Share

Chapter 5

Xeia's POV

"Tay, alis na ho ako," paalam ko kay tatay. Ngayong araw na ito ang pinakahihintay ko. Mayroon kasi kaming entrance exam ngayon kaya medyo nagmamadali na ako, ayaw ko kasing nahuhuli sa mga ganito na importante sa akin.

Lumabas na ako ng kwarto pagkatapos magbihis. I'm wearing a long sleeve blouse with pussybow and high waist black slack, tinuck-in ko 'yon. Naka-flat shoes lang ako at nakalugay ang buhok. Nung isang araw, 'yung araw na inihatid namin si Jung-Hyun ay nagpa-register na kami sa Lakestone University. Sinundo ako ni Colline dito sa bahay para sabay kaming pumunta sa University. Medyo malayo kasi ang University kaya sumabay na ako sa kaniya.

"Galingan mo sa exam, anak," pagpapa-alala ni tatay. Nasa sofa siya at nakaupo roon habang nanonood sa TV. "Ipasa mo 'yan, ha?" Lumapit naman ako kay tatay at tumabi sa kaniya.

"Syempre, tay, gagalingan ko," masaya kong sagot sa kaniya. Dream university ko 'yon kaya gagawin ko lahat para makapasok doon, kahit na malayo.

"Pasensya ka na anak, ha?" Napalingon ako sa sinabi ni tatay. Bakit siya humihingi ng pasensya? "Kasi hindi makapag-trabaho si tatay dahil sa nangyari. Kailangan mo pa tuloy mag-trabaho. Hindi ba makaka-abala sa pag-aaral mo 'yan?"

Sa nangayaring aksidente, 'yung nakabangga kay tatay ay pinakulong na namin. Wala siyang pera para magbayad ng danyos sa amin, ayun at nakulong. Kahit naman magbayad siya ay ipapakulong ko siya. Pagakatapos namin mag-exam ay didiretso na kami sa may cafe na sinabi ni Colline.

"Ayos lang 'yon, tay. Kaya ko naman at saka nag-apply ako ng scholarship," sabi ko sa kaniya para hindi na siya masyadong mag-isip. Kakayanin ko. Unang pagkakataon ko 'to na magtrabaho. Sanay naman ako sa mga gawaing bahay at ayos lang sa akin na maraming gagawain. Dahil nga maagang kinuha sa amin si nanay ay walang ibang gagawa sa mga gawaing bahay kundi ako, hindi pa maayos ang relasyon namin noon ni tatay.

"Frenny! Xeia, nandito na ako! Sinusundo na kita!" mala-megaphone na sigaw ni Colline. Nandito na pala siya. Kumatok siya ng kumatok sa pintuan namin na para bang magigiba na ang bahay namin. Tumayo na ako at binuksan na ang pintuan baka matuluyan ang bahay namin. Mahirap na.

"Sandali lang!" sigaw ko sa kaniya. Pagkabukas ko ng pinto ay direretso siya sa loob at umupo sa tabi ni tatay.

"Hello po tito! Kumusta na ho kayo? Magaling na po ba kayo?" Sunod-sunod niyang tanong kay tatay. "Sinusundo ko na ho ang anak niyo."

"Ano ba 'yan parang St. Peter? Ayoko kung gano'n," sabi ko sa kaniya. Ang gara ng pagkasabi niya ng 'Sinusundo ko na ho ang anak niyo' , 'Sinusundo na kita'."

"Ewan ko sa 'yo," sagot niya. Nakasuot siya ng off shoulder dress na red. Lumabas ang kaputian niya. Naka-sandals rin siya at medyo may takong. "Tara na at baka mahuli tayo. Baka matraffic pa tayo."

"Sige, sige. Alis na tayo." Kinuha ko na 'yung slingbag ko na nakapatong sa maliit na lamesa sa harap ng sofa. "Tay, alis na ho kami. Uuwi rin po ako kaagad pagkatapos kong mag-apply. Malapit lang ho sa University."

Tumago naman si tatay. "Mag-iingat kayo, ha? At galingan niyo sa exam."

"Sige po tito. Una na po kami," pagpapaalam niya. Kumaway kami kay tatay at lumabas na ng bahay. Pinauna ko siyang lumabas at sumunod naman ako sa kaniya. "Ayos na kayo ni tito?" Tanong ni Frenny pagkasakay namin sa van na sinakyan namin noon nung hinatid namin si Jung-Hyun sa airport. Hindi ko pa pala nasasabi sa kaniya. Umandar na ang van.

"Oo, ayos na kami," sagot ko. "Nung isang araw lang. Nagka-usap na kami ni tatay ng masin-sinan. Humingi siya ng tawad sa mga ginawa niya noon sa akin. Pero ayos lang naman sa akin 'yon dahil may kasalanan rin naman ako."

