi ko sa kaniya. Binigyan naman niya ako ng nagtatanong na mukha. "Kumusta buhay artista sa Korea?"

Half Filipino and half korean siya. Ang mama niya ay isang filipina, kapatid ni tito Von kaya magpinsan sila ni Colline habang ang papa naman niya ay koreano. First year collage siya naging artista sa korea, i think thirteen kami ni Colline no'n. Na-discover kasi siya ng kaibigan ni tito Von na isang talent manager. Nasa charity kami  no'n nung nakilala namin ang kaibigan ni tito Von.

"Mr. Hwang!" sigaw ni tito Von ng nakita niya ang tinawag niyang 'Mr. Hwang' kaya lumapit ang taong iyon. 

Isinama ako nila Colline dito sa isang charity event. Puamayag naman si tatay.

"Oh, Mr. Romero," sabi niya ng makarating sa kinaroroonan namin. 

"Long time no see," aniya. They shared shake hands. Pakgkatpos ay nilingon kami."Mga anak mo iyong tatlo na ito?" tanong niya nang makita kaming tatlo. 

Napansing kong medyo nahihirapan pa siyang magsalita ng tagalog, hindi ata siya Filipino. Halata naman sa itsura na katulad ni Jung-Hyun na singkit.

"Ay, hindi," tugon ni tito Von. "Ito lang, si Colline." Hinawakan niya sa balikat si Colline.

"Akala ko silang tatlo, e. Lahat may mga itsura," nakingiti niyang sabi. "Iyong batang lalaki?" 

Tinuro niya si Jung-Hyun na katabi ko.

"Pamangkin ko, Mr. Hwang," sagot ni tito. "Ito naman si Xeia, kaibigan ng anak ko."

Tumanggo tango naman siya at nilapitan si Jung-Hyun.

"Gusto mo bang mag-artista, iho?"

Hindi ko naman na maitatangging may itsura 'tong lalaking 'to. Singkit, matangos ang ilong at maganda ang hubog ng labi niya. Matangkad din siya at hindi ko maikakaila na maganda ang pangangatawan niya kahit na payat siya.

"Masaya," sagot niya. "At the same time mahirap. Tulad ngayon, balot na balot ako."

Natatawa naman akong lumabas sa elevator nang makarating na kami sa floor ng kwarto ni tatay, sumunod naman siya sa akin. Pa'no ba naman kasi ang init-init tapos siya balot na balot.

"Happy?"

Natawa naman ako. Nasa tapat na kami ng kwarto ni tatay at binuksan ko na ang pinto.

"Bakit ang tagal mo, Xeia?" tanong ni Colline pagkabukas ko ng pinto. Hindi niya ako nilingon, sigurado ata siyang ako talaga ang papasok sa kwarto.

"May nakasalubong ako, e," sagot ko sa kaniya. "Pasok, pasok," bulong kong aya kay Jung-Hyun. Tinanggal niya muna ang kaniyang cap at mask bago pumasok. Inikot ang mga mata sa buong kwarto at nahinto ang tingin niya kay tatay.

"Sino 'ya---omo! Jung-Hyun?!" gulat na gulat na sigaw niya nang sa wakas ay lumingon na siya. Tumayo agad siya sa kinauupuan at saka niya niyakap ng mahigpit si Jung-Hyun.

"Shhhhh. Si tatay, baka magising." Nilingon ko si tatay kasi napansin kong medyo gumalaw siya. Nag-peace sign siya sa akin at saka nag-sorry.

"Uy, wat ar yu duwing hir? Baka spokening dollar ka na, ha?" natatawang sabi ni Colline pagkabitaw niya ng yakap. "Mamaya biglang ma-nose bleed si Xeia."

"Anong ako? Baka ikaw?" Asar ko rin sa kaniya.

"Magaling ka na rin mag-korean 'di ba? Napapanood ka namin sa TV," pagku-kwento niya pa. "Turuan mo naman kami."

"Wala kong time," simpleng sagot ni Jung-Hyun. Lumapit siya kay tatay at tinignan niya ito.

"Ay, grabe. Sumikat lang?" kunwaring malungkot na sabi ni Colline. Bumalik siya sa upuan at nangalumbaba.

"Aishh, saglit lang ako dito. Pumunta ko dito para bisitahin si tito Zenon hindi para turuan kayo mag-korean," aniya.

"Busy na tao 'to, e," sabi ko. Umupo ako sa sofa at inaya ko naman siyang tumabi sa akin.

"Uy, oo nga pala!" biglang sigaw ni Colline ng may maalala. Shhh ko naman siya, kulit. "May paparating na concert ka pala dito 'no?"

Oo nga pala. Nabalitaan namin na may concert siya rito. May 1 ata? Before my birthday at pagkatapos ng eighteenth birthday ni Colline.

"Yeah, may concert ako kaya medyo busy," aniya. "Oh, here's the ticket pala." May kinuha siya sa kaniyang bagpack na dala. Hindi ko napansin 'yun kanina, ha? Kinuha naman ni Colline 'yung ticket na sinasabi niya.

"Wow! Libre ticket," tuwang-tuwang niyang sabi.

"Here's yours," abot naman niya sa akin ng ticket. Tinignan ko ang ticket, ang ganda. Ngayon lang ako nakakita ng sobrang gandang ticket. "VIP 'yan, ha? Bayaran niyo," biglang sabi niya sa amin.

"Ay, 'wag na lang," sabay naming binalik ni Colline ang ticket na ibinigay niya. Kung may bayad, 'wag na lang. Natawa ako sa naisip, nabuhay sa libre, amp. Tumawa naman siya.

"Joke lang," aniya. Binigay niya ulit ang mga ticket sa amin. "Pumunta kayo, ha?"

"Joke 'yon? 'Bat 'di nakakatawa?" Gaya ko sa sinabi niya kanina. Nilingon ko siya at nakita kong nakakunot na ang noo niya.

"Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig," kanta ni Colline. Ginagawa mo? Nilingon naman siya ni Jung-Hyun at tinaasan namin siya ng kilay. Tinikom naman niya ang bibig niya at binalik ang tingin sa laptop niya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status