Share

Chapter 4

Author: kimmy
last update Last Updated: 2021-05-28 15:14:36

Xeia's POV

"Siguraduhin mong pupunta ka sa eighteenth birthday ko, ha?"

Kanina pa 'yan sinasabi ni Colline kay Jung-Hyun, simula nung dumating siya rito hanggang sa babalik na siya sa Korea. Two days lang siyang nag-stay rito, katulad ng sinabi niya ay hanggang sa ma-discharge si tatay.

"Para kang sirang plaka. Paulit ulit?" nakakunot noong sabi ni Jung-Hyun, naiirita na ata. Sa dalawang araw niya na nanatili sa Pilipinas ay wala siyang ibang ginawa kundi matulog ng matulog sa sofa ng kwarto ni tatay. Hindi na siya nag-condo dahil gastos raw. Ang dami namang pera hindi nag-condo. Okay na raw siya sa sofa, dalawang araw lang naman, e. Pagkalapag ng eroplanong sinasakyan niya ay diretso na raw siya sa hospital no'n.

"Hoy! Tulog ka na lang ng tulog riyan," sigaw ni Colline sa kaniya. "Di ka ba pinapatulog sa Korea, ha? Sino manager mo?"

"Mamaya mo na ako kausapin," inaantok pa niyang sagot. Nakahiga siya sa sofa ngayon, nakatalikod sa amin. May nakapatong na unan sa kanan niyang tenga dahil ang ingay ingay ni Colline, pati si tatay ay nagising.

"'Wag mo muna 'yang kulitin," suway sa kaniya. "Di ba ang sabi niya ay laging busy ang schedule niya? Hayaan mo muna 'yan."

"Hayaan mo muna," sabi naman ni tatay. Hindi pa kami nag-uusap ni tatay tungkol sa nangyari. Baka sa bahay na lang.

"Hoy, Xeia, aalis na lang si insan tulala ka pa diyan," tawag sa akin ni Freeny. Nilingon ko siya nang marinig ang sinabi niya. Tinignan ko naman si Jung-Hyun na hinihintay akong magsalita.

Kasama namin sila tito Von at tita Kate. Tulak-tulak ko naman si tatay na nakawheel chair. Sinabi na ni Jung-Hyun na magpahinga na lang si tatay sa bahay pero nagpumilit siyang ihatid sa airport si Jung-Hyun kaya wala na akong nagawa. Dumaretso na kami dito sa airport nang madis-charge si tatay.

"Mag-iingat ka sa biyahe. Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya. Niyakap naman niya ako pabalik. Nagsabi din sila tito at tita sa kaniya na mag-iingat. Nang tinawag na ang flight niya ay nagpa-alam na siya sa amin, kinawayan niya kami. Nakasumbrero at mask pa rin siya, baka makilala siya, e.

Naglakad na kami pabalik sa van para umuwi na, kailangan na ni tatay na magpahinga ulit. Pagkahakbang ko ay biglang tumunog ang phone ko. Huminto muna ako kaya nagtaka si tatay sa paghinto ko. Sinenyasan ko siya na may nag-text sa akin kaya tumango naman siya. Kinuha ko ang phone ko at binuksan ito.

From: Oppa

Take care too. See you soon :>

Nagtaka ako dahil bakit hindi niya na lang sinabi kanina? Nagsayang pa ng load. Tinago ko na ulit ang phone ko at saka nagpatuloy na ng lakad.

Pagkahatid namin sa kaniya ay umalis na kami gamit itong van nila Colline. Inihatid nila kami sa bahay at umuwi na rin sila. Pero bago sila tuluyang umuwi at tinulungan muna nila akong ipasok sa bahay si tatay.

"Thank you po. Ingat po kayo sa biyahe," sabi ko sa kanila bago sila pumasok sa van.

"Bye-bye Frenny!" Kumaway si Colline habang pumapasok sa van. Kumaway rin ako pabalik. "Pagaling ka agad tito Zenon! Malapit na birthday ko!"

"Oo," nakangiting sagot ni tatay, kumakaway rin siya. Sumaludo naman si tito Von kay tatay bilang pagpapaalam. Ganon sila, e. Dati na silang magkilala kaya gano'n sila kung magpa-alam sa isa't isa. Kung natatandaan ko pa ay elementary sila nagkakilala ata, kaya gano'n ang way nila sa pagpapaalam ay may CAT sila dati, ngayon ay wala na, e.

