Share

Chapter 6

Author: kimmy
last update Last Updated: 2021-06-07 15:58:46

Xeia's POV

"Tara na, Xeia, baka matuluyan tayong ma-late." Hinila ako ni Colline pa-kanan dahil doon kami mag-e-exam. Aakyat kami sa ika-anim na palapag ng building gamit ang hagdan, alangan lumipad kami diba? May anim na palapag ang bawat building dito. Umakyat na kami ng hagdan.

"Wait lang, Frenny. Hinihingal ako," pagod kong sabi. Tumigil kami, nasa fourth floor na kami. Hinihingal akong sumandal sa pader, kinuha ko ang dala kong tubig at ininom 'yon. Maliban sa pagod sa pag-akyat ay ang init pa! Ang dami kayang tao. 'Bat kasi pinagsabay-sabay nila?!

"Dalawang floor na lang, Frenny. Ano ka ba!" Hinila ulit niya 'ko pero hindi ako nagpahila sa kaniya.

"Magkakatotoo ata 'yung sinabi mo kanina na 'Sinusundo na kita'," sabi ko sa kaniya. Baka pagkatungtong namin ng ika-anim na palapag ay liwanag na ang sasalubong sa amin.

"Ang OA naman! Kaya mo 'yan!" sigaw niya. Huminga muna ako ng malalim at saka nagpatuloy sa pag-akyat. Nang makarating na kami sa sixth floor ay nakahinga ako ng maluwag. Sa wakas!

"This is it!" excited na sabi ni Colline. "Galingan mo, Frenny, ha?"

"Syempre naman, dream University ko 'to, e. Galingan mo rin, ha?" Tumango naman siya. Nagkahiwalay kami ng room, 609 siya at ako naman ay 604. So, sa bandang gitna pa ang room na pupuntahan ko. Siya naman ay dito na sa harapan namin. Pumasok na siya sa room at umupo sa may bakanteng upuan. Kaunti na lang ang bakanteng upuan, iilan na lang ata ang hinihintay bago simulan ang exam. Kumaway na ako sa kaniya para makapunta na rin sa room ko.

Lumakad ako sa may gilid para tignan ang baba. Nagsisipasukan na ang mga estudyante sa mga building. Tinignan ko ang relo ko para tignan kung anong oras na. Shit! 9:59 na! 10:00 simula ng exam! Dali-dali na akong tumakbo papunta sa room, may mga ibang estudyante na nagmamadali na rin patungo sa kani-kanilang room. Medyo hiningal na naman ako pagkarating sa room. Sa likod ako dumaan para hindi agaw eksena pagkapasok.

One seat apart ang ayos ng mga upuan. Mga twenty lang ata kami sa loob ng classroom. Umupo na ako sa may gitnang bahagi dahil iyon na lamang ang bakante. Mayroong teacher sa harap at hawak-hawak ang mga test paper na sasagutan ata namin mamaya. Bigla akong kinabahan kasi mukhang masungit 'yung teacher kahit na magbabantay lang siya sa amin.

"Miss, 'yung bag mo," biglang sabi ng isang katabi kong lalaki. Nilingon ko ang tinuro niya. Nakita ko sa teacher's table ang mga gamit ng mga kasama ko. "Ilalagay roon."

Hindi ko napansin 'yon kanina, ha? Kinuha ko muna ang ballpen bago tumayo at nilagay ang bag ko roon sa harapan. Agad akong bumalik sa upuan ko, feeling ko lahat sila ay tinitignan ako. Biglang nagring ang bell ng buong building, hudyat na magsisimula na ang exam. Bigla na naman akong kinabahan, naku po. Sana madali lang!

"Kapag narinig niyo ulit 'yan ay dapat tapos na kayo sa exam," sabi ng teacher habang pinamimigay ang mga test papers. "Nakalimutan ko nga palang magpakilala. I'm Ms. Norry Clever. You can call me Ms. Norry." Binati naman namin si Ms. Norry ng good morning. Nag- hi, hello naman ang iba. "Meron lamang kayong 90 minutes para sa sagutin ang mga 'yan. Bawal ang dugaan at kopyahan, cheaters go to hell."

Nagsiyukuan na ang mga kasama ko para magsimula. May nakahanda ng mga folder dito sa lamesa para may mapagpatungan ng test paper. Ang style ng mga upuan at lamesa ay parang sa korea.

