共有

Chapter 2

作者: kimmy
last update 最終更新日: 2021-05-28 15:14:26

Xeia's POV

"Dito kaya?" tanong sa akin ni Colline.

"Masyado namang malayo 'yan, frenny," tugon ko. Nandito kami ngayon sa hospital room ni tatay at naghahanap ng pwede kong pasukan na trabaho, online, para sa pampagamot ni tatay. 

Mahigit isang linggo na ang nakararaan nang mangyari ang aksidente. No'ng nangyari 'yon ay agad dumating ang ambulansyang tinawagan ni Colline. Sinakay agad siya sa sasakyan at sumama kami papunta sa hospital. Wala akong ibang ginawa no'n kundi sambitin ang pangalan ni tatay habang umiiyak. Panay naman pagpapatahan ni Colline sa akin kahit siya'y umiiyak na rin. Pag-dating namin sa hospital ay agad ipinasok si tatay. Makalipas ng ilang oars ay lumabas na ang doktor.

"Ano

na pong nangyari

kay

tatay?" tanong ko sa

doktor

pagkalabas

niya ng emergency room.

"Kayo ho ba

ang

pamilya ng pasyente?"

"Opoanak

niya

po

ako," sagot ko sa

kaniya.

"Ganito ho kasi..."

Napalunok at napayuko

ako

sa

sasabihin

niyaBumalik

na

naman

sa

isip ko 'yung

mga

nangyari

kanina, kung paano

nahagip at tumilapon

si

tatay.

"Ahm....doc..." singit

ni Colline.

Lumapit si Colline sa kaniya at inaya sa di kalaluyan sa 'kin para mag-usap sa anong kalagayan na ni tatay.

Lumayo

sila ng kaunti

sa akin para hindi ko marinig

ang

pag-uusap nila.

Umupo

ulit

ako

para

hintayin

silang

matapos

sa

pag-uusapNaka-uniform pa rin

kaming

dalawa at nasa

tabi ko naman

'yung toga namin

na may bahid ng mga

dugoUmiwas

ako ng tingin

do'nayoko

sa

dugo.

Bumuntong

hininga

ako at tumingalasinisink-in

sa

utak

ang

mga

kaganapan

kanina'Yung

mga

nasaksihan ko. Kung paano

na-aksidente

si

tatayNag-aalala

ako

para sa kaniyaPaano kung may mangyari

kay

tatay

na

mas

malalala? Hindi ko pa naipapakita

kay

tatay

'tong medals ko at certificate. Hindi ko kayang may mawala na naman sa pamilya ko. Hindi ko na kaya.....

'Yung

nakabangga

kay

tatay

wala pa kong

balita. May dumating

namang

mga

pulis at dinala

siya

sa

prisinto'Yung

lalaki

na

pumigil

sa

kaniya

para

tumakas

ay hindi ko pa ulit

nakikita. Thanks to him hindi nakatakbo

'yung

kumag

na

'yon.

"Thank you, doc," rinig

kong

sabi

ni Colline sa

doktor. Nakita kong nagkamayan sila at naglakad

naman

ang

doktor

papunta

sa may direksyon ko. Tumayo naman ako at nginitian siya ng pilit. Binalik niya ang ngiting iyon at naglakad  na palayo.

"Frenny," tawag sa akin ni Colline. Hinintay ko siyang makarating sa kinatatayuan ko. "Umupo muna tayo."

"Anong sabi ng doktor?" tanong ko sa kaniya. Gusto ko ng malaman kung ano na ang lagay ni tatay.

"Uhm.... Frenny, sabi ni doc... Hmm... Hindi naman malala ang natamo ni tito pero kailangan pa ring obserbahan ng doktor para makasigurado," aniya. Napatingala ako dahil sa tumulong luha galing sa mga mata ko. Napahilamos naman ako sa aking mukha.

"'Bat kay tatay pa?" tanong ko ahabang humihikbi. Hindi ko naman hinihiling na sana sa iba mangyari 'yon. Ang akin lang, bakit nangyari kay tatay 'yon?

"Hoy, Xeia!"

