LOGINStay tuned for more updates! Thank you po sa gems at comments.
Kabanata 20Vanessa’s POV“Vanessa, paki-review nga ng new project natin sa Montefalco,” utos ni Sebastian sa akin nang pumasok ako sa opisina niya.Katatapos ko lang kumain kasama ang ibang empleyado. Medyo pagod pero maayos ang mood ko—hanggang sa makita ko ang mukha niya nakabusangot.Napahinto ako sa paglakad at tinitigan siya.“May problema ka ba sa akin?” diretsong tanong ko.Hindi siya agad sumagot. Nakatingin lang siya sa laptop niya, parang hindi ako narinig.“Sebastian,” ulit ko, mas madiin na ang boses. “I’m talking to you.”Huminga siya nang malalim bago tumingin sa akin.“Wala,” tipid niyang sagot.Napatawa ako nang bahagya.“Wala?” ulit ko. “Sigurado ka?”“Yes.”Lumapit ako sa kanya. Hindi ako kumbinsido. Kilala ko na siya kahit paano.Kapag ganito siya, may iniisip siya.Tumayo ako sa likod niya at dahan-dahang hinilut ang balikat niya.“Seb…” malambing kong tawag.Hindi siya gumalaw.Yumuko ako at hinalikan ang leeg niya.“Huwag mo akong daanin sa ganiyan,” saway niya,
Kabanata 19Vanessa's POV Yumuko ang mga sales lady. Ang isa sa kanila, 'yung kanina ay nang-iinsulto sa akin, ay halos hindi na makahinga sa takot. Namumutla siya. Nanginginig ang mga kamay niya.Biglang namutla si Leona. Hindi na siya 'yung babaeng kanina ay punong-puno ng kumpiyansa. Ngayon, para siyang isang daga na nahuli sa bitag. Hindi niya inaasahan na makikita ni Sebastian dito. Hindi niya inaasahan na maririnig ni Sebastian ang lahat ng sinabi niya. At higit sa lahat, hindi niya inaasahan na tatayo si Sebastian para sa akin.“Nasaan na ang manager dito?” tanong ni Sebastian. “Ipapatanggal ko lahat ng nang-insulto sa asawa ko.”Hinawakan ko ang kamay ni Sebastian. Hindi dahil sa gusto ko siyang pigilan. Dahil gusto kong maramdaman niya na nandito ako. Na hindi niya kailangan gawin ang lahat para sa akin. Na kaya ko rin ipagtanggol ang sarili ko.“Hindi na kailangan,” bulong ko sa kanya. Sapat na ang ginawa niya. Sapat na ang pagtayo niya sa tabi ko. Pero tumingin siya sa ak
Kabanata 18Vanessa's POVMas lalong lumaki ang pagngiti ni Leona. Kitang-kita ko ang saya sa mukha niya. Ito na siguro ang gusto niyang mangyari mula pa noong magkita kami sa banyo noong auction. Gusto niya akong mapahiya. Gusto niyang ipakita na kahit anong gawin ko, hindi ako belong sa mundo nila. Gusto niyang patunayan na kahit anong mamahaling damit ang isuot ko, kahit anong alahas ang ibitin ko sa katawan ko, kahit anong apelyido ang dala-dala ko, hindi pa rin ako magiging katulad nila. At sa tingin niya, ngayon na ang pagkakataon niya para gawin iyon sa harap ng mga sales lady na handa namang makisali sa pangmamaliit sa akin.Pero hindi niya alam na hindi na ako 'yung dating Vanessa.“I have money,” sabi ko sa kanila. Hindi ko na kinausap ang sales lady na nagsabi ng ukay-ukay. Diretso ang tingin ko kay Leona. Gusto kong makita niya na hindi ako natatakot sa kanya. Gusto kong makita niya na kahit anong sabihin niya, hindi na ako natatakot.Tiningnan nila ako ng maigi. 'Yung isa
Kabanata 17Vanessa's POV Nang binaba niya ang tawag, nakita niya akong nakatitig sa kanya. Bigla siyang kumalma. ‘Yung tipong parang nag-flip lang ng switch. Nawala ang inis sa mukha niya. Pinalitan iyon ng kalmado na pamilyar na sa akin.Binalingan niya ng tingin ang mga alahas na binili niya para sa akin na nakatambak sa mesa.“Matulog ka ng maaga,” sabi niya. Hinubad na ang suit niya at naglakad patungo sa banyo. “May pupuntahan tayo bukas.”Hindi na ako nagtanong kung saan. Sanay na ako na sinasabihan lang kung saan kami pupunta, kung anong oras, kung ano ang susuotin. Hindi naman sa nagrereklamo ako. Mas gusto ko na iyon kaysa mag-isip pa. Mas gusto ko na siya ang nagdedesisyon para sa akin kaysa ako ang magdesisyon at magkamali.Nang pumasok siya sa banyo, tumingin ulit ako sa cellphone ko. Nakatitig ako sa pangalan ni Tita Maria sa call log. Isang tawag lang. Isang tawag na nagpapaalala sa akin kung saan ako nanggaling. Kung anong klase ang pamilyang iniwan ko. At kung bakit
