MasukKabanata 129Vanessa's POV “Masyado kang nagpapakapagod,” bulong niya.“I know.”“Magpahinga ka naman.”“I’m trying to.”“Try harder.”Dumampi ang mga labi niya sa leeg ko. Mabagal. Magaan. Sinadya ang bawat halik.“Sebastian,” mahinang sabi ko. “Kasama natin si Conrad.”Napailing ako, kahit hindi ko napigilang mapangiti.Samantala, kinuha na nga ni Conrad ang mga gamit niya at bumalik sa kuwarto matapos kaming paalamanan.“Conrad!” tawag ko.“Yes, Mommy?”“Okay ka lang diyan?”“Yes, Mommy. Nagdo-drawing ako ng picture para kay Daddy.”“Okay, baby. Sabihin mo lang kung may kailangan ka.”“I will!”Natawa ako bago muling bumaling kay Sebastian.Nakatayo pa rin siya sa likuran ko. Nakapulupot pa rin ang mga braso niya sa baywang ko.“Seb—”“Don’t say my name like that.”Napakunot-noo ako.“Like what?”“Like you’re about to tell me to stop.”“Maybe I am.”“Are you?”Gusto kong sabihing oo.Talaga naman.Pero tila ipinagkakanulo ako ng sarili kong katawan.May kakaibang kiliting gumagapa
Kabanata 128Vanessa's POVPansamantala munang ako ang nagma-manage ng kompanya dahil nagpapahinga si Sebastian sa bahay. Siya muna ang naging hands-on dad sa anak namin na si Conrad at ako naman ay sa kompanya. Kahit papaano, kinaya ko naman ang pagpapatakbo ng kompanya sa loob ng dalawang linggo.Napamahala ko ang parehong responsibilidad bilang COO at CEO sa loob ng dalawang linggo. Nakakapagod iyon. Pero sa totoo lang, nakakapalakas din ng loob.Araw-araw, alas-singko pa lang ng umaga ay gising na ako. Nirereview ko agad ang mga report mula sa nakaraang araw. Sumasagot ako ng emails mula sa international clients. Naghahanda para sa mga meeting kasama ang mga department heads. Nag-a-approve ng budgets. Pumipirma ng mga kontrata. Gumagawa ng mga desisyong nakaaapekto sa libu-libong empleyado.At gabi-gabi naman, umuuwi ako kina Sebastian at Conrad.Unti-unti nang bumubuti ang kalagayan ni Sebastian. Bumabalik na ang kulay ng balat niya. Dahan-dahan ding bumabalik ang enerhiya niya.
Kabanata 127Vanessa’s POV Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakaupo roon.Ilang minuto.Ilang oras.Tuluyan na akong nawalan ng pakialam sa oras.Pagkatapos ay may naramdaman akong bahagyang paggalaw at marahang pagpisil sa kamay ko.Mabilis akong napatingala.Dilat na ang mga mata ni Sebastian. Malabo pa ang paningin niya. Litong-lito. Pero gising na siya. Sobrang putla ng mga labi niya."Wife..." paos niyang tawag habang pilit na ngumingiti at sinusubukang umupo.Agad akong tumayo. Pinatong ko ang kamay ko sa dibdib niya."Don't move. You need to rest."Napahinto siya. "What happened?""You have a kidney infection. You've been in the hospital for hours.""A kidney infection?""You heard me. You've been sick for weeks. Maybe months. And you didn't tell me."Napangiwi siya. "I didn't want to worry you.""Well, you worried me anyway. You made it worse by not saying anything.""I'm sorry.""Kumusta na ang pakiramdam mo? Masakit pa rin ba ang tiyan mo?" nag-aalala kong tanong haba
Kabanata 126 Vanessa's POV Detalyadong ipinaliwanag ni Dr. Alcantara ang buong treatment plan. Ang antibiotics, monitoring, ang mga posibleng panganib, at ang magiging proseso ng paggaling. Maingat na nakinig si Mommy Kiara. Nagtatanong siya. Nagsusulat ng notes. Praktikal at organisado pa rin siya kahit nag-aalala. Gaya ng babaeng nagpalaki ng tatlong anak habang tumutulong sa pagpapatakbo ng negosyo ng pamilya. Tahimik ding nakinig si Daddy Chase. Seryoso ang mukha niya. wMahigpit ang pagkakakuyom ng panga niya. Hindi man siya gaanong nagtatanong, kitang-kita na iniintindi niya ang bawat detalye. Tahimik namang umiiyak si Kimberly habang inaalo siya ni Michael. At ako naman ay nakatayo lang ako sa tabi ng kama. Pinagmamasdan ang asawa ko. Mukha siyang napakahina. Napaka-vulnerable. Hindi siya iyong makapangyarihang CEO na kayang magsara ng bilyong pisong deal. Hindi siya iyong lalaking kinatatakutan ng mga kalaban niya sa negosyo. Napayakap si Mommy Kiara kay Daddy Chase.