"Oh? Hindi pa nagsisimula ang pasukan, late ka na agad?" sabi ni Ms. Norry. Nilingon ko 'yung lalaking biglang pumasok sa room. "Here's your test paper and start now."

The way na magsalita si Ms. Norry ay nakakablanko ng isip. Kung magiging Prof. ko siya? Naku, yare! Laging blanko ang isip ko.

Walang ibang dala 'yung lalaki kundi ang sarili niya at ang hawak na ballpen. Nilibot niya ang mga mata niya sa buong kwarto para maghanap ng mauupuan. Naglakad siya at umupo siya sa kanang bahagi ko dahil itong lamang ang bakante. Nagsimula na siyang magsagot at nagsimula na rin akong magsagot. Inintindi ko na lang ang exam.

"Sana hindi kita maging estudyante dahil ayoko sa lahat ang 'yung nalalate," sabi ni Ms. Norry.

Habang nasa hospital kami ni Colline ay nag-re-review kami. Tinetest namin ang isa't isa. Gumagawa kami ng sarili naming quiz. Nagpi-pinoy henyo kami para mas matandaan namin ang mga lesson. Gano'n lagi ang gawain namin ni Colline tuwing may exams. Nagtutulungan kami, kaya ayon, valedictorian siya at ako ang salutatorian.

Nagpatuloy sa pagtakbo ang oras. Unti-unting nababawasan ang 90 minutes namin.

"Meron na lamang kayong limang minuto." Pagpapa-alala ni Ms. Norry sa amin. OMG! May five items pa! Ano, one minute per number? Tinignan ko 'yung lalaking late kanina, tapos na siya. Nagkukutkot na lamang siya ng kuko niya at parang bored na bored, sanaol tapos na. "Two minutes."

Sinagutan ko na ang huling item kaso nga lang ang hirap. Ano raw ang tagalog ng dream? A. Panaginip, B. Pangarap. Hayst, bahala na!

Sakto ay nag-ring na ang bell. Nilapitan niya kami isa isa. Ang iba ay hindi pa tapos pero kinuha na ni Ms. Norry ang test papers. Grabe ang hirap ng exam! Tapos 'yung dulo, meron ba no'n?! Nagsimula na umingay ang hall. Nagsilabasan na ang ibang estudyante. Nakita ko si Frenny sa labas ng room, sa harapang pinto. Nadaliian ata siya sa exam.

Isa pa, sanaol.

"Inaasahan ko na lahat kayo ay makapasa, lalo na sa grumaduate ng may awards," sabi ni Ms. Norry. Sa akin bumagsak ang huling tingin niya. 'Bat ako? Kilala ba niya ko? "Okay, pwede na kayong lumabas. Hintayin niyo na lang ang resulta." Lumbas na kami ng room.

"Grabe! Ang hirap ng exam! Hindi ko inaasahan 'yon, ah?" reklamo ni Colline paglabas ko.

"Nahirapan ka rin? Ako din, e," sabi ko. "Mabait 'yung teacher na nagbantay sa inyo?"

"Hey, hey, hey. Correction, Prof na hindi teacher," sabi niya. Anong pinagka-iba no'n bukod sa spelling? Parehas naman ailang tao at nagtuturo. "By the way, oo! Ang bait. Bakit? Sa inyo ba?"

Medyo lumapit ako sa kaniya at binulong na oo.

"Hala! Sana hindi siya ang maging Prof natin," sabi niya. Um-agree naman ako sa kaniya. Sawa na kami sa mga terror teacher! "Ano, tambay muna tayo rito?"

Nag-isip muna ako. Tinignan ko muna ang relo ko kung anong oras na. Magta-tanghalian na rin.

"Sige, try muna natin 'yung pagkain sa cafeteria," sagot ko.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • One Question: Why?   Chapter 26

    Xeia's POV Kinabukasan, nasa bahay lamang ako at gumawa ng gawaing bahay. Pagkasapit ng lunes, maaga akong nagising para maghanda nang pumasok. "Tay, alis na ho ako," paalam ko kay tatay. Hindi na siya nakawheelchair. Pumunta kami kahapon ng hospital para ipacheck-up siya at maayos naman ang naging resulta. Gayunpaman, kailangan pa rin niyang uminom ng mga gamot. Lumabas siya mula sa loob ng kusina. "Mag-iingat ka ha," paalala niya. "Opo," tugon ko. "Sige po, alis na ako. Mag-iingat din po kayo." "Sige," nakangiti niyang sabi. Tumungo na ako sa labas, dala-dala ang bag na naglalaman ng mga damit na magkakasya ng limang araw. Bukas na pala ang 18th birthday ni Colline kaya abala sila ngayon. Sa isang private venue gaganapin 'yon dahil may mga pribadong tao ang darating katulad ni Jung-Hyun. "Bye!" pagpapaalam ko kay tatay. Nakatayo siya sa may pinto at kumaway. Naglakad na ako papunta sa kalsada para maghintay ng masasakyan. Agad naman ako nakasakay. Habang nasa biyahe ako ay

