Share

Chapter 7

Author: kimmy
last update Last Updated: 2021-06-07 16:03:03

Xeia's POV

"Ang mahal pala ng mga pagkain dito, masarap pa man din," sabi ni Colline. Nakaupo kami ngayon sa loob ng cafeteria. Maraming mga tao rito dahil sabay-sabay kaming natapos sa exams. Mabuti na lang ay may naabutan pa kaming bakanteng upuan. May second floor itong cafeteria pero hindi 'yon sapat para makaupo ang lahat ng nag-exam ngayon.

"Siguradong kaunti lang ang bibilhin ko kapag nakapasa ako," sabi ko naman. Nag-order lang kami ng two cups of rice at ulam, tanghalian naman na, e. Ang sarap ng adobo, ang galing ng chef rito. Ang ayos ng mga upuan at lamesa dito ay pahabang lamesa at pahaba ring upuan. Sampu hanggang labing-lima ang helera ng lamesa't upuan.

"Dalian natin para makalibot libot tayo rito sa University bago ang pasukan," pagmamadali niyang sabi sa akin. Puno ng pagkain ang bibig niya pero nagsalita pa rin, buti hindi siya nabulunan.

"Parang siguradong-sigurado ka na na makakapasa tayong dalawa o isa sa atin, ha?"

"Oo naman. Always think positive, Frenny. Ano ka ba!" masaya niyang sabi sa akin. "Sure na sure ako na makakapasa tayo dalawa."

"O, sige. Sabi mo, e," ani ko. "Tara na, tapos na akong kumain."

Uminom na ako ng tubig sa tumbler ko. Hindi ako umiinom ng tubig na hindi mineral pero alam ko naman na mineral ang tubig rito. Dati kasi uminom ako ng hindi mineral at ang nangyari ay sumakit ang tiyan ko at nagkaroon ng LBM, kaya simula no'n ay nag-iingat na ako sa iniinom at kinakain ko. Minsan nga hindi na ako kumakain at hinihintay ko na lang na makauwi sa bahay para makakain.

Natapos rin siyang kumain. Naku, mabagal talaga siyang kumain! Kahit kaunti lang ang pagkain niya. Parang kapag nilunok niya na ang kanin ay pinong-pino na, e.

"Hoy, ayos ka, ha?" sabi ko nang biglang may umupo sa tabi ko kaya napaupo ulit tuloy ako. Patayo na ako nang muntik ng matapon sa akin 'yung kaunting natirang adobo dahil sa kagagawan niya. "Hindi mo man lang ako hinintay na maka-alis?"

"Ang tagal niyong umalis, nangangalay na ako," mahinang sabi niya. Gano'n lang 'yon? Kung gawin ko sa kaniya 'yon? Kung matapunan 'tong damit ko? Bagong bili ko lang kaya 'to! Nilibot ko ang paningin ko sa buong cafeteria at walang bakanteng upuan. Pero hindi pa rin tama ang ginawa niya.

"Bastos," bulong ko pa. Tumayo na ako at kinuha ulit ang tray. Tinalikuran ko siya at hinakbang ang kaliwang paa para makaalis na nang...

"Oh my"

Bigla niyang hinawi ang baywang ko at napaupo ako sa hita niya! Napapikit ako dahil 'yung tray na hawak ko ay baka mahulog ang lamang babasaging plato, mangkok at baso! Tinaas ko iyon para mabalanse sa itaas. Unti-unti kong dinilat ang isa mata ko para tignan kung may nabasag bang plato, mabuti na lang ay hindi nahulog dahil wala naman akong nakitang basag na plato sa sahig. Dinilat ko na ang isa ko pang mata at pagkakita ko naman sa aking harapan ay nakatingin itong lalaki na 'to sa akin. Naramdaman ko na ang kaliwang kamay na ginamit niya panghila sa baywang ko ay nasa tiyan ko pa rin at ang kanang kamay niya ay nasa likuran ko.

"This is the real rude," sabi niya.

Malapit ang mukha namin sa isa't isa kaya naman rinig na rinig ko ang sinabi niya. Nang ma-realize kung ano ang ayos namin ngayon ay agad akong tumayo at masama siyang tinignan. Naka-agaw pansin ang ginawa niya kanina.

"Know the difference before you say it," dagdag niya pang sabi sa akin. Hindi na ako nasalita at walang ano-ano ay tinalukaran at umalis na. Tinawag pa ako ni Frenny na hintayin raw siya.

"Grabe 'yung lalaki, 'no? Ginawa talaga 'yon sayo?" Di parin makapaniwalang sabi ni Colline. Naglibot-libot kami kanina sa may harapan lang ng University dahil hindi namin kayang libutin ang buong University ng isang oras lang. Papunta kami ngayon ng library, 'yon ang huli naming pupuntahan. Kailangan na kasi naming pumunta sa cafe na sinasabi ni Colline para mag-apply ako ng trabaho, baka may matanggap pa sila na iba.