"Mabuti naman kung gano'n," sabi niya. "Oh? Bakit parang hindi ka masaya na nagka-ayos na kayo ni tito?"

Napansin niya na medyo malungkot pa rin ako kahit na nagka-ayos na kami ni tatay. May kulang pa rin kasi, e. Kahit na okay na kami ay kulang parin ang pamilya namin. Gusto ko mabuo ang pamilya namin pero imposible na 'yon. Maagang kinuha sa amin si nanay at si kuya naman ay hindi pa rin namin nahahanap.

"Sumuko na kasi si tatay sa paghahanap kay kuya, e," sagot ko sa kaniya. Nung sinabi ko kay tatay 'yon na hanapin ulit namin si tatay ay biglang umiwas ng tingin at tumahimik si tatay. "Ayaw ba niya na makita ulit ang anak niya? Kasi ako? Gusto kong makita at makasama ulit si kuya."

"Walang ibang sinabi si tito?" tanong niya. Umiling naman ako. "Baka naman may rason siya. Diba katulad nung dati? Kaya siya may galit sa 'yo dahil sa nangyari. Kaya ngayon ay baka may dahilan rin siya?"

"Dahilan? Ano namang dahilan? Kung sa pera ay magagawan ko naman ng paraan. Kung sa oras naman ay magagawan ko rin ng paraan, makita lang si kuya."

"Diba kailangan pa ni tito na magpagaling? Kaya baka gano'n ang rason niya?" sabi niya. "Di bale, tutulungan naman kita. Kung hindi kaya ni tito ay nandito naman ako."

"Salamat, Frenny, ha?" nakangiting sabi ko sa kaniya. Baka nga may rason si tatay. Hihintayin ko bang sabihin niya muna ang rason niya bago ko hanapin si kuya?

Habang bumabyahe kami ay tahimik lang kami sa loob kaya nagplay ng music si Colline.

"Nandito na ho tayo ma'am," sabi ni kuya Pol. Hindi na namin namalayan na nandito na pala kami sa University, hindi naman traffic kaya mabilis biyahe namin. Hinintay muna namin na huminto ang sasakyan bago bumaba. Pagkababa namin ay marami na ang nagkalat na mga tao sa harapan ng University. Bumungad sa amin ang mga nagbebenta ng mga street foods, kaliwa't kanan ang mag nagtitinda.

"Ma'am, text mo na lang po ako kung uuwi na po tayo. Magpa-parking lang ho ako," sabi ni kuya Pol.

"Sige po kuya Pol. Text na lang po kita mamaya," sagot naman ni Colline. Umalis na siya at umikot sa University, nasa likod ang parking area ng University na ito. "Grabe, ang daming tao, Frenny."

"Ay!" sigaw ko nang biglang may magbeep sa kaliwang bahagi ko. Nilingon ko 'yon, isang van din.

"Tumabi ka kasi, Ms.!" sigaw ni manong driver na nagbeep sa akin. Umalis naman ako dahil nakaharang pala ako sa daanan, sorry naman. Hindi ko na pinansin iyon at nagpatuloy na lang sa paglalakad.

"Tara."

Pagkapasok namin ng gate ay tumambad sa amin ang mala parke na lugar. May malaking main building at sa harap nito ay malaking fountain na napapaligiran ng damo, pwede raw mag-picnic roon. Nakapalibot din ang mga upuan na bato rito. Sa kaliwang bahagi naman ng main building ay nandoon naman ang gymnasium, karugtung no'n ay ang pool area. At likod naman non ay ang track field. Sa harap naman ng gymnasium ay open area. Nag-search ako about dito.

"Ang ganda talaga rito, Frenny. Excited na talaga ako na makapag-aral dito," sabik kong sabi. Naglakad na kami papunta sa harap ng main building.

Malawak pa ang harap nito, dito raw ginaganap ang pa-contest o kahit ano maliban sa gymnasium. Sa kanang bahagi naman ng fountain ay nandoon ang malaking cafeteria ng University. Nasa main building ang malaking library, sigurado doon ako tatambay. Ang ibang bahagi naman ay mga buildings na. May tennis court at volleyball court rin pala rito, magkahiwalay sila.

Kaya gusto ko rito mag-aral, e, maliban sa napakalaki ang University na ito ay maliit lang ang tuition fee, siguradong makakaya kong pag-aralin ang sarili ko. Nag-scholar naman ako, e, kaming dalawa ni Colline. Ang ibang University na malapit sa lugar namin ay ang mamahal ng tuition fees, pang-mayaman talaga. Itong si Colline ay ayaw niya raw sa school na hindi ako kasama, kaya ito kaming dalawa pa rin ang magkasama.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status