"Pasok na ho tayo," aya ko kay tatay. Hinawakan ko na ang wheel chair at itutulak na sana.

"Salamat anak," sabi ni tatay habang nakahawak sa kaliwang kamay ko. Natigilan naman ako sa sinabi niya.

Anak....

Ang sarap sa pakiramdam na marinig iyon mula kay tatay. Ngayon ko lang narinig 'yon. Ang sarap pala sa pakiramdam. "At pasensya sa mga nagawa ko sa iyo," dagdag pa niyang sabi.

"Kasalanan mo 'to! Wala kang kwenta!" sigaw ni tatay. "Kung hindi ka malikot hindi sana mangyayari 'to sa nanay mo!"

Nakahalandusay si nanay sa daan at puno ng dugo. Naglalaro kami ni nanay sa park, nakagawian na namin 'to ni nanay tuwing hapon. Lagi kaming pumpunta dito ni nanay para maglaro at dito na rin namin hinihintay si tatay galing sa trabaho.

Nakita ko si tatay na bumaba sa isang bus at dahil sa sabik na mayakap siya ay tumakbo ako. Hindi ko namalayan na nasa gitna ako ng kalsada at pagkalingon ko sa kaliwang bahagi ko ay may paparating na sasakyan. Pumikit ako dahil sa takot at narinig ko na lang na may nagsisigawan. Ginalaw ko ang aking katawan at naramdaman na masakit ito. Bumagon ako at nakita si nanay na naliligo na sa sariling dugo.

Dahil do'n ay ayoko ko ng makakita ng dugo. Tuwing makakakita ako no'n ay umiiwas ako dahil bumabalik ang nangyari kay nanay at itong nangyari kay tatay.

"Pinagsisisihan ko ang mga ginawa ko sa 'yo noon," sabi ni tatay. Pinasok ko muna si tatay at nilipat sa sofa. Magkaharap kami ni tatay ngayon at nag-uusap. "Dapat hindi kita sinisi dahil wala ka namang kasalanan."

Puno na naman ng luha ang mga mata ko. Hanggang maari ay ayaw kong marinig na humihikbi ako dahil mas maiiyak ako kung maririnig ko ang mga 'yon.

"Xeia, sana mapatawad mo ang tatay mo," dagdag pa niya. Kahit kailan ay hindi ako nagalit kay tatay. Nagalit lang naman siya dahil sa lungkot, dahil sa nawala si nanay ng dahil sa....a-akin.

"Wala ka namang dapat na ihingi ng tawad, tay. Tanggap ko naman na kasalanan ko ang lahat. Kung hindi ako noon tumakbo papunta sa 'yon 'edi sana ay kasama pa natin si nanay. Kung hindi ko sinabi sayo na graduation ko na 'edi sana hindi kayo nagkaganiyan," sabi ko.

"Huwag mo na sisihin ang sarili mo, anak. Wala kang kasalanan, ha? Ibaon na lang natin sa limot 'yon." Tumango ako sa mga sinabi ni tatay. Masaya ako dahil nagka-usap na kami ni tatay ng masinsinan.

"Ah, tay," tawag ko sa kaniya. May gusto sana akong tanungin. Tutal ay wala pa namang pasukan at may oras pa naman.

"Ano 'yon?"

"Hmm....ngayon na bakasyon pa namin ay.....pwede bang simulan ulit natin ang paghahanap kay kuya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • One Question: Why?   Chapter 26

    Xeia's POV Kinabukasan, nasa bahay lamang ako at gumawa ng gawaing bahay. Pagkasapit ng lunes, maaga akong nagising para maghanda nang pumasok. "Tay, alis na ho ako," paalam ko kay tatay. Hindi na siya nakawheelchair. Pumunta kami kahapon ng hospital para ipacheck-up siya at maayos naman ang naging resulta. Gayunpaman, kailangan pa rin niyang uminom ng mga gamot. Lumabas siya mula sa loob ng kusina. "Mag-iingat ka ha," paalala niya. "Opo," tugon ko. "Sige po, alis na ako. Mag-iingat din po kayo." "Sige," nakangiti niyang sabi. Tumungo na ako sa labas, dala-dala ang bag na naglalaman ng mga damit na magkakasya ng limang araw. Bukas na pala ang 18th birthday ni Colline kaya abala sila ngayon. Sa isang private venue gaganapin 'yon dahil may mga pribadong tao ang darating katulad ni Jung-Hyun. "Bye!" pagpapaalam ko kay tatay. Nakatayo siya sa may pinto at kumaway. Naglakad na ako papunta sa kalsada para maghintay ng masasakyan. Agad naman ako nakasakay. Habang nasa biyahe ako ay