"Aish! 'Wag mo na ngang ipa-alala 'yon," irita kong sabi sa kaniya. Kanina pa niya sinasabi 'yan habang lumalayo kami sa cafeteria.

"Infairness gwapo siya, ha?" aniya. Gwapo? Bulag ata 'to.

"Gusto mo ipunta kita sa EO? Malabo na ata mata mo, e. Saan banda ang gwapo ro'n, aber? Attitude nga hindi maganda, e. Anong silbi ng gwapo niyang itsura?"

"O, you just said na gwapo siya!" biglang sigaw niya. May sinabi ba ko? "Fish is being caught through their mouth~" Pa-sing-song niyang sabi.

"Wala akong sinabing gwapo siya, ha! Ang sabi ko, anong silbi no'n kung meron man siya tapos gano'n ang ugali?" pag-uulit ko sa sinabi ko. Walang modo 'yung lalaking 'yon.

"Teka, Frenny." Pinahinto niya ako sa paglalakad.

"O, bakit? Na-realize mo na hindi siya kagwapuhan dahil sa modo niya? Ano?"

"Hindi 'yon!" aniya.

"E, ano?" tanong ko. "Maglakad na tayo, ah." Hinila ko siya para maglakad ulit. Hinto-hinto pang nalalaman, e.

"Parang kilala ko siya!" sigaw niya. Kilala?

"Artista?" Sikat ba siya? Kung sikat siya at maraming fans ay naku siguradong madi-disappoint ang mga tagahangga niya.

"Hindi!"

"E, ano nga? Wala akong oras para mag-pinoy henyo ngayon, Colline, ha?" ani ko. Hindi na lang sabihin ng diretso at ng matapos na ang sinasabi niya. Nakarating na kami sa library at patuloy pa rin siya sa pag-iisip kung saan niya na raw nakita 'yung lalaki. Hindi raw artista.

"Ayun, alam ko na!" sigaw niga ng maalala na. Sinuway ko siya dahil bawal ang maingay sa library kahit na walang librarian at mga tao. "Alam ko na! 'Yung lalaking nakahuli kay kuyang driver! Nung naaksidente si tito?"

"Di nga?"

-

"Ito na ata 'yon, Frenny," sabi ni Colline. Nasa harap na kami ng cafe. Naglakad lang kami papunta dito dahil tulad ng sinabi ko ay malapit lang naman.

"Tara, pasok na tayo," aya ko sa kaniya. Tinulak ko ang glass door at saka pumasok. Katulad ng nasa picture sa internet ay gano'n din kaganda ang cafe. Ang wall niya ay glass at may mga lamesa't upuan rin sa labas. Up and down ang cafe. Ang theme ng cafe ay wattpad, ang ganda niya. Nakita ko sa internet na ang second floor niya ay nandoon ang mga libro at pwedeng basahin. Karamihan raw na tumatambay sa second floor ng cafe ay mga estudyante. Dinadayo talaga siya maliban sa theme ay masarap rin raw ang mga foods rito.

Magkaiba ang coffee shop sa cafe. Ang coffee shop ay ang main focus niya sa menu ay mga kape habang ang cafe naman ay mga pastries and desserts rather than coffee.

"Ano po ang order niyo ma'am?" tanong ng cashier sa amin.

"Ah, hindi po kami mag-oorder," sagot ni Colline. "Ito po, oh." May pinakita siyang papel sa cashier na kinatango ng cashier. Tinignan ko 'yon at may nakasulat na 'WantedWaitress'. Sa'n niya nakuha 'yon?

"Ah, waitress po ba?" tanong niya, tumango naman kaming dalawa ni Colline. "May nakuha na po kasi kami, e."

"Ha?" gulat na tanong ko. "E, bakit mayro'n pang ganyan sa labas ng cafe niyo?" Turo ko sa hawak ni Colline. Aish.

"May problema ba?" May biglang lumabas na matangkad na babae mula sa loob ng kusina nila.

kimmy

While they were in the cafeteria, something happened again that she did not expect. The man earlier she was next to the exam was the first conversation they had didn't go well. Colline noticed something about the man.

| Like
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • One Question: Why?   Chapter 26