Bigla akong bumalik sa katinuan nang marinig ang sigaw ni Colline. Nilingon ko siya at napansin kong nakatulala ako kay tatay.

"Aray! Makasigaw naman," sabi ko. Sinigawan ba naman ako malapit sa tenga?  Ang sakit kaay!

"Kanina pa kita tinatawag, e," aniya. "Lutang ka, ghurl?"

"May iniisip lang," sagot ko. "At saka huwag ka ngang maingay. Nagpapahinga pa si tatay, e."

"Ay, sorry. 'Eto may nakita ako, naghahanap ng waitress sa café, malapit lang sa school na pwede nating pasukan," sabi niya sa akin habang tinuturo ang nabasa niya sa laptop. Nilapit ko ang mukha ko sa laptop at binasa ang tinuturo niya.

Sinagot muna ng tatay ni Colline ang pagpapa-ospital kay tatay. Kaunti na lang ang araw para makalabas dito si tatay at maaari nang umuwi.

"Colline, anak," rinig kong sigaw ni tita. Nagmamadali silang pumunta rito nang mabalitaan ang nangyari kanina.

"Mom," sambit ni Colline.

"Are you okay, darling?" nag-aalalang tanong ni tita kay Colline. Tumango si Colline at nang masiguro ni tita na ayos lang siya ay nilingon ako ni tita sa likod. Nilipitan niya ako at saka niyakap. "Everything will be alright."

Tumulo ang luha ko sa ginawa ni tita. Bigla akong nangulila kay nanay. Sa mga oras na 'to, parang naramdaman ko na si nanay ang kayakap ko ngayon. Hindi ko na napigilan na umiyak ng umiyak sa balikat ni tita Kate. Niyakap ko siya at sa oras na 'to ay hinayaan kong makita ako ng mga tao na mahina ako. Na hindi ko na kayang mag-isa.

"Everything will be alright," pag-uulit ni tita. "Huwag kang mag-alala ija, we're here. You can't carry all of it, you can leean on me."

Hindi ko na pigilang mapayakap muli sa kaniya at humagulgol sa balikat niya.

Nay....

Niyakap lang niya ako hangang sa tumahan ako.

"Siguro mas hihinahon ka kapg nakalanghap ka ng sariwang hangin?" aniya. "Colline, samahan mo muna si Xeia sa garden."

Agad namang sumunod si Colline at sinamahan niya ako.

"Frenny, huwag ka ng mamroblema sa hospital bills ni tito, sila daddy na raw ang bahala ro'n," sambit ni Colline. Lumingon ako sa kaniya at tinitigan siya. I'm happy because somehow I have someone with me now. Paano kaya kung wala sila? Paano ako? Ayokong mapag-isa na naman.

Hindi ako umimik sa sinabi niya. Gusto kong tumutol sa sinabi ni Colline na sila tito na ang bahala pero gusto ko ring sumang-ayon sa sinabi niya dahil wala naman akong malaking perang naitabi. Nagsimula akong mag-isip kung saan ako kukuha ng pambayad sa kanila.

"Hayaan niyo, babayaran ko kayo," panninigurado ko. Nginitian naman niya ako at hinawakan ang kamay ako.

"I'm sure na hindi papayag sila daddy sa gagawin mo," sabi niya.

"Alam ko. Pero hindi rin naman papayag si tatay kapag nalaman niyang hindi ako magbabayad sa inyo. Ang dami na naming utang na loob sa inyo." 

"Huwag mong isipin 'yon," aniya. "'Di naman namin kayo sinisingil. Ang mahalaga maging maayos ang kalagayan ni tito Zenon."

"Ang swerte namin sa inyo."

Ngumiti lang siya at umiwas ng tingin. Tumingala kami at pinagmasdan ang mga bituin sa kalangitan. 

"Hoy! Ano? Mag-a-apply ka ba?" rinig kong tanong ni Colline.

"Huh?"

"Huh? Hatdog. Ano ba 'yan frenny. Huwag ka ngang masyadong maraming iniisip diyan. Lutang ka na naman," sabi niya. "Kung iniisip mo 'yung pambayad sa ginastos kay tito, hindi ka naman minamadali ni daddy, e. Walang problema kung umabot pa ng taon ang pagbabayad. Ano ka ba? A t saka hindi kami nagpupumilit na magbayad ka."