  • One Question: Why?   Chapter 25

    Xeia's POV Umupo ako sa sofa at naghintay kung sino man ang papasok dito. Mayamaya pa ay bumukas ang pinto, alala ko si sir, iba pala. Isang babaeng nakasalamin at nakaputi, may stethoscope na nakasabit sa kaniyang leeg. Hindi naman katandaan ang itsura niya. Tumayo ako bilang paggalang. "Ikaw ba si Xeia?" tanong niya. "Opo," sagot ko. Kilala niya pala ako. "Nasaan si JD?" tanong niya pa ulit. "Lumabas po. Hindi ko po alam kung saan pumunta, hindi niya po sinabi," tugon ko. "Gano'n ba? Come here," aya niya sa akin. Minwersa ang kamay sa upuang kaharap ng kaniyang lamesa. Sumunod ako sa kaniya at siya naman ay lumapit sa upuan niya at saka umupo. Mayamaya pa ay narinig kong bumukas ang pinto na ikinalingon ko naman. Nakita ko si sir na may hawak na dalawang

  • One Question: Why?   Chapter 24

    Xeia's POV "Huyyyy, sige na. Xeia, ano na? Kaibigan mo ko, bakit hindi mo ako tulungan?" nagmamaka-awang sabi ni Colline. "Ikaw kasi, e. Walang tigil ang birada mo. Hindi mo man lang ako hinayaang magsalita," sabi ko sa kaniya. "Tapos ngayon ay hihingi ka ng tulong sa akin para mag-sorry sa kaniya?" "Kaibigan mo ko, syempre! At boss mo 'yon," aniya. "Hindi ko naman sinasadya 'yon," nakangusong sabi niya. "Hindi sinasadyang dire-diretso ang bunganga mo? At saka mamaya ka na nga magsalita. Nahihirapan ang tita mo sa pagma-make-up sayo, oh." Kanina pa siya salita ng salita dahil humihingi ng tulong para humingi ng tawad sa ginawa niya kay sir. Tsk tsk tsk. Kakilala pala ni tito Von si Ma'am Madi, nagkakilala raw sila sa isang charity. Mahilig sa mga bata si tito Von kaya naging Pediatrician siya. Tu

  • One Question: Why?   Chapter 23

    Xeia's POV "Dito na ata 'yon," sabi ko. Tinigil niya ang sasakyan. Binuksan ko ang pinto at saka lumabas ng kotse. "Teka, tawagan ko lang si Colline." Dinial ko ang number niya at ilang segundo lang ay sinagot naman niya. Naramdaman kong tumabi sa akin si sir. "Hello, frenny?" ["Oh? Nasa'n na kayo? Inaayusan na ako."] "Nandito na. Enchant's Garden 'di ba?"

  • One Question: Why?   Chapter 22

    Xeia's POV"Ako na!" sigaw ko sa kaniya sabay hablot ng ointment. Nagulat naman siya sa ginawa ko. Alam ko namang wala siyang masamang iniisip or anything. Unless meron? Hindi ako komportable kung siya ang gagawa. Hey, dibdib 'yon, 'no!"You sure?" tanong niya. Parang nadismaya pa, ha?"Malamang," tugon ko. Tinignan ko siya sa mata para sabihing lumabas na siya. Tumaas naman ang dalawa niyang kilay at bumulong ng what. "Labas. Kaya ko na pong gamutin sarili ko," mababang tono kong sabi sa kaniya.

  • One Question: Why?   Chapter 21

    Xeia's POVNaghintay ako na sumagot siya pero wala akong naririnig. Dinikit ko pa ang tenga ko sa pintuan. Wala atang tao sa labas! Iniwan ba niya ako? Huhuhu, paano ako lalabas?Napasandal na lang ako sa pintuan."Sir!" tawag ko pa. "Wala akong damit!""Ano mo ako? Nanay? Para sabihing wala kang damit?"Nanlaki ang mata ko nang may narinig na nagsalita.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status