Kabanata 16Vanessa's POVPag-uwi namin galing sa auction, hindi ako makatulog agad. Nakahiga ako sa kama habang nakatingin sa kisame, pero ang nasa isip ko ay ang mga nangyari kaninang gabi. Ang mga mukha nina Gerald at Leona nang sunod-sunod na binili ni Sebastian ang mga bagay na nagustuhan ko. Ang galit sa mga mata ni Gerald. Ang inggit sa mukha ni Leona. Ang pakiramdam na sa unang pagkakataon, hindi ako ang talo.Bumangon ako at tiningnan ang mga nakalagay sa mesa sa gilid ng kwarto. Doon ko pinatong ang mga nabili ni Sebastian sa auction para sa akin. Isang bracelet na may batong dark blue, isang maliit na painting na hindi ko pa alam kung saan isasabit, at isang vintage watch na hindi ko naman alam kung isusuot ko ba talaga. Hindi ko alam kung saan ilalagay ang mga ito. Hindi ako sanay na may mga bagay na ganito kamahal. Hindi ako sanay na may nagbibigay sa akin nang hindi humihingi ng kapalit.Masaya ako sa naging reaksiyon ni Gerald kanina. Iyon naman ang gusto ko, na makita
Kabanata 15Vanessa's POV“Ikaw ang dating sekretarya ni Gerald, ‘di ba?” tanong ni Leona. Hindi niya ako binati. Hindi niya ako kinausap nang maayos. Diretso agad sa tanong na alam kong gusto niyang itanong mula pa kanina.Mabilis akong tumango. “Yes, Leona. Bakit?” Naglagay ako ng foundation sa mukha, parang walang nangyayari. Hindi ko siya tinitigan sa salamin. Hindi ko siya hinarap. Gusto kong ipakita sa kaniya na hindi ako natatakot sa kaniya, pero hindi ko rin kailangang patunayan ang anuman.“May relasyon ba kayo ng fiancé ko noon?” tanong niya, at ang boses niya ay matigas. “At paano mo naging asawa ang isang Sebastian Montefalco?”Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Hindi ‘yung tingin na sinusukat kung maganda ba ako o hindi. ‘Yung tingin na hinuhusgahan ako. ‘Yung tingin na para bang sinasabi niyang hindi ako karapat-dapat sa kinaroroonan ko.“Isa ka lang namang sekretarya,” dagdag niya, at ang tono ng boses niya ay puno ng pangmamaliit.Ngumisi ako.Sa totoo lang, nas
Kiara’s POVIsang linggo na mula nang huli kong makita si Uncle Chase. Isang linggo ring parang may kulang sa loob ng bahay. Tahimik. Masyadong tahimik. Walang yabag ng sapatos niya sa umaga, walang tunog ng pagbukas ng pinto sa gabi, walang presensiyang sanay na sanay na akong maramdaman kahit hin
Kiara’s POV“Anak, anong oras ka uuwi mamaya? Susunduin ka na lang namin,” sabi ni Mama nang sagutin ko ang tawag niya.Hindi ko agad sinagot. Nakatutok pa rin ang mga mata ko sa screen ng computer, binabasa ang mga detalye ng kasong hawak ko. May hearing ako bukas, at ayokong magkamali kahit sa isa
Kiara’s POV Nasa restaurant ako ngayon kasama ang isa sa pinakaimportanteng kliyente ko. Family dispute ang kaso nila, at ako ang kinuhang litigation lawyer. Matagal na kaming nag-uusap tungkol sa strategy, sa posibleng galaw ng kabilang kampo, at kung paano namin ihahanda ang sarili namin sakaling
Chase’s POVBuong araw akong tutok sa computer at sa trabaho. Sunod-sunod ang mga dokumentong kailangang pirmahan, mga kontratang kailangang repasuhin, at mga tawag na hindi ko sinasagot. Ayokong may kausap. Ayokong may istorbo.Kaya nang bumukas ang pinto ng opisina ko, agad akong nainis.Mas lalo