    Xeia's POV Kinabukasan, nasa bahay lamang ako at gumawa ng gawaing bahay. Pagkasapit ng lunes, maaga akong nagising para maghanda nang pumasok. "Tay, alis na ho ako," paalam ko kay tatay. Hindi na siya nakawheelchair. Pumunta kami kahapon ng hospital para ipacheck-up siya at maayos naman ang naging resulta. Gayunpaman, kailangan pa rin niyang uminom ng mga gamot. Lumabas siya mula sa loob ng kusina. "Mag-iingat ka ha," paalala niya. "Opo," tugon ko. "Sige po, alis na ako. Mag-iingat din po kayo." "Sige," nakangiti niyang sabi. Tumungo na ako sa labas, dala-dala ang bag na naglalaman ng mga damit na magkakasya ng limang araw. Bukas na pala ang 18th birthday ni Colline kaya abala sila ngayon. Sa isang private venue gaganapin 'yon dahil may mga pribadong tao ang darating katulad ni Jung-Hyun. "Bye!" pagpapaalam ko kay tatay. Nakatayo siya sa may pinto at kumaway. Naglakad na ako papunta sa kalsada para maghintay ng masasakyan. Agad naman ako nakasakay. Habang nasa biyahe ako ay

  • One Question: Why?   Chapter 25

    Xeia's POV Umupo ako sa sofa at naghintay kung sino man ang papasok dito. Mayamaya pa ay bumukas ang pinto, alala ko si sir, iba pala. Isang babaeng nakasalamin at nakaputi, may stethoscope na nakasabit sa kaniyang leeg. Hindi naman katandaan ang itsura niya. Tumayo ako bilang paggalang. "Ikaw ba si Xeia?" tanong niya. "Opo," sagot ko. Kilala niya pala ako. "Nasaan si JD?" tanong niya pa ulit. "Lumabas po. Hindi ko po alam kung saan pumunta, hindi niya po sinabi," tugon ko. "Gano'n ba? Come here," aya niya sa akin. Minwersa ang kamay sa upuang kaharap ng kaniyang lamesa. Sumunod ako sa kaniya at siya naman ay lumapit sa upuan niya at saka umupo. Mayamaya pa ay narinig kong bumukas ang pinto na ikinalingon ko naman. Nakita ko si sir na may hawak na dalawang

  • One Question: Why?   Chapter 24

    Xeia's POV "Huyyyy, sige na. Xeia, ano na? Kaibigan mo ko, bakit hindi mo ako tulungan?" nagmamaka-awang sabi ni Colline. "Ikaw kasi, e. Walang tigil ang birada mo. Hindi mo man lang ako hinayaang magsalita," sabi ko sa kaniya. "Tapos ngayon ay hihingi ka ng tulong sa akin para mag-sorry sa kaniya?" "Kaibigan mo ko, syempre! At boss mo 'yon," aniya. "Hindi ko naman sinasadya 'yon," nakangusong sabi niya. "Hindi sinasadyang dire-diretso ang bunganga mo? At saka mamaya ka na nga magsalita. Nahihirapan ang tita mo sa pagma-make-up sayo, oh." Kanina pa siya salita ng salita dahil humihingi ng tulong para humingi ng tawad sa ginawa niya kay sir. Tsk tsk tsk. Kakilala pala ni tito Von si Ma'am Madi, nagkakilala raw sila sa isang charity. Mahilig sa mga bata si tito Von kaya naging Pediatrician siya. Tu

  • One Question: Why?   Chapter 23

    Xeia's POV "Dito na ata 'yon," sabi ko. Tinigil niya ang sasakyan. Binuksan ko ang pinto at saka lumabas ng kotse. "Teka, tawagan ko lang si Colline." Dinial ko ang number niya at ilang segundo lang ay sinagot naman niya. Naramdaman kong tumabi sa akin si sir. "Hello, frenny?" ["Oh? Nasa'n na kayo? Inaayusan na ako."] "Nandito na. Enchant's Garden 'di ba?"

  • One Question: Why?   Chapter 22

    Xeia's POV"Ako na!" sigaw ko sa kaniya sabay hablot ng ointment. Nagulat naman siya sa ginawa ko. Alam ko namang wala siyang masamang iniisip or anything. Unless meron? Hindi ako komportable kung siya ang gagawa. Hey, dibdib 'yon, 'no!"You sure?" tanong niya. Parang nadismaya pa, ha?"Malamang," tugon ko. Tinignan ko siya sa mata para sabihing lumabas na siya. Tumaas naman ang dalawa niyang kilay at bumulong ng what. "Labas. Kaya ko na pong gamutin sarili ko," mababang tono kong sabi sa kaniya.

  • One Question: Why?   Chapter 21

    Xeia's POVNaghintay ako na sumagot siya pero wala akong naririnig. Dinikit ko pa ang tenga ko sa pintuan. Wala atang tao sa labas! Iniwan ba niya ako? Huhuhu, paano ako lalabas?Napasandal na lang ako sa pintuan."Sir!" tawag ko pa. "Wala akong damit!""Ano mo ako? Nanay? Para sabihing wala kang damit?"Nanlaki ang mata ko nang may narinig na nagsalita.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status