"Alam ko naman 'yon," sabi ko.

'E, 'bat ganiyan ang mukha mo?"

"Gusto ko kasi makapagbayad na bago pa ang pasukan ulit. Para mabawasan ang iniisip ko," sabi ko sa kaniya. 

"Mabawasan? Eh, parang dumagdag sa isipin mo," aniy. Nagkibit-balikat na lamang siya. "Ikaw bahala."

Bumuntong hininga ako. "Labas muna ako saglit, ha."

"Sige, para marestart 'yang utak mo," biro niya.

"Sira."

Gusto ko muna mag-isip isip at gusto ko rin munang mapag-isa. Naglakad ako papalapit sa pintuan at saka binuksan iyon. Masyadong malaki ang kinuhang kwarto nila tito kaya malaki rin ang gastos. 

Nagsimula na akong maglakad sa hallway, medyo dulo ang kwarto ni tatay kaya naman medyo malayo rin kami sa may elevator.

Nang makarating na ako sa tapat ng elevator ay pinindot ang pinakababang floor. Naghintay pa ako ng ilang sandali at saka ito bumukas. Nakita ko 'yung lalaking nasa loob ng elevator na hahakbang na sana siya pagkabukas ng elevator pero nung nakita siguro ako o may narealize lang, bigla siyang napa-atras. 'Nyare?

Pumasok na ako sa loob at tumabi sa kaniya. Bigla akong nanliit sa sarili ko, ang laki niya, e. Naka suot siyang black turtle neck sweater at may kasamang black leather jacket. Nakasapatos. Nakasuot rin siya ng baseball cap at naka-mask kaya hindi ko masyadong makita ang mukha niya. Habang ako, I'm wearing a cargo pants with raglan top and flat brown shoes.

Bago sumara ang elevator at may humabol pang dalawang babae. Medyo umusog ako at nagkadikit kami ngayon. Nanatili kaming lahat ma tahimik sa loob. Hindi kami magkakilala kaya bakit kami mag-uusap? Nang nasa third floor na kami ay lumabas na 'yung dalawang babae, walang naghihintay na tao para sumakay sa elevator kaya kaming dalawa na lang ang nandito.

"How's tito Zenon?"

Nagulat ako sa biglang pagsasalita niya at sa pagbanggit sa pangalan ni tatay. Nilingon ko siya habang nakakunot ang noo ko. Tinagilid ko ang ulo ko habang nag-iisip kung sino ito. Mas nagulat ako nung makilala 'yung boses niya. Tumingkayad ako para tanggalin ang sumbrero niya at mask. Nang matanggal 'yon ay sabay na lumingon siya sa akin at ngnitian ako. Tama nga ako.

"Jung-hyun?!"

この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード

最新チャプター

  • One Question: Why?   Chapter 26

    Xeia's POV Kinabukasan, nasa bahay lamang ako at gumawa ng gawaing bahay. Pagkasapit ng lunes, maaga akong nagising para maghanda nang pumasok. "Tay, alis na ho ako," paalam ko kay tatay. Hindi na siya nakawheelchair. Pumunta kami kahapon ng hospital para ipacheck-up siya at maayos naman ang naging resulta. Gayunpaman, kailangan pa rin niyang uminom ng mga gamot. Lumabas siya mula sa loob ng kusina. "Mag-iingat ka ha," paalala niya. "Opo," tugon ko. "Sige po, alis na ako. Mag-iingat din po kayo." "Sige," nakangiti niyang sabi. Tumungo na ako sa labas, dala-dala ang bag na naglalaman ng mga damit na magkakasya ng limang araw. Bukas na pala ang 18th birthday ni Colline kaya abala sila ngayon. Sa isang private venue gaganapin 'yon dahil may mga pribadong tao ang darating katulad ni Jung-Hyun. "Bye!" pagpapaalam ko kay tatay. Nakatayo siya sa may pinto at kumaway. Naglakad na ako papunta sa kalsada para maghintay ng masasakyan. Agad naman ako nakasakay. Habang nasa biyahe ako ay