  • One Question: Why?   Chapter 25

    Xeia's POV Umupo ako sa sofa at naghintay kung sino man ang papasok dito. Mayamaya pa ay bumukas ang pinto, alala ko si sir, iba pala. Isang babaeng nakasalamin at nakaputi, may stethoscope na nakasabit sa kaniyang leeg. Hindi naman katandaan ang itsura niya. Tumayo ako bilang paggalang. "Ikaw ba si Xeia?" tanong niya. "Opo," sagot ko. Kilala niya pala ako. "Nasaan si JD?" tanong niya pa ulit. "Lumabas po. Hindi ko po alam kung saan pumunta, hindi niya po sinabi," tugon ko. "Gano'n ba? Come here," aya niya sa akin. Minwersa ang kamay sa upuang kaharap ng kaniyang lamesa. Sumunod ako sa kaniya at siya naman ay lumapit sa upuan niya at saka umupo. Mayamaya pa ay narinig kong bumukas ang pinto na ikinalingon ko naman. Nakita ko si sir na may hawak na dalawang

  • One Question: Why?   Chapter 24

    Xeia's POV "Huyyyy, sige na. Xeia, ano na? Kaibigan mo ko, bakit hindi mo ako tulungan?" nagmamaka-awang sabi ni Colline. "Ikaw kasi, e. Walang tigil ang birada mo. Hindi mo man lang ako hinayaang magsalita," sabi ko sa kaniya. "Tapos ngayon ay hihingi ka ng tulong sa akin para mag-sorry sa kaniya?" "Kaibigan mo ko, syempre! At boss mo 'yon," aniya. "Hindi ko naman sinasadya 'yon," nakangusong sabi niya. "Hindi sinasadyang dire-diretso ang bunganga mo? At saka mamaya ka na nga magsalita. Nahihirapan ang tita mo sa pagma-make-up sayo, oh." Kanina pa siya salita ng salita dahil humihingi ng tulong para humingi ng tawad sa ginawa niya kay sir. Tsk tsk tsk. Kakilala pala ni tito Von si Ma'am Madi, nagkakilala raw sila sa isang charity. Mahilig sa mga bata si tito Von kaya naging Pediatrician siya. Tu

  • One Question: Why?   Chapter 23

    Xeia's POV "Dito na ata 'yon," sabi ko. Tinigil niya ang sasakyan. Binuksan ko ang pinto at saka lumabas ng kotse. "Teka, tawagan ko lang si Colline." Dinial ko ang number niya at ilang segundo lang ay sinagot naman niya. Naramdaman kong tumabi sa akin si sir. "Hello, frenny?" ["Oh? Nasa'n na kayo? Inaayusan na ako."] "Nandito na. Enchant's Garden 'di ba?"

  • One Question: Why?   Chapter 22

    Xeia's POV"Ako na!" sigaw ko sa kaniya sabay hablot ng ointment. Nagulat naman siya sa ginawa ko. Alam ko namang wala siyang masamang iniisip or anything. Unless meron? Hindi ako komportable kung siya ang gagawa. Hey, dibdib 'yon, 'no!"You sure?" tanong niya. Parang nadismaya pa, ha?"Malamang," tugon ko. Tinignan ko siya sa mata para sabihing lumabas na siya. Tumaas naman ang dalawa niyang kilay at bumulong ng what. "Labas. Kaya ko na pong gamutin sarili ko," mababang tono kong sabi sa kaniya.

  • One Question: Why?   Chapter 21

    Xeia's POVNaghintay ako na sumagot siya pero wala akong naririnig. Dinikit ko pa ang tenga ko sa pintuan. Wala atang tao sa labas! Iniwan ba niya ako? Huhuhu, paano ako lalabas?Napasandal na lang ako sa pintuan."Sir!" tawag ko pa. "Wala akong damit!""Ano mo ako? Nanay? Para sabihing wala kang damit?"Nanlaki ang mata ko nang may narinig na nagsalita.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status