Kabanata 125 Vanessa's POV "Kidney infection." Kalmado ang boses ng doktor. Pero parang isang malakas na suntok sa dibdib ko ang mga salitang iyon. Kakalabas lang ng resulta. Nakatayo ako sa loob ng hospital room habang mahigpit na nakakapit ang mga kamay ko sa gilid ng kama ni Sebastian. Tuloy-tuloy ang tunog ng mga makina. Masyadong maliwanag ang mga ilaw. At amoy antiseptic at takot ang buong silid. Napatingin ako kay Sebastian. Tulog pa rin siya. Maputla ang mukha niya. Tuyo ang mga labi. Mababaw ang paghinga. Sa maliit na upuan sa tabi ng kama, nakaupo si Conrad habang hawak-hawak ang kamay ng ama niya. Ayaw niyang umalis. Ayaw niyang bumitaw. "Kidney infection," ulit ko. Parang hungkag ang boses ko. "Yes, Mrs. Montefalco. The test results came back positive. Your husband has a severe kidney infection. It's been developing for some time." Humarap ako sa doktor. "How long?" tanong ko. "How long has he had it?" "Yes." Sinilip ni Dr. Alcantara ang chart niya. "Bas
Kabanata 124Vanessa's POV“Seb, bilisan mo naman! Baka mahuli tayo sa kasal ng kapatid mong si Kimberly!”Mula sa harap ng salamin ay napabuntong-hininga ako habang inaayos ang hikaw ko. Halos sampung minuto ko nang tinatawag si Sebastian pero hindi pa rin siya lumalabas ng banyo. Kanina pa ako handa. Siya na lang talaga ang hinihintay ko.Ngayong araw ang kasal ni Kimberly. Isa ito sa mga pinakahihintay na okasyon ng buong pamilya kaya ayokong ma-late kami. Bukod pa roon, malapit na malapit si Sebastian sa kapatid niya. Alam kong ayaw na ayaw niyang mapalampas kahit isang bahagi ng seremonya.“Seb?” muli kong tawag habang kumakatok sa pintuan. “Are you okay in there?”Walang agad na sagot.Lalo akong kinabahan.Ilang segundo pa ang lumipas bago dahan-dahang bumukas ang pinto.Agad akong natigilan.Namumutla si Sebastian.Pawis na pawis siya kahit malamig naman ang air-conditioning sa loob ng bahay. Magulo rin ang buhok niya at parang hirap siyang tumayo nang tuwid.“Seb!”Mabilis ak
Kiara’s POVPagkaalis ni Joan, agad akong bumalik sa silid namin ni Chase para makapagpahinga kasi buong araw akong gising.Mabigat ang pakiramdam ko. Hindi ko alam kung dahil sa pagod, sa pagbubuntis, o sa dami ng nangyari nitong mga nakaraang araw. Kahit anong pilit kong ipikit ang mga mata ko, hi
Kiara’s POVKanina pa ako hindi mapakali mula nang umalis si Chase upang puntahan si Kara sa ospital. Hindi na ako sumama dahil gabi na rin at ayaw niyang mapagod ako. Ilang beses pa niya akong pinigilan bago siya umalis.“Stay here, Kiara,” sabi niya kanina habang suot na niya ang coat niya. “I do
Kara’s POVKagigising ko lang dahil tumawag si Papa sa akin. “Kara, kumain na kayo. Kailangan sabay-sabay tayo kasi umuwi na ang paborito ninyong anak, si Kiara,” ang boses niya mula sa sala, malinaw at may kasamang pagkaudyok.Kahit labag sa loob ko ang makita ang babaeng laging inuuna sa kanila,
Kiara’s POVEmosyonal akong umupo sa sofa pagkatapos umalis ni Chase sa bahay para sa kanyang business trip sa Mexico. Dalawang linggo siyang mawawala roon, at pagkatapos, Thailand naman ang pupuntahan niya.Hindi ko maiwasang kabahan. Alam kong trabaho lang iyon, pero iba ang pakiramdam kapag mag-i