  • One Question: Why?   Chapter 25

    Xeia's POV Umupo ako sa sofa at naghintay kung sino man ang papasok dito. Mayamaya pa ay bumukas ang pinto, alala ko si sir, iba pala. Isang babaeng nakasalamin at nakaputi, may stethoscope na nakasabit sa kaniyang leeg. Hindi naman katandaan ang itsura niya. Tumayo ako bilang paggalang. "Ikaw ba si Xeia?" tanong niya. "Opo," sagot ko. Kilala niya pala ako. "Nasaan si JD?" tanong niya pa ulit. "Lumabas po. Hindi ko po alam kung saan pumunta, hindi niya po sinabi," tugon ko. "Gano'n ba? Come here," aya niya sa akin. Minwersa ang kamay sa upuang kaharap ng kaniyang lamesa. Sumunod ako sa kaniya at siya naman ay lumapit sa upuan niya at saka umupo. Mayamaya pa ay narinig kong bumukas ang pinto na ikinalingon ko naman. Nakita ko si sir na may hawak na dalawang

  • One Question: Why?   Chapter 24

    Xeia's POV "Huyyyy, sige na. Xeia, ano na? Kaibigan mo ko, bakit hindi mo ako tulungan?" nagmamaka-awang sabi ni Colline. "Ikaw kasi, e. Walang tigil ang birada mo. Hindi mo man lang ako hinayaang magsalita," sabi ko sa kaniya. "Tapos ngayon ay hihingi ka ng tulong sa akin para mag-sorry sa kaniya?" "Kaibigan mo ko, syempre! At boss mo 'yon," aniya. "Hindi ko naman sinasadya 'yon," nakangusong sabi niya. "Hindi sinasadyang dire-diretso ang bunganga mo? At saka mamaya ka na nga magsalita. Nahihirapan ang tita mo sa pagma-make-up sayo, oh." Kanina pa siya salita ng salita dahil humihingi ng tulong para humingi ng tawad sa ginawa niya kay sir. Tsk tsk tsk. Kakilala pala ni tito Von si Ma'am Madi, nagkakilala raw sila sa isang charity. Mahilig sa mga bata si tito Von kaya naging Pediatrician siya. Tu

  • One Question: Why?   Chapter 23

    Xeia's POV "Dito na ata 'yon," sabi ko. Tinigil niya ang sasakyan. Binuksan ko ang pinto at saka lumabas ng kotse. "Teka, tawagan ko lang si Colline." Dinial ko ang number niya at ilang segundo lang ay sinagot naman niya. Naramdaman kong tumabi sa akin si sir. "Hello, frenny?" ["Oh? Nasa'n na kayo? Inaayusan na ako."] "Nandito na. Enchant's Garden 'di ba?"

  • One Question: Why?   Chapter 22

    Xeia's POV"Ako na!" sigaw ko sa kaniya sabay hablot ng ointment. Nagulat naman siya sa ginawa ko. Alam ko namang wala siyang masamang iniisip or anything. Unless meron? Hindi ako komportable kung siya ang gagawa. Hey, dibdib 'yon, 'no!"You sure?" tanong niya. Parang nadismaya pa, ha?"Malamang," tugon ko. Tinignan ko siya sa mata para sabihing lumabas na siya. Tumaas naman ang dalawa niyang kilay at bumulong ng what. "Labas. Kaya ko na pong gamutin sarili ko," mababang tono kong sabi sa kaniya.

  • One Question: Why?   Chapter 21

    Xeia's POVNaghintay ako na sumagot siya pero wala akong naririnig. Dinikit ko pa ang tenga ko sa pintuan. Wala atang tao sa labas! Iniwan ba niya ako? Huhuhu, paano ako lalabas?Napasandal na lang ako sa pintuan."Sir!" tawag ko pa. "Wala akong damit!""Ano mo ako? Nanay? Para sabihing wala kang damit?"Nanlaki ang mata ko nang may narinig na nagsalita.

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status